A/N: hindi ko makakalimutang pasalamatan ang lahat ng nagreview at patuloy na nagbabasa nito. lalong-lalo na kay shadow-wind auror na nag-review talaga sa bawat chapter.. salamat po talaga! keep 'em coming! i live for reviews! haha.. :))
Disclaimer: hindi nga ako marunong magdrowing e..at kumukupas na ang aking talento sa pag-likha ng tema para sa mga kwento.. pano nyo niyan masasabing ako ang gumawa ng Naruto.. :D
Gabay:
Italics- actions, thoughts
-Bold Italics- mga epal ni Inner Sakura (at mga inner self pa ng ibang mga karakter..)
Nakaraan sa Kahit Na..
Pero sino kaya iyon?
Lumingon ako agad sa aking likuran, baka kasi ang babaeng inutusan ng Hyuuga ay narito pa, ngunit sa aking pagkagulat, dahan-dahaaan nang nauubos ang mga tao. At ang konting natira ay nag-aayos na ng kanilang buhok, nakasuot na ng kanilang gym uniform.
Paubos na ang aking oras..
Kailangan ko nang magmadali!
At ngayon, aking inihahandog ang ikaapat na parte ng aming walang patutunguhan na istorya..
Kailangan ko nang magmadali!
Late na talaga ako.. as in.. kung-kaya't I hurriedly placed on ang aking P.E. uniform, hindi na pinapansin if naisuot ko iyon ng tama man o hindi.
'Mahuhuli na ako! Kung hindi ko pa bibilisan, 'di malayong ma-mark na ako nito as late! E perfect pa naman din ang attendance ko since nung asa Ninja Academy pa ako...'
'Wag kang mag-isip ng ganyan! May tatlong minuto ka pa! Kaya natin 'to!' giit ni Inner Sakura.
Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin aking sarili, nang may naramdaman akong pamilyar na presence sa may aking likuran.
"Hinata?"
"Ano... Sakura? Okei ka lang ba? Pinagdiskitahan ka ba ule ni Kuya Neji? Pasenya na talaga.. Bayaan mo.. susubukan kong pakiusapan si Kuya na tigilan na nya ang panggugulo sa iyo. Pasensya na talaga.." Paulit-ulit niyang iwinika, as her head bowed down lower.
Napangiti ako sa mga binitiwang salita ng aking matalik na kaibigan..
'Talagang malaki ang naitulong ng relasyon niya with Naruto, don't you agree?'
'Oo nga pala ano! Sila na ni Naruto!' shocked na sagot ng aking Inner Self, while crossing out the said Uzumaki's name off her "Mga Kandidato na Posible Maging Bagong Pag-ibig ni Haruno Sakura" list
Ulyanin.
"Hindi.. Okei lang yun Hinata.. Pero pwede mo bang ipangako sakin na na kakausapin mo yung sira na yon at ipaliwanag na hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga pinaggagawa niya sa akin?" Pangiti kong sinabi.
"a.. e.. Sige ba.."
Siguro nagsilbi na yun bilang isang hakbang sa pagkaka-ayos ng relasyon ko with Neji.
Lumingon then ako sa aking ever trusty wristwatch, checking kung gano katagal na kaming nag-uusap ng aking kaibigan.
2.38 pm, it says.
Napa-blink ako.
"Hinata! Malalate na tayo! Mauna ka na! Bilis!"
"Pero Sakura.. Ikaw—"
"Wala nang pero-pero! Ano? Sige na! Humayo ka na tungo sa gym! Susunod na ako! Bilis!"
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Aa.. hai.."
Maybe dahil sa takot or some sort of unknown force, tumakbo siyang palayo.
'Nakup! Pati si Hinata, biniktima mo! Wala ka talagang awa! Tao ka nga ba talaga?'
'heh. Obvious ba?'
Pagkatapos na pagkatapos kong mag-apply ng liberal amounts of CreamSilk Leave-on at ilang hairpins sa aking malagong buhok –na pina-abot kong muli sa aking bewang pagkalipas ng Chuunin Exam- I dashed my way palabas sa locker room for girls, hindi na nasaisip ang oras, papunta sa gymnasium ng academy.
Mahiyain talaga si Hyuuga Hinata.
Well.. That is nung hindi pa dumadating ang isang certain blonde sa buhay niya.
Matagal na kasing may gusto kay Naruto yang si Hinata. Kaso nga lang.. As usual, nahihiya nanaman siyang sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero as I expected, after nung preliminary match ni Neji versus si Hinata, tinigilan na ang paghahabol sa'kin ng bakero na yon, at nagsimula na nyang ma-appreciate lahat ng mga ginagawa ni Hinata para sakanya..At 'di naglaon, he made the first move at niligawan ang dating-tahimik na Hyuuga.
So tama na ang pag-uusiyoso sa kanyang love life. Punta naman tayo sa kanyang pamilya.
Si Hinata at si Neji ay magkapatid at kabilang sa isa sa pinakamayamang pamiliya dito sa Konohagakure. Nagmamay-ari sila ng mga 'di mabilang-bilang na korporasyon na kumalat dito, sa bayan ng Suna, Otogakure at pati na rin sa Hidden Mist.
Pumapangalawa naman ang ang Uchiha Clan, kung saan kabilang si Sasuke at ang isa pang nyang gwapong kapatid na Anbu Captain ang role sa kwentong ito..
Si Kuya Itachi.
-Teka.. Off topic nga. Diba kay Hinata dapat umiikot ang parte sa kwento na ito?-
Sige na nga.. Anu bang masama kung haluan ko rin ng intro yung mga Uchiha, ha?
-wala. Sige na. Resume.-
Okei.
Actually, magkakambal ang dalawang Hyuuga na ito. Mas matanda si Neji ng tatlong segundo kesa kay Hinata. Kaya naman kung tawagin niya si Neji ay "kuya".
-Cleared na ang isyu. Continue. Ibang impormasyon naman ang i-share mo.-
Kaarawan nila sa ikatatlo ng Hunyo.
-gosh! Malapit na pala! Kelangan na natin bumili ng regalo! Tamang-tama! Wala na daw load si Hinata..at paubos na ang kanyang internet card! Hehe..-
Bloodtype O.
Vital statistics ni Hinata—
-Yah, yah.. blah. blah. Yung matinong info, pwede?-
Matagal na nga pala kaming magkakilala ni Hinata. Since we were four, naglalaro na kami together..
Gustong-gusto naming ang larong jackstone, sungka, chinese garter, patintero, ninja-ninjahan, dress me up, fashion shows, tea parties, barbies, prinsesa-prinsesahan.. ano pa nga ba?
-wag mong kalimutan ung pag-aakyat nyo sa malaking puno ng Cherry Blossoms sa Sakura Park.-
Oo nga... yun ren..
kaso nga lang, sa tuwing may-maeexperience ako ng something good, andjan naman si Neji para sirain ang araw ko.
Hindi ko pa ba nasasabi sainyo?
Matagal na yang pahamak na iyan na ginugulo ang maayos kong buhay.. Since 4 kami, ganyan na siya..
So ngayon ay ang aming 13th year na nag-aaway..
Kung tutuusin, 'di nga kami ganun ka-close pero tinuturing ko parin siya bilang isang kaibigan. Ni hindi ko nga alam kung anong ginawa ko sakanya para tratuhin ako ng ganitong kasama e..
Dapat siguro may anniversary na kami anu?..
Balik sa kwento.
Yehey! Nadaanan ko na ang Cafeteria! Lapit na aku sa gym!
Wheeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
Akin nang nararamdaman ang matinding pasakit sa akin once na narating ko na ang aking destinasyon, na-iimagine ko na ngayon na dumating na sa court si Coach at kasalukuyang nag-chcheck na ng attendance.
"Okay, class.. Magandang hapon sainyong lahat. Kung sino ang wala dito ay makakatanggap ng matinding parusa maya-maya.. I-tsetsek ko na ang inyong attendance. Umupo ang lahat." Anunsyo ni Kakashi-sensei sa klase.
"Sir Kakashi!" sigaw ni Ino. "Papasok po ngayon si HYUUGA NEJI sa klase!" sinisigurado nyang maririnig ng lahat ang kanyang sinabi.
Umingay ang lahat. Bihira lang kasi talaga na pumasok sa P.E. yang si Neji. Baka nga itong araw na to ang kauna-unahang nyang pagkakataon na umatend sa ganitong klase. Dahil sa t'wing may P.E kami, he's either practicing nang mag-isa sa basketball court o kaya naman sa soccer field namin. Team captain at ace player kasi namin siya for both our basketball and soccer varsities e..
Kaya pala..
Baka nga yun ang dahilan kung bakit maraming nagkaka-gusto sakanya.
Napataas ang kilay ng aming guro.
"Talaga? Kung gayon, bakit kaya wala pa siya dito?"
Napakamot ang chidori-user ng ulo.
"Oo nga, coach! Mas late siya kesa sayo! Ang pagkakaalam ko, dito sa iskwelahang ito, ikaw ang laging late! Mali! Ang pinaka-late pala!" singit ng isang k.l.s.p.ng lalake.
Parang bumigat ang hangin sandali due to the intense titigan ng mga students at ni Kakashi.
Then, a sudden burst of uncontrollable katatawanan ensued.
"Baka po kasi nahihirapan siyang maghanap ng kanyang size ng uniform mula sa P.E. Department.. Ito po kasi ang una nyang klase sa subject na ito e.." depensa ni Ino.
"Sor..ry, Sir.. Na..late..po...ako" Hingal kong sinabi, grabe.. ang tindi nun... kung sumali kaya ako sa Track Team next year?
Sa wakas! Narating ko rin tong lugar na to!
"Yo."
Nanlaki ang aking mga mata sa boses na narinig..
And this time, hindi ko ito ginawa o purpose.
Ang paglaki ng mata ko, I mean.
Unti-unti kong inikot ang aking ulo at 90 degrees pakaliwa.
At nakita ko ang taong binwiset ako ng walangn tigil sa araw na ito.
Oo. Si Hyuuga Neji.. Nakatayo sa aking tabi..
At muli nanamang nagsisi-tilian ang mga female chuunins na nandito.
At 7.8 centimeters nalang at magto-touch na ang aming balikat..
Nang napansin ko ito, lumayo ako ng kaunti mula sa bastardong iyon.
"Haaay, at last! Dumating na rin ang dalawang taong hinihintay ko. O, siya! Umupo na rin kayong dalawa." Natatawang sagot ng aming walang-magawang-matino-sa-buhay na sensei.
Papunta na ako sa aking lugar sa tabi ni Hinata nang biglang, "Oo nga pala. Opisyal kong dinedeklarang pareho kayong.. LATE." Dagdag niya.
At nagkindatan pa ang dalawang manyak.
-si Kakasi at si Neji ang tinutukoy na aking Outer Self..-
Minsan, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit magkasundong-magkasundo yung mga yun.
Kunsabagay.. Madami nga naman silang parehong kinahihiligan..
Tulad nalang sa sports. Pareho silang magaling dun. Both ay magagaling na ninja ng Konoha. AT siyempre, pareho rin silang mahihilig sa babae..
Grabe talaga ang mga kalalakihan ngayong henerasyong ito..
'Uuugghhh.. Kelan ba ako magigising sa bangungot na ito?' I wailed inwardly.
'Ang OOC mo naman..'
"Noong nakaraang linggo, nag-discuss tayo tungkol sa iba't-ibang mga topic na mayroong kinalaman sa AR, CPR at ang proseso sa Mouth to Mouth Resuscitation. At iba pang mga bagay na makakatulong para sa practical exam nyo sa semester na ito." Simula ng naka-maskarang jounin.
Hmmmmmmmmmmmm.. ano nanamang kabulastugan ang ipapagawa sa'min ngayon nito?
"At alam naman nating lahat na si Binibining Haruno Sakura dito ay ang captain at ang pinaka-magaling na swimmer dito sa ating paaralan ng mag dadalawang taon na. At kung ikaw ay kabilang sa swimming team, dapat lang na alam mo ang standard procedure ng MMR. Napaka-swerte natin at narito siya ngayon. Sakura? Pwede ka bang pumunta dito sa harapan sandali?" Nasisiyahang tanong ni Kakashi.
Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na sumuway sa kanyang pakiusap.
Diyos ko.. bakit ako pa? Ako nalang.. ako, ako, lagi nalang ako..
Wai meeeh?
Habang pinagpapatuloy ko ang aking 'di matapo-tapos na ranting sa loob ng ulo ko, nag- start nanamang magsalita ang taong asa harapan.
"So ngayon, para magkaroon kayo ng ideya kung paano ang tamang paraan ng pagsasagawa ng activity na ito, i-dedemo satin ang Mouth to Mouth Resuscitation ni Haruno, bilang parusa."
Nang nakatayo na ako sa platform ng gymnasium, katabi ni Kaka-sensei, tinanong niya ang klase.
"So.. Sino sainyo ang may gustong gawin ang MMR kasama si Sakura? Mas maganda siguro kung lalake ang boboluntariyo.."
Minulat ko ang aking mata ng ilang bese para maka-sigurado sa aking nakikita.
Walang ni-isa sa kanila ang nagtaas ng kamay!
How dare they?
Oh well.. mas maganda nga iyon e.. ibig sabihin lang naman nito na hindi ko na kailangang gawin ang walang kwentang demo na ito.
'Yes! Yehey! Yahoo! Google! Ang saya-saya! Wowowee! Yoshi! Hahaha..' sigaw ng aking Inner Self sabay taas ng kamay with a triumphant smile etched on her mukha...
Siguro ayaw rin niya na magmumula dito sa nakakasusuyang sitwasyon na ito ang aking first kiss..
Yep. Tama ang nabasa nyo..
First kiss.
Sumasayaw na ng chocolate, boogaloo na may halong bop it si Inner Sakura when..
"Uy! Meron na tayong masuwerteng volunteer!" The silver-haired jounin abruptly inanunsiyo.
Nang narinig ko iyon, hindi talaga ako makapaniwala sa mga salita na lumabas sa mga labi ng aming guro.
Bumilis ang tibok ng aking puso, tila gusto nang makawala at makatalon paalis sa aking sumisikip na dibdib.
Pinikit ko ng mahigpit ang aking mata.
Ayoko nang malaman ang susunod na mangyayari.
And I mean it.
"Ano? Pwede ka na bang pumunta ditto sa harapan para masimula na natin kaagad ang ating demonstrasyon?"
A/N: Kung ayaw nyong basahin to, its fine with me. maki-ride nalang kayo sa kwento, pwede ba?.. :) okay.. so i modified the story a bit..
konting klaripikasyon:
ginawa kong mag-on si Hinata at si Naruto..
nagkaroon ng Team 7, kaso nga lang... hindi dito obsessed si Sakura kay Sasuke... it's da oder way around.. pero quiet lang si Sasuke about sa isyu.. :D
siyempre hindi rin mahuhuli ang dating Chuunin Exam, yung fight ni Neji at Hinata, nabanggit sa chapter na ito.
pinahaba ko rin yung buhok ni Sakura, instead of her keeping it short.
at magkapatid dito ang dalawang paborito nating chuunin na nagmula sa angkan ng Hyuuga.
si Itachi nga pala.. andito ren. hindi siya rito kontrabida. in other words, ang Akatsuki ay non-existent dito. :D
yung tungkol sa birthdate ng kambal at blood type, kay Neji yung info na yun..
semi-AU nga pala tong fic.. mejo modern..
and yeah.. ito nga pala ang aking SARILING version.. kaya sana po 'wag kayong magtataka kung may nabago.. :)
suggestions and comment? paki sama na lang po sa inyong mga review. salamat:)
