A/N: hahaha.. nakkah naman! nag-update na rin sa wakas ang loka! hahahaha.. pagpasensyahan na po sa sobrang late na update.. sana basahin ninyo pa rin ang kuwentong ito kahit napakahaba ng mga chapters.. salamat ng marami sa mga nag-review! hindi nyo lang alam kung gaano ako kasaya nang mabasa ko ang mga review nyo.. salamat muli!

R&R!

Disclaimer: hindi aken toh. klaro?

Gabay:

Italics- actions, thoughts

-Bold Italics- mga walang kwentang pa-epal na singit ni Inner Sakura (at mga inner self pa ng ibang mga karakter..)


Nakaraan sa Kahit Na..

"Uy! Meron na tayong masuwerteng volunteer!" The silver-haired jounin abruptly inanunsiyo.

Nang narinig ko iyon, hindi talaga ako makapaniwala sa mga salita na lumabas sa mga labi ng aming guro.

Bumilis ang tibok ng aking puso, tila gusto nang makawala at makatalon paalis sa aking sumisikip na dibdib.

Pinikit ko ng mahigpit ang aking mata.

Ayoko nang malaman ang susunod na mangyayari.

And I mean it.

"Ano? Pwede ka na bang pumunta ditto sa harapan para masimula na natin kaagad ang ating demonstrasyon?"

At ngayon, aking inihahandog ang ikalimang parte ng aming walang patutunguhan na istorya..


"Ano? Pwede ka na bang pumunta dito sa harapan para masimulan na natin kaagad ang ating demonstrasyon?"

Umihip bigla ang hangin, dagdag effect sa tila na-freeze na pangyayari sa loob ng malaking gym.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng aking dibdib, habang iniisip kung sino ang mga posibleng nagtaas ng kamay.

Sa kalagayan kong ito..

Isa lang ang posibleng mag-boluntaryo...

-Thump. Thump. Thump. Thump. Thump.-

'Hindi kaya...'

-Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.-

'Si..'

-pa.pa.rap.pa.pap..boogsh..bam.bam.ka-duggity thump..-

'Neji..ang'

-love.ko.to..ka-thump.bop.dug.dug.dug.dug.ka-thumpity dug...-

'Nag-b-boluntar—yo?'

"Hoy, Hyuuga. 'wag mo na sana kaming paghintayin." Tinatamad na dagdag ng aming guro.

'WTF? Hindi to pupwede! Bakit ako pa? Oh, Diyos ko! Bakit Niyo po ako ginaganito? Nagsimba naman po ako nung Linggo, a! Photehk naman o!' mura ko sa sarili habang dahan-dahang tumatayo ang wangbung sadista, as he ran a hand sakanyang "Instant Ayos" na buhok na sinamahan ng mga 'oohs' and 'aahs' ng mga a-little-bit-bruha-looking fangirls na asa kanyang paligid..

'Yan kasi.. iniisip masyado si Neji.. Tuloy.. muahahahaha...' tukso ni Inner Sakura. 'Pero you've got to agree... 'di hamak na mas maganda ang buhok nya kesa sayo.. Mukhang nagpa-rebond a..'

'Hinde.. shinampoo lang yan..'

'Sure ka?'

'Oo.. sabi ko sayo mag-Rejoice nalang tayo e... Wa-epek talaga yung Brand X ni Michael V..'

"Neji naman.. Baka gusto mo nang pumunta dito.. Madami ka pa namang oras para magpasikat daverch?" Asar na sabi ni Kakashi.

Napalingon ako sa direksyon ng aming guro..

At sa kanyang kadalasang hindi mabasa na mukha ang mga salitang na parang ngayong araw ko lang makikta..

May halong saya at malisya ang kanyang tingin.

'SAKURA.. IKAW NANG BAHALA KAY NEJI A?'

Godammit... Hindi maganda ang kalalabasan nito...

Sure ako doon..

This is a bad day..

"NE-JI! NE-JI! NE-JI!" pati ang mga lalake sa aming klase ay nakisali na rin..

Very bad..

"WOOOOOOOOT! GO NEJI! KAYA MO YAN! WAKEKEKEKEKEKK!"

Very, very bad..

Mabibigla talga ako kung may dadaan pang araw na mas sasama dito...

Tapos may biglang tumayo.. Kazu ata ang pangalan.. Biruin nyo ba naman.. Nag-cartwheel! Mga tatlong beses pa! Daig pa nya si Lee at ni Sir Gai! Ang tindi! Hindi pa ata siya nakuntento noon at nag-split pa!... Halatang chinecheer ren ang Hyuuga.

Napa-twitch ang aking kaliwang mata.

Wow..

And I thought Neji was supposed to be gay.

Ang nakakatindig-balahibo na pangyayaring ito ay sinundan ng isang masigabong palakpakan mula sa mga estudyante ng aming klase, na sinamahan ng mga halakhakan at hagikhikan nang simulan nanaman nilang muli ang kanilang so-called "encouragement" sa brunette.

At hindi pa ako pini-PMS nito a...

Fighting off a smirk, sinubukang patahimikin ni Kakashi ang aming mga kamag-aral by clearing his throat.

Na kung alam ko lang ay puno na ng plema..

"Ahem, ahem."

Tch.. para naman kasing uubra.

"Tulad ng aking sinasabi kanina, si Haruno dito ay kasapi ng ating swimming team. At kung kasali ang isa dito, kailangan na alam niya lang ang tamang proseso sa paggamit ng Cardiopulmunary Resuscitation, o mas kilala sa tawag na CPR."

Sa parteng ito, inaasahan ko na makaririnig ako ng maraming giggles.. pero.. ang pinagtataka ko lang.. well, oo nga.. may mga ibang kinikilig na halos magmukang kiti-kiti na sila sa kanilang kina-uupuan.. pero ang napansin ko ay halos ang buong female population ng aming class ay nakatitig somewhere sa may aking direksyon.. na parang gusto na nila akong ibaon ng buhay..

Dali-dali akong tumingin sa aking may likuran, expecting to see such kabaliwan as Uchiha Sasuke kissing Temari of the Sand. Kasi, kung inyong binasa ng mabuti ang aking walang kakwenta-kwentang istorya, mapapansin nyong isa reng kinababaliwan na personality ang nasabing Uchiha, sa kabila ni Hyuuga na nasa aking tabi---- teka...TABI KO? Kelan pa? I mean... WTFH...

"At napakasuwerte talaga natin ngayon sapagkat kasama natin ngayong hapon si Binibining Sakura na BUONG PUSONG i-dedemo kay Ginoong Hyuuga ang CPR---"

Tapos andito pa ako ngayon.. Stuck sa pag-dedemo ng CPR sa bastardong Hyuu—

"NANI?" Bigla akong napasigaw, habang ni-reregain ang aking composure mula sa aking dazed look kani-kanina lamang..

May mas lalala pa ba kesa sa araw na ito?

"A.. E... Pasensya na po Kakashi-sensei, guys.. Because this, I cannot do. Sapagkat, kung inyong mamarapati—"

Pinutol ako ng matandang tulig na iyon sa pamamagitan ng apat na salita that eventually made me do it.

"Detention, Haruno. With Hyuuga."

Tch. Being the star student that I am, hindi kailanman aking nanaisin na magkaroon ng detention. Okey na ang isa. At hindi ko na kailangan pang sabihin na ako, si Haruno Sakura ay sadyang napakalayo kay Hyuuga Neji pagdating sa aming ugali.

And opposites, tulad namin, DO NOT, and I mean NEVER, would attract.

Pero hindi siya interesado sa akin kung hindi sa aking napakagandang katawan.

Manyak.

Oh well..

Hindi ko naman iyon ganong pinapansin. Basta't hindi lang niya ako momolestyahin tulad ng ginawa niya kaninang umaga e.

Speaking of molestya, babuyan at abuso..

"Sige nanaman o, Haruno.." Siko sakin ni Sir Kakashi patungo sa chuunin, isang mapaglarong ngiti ang kasalukuyang nakatago sa likod ng kanyang tusong maskara. "alam ko namang... EKSPERTO na kayo pagdating sa bagay na ito e.."

Kailangan pa ba talaga niyang i-emphasize ang salitang "EKSPERTO"? Nang aking napansin ang kaasar-asar na smirk ng Hyuuga, biglaang tumaas pa lalo ang aking BP. Hindi ko akalaing ganito kabilis magkalat ng tsismis ni Kurenai.

"Tch. Let's get this over with." Aking sinabi, habang aking tinitigan ang malalalim na mala-perlas na mata ng taong asa aking harapan.

Binigyan siya ng aming guro ng kulay asul na tela, sabay binulungan ng kung-ano na nagdulot ng biglaang pamumula ng pisngi ng dating kalmadong Neji.

Mayroon akong masamang pakiramdam ukol dito.

Giving me a wink, sinimulan na niya ang paghiga sa tela na pinahiram sa amin ni Sir.

Nang siya'y nakahilata na sa banig ng maayos, nagsimula na akong lumuhod sa kanyang tagiliran, nang biglang lumutang ang kwentong "Sleeping Beauty" sa aking isipan.

Parang isasadula namin dito ang parte kung saan hahagkan na ng gwapong prinsipe ang nahihimbing na prinsesa.

Pero sa aming sitwasyon, ako ang naging prinsipe at si Neji naman ang prinsesa.

'Oi, aminin mo nga.. Hindi ba mas bagay naman talaga ang papel na prinsesa ke Neji?'

'Oo nga e..' sagot ko, habang sinusundan ko ng tingin ang bawat linyang matatagpuan sa mala-porselanang kutis ng nakahigang anghel, nang hindi napapansin.

Sadya palang kahanga-hanga ang itsura ng isang anghel 'pag nakita mo ito ng malapitan..

'Senyorita baluga! 'wag mo sanang masamain kung naistorbo kita diyan sa maganda mong panaginip, a! Pero kung hindi mo napapansin... Naglalaway na po kayo diyan sa pagtitig niyo kay Neji!'

'A.. pasensya na.. di ko lang talga kasi maiwasang—'

'OO na.. sige na. Totoo namang nakaka-inlab ang mga ganyang uri ng bastardo e!'

'Haaaaaaaaaaaay.. Kunsabagay.. Teka.. AAAAAAAAARGGGGGH! Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko ito! Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji. Hate ko si Neji..' Paulit-ulit ko winika ang mantra sa aking utak, pilit na iniwawaksi ang bawat bakas ng malisya at ang aking –NABUBUONG- pagtingin sa napaka-gwapong aspiring ANBU Captain na iilang inches nalang ang layo ng kanyang mga labi sa akin.

"HARUNO! A.. e... hindi ba dapat na mas uunahin mo ang pag-diin mo sa dibdib ng iyong pasiyente bago simulan ang proseso ng pagbibigay ng hangin?" patawang salita ng Copy Nin, habang dali-dali kong itinungo ang aking ulo.

"Ahehehe.. Pasensya po, Sir.. Nakatulog na po ata ako sa kahihintay ng dapat niyong ipagawa e.. Hehehe.." I smiled sheepishly.

"Hay, Sakura. Kung alam ko lang.." Mayabang na pahayag ng Hyuuga habang unti-unting dumidilat at bumabangon sa pagkahiga. "Napaka-Out Of Character mu naman.. Hindi ko na talaga kayang sundan ang mga mood swings mo.. Kanina-kanina lang halos sumabog ka na dyan sa galit.. Tapos ngayon parang ang ewan mong tingnan."

"Hmph."

Hindi pa nakakaupo ng tuwid ang chuunin na aking kinakagalitan, sinutok ko na siya muli pababa, hindi na gaanong pinapansin ang mga nakakamatay na tingin ng kanyang mga fans.

"Sige na, tama na yan, Haruno. Class, habang idine-demo satin ni Sakura ang tamang paraan ng paggawa ng CPR, ay tatalakayin naman natin dito ang bawat niyang gawin."

Sinimulan ko na ang ang pag-diin sa parte ng kanyang dibdib at ang dahan-dahan ko ditong pag-release.

Nang nakadating na ako sa puntong kailangan ko na "bigyan" ng hangin ang Hyuuga, kung saan kailangan ko nang ipaglapat ang aming mga labi...

Bullsiyeht...

Pagkatapos nito..

Ayaw ko na talagang makita ang pangit na mukha ng bastardong ito.

Dahan-dahang ko nang ibinababa ang aking mukha, pinipilit na ipikit ang aking mga berdeng mata, inaasahang mabura ang magandang mukha na asa aking harapan sa aking memorya.

Ang matapang na amoy ng cinnamon at mint ay dumaloy sa hanging aking nalalahanghap.

At unti-unti nang naglalaho ang espasyo sa pagitan ng dalawang malambot na labi.

"Hahaha.. O, siya! Maupo na kayong dalawa." Wika ni Kakashi.

Nang nakarating na ako sa aking kinauupuan kanina, madali akong binulungan ni Hinata ng mga paulit-ulit na salita ng patawad.

"Sakura.. Pasensya na talaga.. Sori.. Kanina.. tapos ngayon ulit.. Sori na talaga."

"Ha? Ah..." aking nasabi, sabay kamot sa ulo. "Okey na yun. Nangyari na e, hindi ba? Pero.. parang gusto ko na nga lang na pumutok ngayon.. Nakakatatlong strike na yang si Neji saken, e!"

Napangiti si Hinata sa biglaang ugat na lumitaw sa aking noo at sabay sa pagyakap sa akin.

Nagsalitang muli ang aming guro. "Class, eto na ang mga handouts nyo sa CPR at ang mga tamang steps sa pag-execute ng prosesong ito." Habang pinapasa ang mga papel.

Nandilim ang aking paningin.

"SIR KAKASHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!" isang malalim at kahindikhindik na tili ang nagmula sa akin.

"Hrmm? Haruno? May gusto ka bang ikwento sa klase?" inosenteng tanong ng jounin.

Nanggagalaiti pa rin sa galit, lumakad ako tungo sa aming manyais na sensei. "Actually sir, meron nga po akong nais ibahagi sa ating klase."

"Una sa lahat." Bigkas ko sa napakababang tono..

Yung para bang galling pang 6 feet under yung voice.. may mala sa demonyo...

"AngLakasNamanNgLoobMongIpahiyaAkoSaHarapNgBuongKlase!Kakashi!SinapianKaBaNiChakkaDoll,BragudaOBakaNamanNiApoAbukayDyanParaMagingGanitongKalupetSaMgaEstudyanteMo?BinigyanMoPaKamiNgHandoutsParaLangSaTopicNaTo.PutragesKa..BakitMoPaBaKamiPinilitNaGawinYangSinumpangDemonstrationNaYan?99NaPorsyentoNgMgaAndiritoNgayonAyNakitaAngBuongPangyayaringIyon?AsInMulaSaPaglalapatNgAmingLabiAndSoOn!KahitNapakaliitManYunKungTutuusin,AlamMoBaKungGanoKaChichismosaAngMgaImpokritaDito!HellerNaman,Sir!LabingPitongTaongGulangNaPoKamiDito!AtSanaWagNyoSamantalahinAngPagtapakNaminSaAdulthood!"

Hindi ko hinayaang bumigkas kahit isa man lang na salita si Sir Kakashi hanggang hindi pa ako natatapos sa mahaba kong speech.

Naglabas ako ng isang mahabang buntong hininga at ipinikit panandalian ang aking mga mata..

Asar.

Goshness...

Di ko na 'to take.

"E sa gusto ko e, may masama? Trip ko lang. Kokontra ka?"

Raaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwrrrrrrrrr...

Hindi ko mapigilang ang paglagas at ang biglaang pamumuti ng ilang piraso ng aking buhok at sa panandaliang paglitaw ng ilan sa aking mga wrinkles dahil sa matinding inis, asar at galit.

"A. So ganun lang pala yun. Sige. Salamat sa pagsagot mo sa aking tanong, KA-KA-SHI SENSEI!"

Padabog akong bumalik sa aking lugar at sinalubong naman ng mga salita ng pag-aalala mula kay Hinata-chan.

"Okay lang ako, Hina. Sa katunayan, I've never felt better."

"O, siya. Hahatiin ko na kayong klase ayon sa mga pareha na natitipuhan ko." Sabi ni Ginoong Kakashi na sinabayan ng isang kindat sa aking direksyon. "Babae sa lalaki. Praktisin ang CPR. Iyan ang inyong trabaho sa araw na ito."

"...Yamanaka at Nara."

"Hyuuga Hinata at Uzumaki."

"Aburame at Tsuchi."

"Inuuzuka Kiba at... Kazu. Hoy, tama na ang arte. Pasalamat ka, Kazu at wala nang natirang babae dito. Pero sa na wag mo naman abusuhin ang pagka-gwapo nitong si Kiba.."

Nang nakapili na ng lugar ang bawat pareha kung saan nilang gusting gawin ang kanilang CPR practice, may binigkas muling ilang salita ang aming Coach bago siya umupo sa isang tabi at sinimulang basahin ang pinakabagong volume ng kanyang Come Come Paradise.

"Wag kayong mag-alala. Inaprubahan itong actividades na ito ng P.E. Department." Dagdag ni Kakashi habang pinapagpag sandali ang platform kung saan siya umupo at sinimulang basahin ang kaniyang latest edition ng Icha Icha Paradise.

Eewness.

Enihoo, hindi na sa amin ni Neji pinaulit ang exercise..

Which is DEFINITELY a good thing.

Makalipas ang 30 minuto, pinalayas na kami ni Sir Hatake sa gym.

Isa na lang ang ibig sabihin nito..

Kailangan ko nang harapin ang pinakamalaking balakid sa aking sosyal na reign bilang ang Star Student ng aming hamak na klase at ng aming buong paaralan.

Ano ito?

Heh.

Iniintindi mo ba ang binabasa mo?

Oras na para sa..

D.E.T.E.N.T.I.O.N.

ko kasama ang manyak na may puting mata.


A/N: hahahaha.. tapos na rin sa wakas! sori kung napakahaba! R &R po! enkshoo!

hanggang sa muli:) on da way na po ang ikaanim na chapter:)