H i n d i p a g m a m a y a r i . . . a n g k u l e t n i y o n a m a n . . .


C h a p t e r 2: S a B a h a y mo. . .

Bwiset! Akala ko pa naman kaibigan ko si Chouji! Hay Naku, kay lungkot nga naman ng buhay. Isip ni Shikaamru, habang may natutulog na Ino sa kanyang likod. "Pasalamat ka, Ino. Pasalamat ka at cute ka." A-ha nagkaroon ng lakas ng loob! Palibasa kasi torpe eh. "Salamat... Shika... maru..." Bulong ni Ino, nagulat si Shikamaru. pero alam niyang tulog pa rin ito kasi hindi naman siya ganun eh. Wala lang talaga sa sarili 'to.

Tae, ang bigat! nag-buntong hininga na lang si Shikamaru at patuloy na naglakad.


Samantala, kina Neji at Tenten...

Sana naman walang masamang intensyon yoong si Naruto kay Hinata! Kung hindi... SIYET, YARI KO! Baka palayasin ako ni Master Hiashi, tapos ire-rape ako ng mga bakla! Tapos pagtatawanan ako ng iba! Tapos mamatay ako sa gutom! HINDI! HINDI PWEDE! ASAN YUNG BAHAY NI NARUTO! Tae, pano pag nakiota ko na lang si Hinata a Naruto... Natataranta si Neji, halatang halata na masyado siyang... ahem, matured.

Nang biglang, "ay kurenkeng mo!" Napa-sabi ni Neji, habang may kunai sa kanyang leeg. "Ano ka ba naman, Tenten."

"Neji?" Tanong ni Tenten, obyus na kakagising lang niya. Tumayo si Tenten at tumingin sa paligid. "Nyah? Paano ako napadpad dito?"

Nag-sweat drop si Neji. "Nakatulog ka sa Ichiraku, Tenten. ngayong gising ka na, umuwi ka na sa bahay niyo."

Ngumiti na lang si Tenten, at naglakad patungo sa madilim na daan. Paalis na rin sana si Neji ng biglang... "EEE-YAAAAAHHH!" (tinatawag yat ako ni Tenten.. hehe, nickname ko kasi iya hwe hwe hwe) Narinig niya ang hiyaw ni Tenten, mabilis siyang tumungo kay Tenten, nakita niyang naka-upo at nakitingin siya sa sahig.

"Hi-Hinde. Hindi maari." Pabulong bulong si Tenten.

"Tenten! Tenten! Anong nangyari!" Tanong kagad ni Neji habang hawak ang likod niya. "Neji..." naka-tingin parin siya sa sahig.

Nang tignan ni Tenten si Neji, nagulat siya na makita si Tenten na parang batang umiiyak! (Yung chibi tapos ganito: (T-T)) "Nawawala yung isa kong kunai!"

"Tae ka! Pinagalala mo ko tapos yun pala nawala lang yung isa mong kunai!" Sigaw ni Neji.

"Nag-aalala?" Whoops! Busted si Neji.

Sa sobrang inosente ni Tenten ay hindi na lang niya inalala yung sinabi niya. "Hindi mo naiintindihan, Neji! Yung kunai na iyon, yun rin ang susi ko sa bahay!"

"Kunai, susi? Ang weird naman." Pabulong na sinabi ni Neji, pero dahil cool siya. "Siguro naman bubuksan ng mga magulang mo yung pinto."

"Magulang?" Inulit ni Tenten. "Neji, wala akong mga magulang."

"Oo nga pala." Kawawang Tenten... Hay naku.

"Tara."

"Hoy, san tayo pupunta, punyemas!"

Tumingin kay Tenten si Neji. "San pa. Eh di sa bahay namin." Pause. "Unless lang kung gusto mo makitulog kina Lee?"

Kinilabutan si Tenten. Iniimagine kung maki-tulog siya kina Lee. Wala kang makikita kung hindi berde! ang kama ay may berdeng kutchon, at berden unan. Siguro may mga squirrel rin! Kaya tatlo ang pinagpipilian ni Tenten. Kina Lee, Neji, o Sakura. Ayaw niya kina Ino, spagkat pipilitin nanaman siyang maging eleganteng babae dun.

Pag kay Lee... puro berde, at may mga squirrels pa! Parang zoo!

Pag kay Sakura... puro pink, baka maging katulad siay ni Ino!

Pag kay Neji... puro puti, at malaki rin! Pero kumportable naman, di ba? Kaya no choice siya kung hindi kina Neji. "No choice naman ako eh."


Kina Sasuke at Sakura naman.

Bango pala nito ni Sakura... Wika ni Sasuke habang dala dala si Sakura sa kanyang mga braso. (bridal style ika nga!)

San ko patutulugin 'to pag nasa bahay na? Nagisip at nagisip si Sasuke. San nga ba?

Hindi nagtagal nasa bahay na sila. Sinipa ni Sasuke ang pinto para bumukas ito, at sinipa ulit para mag-sara. Ang bahay niya ay malaki, kahit na siya lang ang nakatira dito. Hindi niya namn mailalagay si Sakura sa mga Guest Room dahil... maalikabok doon, at tinatamad naman siyang maglinis.

"Sa kama ko na lang, at matutulog na lang ako sa sofa." Bulong ni Sasuke, inilatag niya si Sakura sa kanyang kama. Pero,nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Sakura, na parang unan. Anak ng kinalbong manok! Talagan minamalas nga naman ako, oo.

Ayaw niya namang gisingin si Sakura, dahil pag nagising siya... Baka magpumilit pang umalis, at kung ano pa ang mangyari. Siyempre, concerned siya eh. Di baaaa?

Nakatulog siya katabi si Sakura. Ano kaya ang reaksyon nila pag-gising nila? WAHAHAHAHAA!


Samantalang kay Naruto."Naku... paano 'yan? Makalat ang bahay ko." Nang biglang dumating ang kamalasan.

"NEJI!" Yup, malas! Kasi pag nakita niya si Neji, malalaman niya ang bahay ni Hinata.

Buti na lang tulog na tulog si Hinata, sa likod ni Naruto.

"Neji! Asan ba yung bahay niyo?" tanong ni Naruto, napalaki yung mata ni Neji nung nakita si Naruto at Hinata, pero nanumbalik kagad ang pagka-cool niya. "Hindi ba pwedeng sa bahay niyo?"

"Hindi pwede, makalat dun eh."

Napasimangot si Neji. "Sundan mo ko." Kainis naman 'to si Naruto! Saayng hindi makakatulog si Hinata sa bahay niya.. Hay naku... malas, palpak plano ko. Isip ni Neji. Yap, pinaplano niyang magka-mabutihan yung dalawang iyon.

At nakarating sila sa Hyuuga Compound. "Tara."

Nang nakapasok, may katulong na nagbuhat kay Hinata. "May mga kasama ako, dito sila matutolg sa ngayon." Wika ni Neji sa katulong, at tumango na lang ang katulong. "Teka, pati ako dito matutulog?" tanong ni Naruto, habang nakaturo ang daliri sa sarili.

Ngumisi si Neji. "Siyempre, madilim na naman sa labas eh."

"Sus! Okay lang naman! Layas na ko ah..." Pero bago makaalis si Naruto, naka-isip kagad ng plano si Tenten. "Ramen ang almusal!"

"Tama! ramen!" Nagpasalamat si Neji kay Tenten ng patago. Yeba! Ang galing mo, Tenten! the best ka!

"O SIGE! SAN KWARTO KO!"


Balik ulit tayo dun kina Shikamaru...

"Late ka na umuwi, tapos nag-uwi ka pa ng babae! Naku, Shikamaru! Sinasabi ko sayo, hindi maganda ang magkaroon kagad nga nak sa edad na labing-anim na taon!" Bunganga ng nanay ni Shikamaru, pero mahina lang, baka magising si Ino. "Ma, wala naman akong balak na gawin yang sinasabi niyo!" Bastusing ina! Tama, bastusing ina!

"Ah, sige. Pero, anak? San ba s'ya matutulogh, noh?"

"Oo nga noh." Nagisip isip si Shikamaru, hindi pa niya alam yun ah. Hmm... saan kaya? Hmm...

Nang makita ni Shikamaru ang nakakatakot na ngiti ng kanyang ina. "Ano nanaman, ma?"


"Huhuhu... bakit kalingan ako yung sa sahig? Aray ko, ang tigas naman ng semento. Bwiset na buhay namn oh." Pabulong na sabi ni Shikamaru, hanggang sa unti unti siyang maka-tulog.


Lahat ay tulog na... almost.

Isang lalaki ang pumasok sa silid ni Hinata. "Ganda niya talaga." Pabulong na sinabi nito. Dahan dahan siyang lumapit sa kama, at inalog si Hinata ng marahan. Tila ginigising niya ito. "Hinata... Hinata!"

Minulat ni Hinata ang kanyang mga puting mata, ito'y nanglaki ng makita si...

"Naruto!... A-Anong ginagawa mo dito?"

Si Naruto ay may ngisi sa kanyang mukha. "Hinata, may gusto lang ako gawin."


Hep hep hep! Kailangan na tapusin diyan! Ops! Walang bastos dyan ah! WALA! Wag kayong beystus!