Hindi ko pagaari ang kantang Silvertoes at ang Naruto

Genre: Humor, Parody

Pairings:Uchiha Sasuke and his rabid fan girls

for your reading pleasure (remove the spaces):www . youtube . com / watch ? v G0iZMw-ze8

dedicated to Shizuku Seta


MGA TANDA

Lyrics

"Nagsasalita"

'Nagiisip'


Minsan sa buhay ng ating bida

BAM.

BAM.

BAM.

"Oo na babangon na," ang sigaw ni Naruto.

'Kainis. Sino naman ang hinayupak na ito ang aga-aga eh.'

BAM.

Sa galit ni Naruto binuksan nya ang pintuaan at…

"HOY, KUNG DI MO NAPAPANSIN MAY MGA TAONG NAIS MATU-Sasuke?"

"Dobe, pag may naghanap sa akin sabihin mong di mo ako nakita ha. At wala kang pakialam sa mayabang na tulad ko," sinabi ng kanyang karibal habang dali-dali pumasok sa bahay nya.

"Teka, sinabi mo bang tawagin kitang mayabang? Ano ba nakaain mo?"

"Mamaya na ha. Mahabang kuwento. Pede bang isarado mo yang pintuan," ang sagot ni Sasuke habang nagalakad sa buong pamamahay tila may hinahanap.

'Ano naman kaya ang pakana ng mayabang na ito?' ang naiisip ni Naruto habang sinsara ang pintuan.

"Mabuti sinara mo na. Saan ba pedeng magtago dito?"

"Ano! Papasok ka sa bahay ko ng hindi nabibigay ng paliwanag tapos magtatanong ka kung saan ka pedeng magtago?"

"Wag ka ngang mai-"

BAM.

"Ahh nandito na sila tandaan mo yung mga sinabi ko," at pumasok ito sa kabinet nya.

"Hoy wag ka dyan babaho ang mga-"

BAM.

'Sino naman kaya itong pinagtataguan ni Sasukeng mayabang? Teka naduduwag na siya muhkang magagamit ko ito'

At binuksan nya ang pinto.

"MAGANDANG UMAGA."

"HOY NARUTO SAAN MO TINAGO SI SASUKE."

Napakaraming babae. Tila yata nagtipong ang buong kababaihan ng Konoha.

"Hoy sumagot ka?"

"Hindi ko alam."

"Sinungaling."

"Ano naman bang gagawing ng pangit na yon sa bahay ko."

Biglang nahirapan siya huminga.

"Teka bakit ganyan kayo tumingin?"

"HINDI"

BLAG.

"PANGET"

BOG.

"SI"

KABLAG.

"SASUKE"

BOG.


Malipas ang ilang minuto.

"Halika na muhkang wala nga si Sasuke rito."

At mabilis na umalisa ang mga bisita samantala…

"Araaaaaay kooooooo."

At lumabas ang dahilan ng lahat.

"Oi wala na ba sila? Naruto anong nangyari sa iyo?"

"Ikaw, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito," ang sigaw ni Naruto bago niya ito biglang sinakal.

"Oi dobe ano ba di ako makahinga."

"Dapat kang mamatay."

At dahil muhkang di magbabago ang isip ni Naruto.

WAPAK.

"Aray ko."

"Bagay lang sa iyo yan."

"Anong bagay? Pagkatapos ako bubuhugin ng mga babae mo."

"Di ko sila babae!"

"Eh bakit ka nila hinahabol?"

"Hindi ko alam."

"Sinabi mo na ba na ayaw mo sa kanila?"

"Ang dami nila."

"Alam ko na idaan mo sa kanta."

"Kanta?"

"Oo."


Ready na ang lahat. Matagal-tagal din nilang pinaghandaan ito. Nahirapan din sila maghanap ng mga tututog. Oo marami ngang magagaling na ninja ang Konoha pero bibihira lang ang marunong tumugtog. Pero mas maayos sana kung mayroon pa silang nahanap na iba.

"Ah Lee pagkakataon na natin ito."

"Tama po kayo Gai-sensei."

Sa di kalayuaan..

"Naruto, bakit sila pa?"

"Makontento ka na. Sila lang ang marunong tumogtug dito."

"Siguraduhin mo lang na gagana ito."

"Oo, akong bahala."


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Yan ang sigaw ng mga kakabaihan ng bayan ng Konoha. Malipas ang ilang minuto ay tinaas na ang curtains at let the show begin.

PAROKYA NI EDGAR'S SILVERTOES

Wag kayong magalala

Matagal-tagal pa ako maininlab

Bakit ba pakiramdam nyo pa yata

Lahat kayo ay papapatulan ko

Mga miss, pakitigil lang please

Ang inyong pagpapantasya

Hindi kayo nakakatuwa

Papakain ko kayo sa ahas kong si Manda

AAaaaa...yay yay yah...

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit kayo ganyan

Ang feeling nyo ako'y sabik sa lahat ng kababaihan

Sorry, pagpasensyahan nyo na

Mali talaga ang inyong inaakala

Lahat kayo ay kinaiinisan ko

Matitikiman nyo na ang Katon No Jutsu ko

Di ako na-tuturn on sa sigaw nyo sa mga laban ko

Di ako naaakit sa buhok nyong pagkahaba

O please naman, pakitanggap nyo na lang ang katotohanan

Na hindi ko kayo gusto

Wag na kayong mangarap pa na kayo ang dalagang minamahal ko

Kahit na alam naman natin na ang panaginip nyo ay aking bangungot

Siguro nga one day ay maininlab rin ako

Pero at least hindi siya nagpapakyut katulad nyo

Nakaka-bad-trip no, nakakairita tuwing kayo'y lumalapit

Di ko alam ba't ang laki ng ulo nyo

Magingat-ingat lang, baka kayo ay ma-Chidori ko

Di ako na-tuturn on sa sigaw nyo sa mga laban ko

Di ako naaakit sa buhok nyong pagkahaba

O please naman, pakitanggap nyo na lang ang katotohanan

Na hindi ko kayo gusto

Wag na kayong mangarap pa na kayo ang dalagang minamahal ko

Kahit na alam naman natin na ang panaginip nyo ay aking bangungot

O please naman, pakitanggap nyo na lang ang katotohanan

Na hindi ko kayo gusto

Wag na kayong mangarap pa na kayo ay ang dalagang minamahal ko

Kahit na alam naman natin na ang panaginip nyo ay aking bangungot

AAaaaa...yay yay...


"Ang galing mong kumanta, Sasuke."

"Sasuke, I love you."

"Pakasal na tayo."

"Lalo na akong na inlab sa iyo."

Mabilis ang mga pangyayari. Bigla nagakyatan ang mga members ng "We Love Sasuke" club.

"DOOOOOOOOOOOOOBEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!"

KATAPUSAN


suggest kayo naman kayo ng storyline wala akong maisip. kung gusto nyo magrequest pede rin.

Kay efay

Ang favorite line ko naman eh yung "Papakain ko na kayo sa ahas kong si Manda."

Kay pUrpLy sTaR

sige babasahin ko rin yung stories okay. sayang at di ka makarelate masyado. Bagay kasi talaga kay Sasuke yung song.

Kay melukia

kanta ng eheads? sige try ko.

Kay white-epitome

Pede rin. SHINOBI IDOL hmmmmmmm..., sino kaya ang mga contestants?

Kay Yondaime Hokage Konzen Douji

Lutong Bahay ng PNE, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa gusto ko sana kaya lang di ko alam ang kanta soweeee. Pero itry ko pagnakaroon akong ng copy ng song okay;)