Hindi ko pagaari ang kantang Taning at ang Naruto

Genre: Angst, Drama, Tragedy

WARNING: CHARACTER DEATH

dedicated to pUrpLy sTaR


MGA TANDA

Lyrics

"Nagsasalita"

'Nagiisip'


IMAGO'S TANING


Sa'n mapupulot ang pag-asa

May katuwiran ba ang sala

Ngiti ko ang iyong galak

Langit ko ang iyong kandungan


Mabilis ang mga pangyayari.

Isang gabi, nakatayo siya sa loob aking silid.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit masama bang bisitahin ka dito? Matagatagal na rin nang tayo'y huling nagkita. Kamusta ka na?"

Hindi ko alam kung anong gagawin. Alam ko na dapat kung ipagbigay alam ito sa mga kinauukulan.

Pero isang bahagi ko ay nagpunpunyagi. Dahil nakita ko siya. Nakita ko siyang muli.

Hindi ko napansin na siya ay nakalapit sa akin.

"Hindi mo ba ako kakamustahin, Sakura?"

Naging mabilis ang mga panyayari.


Permiso sa isang araw na makasama ka

Abiso ng pusong bulag na humahanga


At nagpatuloy ang mga pangyayari.

Sa mga gabing wala siya tabi ko, napuno ako ng kalungkutan ay pangungulila. Pero pagkasama ko siya, napakasaya ko.

Ngunit...


Tama bang aminin na nating may taning

Tong pag-ibig natin

Dakila man walang kasaysayang kakapit

Sa bulag na pag-ibig


Minsan...

"Bakit?"

"Hnn?"

Napabuntong hininga lamang ako.

"Mahal mo ba ako?"

Katahimikan.


Sa'n hihingi ng patawad

Kung walang dalang dahilan

Tangis ko ang iyong pagluha

Nais ko ang iyong kalayaan


Nahaharap sa malaking crisis ang Konoha. Inatake ng Oto ang Suna kamakailan. Maraming nasawi sa panig nina Gaara. At malaki ang nagawa niya sa pagwasak nito. Kita-kita ko ang galit at lungkot sa ng magkakapatid...
Permiso sa isang araw na makasama ka

Abiso ng pusong bulag na humahanga


At gaya ng aking inaasahan. Dumating siya ngayon. Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas upang pigilin ang aking luha at magpanggap.

"Gusto mo bang magtsaa?"


Tama bang aminin na nating may taning

Tong pag-ibig natin

Dakila man walang kasaysayang kakapit

Sa bulag na pag-ibig


Napakabilis ng mga pangyayari.

"Ba-kit?...Pa-pa-no, ugh...?"

Dugo, napakaraming dugo. At ngayon naghihngalo siya sa aking mga bisig.

"Patawad mahal na mahal kita. Pero 'di ko na..."

Hindi na ako makpagsalita. Unti-unti umagos sa aking mga mata ang mga naghalo-halong kong damdamin.


Tama bang aminin na nating may taning

Tong pag-ibig natin

Dakila man walang kasaysayang kakapit

Sa bulag na pag-ibig


Pero nababagabag ako kailangang kong malaman. Muli kung ibinuka ang aking mga bibig. Dahil kailangan kong malaman. Dahil nais kong malaman.
Permiso sa isang araw na makasama ka

Abiso ng pusong bulag na humahanga


"Sasuke, mahal mo ba ako?"
Tama bang aminin na nating may taning...

"Oo,Sakura," ang kanyang sagot.

"Mahal na mahal ki-"

At muli katahimikan.

KATAPUSAN


drama naman ngayon. Ah oo nga pala, sa lahat ng mga nagreview eh balikan nyo yung chapter na nireview nyo may mga response ako doon. Baka di niyo alam.Nakalimutan ko kasing banggitin.

Kay efay

Minahal naman nya si Sakura kaya lang nung nasabi nya ay patay na siya

Kay white epitome

Cute. Talaga kahit pintay ko si Sasuke?

Kay koa-chan

Oo nga eh. Yun kasi ang theme ng kanta.

Kay alyssa-apple-712

Sensya na alam ko naman maraming Sasuke fans dyan. Ito na rin yung alay ko kay Sakura ok lang ba?