Hindi ko pagaari ang kantang Torpe at ang Naruto

Genre: Romance

dedicated to alyssa-apple-712


MGA TANDA

Lyrics

"Nagsasalita"

'Nagiisip'


HUNGRY YOUNG POETS' TORPE


H'wag na lang kaya

Hari ng katorpehan

H'wag, h'wag na lang kaya

'Di ka ba nagsasawa sa liwanag ng buwan


"Isang na namang magandang araw para magsanay!" ang sigaw ng 'Beautiful Beast of Konoha.'(AN: di ko alam ang pilpino translation)

"Tama po kayo Gai-sensei," sangayon naman ng kanyang pinakatapat estudyante.

"Aking mga mahal na magaaral, dali at tumakbo kayo ng limapung beses sa paligid ng Konoha."

"LIMAPUNG BESES!" sigaw ng natitirang dalawa.

"O sige dali umpisahan nyo na, marami pa tayo gagawin."

"Opo, Gai-sensei," at biglang takbo.

"Ayoko," ang sabi ng Hyuuga.

"Ah Neji, sige na gawin mo na. Wag mong sabihin na mas matiyaga si Lee sa iyo?"

"Che," at sabay takbo ng binata.

"At...," ibabaling ang atensyon sa babae ng kanyang lupon.

"Ah eee... opo."

'Bakit kasi ganito ang mga jounin sa Konoha?' ang naisip ni Tenten.


Namamatay na ang mga rosas sa tabi

'Di ka pa rin bumibili

Nauubos na ang oras sa kahihintay

Pero ni sulat ni tawag wala


"Haaah.. haaaaaaaa.. haaaaaaaaahh."

Napatingin si Tenten sa kanyang mga kasama. Sa kabila ng pagtakbo, muhkang 'di man lang nabawasa ang sigla kay Lee. Saan ba nya talaga kinukuha ang kanyang lakas?

'Teka asan na si...'

"Eto."

"Huh!" ang nasambit ni Tenten habang tinitingnan ang puting tuwalya na inaabot sa kanya ni Neji.

"Ano ba! Nangangawit na ako."

"Aaaaah, maraming salamat."

Nung mga oras na yun ay halos mamatay na sa kilig si Tenten. Matagal-tagal na rin siyang may gusto kay Neji, kaya lang hindi na siya umaasa pa.


Ba't mo pa kailangan ng tulay

Kahit ulap nagsasabi tayo bagay

Ba't mo pa kailangang magtanong

Kung alam mo na, alam mo na


Minsan napadaan siya sa Ichikaru...

"Tenten!"

Napalingon siya at nakita nya ang nagapagmana ng Hyuuga na kumakaway sa kanya.

"Hinata."

Madali niyang nilapitan ang kanyang kaibigan.

"Anong ginagawa mo ..."

"Ahem."

"Naruto, nandito ka rin pala."

"Oo," ang tanging sagot ng binata.

'Teka bakit parang galit ata sa akin si... ahh. ooops.'

"Pasensya iniistorbo ko ata kayo-"

"Hindi," iling ng dalaga.

"Bakit di mo kami samahan kumain?"

"Hina-ummph."

"Sige na please."


Namamatay na ang mga rosas sa tabi

'Di ka pa rin bumibili

Nauubos na ang oras sa kahihintay

Pero ni sulat ni tawag wala


Hindi rin nakatangi si Tenten as alok ni Hinata. Kaya

"Anong Paboritong mong bulaklak?"

'Pangilang na ba niyang paboritong tanong na ba niya ito?'

Simula ng pagupo niya sa upuan, ganito na ang tinatanong ng kanyang kaibigan. Ang hindi pa maganda eh muhkang naiinis na talaga si Naruto.

"Oi Tenten, yung tanong."

Sasgutin na niya sana ng may gumabala sa kanila.

"Tenten-san, pinapatawag ka ng iyong ama."


Namamatay na ang mga rosas sa tabi

'Di ka pa rin bumibili

Nauubos na ang oras sa kahihintay

Walang sulat, ni tawag


"Hinata, alam mo naman na bihiran lang tayo lumabas ng di kasama yung pinsan mo tapos yayain mo pa si Tenten," ang reklamo ni Naruto.

Napatitig lang naman si Hinata at...

"Masama ba yun? Kaibigan naman natin siya."

"Oo nga," sabay higop sa kanyang ramen.

"Tapos ang daming tanong sa kanya."

Namula ang pisngi ng kanyang kasama.

"Ahhh Naruto, mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Ano ba naman tanong yan!" at ngasab pa muli ng noodles.

At sabay may ibinulong si Hinata sa kanya.

"Ha, di nga?" napanganga ang binata.

"Oo, magsisinungaling ba ako sa iyo. Wag mong pagsasabi ha?"

At tatayo ang ating bida with posing pa.

"Siyempre naman sikreto nating dalawa este tatlo pala. Alam ko na tutulingan pa kita."

"Tutulungan mo ako?"


Bilisan mo na ngayon

Kasi tumatakbo ang tren

Bilisan mo na ngayon

Iiwanan ka, iiwanan


Malipas ang isang taon

May ilang araw ng hindi dumating si Tenten sa kanilang training

DING DONG.

Si Neji ay pinagbuksan ng ina ni Tenten.

"Magandang gabi po, nariyan po ba si Tenten?"

"Wala siya rito."

"Na saam po siya?"

"Hindi mo pa alam?"

Napailing lamang ang binata.

"Kung ganon wala siya pinagsabihan. Ipinagkasundo ko siya sa anak na pinakamatalik kong kaibigan mula sa kanilang bayan. Akala ko nga hindi na matutuloy dahil di sila magkasundo pero naging maayos rin ang lahat. Kaya nga wala siya ngayon. Ikakasal sila sa susunod na buwan..."


Ayoko ng torpe

Ayoko ng torpe

Ayoko ng torpe

Ayoko ng torpe

Pero gusto kita...

KATAPUSAN


isa naming kuwento ang natapos. Sana nagustuhan nyo. Sa lahat nga pala ng mga nagsuggest ng mga kuwento para sa C2 ko, maraming salamat. Ang kailangang ko na lang eh panahon para mabasa po sila. Pero patuloy pa rin akong naghahanp kaya kung sakaling may makita kayong bago eh sabihin nyo po kaagad. Di naman po kailangan Naruto basta nakasulat sa Pilipino. Siyempre kailangan ko ring makarealate, kaya dapat alam ko yung fandom.

Naghahanap ako ng taong magtratranslate ng "Sa Aking Kamatatan" sa English. Mas masaya kung may account siya sa ff net para mabasa ko yung mga kuwento at titingnan ko kung nakapasa siya sa standards ko(naks yabang nun ah). Gusto ko sanang ako na gumawa kaya lang umiral po ang aking katamaran. Kung interesado kayo eh basahin niyo ang kuwento at magiwan kayo ng puna. Pede niyo rin ako i-PM. Pagnapabilib ako ng todo todo bka maging proof reader ko na rin sa kuwento.

Oo nga pala baka kailangan ko na rin ng proof reader sa series na ito, sa tingin nyo ba kailangan ko na?


Kay efay

Mahilig talaga ako sa mga tragic love stories.

Kay JudazEzkaryote

Salamat!

HiKaRi

Para Sa'Yo ng PNE sige try ko.

Zeon

I understand the english parts of your review more than the Filipino part. (if you got offended sorry) I do write in English. Most of english fics are crossover, I guess you're not a fan of those. I tried writing a oneshot in english... that didn't go very well. I never exepected to get much response for Naruto Song Hits. There was one point that I wanted to delete it. But someone reviewed it, so I turned into a one shot collection.

Regarding your suggestion, maybe I'll try it in the future.

alyssa-apple-712

Siyempre ikaw yung nag request ng Neji Tenten di ba? Nung sinagest mo yung pera Torpe kaagad ang pumasok sa utak ko.

white wpitome

Oo nga sad nga. Di masyadong narereflect and zero love life ko kaya yung mga kuwento ko ay ganito.

Jays Arravan

Regarding sa pinapatranslate ko eh, kuwento ko iyon. Haha. Wag na lang isama yung kanta. Toyang... naku muhkang mapapasubo ako nito.

Kay adik

Sasambahin sobra naman. Pero gusto ko yung challenge mo