Bago ng lahat! Recap muna ng nangyari nung nakaraan!

Nang matanggap ni Sakura ang sulat mula sa university, agad nyang linisan ang pinakamamamhal na probinsya ng Utligin. Sakay-sakay ng bus na may mamang nakasabit na nagtitnda ng shing-aling, nagpunta siya sa Konoha city. Sa pagtatanong niya ay kanyang natunton ang address ng apartment na kanyang pansamantalang titirahan habang nnag-aaral siya sa syudad, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may nangyaring kahindik-hindik. May lalaking nanilip umano sa ating bida! Pero yun pala ang kanyang makakasama sa apartment na si Uchiha Sasuke! Okey, tuloy na kwento! Yosh!

Chapter Two: Sikreto en da panklab

Papungas-pungas na bumangon ang dalagang ala cotton candy ang kulay ng buhok. "Anong oras na ba?" sabi niya habang hinahanap ang alarm clock na binili nya sa halagang bente pesos sa ukay-ukay. Dahan-dahan syang bumangon at nag-inat bago tumayo. Nilingat niya ang alarm clock na nakapatong sa bedside nya. "10:30 NA!" sigaw niya habang madaling-madaling kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Halos ma-break nya ang Guiness World Record sa bilis nun.

"Langya naman o! Kung kelan kailangan mag-alarm ng hinayupak na alarm clock na yun dun pa nag-inarte!" bulong niya habang iniisip kung asan naka-locate ang banyo. 'Tae naman o! Nalimutan ko kung asan yung banyo!' she thought. 'Haaay! Manghuhula na lang ako! Bahala na!' then, she picked a random door na inaakala nyang patungo sa banyo. Slow motion pa ang pagbukas nya ng pinto with matching drum roll na hindi nya alam kung saan lupalop ng mundo nanggaling.

…kay Sasuke…

"Let's do the funk! Let's do the first day funk! Yahuu!" maligayang kanta ng lalaking nagngangalang Sasuke habang nagpapahid ng Rexona sa kilikili nya. Hindi lingid sa kaalaman ng mundo na hobby nyang mag song and dance number habang nagbibihis. Pero syempre siya lang ang nakakaalam nun. Sa harap kasi ng madlang tao ay nagiging silent, suplado type sya. "Just erase the board at magsayaw, lagyan ng funk ang paggalaw. SAYAW! Let's do the funk! Let's do the first day funk!" grabe, di talaga papaawat 'to sa dance number nya, pwera na lang siguro kung biglang mahulog ang towel na nakatapis sa nilalang na ito. Bigay na bigay talaga sa sayaw, yung tipong ikatutuwa ni Doglas Nierras. Hay naku! Kung alam lang sana niya na may isang pares ng matang nakatitig sa kanya ngayon.

Pumalakpak si Sakura. Nanlaki ang mata niya sa out-of-this-world na 'performance' na namalas niya. "Wow Sasuke. May hidden talent ka pala. Sige, itago mo na lang yan." Wika ng na-stun na Sakura. Napalinga tuloy si Sasuke sa likuran nya.

"Anak ng kamote! Kanina ka pa jan!" bulalas ni Sasuke na halatang ngayon lang na-realize na may nanonood sa kanyang show. Tumango ang dalaga. Halos lumuwa ang mata ng binata sa na-confirm. Ibig sabihin may nakakita sa kanya super secret dance show. "Lintik ka! Lumabas ka nga dito! MANYAK!" sigaw ni Sasuke kay Sakura na agad kumaripas ng takbo. 'Pambihira. Ngayon hindi na matatawag na secret ang aking secret song and dance number.' Sasuke thought habang nanlulumong nagbihis.

Saglit na nag-shower si Sakura. Male-late na kasi siya sa school. Matapos nun ay nagbihis siya. Medyo na-trauma siya dun sa nakita niya kanina. Teka, kelan nga ba siya na-trauma ng parang ganito? Ah, nung nakinood siya sa kapitbahay nila sa probinsya ng The Ring. Isang linggo siyang natulog sa tabi ng nanay niya matapos nun. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya ng room niya, only to be greeted by someone sitting on the sofa. Si Sasuke.

Napalunok ng tuyo ang dalaga. Dire-diretso siya sa patungo sa pinto. Malapit na sana siya nang biglag may sinabi si Sasuke.

"Hanep. Ibang klase ka talaga. Anong gana mong sabihan ako ng manyak kagabi samantalang ikaw! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko! Hayup ka! Pasalamat ka hindi kita isusumbong sa Bantay Bata!" arangkada ng binata.

"Hep hep hep! Baket! Kung alam ko ba na may ginagawa kang kabulastugan dun e sa tingin mo ay bubuksan ko pa yung kwarto mo? Naligaw lang ako, por yor impormasyon, mister! Akala ko banyo yung kwarto mo! Palibhasa amoy inodoro yung kwarto mo!" retorted Sakura habang iwinawasiwas ang bag. "At tsaka anong karapatan mong magsumbong sa Bantay Bata e sinilipan mo din ako kagabi!"

Napatahimik sandali ang binata. "Basta! Ayan, tabla na tayo. Walang sinuman sa atin ang magsusumbong sa Bantay Bata! Deal?" Panghahamon ni Sasuke.

"Hinahamon mo pa ako ha! Sige! Deal! Para yun lang, akala mo aatrasan kita? Palaban ata 'tong kaharap mo!" Sakura proudly declared while pointing a finger at herself. Napa-iling na lang ang binata.

"Pasaway din." Dagdag ng binata habang nag-proceed sa labas, followed by Sakura. Nanlaki ang mata ng probinsyana sa ganda ng kotseng nakitang nakaparada sa garahe ng apartment. She shook her head bago pa man tumulo ang laway niya at humarap siya kay Sasuke. "Kanino yan?" tanong niya, referring to the car before them.

"Syempre akin. Alangan naman iyo." Sasuke said, smirking. Napanguso na lang ang dalaga. 'Yabang naman nito, porke alam niyang mahirap lang kami!' Sakura thought. Binuksan ng binata ang pintuan sa driver seat at naupo dun. Sakura on the other hand, ay nakatayo pa rin sa sidewalk, tipong nag-aabang ng tricycle. Binuksan ni Sasuke ang bintana ng car. "Hoy babae, anong inaantay mo jan? Pasko? Sumakay ka na rito! Arte-arte ka pa…" sabi ni Sasuke mockingly.

Sakura indignantly stood on the sidewalk. "Hindi. Birthday ko. At bakit naman ako sasakay jan sa oversized na lata ng sardinas na tinubuan ng gulong na tinatawag mong kotse?" she said, eyeing the undeniably expensive-looking car. "Malay ko ba na carnapped vehicle yan? Pano kung makita yan ng pulis tapos hulihin ako. Ayoko nga nun! Tsaka bakit ako magtitiwala sayo e mukha namang hindi ka marunong mag-drive noh."

Sasuke rolled his eyes. "Marunong akong mag-drive. Mamaya ka na mag-inarte jan. Male-late na tayo." Medyo umiinit na ang ulo ni Sasuke kaya sumakay na lang si Sakura.

Tahimik na nagda-drive ang binata ngunit nagulantang siya nang biglang mag-yelp si Sakura. "Bakit?" tanong ni Sasuke. "Ngayon ka lang ba nakasakay ng kotse?"

"Oo bakit!" wika niya, which caused Sasuke to smirk a bit. "Pero hindi yun. Nalimutan kong mag-baon ng tinapa. Wala tuloy akong iuulam sa kanin."

"Anak ng… Taga-bundok ka nga talaga. Hindi mo na kailangang mag-baon sa university. May cafeteria dun. Mapapahiya ka lang pag nag-baon ka dun." Sasuke said habang ipinark ang sasaskyan. Andun na sila sa University.

"Ganun. E ano naman sayo kung mapahiya ako, diba? Uuy… Concerned." Sakura said sabay ngiti ng mapang-asar.

Napatingin bigla si Sasuke kay Sakura. "Concerned? Di ah." He defended. "Sinabi ko lang yun kasi… kasi halatang-halata sayo na wala kang kaalam-alam sa city! Promdi ka kasi!"

Hindi inaasahang ma-offend ng binata si Sakura. "Oo alam kong probinsyana ako! Walang ka-alam alam kung paano dapat umasta dito sa syudad! Pero hindi mo na dapat ipagnuknukan sa kokote ko yun! Kahit probinsyanang baduy na mula sa hindi sibilisadong lugar ang kaharap mo, may human rights pa rin ako!" Sakura said, sabay sabunot na tayu-tayong buhok ng binata.

"AAAH! Aray! Bayolente ka!" sigaw ng binata. "Wag mo ngang guluhin ang buhok ko! Pinagkahirap-hirapan ko 'tong i-gel para lang magtayo-tayo tapos guguluhin mo lang! Magkaroon ka naman ng konsiderasyon!" bulalas ng binata while shielding his precious spiky hair from Sakura's intruding hands. Nag-pout ang dalaga at lumihis ng tingin sa binata na lumabas na ng sasakyan. "Oi, hindi ka ba lalabas jan?"

"Tarantado. Pa'no ako lalabas hindi ko matanggal 'tong sinturon!" Sakura said while pointing at her seatbelt. "Sino ba naman kasi sira-ulo ang nakaisip lagyan ng sinturon ang upuan e di naman yun malalaglag gaya ng pantalon. Ewan ko nga ba sa inyong taga-syudad! Ang wi-weird ng taste nyo!"

Napatunganga si Sasuke. "You really are ridiculous." Sabi niya. "Seatbelt yan, hindi sinturon." He corrected Sakura who is frowning at the seatbelt.

"Seatbelt, seatbelt ka pa jan." wika ng probinsyana. "Bakit, anong tagalog ng belt?" she asked.

"Sinturon." Sasuke answered.

Sakura slapped her forehead. "O, yun naman pala e! Belt at sinturon. Pareho lang yun! Dinagdagan lang ng 'seat' yung 'belt' kaya naging 'seabelt'. Ini-english mo pa ako samantalang pareho lang naman yun. Pasosyal talaga kayong taga syudad." Paliwanag ng dalaga na animo'y pagkahusay-husay niya.

"Siya, sige na. Wala namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako sa'yo." Sasuke said habang kinalas ang seatbelt ng dalaga. The moment na matanggal ang seatbelt, napatalon sa galak ang dalaga. "Yess! I'm free! I'm liberated!" she declared, napatingin tuloy ang mata ng buong campus sa kanya.

Na-realize ni Sakura ang mga nakatingin sa kanya. She pointed a finger at them. "At anong tinitingin-tingin nyo jan? Bakeet? Ngayon lang ba kayo nakakita ng tao?" tanong niya sa mga nananahimik na kapwa estudyante.

"Ahahay! Sasuke koo!" tili ng isang babaeng may blond na buhok na naka-ponytail ng mataas. "Dito ka din mag-aaral! What a coincidence! Or could it be… destiny! Hihihi!" sabi niya sabay yakap sa unsuspecting binata.

"Ino! Bitawan mo ako! Hindi ako makahinga!" naghihingalong pakiusap ni Sasuke. Bumitaw naman ang babaeng nagngangalang Ino. Hihinga-hinga si Sasuke na ngayo'y kulay ube na. Amused namang nanonood si Sakura sa eksena sa harapan niya. She studied the outfit ng babaeng si Ino. Napaka-revealing ng damit niya. Out of curiousity, di niya napigilang magtanong. Nilapitan niya si Ino.

"Mawalang galang na, itatanong ko lang." She started. "Bakit ganyan ka-bulgar ang suot mo? GRO ka ba?" magalang na tanong ni Sakura.

Nagulantang ang buong student body sa sinabi ni Sakura. Syempre pati si Ino dahil sa kanya ang patutsada ng tanong na iyon. "Bakit miss? Yun ba ako sa tingin mo?" tanong ni Ino sa inosenteng si Sakura.

"Um, ako? Para sa akin oo." Sagot niya sabay smile, causing the blond's anger to erupt.

"Saang planeta ka ba nanggaling at wala kang alam sa fashion! Ang kapal mong tawaging akong GRO! Hindi kita mapapatawad!" she said, her cerulean eyes staring shaply at the promdi.

"Pasyon? Di ba yun yung ginagawa sa Semana Santa? Ibig sabihin relihiyoso ka! Naku miss, pasensya ka na! Akala ko kasi GRO ka, yung kasuotan mo kasi, nakakalinlang sa paningin. Sino ba namang mag-aakala na ang isang tulad mo ay isang banal na relihiyosa. Teka, di ba matagal pa ang Holy Week? Bakit ka na magpa-pasyon?" Sakura said to the amazement of the by-standers.

"ANONG PASYON ANG PINAGSASASABI MO? I SAID FASHION!'" sigaw ni Ino. Iwawasiwas na sana niya ang kanyang bag kay Sakura nang biglang sanggahin ni Sasuke ang brason ng blond. "Sasuke?" Ino said.

"Tigilan nyo na nga ito." He said, releasing his tight grip on Ino's wrist. Then, humarap siya kay Sakura na nagtataka kung bakit biglang nagalit si Ino sa kanya. "Halika na Sakura. Wala tayong mapapala dito." Wika ni Sakura habang dina-drag si Sakura.

Nang mawala na sa paningin si Ino, binitawan ni Sasuke si Sakura. "Ano bang pumasok sa kokote mo sinabi mo yun kay Ino? Are you really ignorant or what?" he scolded Sakura.

"Oy, teka teka! Bakit ano bang masaba dun sa sinabi ko? Teka? Syota mo ba si Ino at galit na galit ka sakin?" Sakura asked slyly. Napa-iling naman si Sasuke. "Ano?" tanong muli ng dalaga.

"Hindi ko syota yun." Sagot niya.

"E bakit parang obsessed na obsessed siya sa'yo?"

"Aba malay ko!" sagot ni Sasuke. "Kasalanan ko bang ipinanganak ako sa mundo nang may angking kagwapuhan na hindi maikakaila ninuman?" sagot ng binata sabay pose na parang sasali sa Mr. Pogi.

Napapikit ang dalaga. "Tigilan mo yan! Nakakapangilabot ka!" she said. "Matagal mo na siyang kilala noh? Si Ino." Tanong ni Sakura.

"Sa kasamaang-palad, oo. Simula elementary kaklase ko na yun. Malas nga e." sagot ng binata habang ginugunita ang kanyang mapait na nakaraan.

"Asus! Pa-emote emote pa kuno!" tirada ni Sakura. "Pansin ko lang mister, bakit parang kakaiba ka kanina?" she inquired.

"Panong kakaiba?" tanong ni Sasuke. "Bakit? Tinubuan ba ako kanina ng pakpak?"

Sakura crossed her arms. "Haha, ang corny mo. Ibig kong sabihin, kanina parang ang suplado mo. Pero ngayon back to normal ka ulit. Makulit na ulit na tipong masarap ipadala sa mental hospital." Paliwanag ni Sakura.

"Panong hindi ako kukulit pag kasama kita e alam mo na ang sikreto ko." Ani Sasuke.

Sakura was taken aback. "Gasp! Bakla ka!" di makapaniwala ang dalaga.

"Sira. Lalaking lalaki ako." Sabay kunot ng noo.

Napa-sigh ang dalaga. Akala niya bading ang kasama niya. Sayang naman ang kagandahang lalaki nya kung magkagayon! "E ano nga yung sikreto mo? Sabihin mo na kasi!" pangungulit ng dalaga. "Bilis na!"

"Diba alam mo na yun?" tanong ni Sasuke.

"Na isa kang manyak?" ani Sakura.

"HINDEE! Yung secret song and dance number ko tuwing umaga! Yun ang lihim ko! At dahil alam mo na yun, wala na ding dahilan para hindi ako maglantad sayo! Gets!" wika ni Sasuke na halatang frustrated sa pagpapaliwanag sa ating probinsyana.

"Maglalantad ka… na jokla ka!" di makapaniwala uli si Sakura.

"AARGH!" sigaw ni Sakura habang hinihila ang buhok out of frustration. "Ibig kong sabihin, ilantad ang tunay na ugali! Na ganito ako! Na hindi ako kasing-suplado ng iniisip nila!" paliwanag ng binata. Ganito ba talaga kahirap magpaliwanag sa isang katulad niya? Himala siguro at nakapasa pa ang dalaga sa University.

Tumango-tango si Sakura, mukhang naintindihan nya. "Ah, yun naman pala. Di mo kasi nililinaw. Yan tuloy, namis-interpret ko tuloy na jokla ka." Ani Sakura habang iniimagine kung ano nga kaya kung naging binabae ang gwapo nyang housemate. Tiningnan niya si Sasuke na ngayo'y gulo-gulo na ang buhok. "Diba sabi mo pinaghirapan mong lagyan ng gel yan buhok mo? Bakit mo ginulo?" wika niya sabay turo sa disheveled hair ni Sasuke.

Sasuke felt his hair. Gulo-gulo na nga. Nanlambot ang binata sa nangyari habang tatawa-tawa si Sakura. Napatitig tuloy si dito.

"Ano?" wika ni Sakura nang makitang nakatingin sa kanya si Sasuke. "Wala akong kasalanan! Ikaw ang gumulo nyan."

"Hanep." Ani Sasuke.

A/n: Whee! Okies! Nagustuhan nyo ba ang chapter 2 ng kabaliwan fic na ito? Ok!

Abangan nyo sa next chapter!

Manghang-mangha ang ating probinsyana sa kanyang nakikita sa city! At sino yun? Si April Boy! Hanep! At teacher nila si... MICHAEL JACKSON! Teka! Ano bang kabulastugan ang mangayayari sa susunod na kabanata ng "Ang Promdi"! Abangan!

April Boy: Wow! Kasali na rin ako sa cast ng Naruto!

Withering Princess: So tuwang-tuwa ka naman?

April Boy: Syempre naman! Lalo na akong iidolohin ng masa!
Withering Princess: Asus! Masahin ko kaya mukha mo! Hakhakhak!