Chapter 3: Hopia at kani-kaniyang putok
Medyo bad-trip si Sasuke dahil nasira niya ang kanyang hairdo, samantalang si Sakura ay halatang namamangha sa mga bagay-bagay sa syudad. "Hoy Sakura." Ani Sasuke. Tingin naman ang dalaga. "Wag ka naming magpahalata na ngayon ka lang nakarating sa syudad, utang na loob."
"Oo! Di mo na kailangang sabihin!" sagot naman ng dalaga halatang naiinis sa kasamang binata. Naglalakad sila ngayon patungo sa bulletin board kung saan nila kukunin ang schedule nila. Sandamakmak na estudyante ang nakapalibot sa bulletin board nang makarating sila dito, abalang kumukuha ng kani-kanilang schedule. Napa-buntong hininga si Sakura dahil sa dami ng tao. Para siyang dadaan sa butas ng karayom para makakuha ng schedule! Hanep! Parang di nya kakayanin yun!
"Sakura, mamaya na lang tayo kumuha ng schedule pag wala na yang mga asungot na yan." Sasuke said, referring to the crowd. Nag-agree naman si Sakura, seeing that he has a point. "E saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Sakura sa kasamang hinahaplos-haplos ang nagulong buhok. "Ako pupunta ako sa cafeteria. Di pa ako nag-aalmusal e." Sasuke answered.
"Ay oo nga pala! Di pa rin ako nakakapag-almusal! Wahaha! Kakain din ako! Ano kayang inaalmusal ng mga taga-syudad, noh?" Masayang tugon ng dalaga habang iniimadyin kung anong klaseng food ang inaalmusal dito. Sasagot sana ng pabalang si Sasuke nang may narinig siyang nagbubulungan sa gilid.
"Diba yan yung classmate nating si Sasuke nung highschool?" ani ng isang babae. "Lalo siyang pumogi! Sisiguraduhin kong mapapasakin siya!"
"Hoy! Sakin siya mapupunta! Tandaan nyo! Pinahiram niya ako ng Crayola nung grade 3 pa lang kami!" sagot naman ng isa pang babae.
"Hay naku! Sige lang, mangarap kayo, tutal libre lang naman yun! Dahil mapapasakin siya! AHAHAHA!" tirada naman ng isa pa. "Pero tingnan nyo yung kasama nyang babae? Sino kaya yun? Girlfriend nya?" sabay tingin ng masama kay Sakura.
"Mga tsismosa." Sasuke muttered under his breath. Narinig ito ni Sakura, at inakala niyang siya ang sinasabihan nito. Kaya naasar ang dalaga.
"Hoy Uchiha Sasuke! Bakit ba ang yabang-yabang mo at pabulong-bulong ka pa ng tsismosa? Ano bang problema mo ha! Naghahanap ka ata ng sakit ng katawan! Hala! Di kita uurungan!" panghahamon ni Sakura. Nagulangtang naman ang binata dahil na mis-interpret ng dalaga ang winika niya. "Ano? Bakbakan na!" sigaw ng dalaga as she launced herself on her unsuspecting victim. Si Sasuke naman ay naka-ilag kaya sa halip na siya ang ma-tackle ng dalaga ay ibang nilalang ang na-attack niya.
"Araghuy!" sigaw ng lalaking unknown the moment na nag-connect ang fist ng dalaga sa kanyang face. Nang maka-recover sa kanyang amok si Sakura ay tiningnan niya kung na-hit nga niya ang target. Ngunit sa halip na isang lalaking may spiky hair ang makita, isang lalaking naka-cap at may long hair ang kanyang namalas. Ito ang tanging pumasok sa isip ng dalaga: si APRIL BOY! Bigla na lang niyang niyapos ang nasuntok.
"WAAH! Mister April Boy Regino! Pasensya na po! Di ko po sinasadyang masaktan kayo! Dapat kasi si Sasuke yung susntukin ko kaso umilag ang tarantadong yun! Ahuhu! Sorry po talaga!" paki-usap ng dalaga habang bumabaha ng kanyang luha. Ang mga by-standers ay naka-salbabida na at that moment habang si Sasuke ay namamangka sakay ng trash can.
"Oo na, sige. Pwede miss, bumitaw ka na?" Sagot ni 'April Boy'. Agad namang bumitaw si Sakura. Nang makita ni 'April Boy' si Sasukeng nakasakay sa trash can at aliw na aliw sa pagsasagwan, bigla na lang itong sumigaw. "Hoy Sasuke!" tingin naman ang binata.
"Neji!" ani Sasuke.
"Ako nga!" sagot ni Neji sabay sakay din sa trash can ni Sasuke at sabay silang nagsagwan, leaving Sakura puzzled. Anong Neji ang pinagsasabi ni Sasuke samantalang yun ay si April Boy?
"Sandali nga Sasuke!" sabi ni Sakura. "Bakit mo tinatawag na 'Neji' si idol April boy Regino?" Tanong niya.
"Bakit?" ulit ng binata. "Dahil hindi siya si April Boy." Sagot niya sabay tanggal ni Neji sa kanyang cap, revealing that he is indeed not April Boy. Walang byakugan si April Boy, at hamak naman na mas pogi at kaibig-ibig si Neji kaysa sa bansot na kumakanta ng 'Yeye Vonnel'.
"AAAAAH! O HINDE!" Sigaw ni Sakura dahil sa kahihiyan. Wala na ang baha ng luha, kaya tapos na ring mamangka sina Neji at Sasuke.
"Hoy Sakura. Ok ka lang?" tanong ni Sasuke sa dalagang animoy namatayan ng 100 kamag-anak.
"Hindi! Hindi ako ok!" sagot ni Sakura. "Akala ko pa naman nakadaupang-palad ko na ang idolo kong si April Boy tapos yang Nejing yan lang pala yun!" sabay turo kay Neji. "Bakit ka kasi nagsuot ng cap, ha? Bakit? Impersonator ka ba ni April Boy!" tanong niya kay Neji.
"Naka-cap ako para hindi ako makilala ng pinagkaka-utangan ko ng hopia." Paliwagnag niya at ikinuwento ang araw kung saan napilitan siyang itakbo ang hopia dahil wala siyang pambayad.
flashback
"Hopia! Buchi! Siopao! Mga Chinese delicacies! Bili na kayo!" Sigaw ng isang babaeng naka-tali nang parang Chun-li ang buhok. Siya ang in-charge na magbantay sa kanilang tindahang "Eng bee tenten" na nagbebenta ng mga kung anu-anong pagkain intsik. Biglang mayroong isang lalaking green ang buhok at may Chinese character sa noo ang lumapit sa kanya. "Miaka! Ang tagal kitang hinanap, andito ka lang pala!" masaya nitong wika. "Sige na! Come to papa Tamahome!"
"AAAH! Hindi ako si Miaka!" tili ng babaeng tindera sabay bato ng kunai sa lalaki hanggang kumaripas ito ng takbo. Lumapit si Neji sa dalaga.
"Kung hindi ikaw si Miaka, e di ikaw si Chun-li!" hula ni Neji. Hindi siya maaring magkamali dahil lagi siyang naglalaro ng Street Fighter.
"Hindi rin." Asar na tugon ng dalaga, at wari'y gusting suntukin ang binata. "Hindi ako si Miaka at lalong hindi ako si Chun-li. Ako si Tenten!" ani niya sabay turo sa name tag niya na nagsasabi ng 'Tenten'. "Hindi ako ang hinirang na Suzaku at hindi ako isang karatistang intsik! Isa lamang akong maRalitang napag-utusang magtinda ng hopia at iba pang Chinese deli sa mga tao!" she cried. "Kaya ikaw!" tinuro si Neji. "Bumili ka ng hopia dahil pinainit mo ang ulo ko!"
"Pero wala akong pera." Sagot niya.
"Wala akong pakialam! Basta bumili ka!" she said, while twirling a kunai on her finger. Kaya, walang nagawa ang kaawa-awang binata kungdi bumili ng isang kahong hopiang baboy sa dalaga. Actually, hindi niya yun binili. Inutang lang niya.
end of flashback
Masyadong naging makabagdamdamim ang pangyayaring ito para kina Sakura. Naiintindihan ni Sakura ang nararamdaman ni Neji dahil noon at nangutan din sila ng nanay niya ng pera kay Tandang Jiraiya, at nangakong babayaran nila agad. Ngunit dahil sadyang manyak ang matanda at hindi nila ito nabayaan sa oras, muntik nang gahasain ng matanda ang kaawa-awa niyang ina. Buti na lang may napadaang magtataho at naunsyami ang kanyang maitim balak sa ina. Mula noon, di na sila nangutang sa gurang na yun.
"Sya sige." Ani Sasuke. "Tara na nga at kumuha na tayo ng schedule. Masyadong marami na tayong oras na sinayang." Tumango naman ang dalaga sabay buntot sa binata. Si Neji naman ay akmang susunod nanng bigla siyang makarinig ng isang pamilyar na boses.
"Hahaha! Ginoong long-hair! Nahagilap din kita! Yung utang mo!" dahan-dahang tumingin sa likod si Neji. Suspense pa ang dating, at bumulaga sa kanya ang babaeng nagtitinda ng hopia sa bangketa. Nagimbal ang binata.
Napakamot ng ulo ang binata. Paano ba niya sasabihin na wala pa siyang allowance kaya hindi pa siya makakabayad sa hopia? Si Hanabi kasi sa kanya pa nanghingi ng pampanood ng sine samantalang alam na alam naman ng bata na ala syang cash. Pero wala din naming ibang magawa ang kaawa-awang binata kungdi bigyan ng pera ang bata dahil binlackmail siya nito. Ibubulgar daw niya sa mundo na nagsusuot si Neji ng t-back na may safari print. Pero sinuot lang niya yun nung wala na talaga siyang ibang mahagilap na underwear, nasira kasi yung washing machine nila. Tsaka ginagaya niya yung sa Wildboyz.
"Miss, pasensya na. Next time na lang ako magababyad." Wika ni Neji. Halata naman ang pagkaasar ni Tenten sa kanya. "Wala pa kasi akong cash ngayon e."
"Wala kang cash? Tumatanggap ako ng credit card."
"Ala akong credit card eh." Sagot niya.
"Pwede rin ang cheke."
"Ala rin eh."
"GGRRRRR! E anong meron ka!" sigaw ni Tenten. "Nakakasira ka ng umaga! Lalagyan ko na ng tubo yung pagkakautang mo sakin! Siguro naman maiisipan mo nang magbayad!"
Oh no! Pano na yan? Anong ibabayad ni Neji? Nang biglang may sumagi sa kanyang isip at bigla niyang tinanggal ang relo niya at inabot ito sa dalaga. Taka naman si Tenten. Aanhin nya yun?
"O ayan bayad na ako. Isangla mo na lang yan." Sabi ng binata at akmang aalis na, ngunit biglang may humila sa kanyang buhok. Si Tenten.
"Ayoko nito!" sigaw niya sabay bato sa wristwatch. Sinambot naman ni Neji ang relo. "Hoy ikaw! Bakit mo ginawa yun! Pano kung nabasag to?" wika ni Neji.
"At bakit hindi ko naman ihahagis yan! Tingnan mo ngang mabuti yang wristwatch mo! Tigbe-bente lang yan sa ukay-ukay e! Kulang yan!" wika niya. Teka, pano naman nalaman ni Tenten na sa ukay-ukay nga lang niya ito binili? May ultramagnetiktelekinetic powers sya? Astig!
"Pano mo nalamang dun ko to binili?" tanong nya.
"E sira in naman pala yang tuktok mo e!" wika ng babae na nakapamewang na. "E kami rin yung may tinda nyang e! Sa lalaking panot ka bumili nyan no?"
"OO." Sagot ng binata "e ano naman kung gayon?"
"e tatay ko yun e!" she said. Ngayon, ano nang ipambabayad ni Neji? Hindi na niya pwedeng patagalin ang pagkakautang na itich lalo't ngayon na may tubo ito. Sandaling nag-isip si Neji at animo'y biglang may nagbukas ng light bulb nya sa ulo. "Ay hab an aydiya!" wika nito sabay hubad sa suot na t-shirt. Nagulat naman ang dalagang pinagkakautangan sa biglang pagbuburlesk ng binata. Ang madlang people naman na nakiki-usyoso ay namangha sa nakita. Tili naman ang mga babae pati mga syoke.
Nag-panic si Tenten. Lagot to, pano na? floor show ata ang ipambabayad ng timang na ito! Hindi pwede yun! Ikahihiya siya ng angkan! "My poor, virgin eyes!" sigaw ni Tenten sabay takip sa kanyang mga mata. Kaso nga lang, nag-iwan siya ng katiting na masisilipan. Di sya makapigil e.
"O, ayan ang bayad ko sayo. Siguro naman sapat na yan." Ani Neji sabay bato sa dalaga ng kanyang t-shirt. Kung gayon, yung t-shirt niya ang ipambabayad niya at hindi siya mag-aala dancer sa gay bar! Sinambot ni Tenten ang piece of clothing na inihagis ng binata sa kanya, medyo trauma pa rin sa inaakala niyang gagawin ng binata. "Oy, bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng kasing gwapo ko?" he asked mockingly.
'Diosmiyo! At ang kapal din pala ng pagmumukha ng hinyupak na ito!' isip-isip ni Tenten. "Gwapo mo na bang matatawag yan! E mas gwapo pa ata yung naglalako ng 'special offer' na bunot ang buhok kesa yo e!" she denied. Sa totoo lang, nacu-cutan siya sa binata kaya nga niya ito pinilit na kumuha sa kanya ng hopia kahit wala itong ipambabayad para magkita sila ulit. Galing ng plano nya noh?
"You're lying." Wika ni Neji. Aba't may pa-english eshlish pa talaga itong mamang parang model ng shampoo! "Sabi sakin ng nanay ko ako daw ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo!" he defended.
Napahagalpak ng tawa si Tenten. Malay ba niyang may pagka-childish itong nilalang na ito! "Natural sasabihin nya yun! Kahit lahat ng kapangitan at kapansanan e nasa 'yo, sasabihan ka ng nanay mo na gwapo ka! Nanay mo yun e!"
Sasagot pa sana si Neji nang biglang nag-ring ang bell. Oras na para pumunta sa kani-kanilang respective classes.
... sa classroom…..
"Ano ba! Bakit ka ba sakin pa tumabi!" palahaw ni Sakura. Sa dinami-dami pa naman kasi ng mga upuang pwedeng sumapo sa pwet ni Sasuke e napili pa niya yung nasa tabi ni Sakura. Inis na inis ang dalaga.
"E sa gusto ko dito e! Anong paki mo!" sagot naman ng binata na tila naaasar sa tilian ng kanyang fanclub. Kanina lang itinatag yun, at syempre si Ino ang president.
Sakura smiled slyly sabay tayo sa upuan. "Aha! Siguro may kras ka sakin no! Aminin!" Napatingin naman sa kanya ang mga kaklase lalo na yung mga miyemro ng "Sasuke Forever Club".
"Sira ulo! Tsaka it's not 'kras', it's 'crush'! Bumaba ka nga jan!" Sasuke looked embarrassed sabay hila kay Sakura pababa ng upuan. Ala talagang manners ang probinsyanang ito! "Saan mo ba ako gustong maupo e kung uupo ako sa tabi ng mga nakakatakot kong fans e baka gawan nila ako ng acts of lasciviousness!" paliwanag ng binata. "Ano na lang ang gagawin ko kung rape-in ako ng mga yan, ha! Dadalhin mo yun sa kunsensya mo habang buhay! At pano na kung mahawaan nila ako ng STD! Ng herpes! Tapos na-tigok ako! Mumultuhin kita hanggang sa pagtanda mo!" pangungunsyensya niya sa dalaga.
Sakura stared blanky at him. Bakit ba takot na takot ang lalaking ito na mabahiran ng tukso sa katawan? "Teka nga muna plis!" she ushered Sasuke to stop. "May phobia ka ba sa mga makamundong bagay at gayun na lang ang takot mo sa club mo?" tanong niya. Sasagot sana ang binata nang biglang pumailanlang ang awit ni Michael Jackson na Billy Jean. Lahat sila ay napabaling sa pintuan ng classroom dahil parang papalapit ito ng papalapit sa kanilang room.
Just as suddenly, the door slid open, at may lalaking long-hair na may dalang boombox ang nakatayo rito. Suot ng lalaking iyon ang isang nakagigimbal na tuxedo na pagka-kislap kislap. Nakakasilaw, grabe. Yung tipong ginagamit sa laos na telefantasya. Yung parang aluminum foil.
"O MAY GAAAD! Si Michael Jackson!" Sakura shrieked, pointing at the figure on the door. Napatingin naman sa kanya ang mama, obvious ang pagkatuwa. Nagmoon walk muna ito patungo sa teacher's desk bago nagsalita.
"Aww! Okey class you may sit down." Then he turned to Sakura, na halatang shocked pa rin. "Young lady, I appreciate na napagkamalang mo ako bilang ang King Of Pop, pero…" he removed his sparkly hat. "Hindi ako yun. Isa lamang akong hamak na umiidolo sa kanya. Isang impersonator! Ahaaha! AWW! By the way, ako nga pala si Orochimaru! Ako ang titser nyo!" cheerful na cheerful ang loko.
Naupo ang buong klase, mejo nasisindak pa rin sa 'dramatic entrance' ng professor nila. Nagtaka panandalian si Sasuke sa guro. Sabi nya idol nya si Michael Jackson pero bakit parang hinaluan nya ng sexbomb? Yung 'get, get, AWW!" Pero in fairness, mukha naman siyang cool. Pero sana, hindi siya nangha-harass ng mga batang lalaki gaya ng tunay na Michael Jackson.
"Ako ang magiging English titser nyo." Orochimaru explained, habang pinatay ang kanyang boombox. "simulan natin yun sa pamamagitan ng pagkanta ng alphabet!" wika niya sabay kumpas sa kamay. Nagulat naman ang mga estudyante dahil para silang ibinalik sa kindergarten ng titser na ito! "Oh come on! Don't be shy!"
At ginugol nila ang buong period sa pagkanta ng ABCs habang sumasayaw ang titser nila.
……..after class……….
Naglalakad sa corridor si Sakura. Mainit ang ulo niya dahil kahit kanina pa buntot ng buntot sa kanya si Sasuke. Mapupuno na siya. Mapupuno na.
"Sasuke ano ka ba! Namumuro ka na sakin, malapit ka nang bumingo!" she yelled at him. Sasuke blinked innocently na parang batang munti. "Wag ka na ngang sumunod sa akin! Stalker ka ba!"
"Nasisiraan ka na ba?" tirada naman ng binata. "Natural lang na sumunod ako sayo dahil pareho naman tayo ng inuuwian diba?"
Pahiya si Sakura. Pero syempre, ayaw nyang pahalata. Di sya magpapatalo sa mayabang na ito! "Sa ibang ruta ka na lang dumaan! Sawang-sawa na ako sa pagmumuka mo! Para kang kabuteng biglang sumulpot sa buhay ko! Para kang anghit na di mawala-wala! Nakakaasar ka!"
"Pwes, sige. Pagbibigyan kita. Sa iba na ako dadaan dahil maging ako din ay nasusuka na sayo! Para kang umahon mula sa malalim karagatan! Amoy… amoy isda ka! Malansa ka alam mo ba yun!" bulalas ng binata Kanina pa niya kinikimkim ang pagka-irita sa nakakasulukasok na lansa na kumapit sa dalaga. Masahol pa ito sa anghot ng trabahador sa construction. Ganun ba talaga pag nagtitinapa ka? Pati ikaw amoy tinapa na rin?
Shocked ang dalaga. Napaka-harsh talaga ng mga taga-city! "Ang sakit mong magsalita! Akala mo naman napakabango mo! Porke mayaman ka lang at pinagkakaguluhan ganyan na ang tingin mo sakin!" wika niya. "Mayaman ka man at mahirap lang ako, wala ka pa rin karapatang sabihan ako ng ganyan, dahil kahit anong gawin mo, ang tae ng mayaman at tae ng mahirap ay pare-pareho pa ring mabaho! Wala kang pwedeng gawin para mabago yun." Then, she strode off, leaving the binata perplexed.
Napaisip naman ang binata. Baka nga masyado syang nagging harsh sa pananalita sa kanya. Teka nga muna, bakit ba naco-concerned sya sa babaeng yun? As if naman close sya sa kanya… hindi noh!
Madaling naglalakad pauwi si Sakura. Inis na inis pa rin siya sa mga sinabi ni Sasuke. 'Ano bang pake nya kung amoy tinapa ako? E sa yun ang ikinabubuhay namin e.' isip-isip niya. Patawid na siya sa highway, pwestong pwesto na. Dun pa sa tapat ng signboard ng MMDA na Bawal Tumawid. Nakamamatay. Pagkatawid ng dalaga ay nagdire-diretso na sya patungong apartment. Nauna siya kaysa kay Sasuke.
"Hay naku, sana hindi na umuwi yun asungot na yun." Bulong niya habang naupo sa sofa. "Teka, malansa ba talaga ako?" she suddenly thought. Kahit kalian ay hindi niya napansin na kumapit na sa kanya ang amoy ng tinapa at daing. Naisipan niya munang maligo, wishing she could wash the stench away. Matapos maligo ay nag-nap muna siya sa sofa.
Ilang sandali ang lumipas at umuwi si Sasuke, hapong-hapo. Malay ba niyang may obsession sa pangmomolestya ng mga kalalakihan ang professor nyang si Orochimaru? Naaalibadbaran siya tuwing naaalala niya ang pangyayari kanina.
…flashback…
Matiwasay na naglalakad papuntang parking lot ng school ang binata nang makasalubong ang guro. Syempre binati niya ito bago dumiretso, nang biglang may sinabi ang guro.
"Ikaw si Uchiha Sasuke diba?" tanong nito. Tumango siya. "Ang iyong katawan. Maganda." Wika ng Michael Jackson fanatic.
Napalunok ang binata. At ano namang kabulastugan ito! "Hindi ko alam ang ipinagsasabi mo." Wika niya.
Napa-chuckle ang guro. "Kukuku. Sa totoo lang, gusto ko ang katawan mo! I want your body! I need it! It would be a perfect container for my-" ngunit biglang kumaripas ng takbo ang binata, iniwan na ang kotse. Baka molestyahin sya ng Orochimarung yun.
…end of flashback…
Kinilabutan muli ang binata. Ayaw na niyang makita ang pagmumukha ang nilalang na yun. Bago niya buksan ang pinto, he regained his cool. Pagpasok niya sa apartment, nakita niya si Sakura na tahimik na natutulog sa sofa. Sinilip niya ito. Ito ang first time na matitigan nya ng masisinsinan ang dalaga dahil tuwing tinitingnan niya ito, ay nagdadadakdak na ito. Napagtanto niya na maganda ang probinsyana, even though he hates to admit it. He found himself mesmerized staring at her sleeping form, nang biglang may tumulong laway mula sa bibig ng natutulog na dalaga. Napabawi tuloy ang binata. He cursed under his breath at biglang naalimpunatan ang dalaga.
Sakura rubbed her eyes sabay punas sa laway. "Andito ka na pala." She said.
"Yaak… Kadiri naman yung isa jan tulo pa laway habang natutulog e!" pang-aasar ng binata. Namula ng parang kamatis ang dalaga. Diyos ko day! Puro kahihiyan na lang ang dala ng lalaking ito sa buhay nya!
"So wat?" sagot ni Sakura. Bumangon siya mula sa pagkakakhiga at naupo sa sofa, samantalag si Sasuke ay naupo dun sa tabi nya at itinaas ang paa sa center table. Napasingot si Sakura. "Yaaak!" sabay layo kay Sasuke. "Amoy pawis ka! AHAHAHA!"
"Anak ng kamote…"
A/n: Hello ulit! Wahaha! Nagustuhan nyo ba itong pang-3 chapter? Medyo ginawa kong kadiri si Sakura tsaka si Sasuke! Mga amoy isda at amoy pawis! Ahehe! Hahaha! Masyado akong nawili kaya di pa ako naliligo! Pati ako mabaho na din! Wahaha! Makapaligo nga muna!
Abangan sa susunod na tyapter!
Limang buwan nang nakatira sa syudad si Sakura… Si Sasuke naman nakarecieve ng text message mula sa kanyang brother dear. Dadalaw daw siya sa apartment At ano kayang sumpa ang bumalot kay Sasuke at bigla na lang siyang bumait kay Sakura?
Oo nga pala, dun sa reviewer na nagtanongng "what the hell is utligin?", eto ang masasabi ko. Ang utligin ay ang tawag sa mga nilalang na mejo engot... ang utlig ay isa pang katawagan sa engot. Gets na po? Hehe! May vocabulary lesson pa ang fic ko! Aba! Talagang educational!
