Chapter 4: Ang text meseyds
A/n: Pagpasensyahan nyo na tong tyapter na ito. Ala akong inspiration ngayon e… Tsaka nakaka-bad trip yung magmamartilyo sa bubungan namin. Haay…! Sana may dumaang kyut!
Linggo nun… alang pasok. Limang buwan na din ang nakalipas nang dumating si Sakura sa syudad. Si Sasuke ay nakahilata sa sofa at nagbabasa ng dyaryo. Si Sakura naman ay nakaupo sa carpet at nakasandal sa sofa; nanonood ng tv. Bored na bored sila.
"Alang magawa, asar." Ani Sakura sabay patay sa tv. Walang magandang palabas eh. She stood up at inusod ang paa ng binata at naupo sa sofa. Biglang tumunog ang cellphone ni Sasuke. Nagulantang ang dalaga. "Ano yun! Time bomb! Sasabog na tayo!" sigaw niya sabay alog sa hita ni Sasuke.
"AUHH! Utang na loob wag mong hilahin yung shorts ko!" yelled Sasuke. "Hu-hu-huwag pooo!" Binitawan na ni Sakura ang shorts ng kasama at dagling hinila ito ng binata pataas. "Sabi ko na nga ba, may pagnanasa ka sakin… Tsaka cel ko yun." Sabay kuha sa cellphone nyang nakatunganga sa center table. Tunganga namang tinitigan ni Sakura ang gadget. Di uso sa probinsya nila yung cellphone e. Ang gamit nila, walkie talkie.
Tiningnan ni Sasuke kung sino ang sender ng message. 'Itachi'. Na-curious ang binata kung bakit siyasesendan ng message ng kanyang kapatid, ala namang okasyon. Love quotes kaya? In-open nya ang message sabay binasa nang tahimik:
Oi Sasuke. Tgal n ktang d nki2ta. Ddlaw ak nxt wik jn bka s lingo. Luv, Itachi. ü
Hanep. May pa-love-love Itachi pang nalalaman ang hayup na yun. He deleted the message. Heck, ayaw na nyang dumalaw yung kapatid nyang yun, lalo na't magkukwento na naman yun ng mga tungkol sa ekspedisyon nya.
"Uy, uy Sasuke sino yun!" asked Sakura sabay lapit na binata. Tinago naman ni Sasuke ang cel nya sa likod nya. "Wala yun. Ano lang... yung ringtone-ringtone. Oo, yun nga. Tsaka ano bang alam mo dito, e baka masira mo lang, wala ka namang pambayad." Bakit ba masyadong pakialamera ang babaeng ito ngayong araw na ito?
"Tingin na kasi! Di pa ako nakakahawak nyan e! PLIS!" she inched closer.
"Ayoko sabi!" lumayo ang binata. Doon na sya nakaupo sa edge ng sofa. Gustong-gusto na nyang sipain ang kasama, kaso di pwede… babae yun e.
"Tingin sabi e!" ulit ni Sakura sabay lapit uli. Kaso, na off-balance na ang sofa dahil lahat ng weight ay nasa right side kaya nag-topple ang sofa at nahulog sa sahig ang dalawang kanina'y matiwasay na nakaupo dito.
Nang maka-recover si Sakura, she found herself na naka-upo sa abs ng binata. Sakura's hand gripped the gadget sabay hinila ito mula sa kamay ng may-ari. "Yey! Papahiram mo din pa, gusto mo pang sumasakit yang katawan mo!" She happily punched the keypads.
"Oo na, sige na panalo ka na." Sasuke groaned. Gustong-gusto na nyang wrestlingin sa inis ang babaeng ito. Nakuu… "Alis na dyan, tatayo ako." Tayo naman si Sakura.
The moment na tumayo si Sakura, Sasuke used his quick reflexes para i-snatch ang kanyang cel mula sa dalaga sabay grab sa kanyang braso at ini-wristlock ang dalaga sa sofa.
"WAAAH! Suko na!" palahaw ni Sakura. Wala talagang galang sa kababaihan itong si Sasuke. Nang marinig naman ng binata ang announcement of defeat ng kasama, agad din naman niyang tinanggal ang wristlock sa knaya. Sakura hurriedly nursed her wrist.
"Ang rahas mo talaga, pramis…" ani Sakura. Ngumisi naman ang binata sabay kibit ng balikat. Kailangang nyang isipin kung anng gagawin nya pagdating ni Itachi. Hindi pwedeng makita ng kapatid nya si Sakura dahil baka kung ano pang kabulastugan ang pumasok sa madumi nung isip. Haay… problemado sya ngayon. Paano nya pakikiusapan ang probinsyanang magpaka-layo-layo por di mintaym? He sighed.
"Oy anong nangyari sayo?" tanong ni Sakura. "Constipated ka ano?"
"Inde." He answered. Hindi pa ganung katigas ang tae nya para masabing constipated sya. He proceeded to his room. "Alis muna ako."
Sakura crossed her arms. "Ano naman kayang kababalaghan ang nangyari sa tarantadong yun?" she wondered. Manonood na lang sya ng MTV.
Sasuke paced back and forth sa kwarto nya. Anong pampalubag-loob kaya ang pwede nyang ibigay sa probinsyana para mapilit itong umalis muna pag dumating si Itachi? Teka, ano bang gusto ng mga babae? Inalala nya yung mga napapanood nya sa tv, nang biglang naalala nya yung Meteor Garden. Binigyan ni Dao Ming Si si San Cai ng cellphone. O, yun nga! Tutal manghang-manga naman ang dalaga dito, bakit hindi yun na lang ang ipansuhol nya? Napa-skip si Sasuke bago nagbihis at nagpunta sa mall.
Sasuke glanced at the cellphone models displayed. Ang saleslady naman ay tulalang nakatitig sa kanya. Ano kayang bibilhin nya? 5110 lang sana yung bibilhin nya kaso ala na daw nilalabas na ganung model. Hindi naman sya ganung ka-sira ulo para bilhan ang kasama ng mamahalin pa. Di naman sila close noh. Biglang nagsalita ang saleslady.
"Ano po bang model ang hinahanap nyo sir?" halatang nagpapa-cute ang babae. Wa epek naman kay Sasuke yun. Sa totoo nga lang gusto nyang pasakan ng medyas ang bunganga ng babae. May bahid kasi ng pagnanasa ang boses nito… at threatened sya dun.
"Alin ba dito yung pinakamura? Kahit second hand land… maski third hand o fourth hand basta yung mura." Ani nya, nang biglang may sumagi sa isip nya…
…imagination ni Sasuke….
"Sakura o." Wika nya sabay abot sa cheapipay cellphone kay Sakura. Sinuri ito ng dalaga. Nagtaka ito nang mapansing alang camera ito kagaya ng kay Sasuke.
"Ayan may cellphone ka na… may papakiusap sana ako sayo." Ani ng binata habang halata sa dalaga ang pagkainis. "Pwede bang umalis ka muna? Dadating ang kapatid ko at-"
"Ayoko! Ang pangi-pangit nito e! Di ito sapaaaat!" sigaw ni Sakura. Walang anu-ano'y biglang narinig nila ang dagundong ng pagbukas ng pinto. Bumulaga sa kanya ang kapatid. Masama ang titig nito sa dalaga.
"Sasuke! Nag-asawa ka na pala, ni hindi mo man lang sinasabi sakin!"Itachi skipped cheerfully na parang Alice in Wonderland. "May itinatago ka sakin ah! Hahaha!"
Sasuke gulped.
"Hahaha."
Gulp.
"HAHAHA!"
He cowered.
"BWAHAHAAHA!"
At biglang napuno ng swirling images ni Itachi na tumatawa nang parang demonyito ang kanyang isip.
…balik ulit…
"HINDEE!" he shouted, surprising the saleslady as well as the other people sa mall. Napakurap na lang ang saleslady na inaalok sya ng deal sa pinakamura nilang phone.
"Sir?"
"Ha?" wika nya. "Ahh… Ibig kong sabihin hindi ko gusto yan… Ito na lang bibilhin ko." He said, sabay turo sa isang model. In the end, mahal pa rin yung nabili nya… Katulad ng kanya yung naituro nya e. Di bale… mayaman naman sya e…
Umuwi na si Sasuke. Ngayon, meron ulit syang problema. Pano naman nya ito ibibigay kay Sakura nang hindi sya mag-iisip ng kung ano man? Haay, anu bay an! Para syang nalulunod sa kumunoy ng suliranin ng mundong ito!
Pagpasok nya sa bahay, naabutan nya si Sakura na gumagapang sa sahig na may mga nakakalat ng GI Joe. Napataas ang kanyang kilay.
Tayo naman agad si Sakura nang makitang pumasokang binata. Todo pahiya sya dun. E pano naman kasi, wala syang magawa kaya naglaro muna sya ng GI Joe. Kunwari daw sundalo sya. Pinulot nya yung mga laruang nakakalat at nakita ang paper bag na bitbit ni Sasuke.
"Nu yan?" tanong nya.
"Paper bag." Sagot nung isa.
"Ay talaga? Hindi nga obvious." Gatong nya. "Aba'y akalain mong paper bag pala yan!" sabi nya nang may halong mockery.
"Listen." Biglang sabi ni Sasuke. Napatingin naman sa kanya si Sakura sa seriousness ng boses ng binata. Ano na naman ito? Nalaman na ba ni Sasuke na sya ang dahilan kung bakit barado ang toilet? "Sayo 'to." At inabot niya kay Sakura ang paper bag. Halos mapatalon naman ito sa tuwa nang makita ang laman. "Ano kasi, may favor akong hihingin."
Napatingin sa kanya ang dalaga. Sabi na nga ba nya e. Imposibleng bigyan siya ng anuman ng lalaking ito kung alang kapalit. "At ano naman yan?"
"Si Itachi kasi, yung kapatid ko. Pupunta daw siya dito sa isang linggo." He explained.
Sakura blinked. At ano namang gusto ni Sasukeng gawin nya? Kantahan si Itachi? "At kailangan ni Itachi ng personal tagahugas ng pwet nya, at ako yun?"
"Hindee!" Sasuke stomped his feet nang parang bata. "Dapat di ka makita ni Itachi!"
Di nagets ni Sakura ang gustong palabasin ni Sasuke. At bakit naman bawal syang makita ng Itaching yun? "Bakit? May phobia ba sya sa babae?" tanong nya.
"Madumi kasi isip nun!" he sighed, exasperated. "Pag nakita ka nun kung anu-ano ang hahantungan nyang konklusyones. Ang pagkakaalam kasi nya, mag-isa lang ako sa apartment." He waved his arms madly. "Iisipin nya mag-ano tayo dahil nagsasama tayo sa ilalim ng iisang bubong, kumakain sa iisang mesa, nauupo sa iisang sofa, gumagamit ng iisang banyo-" he was cut off by Sakura.
"Okey, okey, I get the point!" wika ni Sakura. So kailangan di sya makita ni Itachi. "e saan mo naman ako itatago?" she asked, wondering.
"Hmm… Saan nga kaya?" hindi naman sya pwedeng maki-tuloy sa iba nilang kaklase. May grudge kasi kay Sakura ang halos buong populasyon ng kababaihan at kabinabaehan sa school dahil sya lang ang kinakausap na babae ni Sasuke. Pag nakituloy sya sa mga yun baka kalbuhin pa sya ng mga yun… "Sa aparador kaya?" Sasuke thought.
"Ha!" bulalas ni Sakura. "Sa aparador mo ako itatago! May God naman!" habang iniisip ang mga ipis na tinagurian nang mansyon ang aparador nila.
"E san mo gusto? Sa ref? Sa washing machine?"
Ngiti si Sakura. "Hindi, ok na dun, kaw naman para binibiro ka lang. Hehe!" Hanep, kailangan ba nya talagang gawin ito? Naku…. Kung di lang sya sabik sa cellphone umayaw na sya dito kanina pa. "E pano yung mga gamit ko?"
Sasuke slapped his forehead. Oo nga pala! Pano kung nakita ni Itachi yung mga gamit ni Sakura? "Ipatago muna natin sa kapitbahay."
A/n: Oy, pasensya na talaga kayo, ang ikli ng tyapter na ito! Ahuhuh! Ala lang talaga akong inspirasyon… Haay buhay! Eto ang mga pakaabangan nyo sa susunod na tyaper!
Matiwasay na kumakain ng kalamay ang dalawa nating bida nang may marinig na potpot mula sa labas. Kilala ni Sasuke yun… Iisang tao lang ang gumagamit ng potpot ng magpuputo bilang busina sa pedicab… si Itachi! Akala ba nya sa linggo ang dating nya! E sabado pa lang a! Napaaga siya! O hinde! Pano yan! Yung mga gamit ni Sakura nakabalandra pa sa kwarto nya! Tapos kakalaba pa lang nila kaya naka-sabit pa nang parang banderitas ang underwear nila! Pano na itooo? At bakit lansones ang pasalubong ni Itachi!
