Chapter 5: Si Itachi at ang isinumpang inodoro

"Tikman mo na kasi 'tong kalamay!" wika ng isang pink-haired girl habang inaalok ng mala-sipong kakanin ang isang onyx-eyed guy sa kabilang ibayo ng dining table. Pilit namang umiiwas sa tinaguriang 'kalamay' ang binatang itich. "Sus… ala naman akong hinalong lason dito e! Bakit ba takot na takot ka sa kalamay!" she protested.

"E sino ba naman ang di matatakot jan sa kalamay mo e parang namuong uhog na ginawang gelatin!" Sasuke pointed out at dinutdot ang kalamay. True enough, para nga itong uhog. "Sana naggawa ka na lang ng tsamporado, natuwa pa ako." Wika niya sabay baba ng tinidor.

Sakura sighed. "Pano naman ako gagawa ng tsamporado, e wala na tayong Milo?"

"Di sana ginamitan mo ng kape tapos nilagyan mo ng Cofee Mate…"

"Ayos ka a…" ani Sakura. "San ka nakakita ng coffee flavored na tsamporado?" kinuha niya ang tinidor at tumikim ng kalamay. Okey naman sa panlasa a… di nga lang magandang tingnan, pero masarap naman e… "Masarap naman e kahit mukang uhog. Pagtyagaan mo na lang kesa kumalam yang sikmura mo. Hala ka, di ko kasalan kung mamilipit ka sa gutom." At sumubo si Sakura ng kalamay. Wala na namang choice si Sasuke kungdi pagtyagaan ang kalamay na abnormal dahil gutom na din naman siya.

Typical Saturday yan kina Sakura at Sasuke. May isang laging nagrereklamo tungkol sa nilutong agahan. Last week muntik na silang ma-food poisoning nang nagluto ng kamoteng kahoy si Sasuke kaya nag-volunteer na si Sakura na sya na lang ang magluto, kaso dahil sa kung ano mang sumpa ang nakapaloob kay Sasuke ay hindi siya ma-satisfy sa niluto niya.

"Uy, Sasuke." Tawag ni Sakura at tumingin naman ito sa kanya. "Bukas pa ang dating nung si Itachi diba?"

"Oo." Sagot niya. Wow, grabe. Ganito pala kalagkit ang kalamay na 'to, para siyang kumakain ng rugby, nagdidikit na ang dalawa nyang bagang. "Bakit?"

Tumayo si Sakura sa pinagkakaupuan at kumuha ng maiinom. "Wala lang. Krimen na ba ang magtanong ngayon?"

Napa-iling ang binata. He decided na wag na lang sumagot dahil sigurado siya na hahaba na naman ang diskusyones kung mag-aattemp pa syang labanan ang mga tirada ng babaeng mula sa malayong lupalop ng malupit na mundong itich.

Pot tot potot!

Napatingin ang dalawa sa pintuan. Anu yun? May nagtitinda ng puto! Waw naman!

Poot pootoooot!

"Uy may naglalako ng puto! Bibili ako ng puto! PUTO!" aliw na aliw na wika ni Sakura habang dumudukot sa bulsa ng barya. Malapit na sya sa pinto nang biglang nag-hysterical ang binatang kasama niya.

"ANAK KA NG PUTO! SAKURA! MAGTAGO KA NA! SI… SI ITACHI YAN!" ani niya habang winawasiwas ang kanyang arms frantically.

"Huh? Naglalako ng puto si Itachi? Ba't di mo naman sinabi sakin, di sana di na ako nagluto ng kalamay." Ani ng isa.

"DI SYA NAGLALAKO NG PUTO! PUTONG INA! MAMAYA KO NA IPAPALIWANAG SAYO! SIBAT NA!" nagpa-panic na si Sasuke kayat nag-kusang loob na ang dalagang magtago sa aparador ng silid nya. The moment na mawala sa view ang probinsyana, ay bumulaga sa may pintuan si Itachi na may dalang isang langkay ng lansones.

"Sasuke! Bakit narinig kitang nagmura! Tat's bad!" Itachi scolded.

"Ha? Ako? Nagulat lang ako sa busina ng pedicab mo! Akala ko may magpuputong dumadaan kaya nagdiwang ako." He hoped na kakagatin ng kanyang kapatid ang alibi nya na alang kalatoy-latoy. "Anu yan? Pasalubong mo saken?" he pointed to the langkay of lansones.

"Ah ito ba?" Itachi raised the lansones. "Yah. Galing kasi ako ng Quezon province kaya naisipan kong mamili ng fruits!"

Sasuke became confused. "ha? Galing ka ng Quezon province? Akala ko ba magre-retreat ka sa kabundukan ng mga T'boli?"

"A yun? I re-scheduled that retreat e. As a mater op pak ay muntik na nga akong madakip ng mga NPA dun sa Quezon. Buti na lang at nakaiwas ang mahusay mong kapatid, kungdi, wala kang lansones ngayun."

Sasuke scoffed. 'Sana nga nahuli ka na lang ng mga NPA.' He thought. Naalala niya ang kapanahunang na-hostage si Itachi ng mga Abu Syaff at MILF. Hinatulan siya nun ng kamatayan sa pamamagitan ng paglunod sa kanya sa kumukulong kumunoy kaso nakatakas si Itachi dahil hanggang tuhod lang ang kumunoy pit.

"By the way, ang ganda ng apartment mo. I-tour mo naman ako." Wika ni Itachi habang nililibot ang tirahan. Para syang nagfi-field trip. He approached Sakura's room nang biglang humarang sa pintuan si Sasuke.

"I-Itachi! Tingnan mo o!" sabay turo sa toilet bowl. "may toilet bowl dito! Ang galing diba! Modern!" Tumingin si Itachi sa sinasabi ni Sasuke toilet bowl. Pumasok sya sa bathroom, dahil bukas naman ang pintuan dun at in-examine ang toilet bowl. Inupuan nya ito at nagulat nang biglang magsalita ang inodoro.

"The time now is 7:45 a.m. What would you like to do? Press one if you want to urinate. Press 2 if you want to make waste disposal. Thank you. Have a good day." Boses telephone operator na babae ang inodoro.

Napamulagat si Itachi at biglang napatayo. "A-anong kababalaghan ang nakapaloob sa inodorong ito! Bakit nagsasalita! May sapi!"

Sa pagtayo ni Itachi ay bigla na namang nagsalita ang inodoro. "You have stood up. That means you're done. I will flush myself now." At nag flush nang kusa ang hi-tech na toilet. "Thank you. Come again." Dagdag pa nito.

Halos lumuwa ang mata ni Itachi. Ano bang klaseng toilet yon! Ngayon lang sya nakakita ng toilet na may nalalaman pang pa-tenkyu tenkyu. Lumingon siya sa kapatid na kasalukuyang nagse-sweatdrop.

"Itachi, hindi mo kailangang matakot! Yan ang pinaka-bagong innovation ng Tolits toilet company." He urged Itachi na lumapit sa toilet na animo'y may sademonyo. "Madami pa yang mga features! May voice message, kung may gustong iwang message yung huling gumamit; may automatic butt cleaner, pag tinatamad kang maghugas ng pwet; may transistor radio, kung gusto mong makinig sa radio habang na-ebs at may pang-massage pa, para sa namamanhid na pwet tsaka may video camera para daw makunan ng video yung ano… basta. May special feature din daw yan, sabi nila. Meron din daw yang labatiba kung di kaya nang isang irihan na ilabas ang sama ng loob mo! Galing diba!" ani Sasuke na mistulang nag-eendorse sa t.v.

Itachi's eyes shined. Talaga bang ganun ka hi-tech ang inodorong yun! "E kung kalikutin yan ng nakakaalam, pwede rin kaya yang gawing weapon of mass destruction?" he wondered. Nag-imagine sya ng mga hi-tech toilets na nakasakay sa tankeng pang-militar habang naghahasik ng lagim at nagbubuga ng bundok-bundok ng tae. Yung tipong pwedeng gamitin sa biological warfare.

Sasuke thought for a while."Ewan ko lang, but I think that possibility is not possible." Ani nya. "Pano mo naman gagawin brutal na armas yan?" sabay turo sa inosenteng toilet.

"Kyuryus lang!" sagot ni Itachi. "Naisip ko lang naman yun kasi baka kumita ako ng malaking salapi na maaari kong gamitin sa pagre-retreat ko sa bundok Arayat." Eversince, napakahilig nang mag-travel ni Itachi at magretreat sa mga kabundukan. Adventurous daw sya e. Daw. "Eniwei, oorder din ako ng toilet na yan dun sa Tolits company na sinasabi mo." Napabaling ang paningin ni Itachi sa trash can at nakakita ng napkin.

"Sasuke! What's the meaning of this meaningless piece of syit!" nakaturo sya sa napkin. "Anong tinatago mo sakin! Ha! HA! HAA!" obvious na gusto nya ng explanation.

Taranta ang binata. "Ano yan, kasi ano… oo tama!" nakaisip ng idea. "May pigsa kasi ako e biglang pumutok. Naisip ko na yan ang gamitin kasi nakasulat sa pakete 'absorbent cotton' daw."

Napa-tango na lang ang kuya. "O-kay." Nakatingin pa rin sa napkin. "E bakit ang dami nito? Dapat nung napuno ng dugo yung napkin e nilabhan mo at sinampay para makatipid ka." He suggested.

"Aaah… di ko naisip yun e! Sige sa susunod na magka-pigsa ako, gagawin ko yung sinabi mo." Sabi ni Sasuke. Syempre agree na lang sya sa kapatid nya. Baka maghinala pa ito nang anupaman! He can't afford na makita o malaman ni Itachi ang tungkol kay Sakura, kungdi, patay-patay tayo dyan!

A/n: haay! Maikling chapter! Sensha na po, wala akong maisip na idagdag e! Tsaka pagod ako… Ahehe… Nagpaawa pa daw? Anyway, antabayan sa susunod na tyapter…

Wats dis piling! Can dis be lab? Or not? Who knows? I don't know.

Ano kayang emosyon ang sumisilakbo sa isang tauhan ng kwentong itich? Galit? Pag-ibig? Kaligayahan? Ano! O baka naman dala lang yun ng matinding urge na gumamit ng toilet na hi-tech… A basta! Abangan nyo na lang! Tamad kasing mag-type si Withering! Kaya nga Withering e! Lantang gulay na kasi! Ahahaha! pinasukan ng langaw sa bibig Hakakakak!