Chapter 6: Wat's dis piling!
Sandali lang namalagi si Itachi sa apartment ng kapatid dahil daw pupunta pa syang Payatas at magmo-mountain climbing sa basura. Kasalukuyan kumakain ng lansones si Sasuke nang may lumagabog mula sa silid ni Sakura. Yikee! Nakatago pa pala dun ang dalaga!
Karipas ng takbo si Sasuke. "Sa-Sakura! Lumayas na si Itachi! Pwede ka nang lumabas!"ani Sasuke habang kinakatok ang aparador. Agad naman itong bumukas and out stepped the dalaga na animo'y na-suffocate sa loob ng aparador.
"Whehe… Ala na si Itatyi?" tanong ni Sakura, tila lumilipad ang katinuan.
"Umalis na, mag mo-mountain climbing daw sa Payatas. Ayus ka lang?" he asked, napansing kulay ube ang dalaga.
Tumango ang dalaga sabay labas sa silid, diri-diretso sa kusna para uminon ng tubig. "Hay salamat naman sa Diyos at lumarga na ang engot na yun." Lagok ng tubig. "Nakuu… Ayoko nang mamalagi sa aparador na yun! Amoy ipis na binuro!" mababanaag sa face ng dalaga ang matinding magka-inis. Hay naku talaga!
Umupo ang binata sa dining chair at nilantakan ang lansones. "Yaan mo na yun, at least wala na syang dahilan para bumalik dito." Ani nya. "May uwi syang lansones, galing daw syang Quezon province e."
Sakura cocked an eyebrow. "Ano namang ginawa nya dun?" curious sya e.
Sasuke shrugged. "Malay. Baka nagpatayo ng iskul at namahagi ng relief goods."
Kinabukasan ng umaga, gumising si Sasuke mula sa kanyang mahimbing na tulog. Nag-istretsing muna syang ng unti bago nag-proceed sa kusina. Nanaginip sya ng pandesal na may palamang Say Cheez Pimiento, kaya feel nyang mag-almusal nun ngayon.
Pagbungad nya sa kusina, nakita nyang walang almusal sa nakahain sa kanilang table. Naghalungkat sya sa cupboard mistulang scavenger sa sarili nyang pamamahay. Napansin ng lalaking may Sharingan na wala ang kasamang babaeng bungangera. Napa-shrug na lang ang binata at kumain ng lansones… Marami-rami din syang nakain nang biglang kumurokok ang sikmura.
Napatayo ng binata. 'Wheeep! Bakit parang nag-aacrobatic ang sikmura ko! Contaminated ba ang lansones!' he thought. Pakiwari nya'y malapit na siyang maghasik ng lagim kaya't tinakbo nya ang kubeta na nakatingkayad.
Ginhawang-ginhawa si Sakura habang nakaupo sa inodoro nang mabulabog sya ng dumadagundong na katok mula sa labas. "Hoy ano ba yan! Ang ingay mo! Wag ka ngang magulo jan!" bulyaw ng dalaga. Ano na naman bang pakulo meron ang lalaking yon?
Napapasayaw na ng Choopeta si Sasuke para pigilin ang dapat pigilan. "Sa-Sakura! Hindi ba pwedeng bilisan mo jan? Pag may nangyari sakin dito ikaw ang may kasalanan!" sagot ng binatang may Sharingan. Diyos kooo! Bubulwak na ba!
Dali-daling naglinis si Sakura at nag-ayos bago lumabas, syempre kusang nag-flush yung toilet. Irritated, binuksan niya ang pinto and greeted the binata with a scowl. "At ano ba kasi kelangan?" she asked.
Nang makita ni Sasuke na lumabas si Sakura mula sa banyo ay halos magdiwang siya. Di na niya napansin ang binanggit ng dalaga dahil na-overwhelmed sya sa relief kaya niyakap nya nang saglit ang dalaga sabay ani "SALAMAT! I love you Sakura!" bago tuluyan pumasok sa banyo at nagkulong. Napamaang na lamang ang dalaga.
"Ay, ano daw yun?" tangi nyang nasabi.
Relieved na lumabas si Sasuke mula sa banyo, mistulang natanggalan ng pasan-pasang bundok. Naabutan niya ang kasama na nakalupagi sa sala at nagsasagot ng crossword puzzle sa dyaryo.
"Oy Sasuke." Ani Sakura, hindi tinatanggal ang gaze mula sa dyaryo. "Tingnan mo o, si Itachi nasa tabloid. Sikat huh."
Nagtaka si Sasuke. At ano namang ginagawa ng kapatid niyang may sayad sa tabloid? Model? Nawawala? Wanted? O baka nasa obituary? Lumapit siya sa kasama ang nakisilip. Tumambad sa inosenteng mga mata ni Sasuke ang nakabubulabog na imahe ng kapatid na nagpo-promote ng kanyang travel agency. With matching mascot na mistulang panakot sa manananggal.
"Wat da hell!" anas ng binata sabay timbuang sa sahig at biglang nag-tantrums. Muntikan nang atakihin sa puso ang dalaga. Bakit ba ganito ang mga tao sa mundo ngayon? Parang mga pugante ng mental! Shocks huh!
Lumapit ang dalagang hirang sa binatang bumalik sa pagiging 3 years old. Kinalabit ito. "Uy, ano bang problema? Bakit para kang ninakawan ng kinabukasan kung maka-asta ka jan? Wat's da matter kasi?" amo niya sa binata.
Medyo nagka-grip sa sarili si Sasuke at bumangot sa pagkakabulagta niya. "Tingnan mo naman kasi itong offer niya…" ani sasuke sabay turo sa tinny-winny box sa baba ng ad ng kapatid.
Pinulot ni Sakura ang dyaryo at binasa ito nang malakas.
Travel with fafable fafa Itachi and get freebies! Choose from two travel packages!
Package 1:
Trip to Manila Zoo for 2 nights and 3 days
Get a free picture of Sasuke while bathing!
picture was taken when Sasuke was 2 years old
Package 2:
Trip to Kanal Resort for 2 nights and 3 days
Get a free Sasuke XXX vcd
Napa-gasp si Sakura. May six bidyo ang binatang na-iinfatuate sya! Gusto nyang panoorin yun! Este, SHOCKS! Eskandalo itich! "Anong video yun? Six bidyu?" she inquired sa binatang nagha-hyperventilate. Deep inside, nag wonder siya kung may mabibili bang ganoong vcd sa Divisoria… Yung tatlo isang daan.
"Yung… yung…"
"Yung?"
"Yung dancy dance ko!" bulalas ni Sasuke with matching talsik ng laway.
Napa-ilag si Sakura at kumapit sa t-shirt ng binata na may disenyong Voltes V. Dahil sa bigat at forcemassacceleration ni Sakura; parehas tuloy silang bumulagta sa carpet na may mga butil ng kulangot na hinahagis nila tuwing nangungulangot sila habang nanood ng tv.
Muntik nang matilamsikan ng nagbabagang laway si Sakura. "Hoy Sasuke! Talsik mo lumalaway!" anas niya.
"Ungas!" Sasuke retorted. "Laway ko tumatalsik!" pag-eeduka niya sa probinsyana.
"Ahh! Ewan! Basta pareho lang yun!" Sabi ni Sakura. "Yaki ka tala, ala kang manners! Thou shall not make saliva shower from your mouth!" pangaral niya.
"Don't educate me when you yourself is not educated you uneducated educate… educate…" nawalan ng masasalita si Sasuke.
Napahagalpak ng malutong na tawa si Sakura. Mas malutong pa sa buto ng lola ko. Maluha-luha na si Sakura sa katatawa samantalang si Sasuke ay titig na titig sa nagpupunyaging si Sakura. 'Ang kyuut nya pag naka-esmayl!' at kinilg ang loko. Nilingon ni Sasuke ang gilid dahil baka mapamura siya kapag tumingin pa sya kay Sakura. He noticed their awkward position sa sahig. Sakura on top and her head buried in his chest, chuckling na parang wala nang bukas and he, naka-support sa likod ng dalaga, both hands pa!
"Oi chikitas alis na dyan." Ani Sasuke. "Masyado ka atang nag-eenjoy, tyina-tyansingan mo na ata ako…" sabay upo ni Sakura sa sahig. Nginisian ng lalaking feeling ang kasama with matching killer smile. Muntik na ngang mamatay si Sakura. Killer talaga. To the next level.
Sakura grimaced. "Eew! Ano yun? Nakapanghihilakbot!" komentaryo ng dalaga. Gumuho ang ego ni Sasuke as he heard those words. Bakit hindi epektib sa malansang babaeng 'to ang killer smile nya na may ultra hyper kilig factor! Nawalan nab a sya ng kamandag? Ng alindog? Ooh hindee!
Tumayo si Sasuke mula sa carpet at nag-istrets medyo, nakatingin sa babaeng nakaupo pa rin sa carpet. Dahil gentleman siya ng araw na iyon, he offered his hand to help the promdi stand up.
Sakura stared at the lad's hand blankly. "Ano gagawin ko sa kamay mo?" she asked, wondering kung ano na namang pakulo ng binatang kyuut.
"Tayo." Sasuke simply stated, medyo may pagka-seryoso sa boses kaya nagkaroon tuloy ng paru-paro sa sikmura ng dalaga. Sabi na nga ba niya e, dapat hindi na siya kumain ng peanut butter… pero sa halip na kunin ang kamay ng binata, tumayo ng mag-isa si Sakura. Nawalan tuloy ng epek ang kabutihang loob ni Sasuke.
"Kaya kong tumayo noh!" ani Sakura. "Anong akala mo sa'kin, lumpo?" dagdag niya sabay lakad papunta sa kwarto niya, leaving the binata gaping at his palm. "Ay oo nga pala." She stated na parang may naalalang napakainportanteng bagay.
"Ha? Ano?" tanong naman ni Sasuke, kyuryus.
"Pag-iisipan ko." Sagot ni Sakura.
A/n: Yey! Isa na namang nagbabagang chapter ang natapos! Ano kaya yung pag-iisipang ni Sakura? Nasa chapter na 'to din ang sagot, kung nabasa ninyong mabuti at may magaling kayong memory ay alam nyo na kung ano yun! Hehehe! Nagugutom na ako!
