Hayskul Lafy

Disclaimer: Hindi akin ang Naruto.

naka-Italics iniisip

Kabanata 1 Pesteng Buhay 'To!

6:00 am,sa isang dormitorium…

Diiitdiiitdiitdiitdiit…

Pesteng alarm clock. Diiitdiiitdiiitdiiit…. Oo na! Babangon na! Leche! Unang araw ng pasukan pala ngayon.

Ah! Ako nga pala si Haruno Sakura. First year high school na ako. Wow. Ang tanda ko na pala! Parang kahapon lang nang grade schooler pa ako. Aaa! Maleleyt na ako! Sige sa skool na lang tayo mag usap.


7:00 am, sa Konoha High School…

Ayos pa naman . Wala naming nanggugulo. Kumakanta nanaman sina Ino.

Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko

" Oi. Nakaupo ka sa upuan ko." Nagulat ako! Sino yun? Tumingin ako kung saan galing yung boses.

"Oi. Bingi ka ba? Sabi ko upuan ko dyan." Sabi ng lalaki.

"Hindi naman nakasulat ditto pangalan mo, a! Kapal mo! Humanap ka na lang ng ibang upuan." Sabat ko.

"E, kung sa dyan ko gusting umupo e."

" Tae! Ano ka? Diyos?" Tinginan sa akin mga kaklasa ko. Parang natutunaw ako. Nakakakilabot ung mga tingin ng mga babae at ilang lalake.

"Hindi mo yata kilala kausap mo!"

"Talaga! Sino ka ba para kilalanin? Tae ka!"

"Tama na 'yan, Sakura," bulong sa akin ni Ino. "Pasama naman sa CR." Kahit kelan, ang baho talaga ng pasok nito.

Labas kami ng klasrum tapos diretso sa CR.

"Ba't mo ako pinigilan? Uupakan ko n asana yung mayabang nayun! Ilang layers kaya mukha nun? Labin dalawa! Ang kapal talaga niya!" sigaw ko. Sa totoo lang, pinaka kinaiinisan ko ung mga taong mayayabang.

"Dapat nga magpasalamat ka sa akin ,e! Linigtas kita! Yung sinisigawan mo kanina, siya si Uchiha Sasuke. Matalino, magaling sa athletics at heart throb. Kahit ng lalake, naiinlab dun!" paliwanag ni Ino.

"Anong pake ko? Kahit na siya pa ang principal, nakakainis parin siya!"


Sa klasrum nina Sakura..

"Hatchoo!"

"Oi, Sasuke, ayos ka lang? Pinag-uusapan ka nanaman siguro"

"Kapag nag-uusap ang mga babae, palagi nalang ako."


Balik kina Sakura at Ino…

" Aaa… Basta! Kahit anong sabihin mo, nakakainis parin siya!" sabi ko kay Ino.

Riiiiiiiiiiiing! Bell na pala. Takbo kami ni Ino papuntang klasrum. Whew! Wala pa ang adviser namin.

"Okey class. Take your seat." Tae! Nagulat ako! Adviser naming andyan na.

"Today is da pirs dey op skul. We will introduce ourselbs and den bote por da opisers. Bay da way, I'm Hatake Kakashi but just kol mi Kakashi-sensei. 25 y.o. Single. " Hehe.. Mag spospokening dollar na nga lang, mali mali pa.

Nagpakilala kami isa-isa tapos botohan na.

Taeng buhay itooooooo! First day of skul pa lang, me naka-away na ako. Tapos sa dami ng posisyon na pwedeng ibigay sa akin, Secretary pa! Andaming pinapasulat! Nakakahilo! Naalala ko tuloy yung secretary naming last year. Nag bak out sya. Nyay! Matulad kaya ako dun!

Haaay.. dats life.

"Oi," Ha? San galing un? Tumingin ako sa harap ko. Tae! Si Sasuke! Ang sama na nga ng araw ko, magpapakita pa itong kulagong 'to! Kainis!

"Ano? Aawayin mo nanaman ako? Walal ako sa mood ngayon kaya pwede ba-,"

" Tumingin ka sa locker mo," biglang sabat niya. 'Di man lang ako pinatapos!

"Bakit?" tanong ko. "Basta." Umalis siya.

Katabi ko na locker ko. Ninenerbyos ako. Bakak kung ano inilagay nun sa locker ko. Gelatin? Putik? Palaka? Kadiri! 'Wag naman sana! Nanginginig na ang kamay ko. Sinarado ko muna ang mga mata ko tapos binuksan ang locker ko.

Wala naman akong narinig na tumatalun, kumokokak o tumutulo. Unti- unti kong idinailat ang aking mga mata.

WOW! Red roses! Teka me card… Pasensya na kanina. Sori na. Kung kanino man ito galing, gusto istyle niya!Tinuloy ko ang pagbasa. Galing kay… SASUKE! Anoo! Panaginip ba ito o bangungot? Pero ang ganda ngbulaklak, a. San nya kaya ito binili?

Habang tinititigan ko ang mga bulaklak, me lumapit sa akin na fourth year.

" Ikaw ba si Haruno Sakura? Pinapatawag ka ni Ma'am Tsunade sa office."

"Bakit daw po?"

"Hindi ko rin po alam, eh."

Tama ba pagkakarinig ko? Kahit na, punta pa rin ako.

Kaba. Takot. Nerbyos. Mga emosyon na naghahari sa akin ngayon?


3:00 pm, Principal's Office

"Sakura, ikaw ng isa sa mga magagaling na estudyante ditto sa paaralan, pero, bakit mo iyon ginawa?" ani Ma'am Tsunade.

" Um, ang alin po?" tanong ko.


a/n: Um.. so yun na po iyun. Sana na enjoy ninyo. Kahit na hindi na kayo magreview, ayoz lang.. pero kung gusto ninyo, sige lang. Pero tandaanan po ninyo na bawat review ay makakatulong sa pag develop ng kwentong ito. Hi nga pala kina luli at mio. : )