High School Life
Diclaimer: Hindi ako ang gumawa o may-ari ng Naruto..
"Sakura, ikaw ng isa sa mga magagaling na estudyante ditto sa paaralan, pero, bakit mo iyon ginawa?" ani Ma'am Tsunade.
" Um, ang alin po?" tanong ko.
Kabanata2 Dahil sa Isang Ulol na Kulugo
" Ikaw ang pumitas ngmga bulaklak sa garden ko. Sabi ni Sausuke nakita ka raw niya. Nung bibnisita ko ang mga halaman, nawala kalahati ng mga roses.." Tamahimik sa principal." Dahil doon, detention ka ng isang buwan."
"Pe- pero, Ma'am, ibi-,"
" Huwag ka na magsalita kung ayaw ,mo madagdagan ang parusa mo. Pwede ka nang lumabas."
Labas ng Principal's Office…
Nanginginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko, magkokolaps ako. Dyahe! Nakakabanas na! Asan na yung pangit na mayabang nay un? Pagbabayaran niya ito!
Agad ko siyang hinanap. Inikot ko kalahati ng skool bago ko siya nahanap. Kausap niya si Naruto.
"…." Lumapit ako sa kanila. Bibilisan ko ito tas alis ako agad.
Tumingin silang dalawa sa akin. Tapos…. PAKK! Sinampal ko si Sasuke. Yesss! Agad ako tumakbo pauwi.
POV ni Sasuke
Anong problema nun? Me topak na yata yung babaing yun!
"Dude, lakas mo! Una, bigyan mo yung babae ng bulaklak tapos mamaya sasampalin ka. Salamat sa demo, ha!" Sabi ni Naruto.
"Ulol."
5:00 pm, Sa kwarto ni Sakura..
Taeng buhay itoooooooo! Detention! Wala nga ako ginagawa! Tae ka talaga Sasuke! Mamatay kana! Argh!
Tititititititititititit…. Ano yung ingay nay un! Aaa. Nag-text pala si Ino. Inilabasa ko ang aking Sony Ericson at tinignan ang Inbox.
From: Ino Message: kita daw kayo ni Sasuke sa ruf top tom. ng lunch.
Rineplayan ko.
To: Ino Message: Tae kb! Bkit b?
Dalawan Segundo…
From: Ino Message: Aba malay ko! Pinapasabi niya lang sa iyo. Besi, baka liligawan ka nya! LOL
To: Ino Message: waaaa.. ang baho! Walang ganyanan, Ino! Purket 4ever urs na C Shikamaru. Chh. Fine.
Binuksan ko ang radio.
O, diyos ko ano ba naman ito
Di ba
Lang hiya nagmukha akong tanga
Talaga! Hayyy. ..buhay! Pinatay ko ang radio at natulog ako.
Da next day, 6:30 am
Hinnnnn… nong oras na kaya? Tingin ako sa cell ko. Putakte! 6:45 na! Langya! Ba't di nag-alarm relo ko? Tingin ako sa alarm clock ko. Putek! Dehins gumagalaw! Agad ako kumilos.
Pare, kung pinapanood mo ako, matatawa ka lang sa akin. Para akong tumatakbo sa isang obstacle race! Naligo, nagbihis, nagsuklay tapos tumakbo ako palabas ng bahay. Tae! Huli kong takbo ng ganito kabilis ay nung 100 meter dash naming nung grade 4.
Nagulat si Kuya Aoi, yung gwardya sa gate nung bigla ako tumakbo paloob. Sino ba naming 'di magugulat? Para akong hinahabol ng kung ano. Out of order yung elevator. Takbo ako puntang klasrum.
"Why are you late? Don't you know that the start of classes is 7 am? It's already 7:05 am! I demand an explanation." sabi ng matapobre naming titser.
Binuka ko ang aking bibig para magsalita.
"Stop. Don't waste time just standing there. Go to your seat. NOW!"
Umupo ako na isang bakanteng upuan malapit sa bintana. Ba't pa siya humingi ng explanation? Kahit kelan ang gulo talaga niya. Oo nga pala, si Anko- sensei iyon. Teacher naming sa English at Speech and Theater Arts. Ang taray! Tapos lagi nalang nakaayos ang buhok. Para… Lagi siyang me dalang parlor.
10:00 am
Ang bilis lumipas ng oras. PE na. Nararamdaman kong nalulusaw ng tiyan ko. Hindi nga pala ako nakakain. Nagibihis ako sa CR tapos pagbalik ko sa klasrum, me nakita akong isang box ng tsokolate sa upuan ko. May nakasulat
Peace tayo. Sori kahapon. Sasuke. Ano ako? Papaloka nanaman sa kanya? Yung ulol na kulogong yun! Anong binabalak niya? Baka me ipis o daga na lumabas pagbukas ko nito. Pero….Nalulusaw na ang tiyan ko. Hindi naman siguro masama tumingin.Chocolate nga! Dalian kong kinain at bumaba sa quad. Naghihintay si Gai-sensei, ang MAPEH teacher naming.
Pinatakbo kami paikot sa quad! Tae! Kakakain ko lang. Sa ika limang lap ko, tumigil muna ako at nagsuka. Pinilit ko pa rin tumakbo. Ayaw ko mapagalitan uli. Pero… Nahihilo na ako. Parang wala na ako Makita. Tapos…BLAG! Nag-colapse ako.
"SAKURA!" sigaw ni Ino.
Agad tumakbo sa akin yung mga kaklase ko. Naramdaman ko na parang lumulutang ako. Pupunta nab a ako sa itaas? Dehins. Me nagbubuhat sa akin. "Sasuke?" Sasuke. Dahil sa ulol na kulugong iyon, na-office ako. Tapos ngayaon naman, kakaawan ng buong klase. Tinignan ko siyang maigi tapos hinimatay ako.
a/n: Nyahaha.. ang korny ko talaga! Dat's da ol por dis chapitre. Salamat po dahil binasa ninyo ang aking ff kahit na walang kwenta at korny. Hehe. Salamat nga pala ke mio-chan. Review ka naman. Please? baka bigyankita ng chocolate. Hehe. : )
