High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang gumawa o may-ari ng Naruto.. o yung mga kanta na inilalagay ko. Hayyy… buhay…
"SAKURA!" sigaw ni Ino.
Agad tumakbo sa akin yung mga kaklase ko. Naramdaman ko na parang lumulutang ako. Pupunta nab a ako sa itaas? Dehins. Me nagbubuhat sa akin.
"Sasuke?" Sasuke. Dahil sa ulol na kulugong iyon, na-office ako. Tapos ngayaon naman, kakaawan ng buong klase. Tinignan ko siyang maigi tapos hinimatay ako.
Kabanata3 Confession
Sa clinic.
"SAKURA! Gumising ka Sakura!" sabi ko sa aking sarili. Nakahiga ako sa kung anumang malabot iyon.
Nasan na ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Heaven? Waaa! Ay, nasa clinic lang pala ako. Tingin ako sa cell ko. TAE! Alas dos na! Ganoon ba ako katagan matulog dahil sa chocolate?
"Pagkagising ng gf mo pwede mo na iyang pakainin." Narinig ko sabi ng nurse.
"Opo, Ma'am Shizune." Hmmm.. pamilyar yung boses.. Teka ano nga pala nangyari? Naalala ko lang nung sumigaw si Ino tapos nawalan ako ng malay. Sino na nga ba nagbuhat sa akin. A! Si Sasuke nga pala!
"Gising ka nap ala. Kaya pala me naririnig akong baliw na boses." Sabi ng boses. Sino… Sasuke. Leche! Magigising na nga lang ako, una ko pang nakita 'tong kulugong 'to!
"Ang sama mo," mga salitang biglang tumakas sa bibig ko. ACK! Peste! Bayaan mo natotoo naman iyon a!
"Since birth," sabi niya. Sa lahat ng narinig kong sinsbi niya, ito na yata yung pinakatotoo. "half day ngayon dahil me emergency meeting ang mga teachers."
"Edi uuwi na ako," sabat ko. Sinubukan ko tumayo. Nakatayo nga ako pero pagtapos ng ilang segundo, bumagsak ako. Tawa naman ang nakakainis na kulugo. Nakakatakot! Para akong nasa eksena sa isang pelikula. Yung part na kung saan may papatayin.
"Tae! Anong tinatawa mo dyan? Kung tulungan mo kaya ako?" sigaw ko.
"Wala ka bang masabi kundi tae?" tanong niya. Ano ba? Kagigising ko lang! Ang sakit na nga ng ulo ko, nagugutom na nga ako tapos tanong ka pa diyan? Fudge!
Tingin siya sa aking. Parang nabasa niya ang iniisip ko. "Ako na maghahatid sa 'yo. Baka himatayin ka pa sa daan." Ano raw? Tama ba pagkakarinig ko? Hahatid daw ako? Gising na ba talaga ako o palabolaboy parin sa mundo ng mga bangungot?
"Yo! Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Gusto mo bang umuwi?" Ang sama mo talaga! Nakita mo naman siguro na hindi ako makatayo, no? Pinikit ko ang aking mata tapos ibinuka ang king bibig para sabihin iyon. Pero..naramdaman ko na unti-unti na akong lumalutang. Binukas ko ang mga mata ko. Binibuhat niya ako!
"Bitiwan mo nga ako!" sinigaw ko sa tenga niya.
"Hindi ka nga makatayo, paano ka kaya makaka uwi?"
Chhhh.. Nananantsing ka, no? Pweee! Ikaw me kasalanan nito! Pabigay-bigay pa kasi ng tsokolate. Lakad siya papunta sa parking lot. Buti nalang konti ang mga studyante sa school. Kung nakita siguro akong ganito, binubuhat ni Sasuke, baka isipin nila na mag-on kami. Kadiri! Mas gugustuhin ko pang dilaan yung toilet bowl sa parke!
Tumigin siya mag-lakad. Binuksan niya ang isang kotse tapos ibinaba ako.
"Sumakay ka na," utos ni Sasukeng mayabang.
"Kotse mo ito?" Tanong ko.
"Kung hindi ko ito kotse, ba't kita pasasakayin?" Sabagay. Inisip ko. Pasok ako sa kotse niya tapos isinarado ko ang pinto. Pinaandar niya ang kotse at pagtapos ng ilang minuto, umalis na kami sa iskul.
Napa-wow na lang ako sa mga gamit niya sa kotse. Andaming litrato ng mga boy bands. Bakla ba si Sasuke? Mas madami pa yata pictures niya ng mga boy bands sa kotse niya kay sa dun sa kwarto ko. Tinawanan ko nalang ang sarili kong dyok.
Ini-on ko ang radio. Hindi naman siguro masama,'di ba? Siya nag-oofer nung ride, 'di ba? Inilipat ko sa fave station ko.
Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
Agad ko inilipat ang station.
Mahal kita pero 'di mo lang alam Mahal kita kahit hindi mo ramdam
Di ko na tinapos yung stanza, lipat uli.
'Di mo na kailangan maging no. 1 Dahil para sa akin ikaw lang espasyal
Lipat.
In sadness, I'm screaming, Calling out your name
Agad ko pinatay ang radio. Hindi pa naman Valentines Day, a! Nag paparamdam yata! Teka alam ba ni Sasuke kung saan siya papunta?'Di ko sinabi kung saan bahay ko!
'Oist, san ka ba pupunta?" Tanong ko. Gusto ko lang manigurado n hindi niya ako dadalhin sa isan madilim na alley tapos…. Iyaaaaahhhhhhh! Wag naman sana!
"Sa kainan. Nagugutom n ako at alam ko na gutom ka rin."
Duh! Halos isang araw ka hindi pa 'ko kumakain, panong 'di ako magugutom? Kumaliwa siya tapos pumasok sa isang driveway. Nagpark siya, lumabas kmi sa kotse at pumasok sa fastfood.
"Number 1 na lang sa akin," sabi k okay Sasuke. Tumingin lang siya sa akin.
"Ano ako? Katulong?" reklamo niya.
"Ikay nag-offer, ikaw mang libre," sabi ko tapos nag-smirk ako. Pumila siya tapos naghanap ako ng upuan.
15 mins. Later…
Sa wakas! Andito na siya! Akala ko hihimatayin nanaman ako. Binigay niya sa akin ang in-order ko. Kinain ko, malapit ko nang masimot. Hindi pa siya nakupo, ha. E, sa gutom ako. Umupo siya. Saktong pagka-upo niya nagpatugtog ng bagong kanta.
Umaasang magmamahal muli Ang buong akala ko'y ikaw Kabiguan ang napala Paghilom ng puso'y hindi magaling
O, hinde! Isa nanamang love song! Tae! Ano bang meron ngayon? Nagpakasal nab a an gating single-for-life na presidente? Napansin ko na nakatitig sa akin si Sasuke. Naramdaman kong umiinit ang mga pisngi ko.
Ang nalamang ang mahal mo ay Walang pag-ibig sa 'yo
"May gusto akong sabihin sa 'yo pero.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Kanina ko pa gusto sabihin pero 'di ako makakuha ng tiempo," Sabi niya.
Huwag hanapin ang pag-ibig, Ito'y darating sa 'yo…
Lalong uminit mukha ko. Tama ba si Ino? Mag-co-confess na ba siya ng pagibig? Uwaaah!
a/n: wow. naka dalawang kabanata ako sa isang araw. Inspired yata ako ngayon. LOL. Pasensya po kung merong mga maling ispeling at hindi masyado descriptive. Hindi ako nagtataka kung bakit lagi akong bagsak sa Writing. Maraming salamat po okay mio-chan. Maraming salamat po uli dahil binasa ninyo ang kwento ko kahit na medyo nawawala na sa title. Plis Rebyu. : )
