High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang gumawa o may-ari ng Naruto.. o nung mga kanta na pinaglalagay ko rito.
"May gusto akong sabihin sa 'yo pero.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Kanina ko pa gusto sabihin pero 'di ako makakuha ng tiempo," Sabi niya.
Huwag hanapin ang pag-ibig, Ito'y darating sa 'yo…
Lalong uminit mukha ko. Tama ba si Ino? Mag-co-confess na ba siya ng pagibig? Uwaaah!
Kabanata4 Huwag Mo Ako Iiwan
3:30pm, sa isang fast food
"Ang laki pala ng noo mo," sabi ni Sasuke. Yun lang pala! Kala ko naman kung ano!
"Ikaw! Sumosobra ka na! Una palang tayo nagkita, ganyan ka na sa akin! Nakakainis ka!" sigaw ko. Napansin ko yung ibang tao tumingin sa direksyon naming. Meron pa nga yata akong narinig "Uy, LQ sila." Pwe! Parang mag-on kami! Tumakbo nalang ako palabas. Garabe! Nakakahiya nang isipin ng mga tao na kami!
"Sakura!" sigaw ni Sasuke habang papalapit na ako sa pinto ng fast food. Hindi ako lumingon at lumabas na ako. Ang lakas ng ulan. Sobrang lakas tumigil muna ako.
Balik sa Loob ng fast food…
Palakpakan ang mga tao sa "LQ" nina Sakura at Sasuke. Sabi pa nga ng isang matandang babae kay Sasuke "Iho, kung mahal ka niya, babalik din siya sa iyo." Meron naming sumigaw "Dude, Habulin mo siya! Mag-sori ka na!"
"Salamat sa inyong suporta!" sabi ni Sasuke bago niya hinabol si Sakura.
"Fight! Fight!" at "Go for it, dude!" ang isisnisigaw ng mga tao. Sinabayan pa nga ng "Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig…Maghintay ka laman,g ako'y darating…" WoW.Kahil kelan, an dami ko talagang fans inisip ni Sasuke.
Sa labas ng fast food…
Nakakainis na talaga siya! Arg! Sabi ko sa aking sarili. "Sakura,hintay!" sigaw ni Sasuke. Ep, nandito nanaman siya! Tumakbo ako sa kalsada parang bata na nakawala. Tae! Muntik na ako matuluyan ng 6 wheeler!
Nakarating na kami sa kanto. Malakas parin ang ulan. Parang may bagyo. Tapos… nadulas ako. Mahirap man aminin pero.. nadulas talaga ako tapos sumalpak ako sa gitna ng kalsada! Sinubukan kong tumayo pero.. hindi ko nagawa. May nakita akong ilaw tapos may narinig akong malakas na BEEP! BEEP!
Ano kaya iyon? Tae! 6 wheeler truck! Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Katapusan ko na. Habang hinihintay ang malakas na impact sa akin ng trak, naramdaman kong biglang yumakap sa akin tapos para natulak ako (kami, actually) papuntang sidewalk.
"Buhay ka pa ba?" Tanong sa akin ng aking savior. Malabo mata ko kasi umiyak ako kanina nung dapat tataman na ako.
"Tingin mo?" tanong ko. "Timang" binulong ko sa aking sarili.
"Buhay ka pa nga. Sana huwag mo uli gagawin iyon. Alam mo ba na nag-alala ako sa iyo? Kundi mo aalagaan sarili mo, ako nalang, dahil… ayaw kong mahiwalay ka s aakin uli.." sabi niya.
"Teka, sino ka ba?" tanong ko.
"Nag ka amnesia ka ba? Si Sasuke ito," Sabi niya.
Whe… Ows? Talaga? Grabe! "Hindi nga. Heh. Sino ka ba talaga?" Ulit kong tanong.
"Kakasabi ko lang, 'di ba?" "ANO! Parang hindi ikaw. Yo! Me katok ka ba o May P.O.K. squared ka lang?"
Hindi na siya sumagot. Bihuhat na lang niya ako papunta sa kotse niya. Itinuro ko sa kanya yung daan papunta sa dorm na tinutuluyan ko.
6:00 pm, dormitorium..
Ring! Ring! Ring! Telepono. Sinagot ko agad baka kasi importante.
"Sakura, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Si Ino lang pala.
"Ano? Hindi kita maintindhan. Ang bilis mo magsalita." Sabi ko.
"Sabi ko kamusta yung date ninyo ni Sasuke sa labas ng fast food?"
"ANO! Kahit kalian hindi ako makikipag-date sa walang kwentang lalakeng iyon!" Paano niya nalaman na magkasama kami dun sa fast food?
"Kanina kasi nang libre si Shikamaru kasi siya ang napili para bigyan nga scholarship sa abroad kaya pumuntakami nina Chouji sa isang fast food. Anfun din kayo, 'di ba? Tumakbo ka pa nga palabas tapos hinabol ka ni Sasuke."
"Baka sa sobrang kamimis mo sa akine, namalikmata ka lang, Ino," counter ko.
"Awoo! Wag ka na nga magsiningaling. Pero sa susunod sabihin mo naman sa akin kung mag-de-date kayo. Hindi ko naman ipagkakalat."
"Sheda! Intrigera! Walang susunod!"
"Ahahaha! Guilty…guilty…guilty..guilty…"
"O sige, bye na. Papagalitan nanaman ako." Agad ko ibinaba ang telepono. Paano kung kumalat iyon bukas? Uwahh! Tapos ang social life ko! Yun ngalang kung papasok ako bukas. Tapos napa smirk ako..
a/n: Dats ol poks! Sana you making enjoying basa-basa da ff. Wow. I is ispokening dollar. Nyehehe. Salamat po sa review nina Princess Sakura n Mio. Anonymous reviews ay tinatanggap din po. Sana po meron pang magrereview ehem. BTW, Sheda, Sa Encantadia yun 'di ba? "Shut Up?" : )
