High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang gumawa o may-ari ng Naruto.. o nung mga kanta na pinaglalagay ko rito. Tagahanga lang ako.
"Sheda! Intrigera! Walang susunod!"
"Ahahaha! Guilty…guilty…guilty..guilty…"
"O sige, bye na. Papagalitan nanaman ako." Agad ko ibinaba ang telepono. Paano kung kumalat iyon bukas? Uwahh! Tapos ang social life ko! Yun ngalang kung papasok ako bukas. Tapos napa smirk ako..
Kabanata 5: Ang Nakakabaliw na Love-nat
6:45 am, dorm
Tiittiiittiiit.. Nagtext si Ino. Ang galing ng wake up kol.
From: Ino Message: Oi, Sakura. Kggcing mo lng b o me balak ka pang pumasok?
To: Ino Message: Sinosipon n linalag nag ako ngayon, Ino. Pki sabi sa teachers na hindi ako makakapasok ngayon. Tnx. Patxt naman mga hw.
Tiit tiit tiiit tiiiiit…
From: Ino Message: Cguro me date kyo ni Sasuke.. haay. Cge. Love-nat pala ha? Hingi ka nlang nga kis-perin at yakap-sul ke Sasuke sa date nyo. Gud luk. : )
Papatulan ko n asana kaso baka mawala ang image na me sakit ako.. Kakalat kaya? Wag! No! Dameda! Pashneya (a/n: tama ba?) ka Sasuke. Grrr! Okey, Sakura.Relax. Talgang magkakasakit ka kapag ganyan. In-on ko yung radio.
Di ba't sinabi mo sa kin dati na
Mahirap kumain ng tsokolateng
Natunaw at parang wala nang korte
Kadiri nang kainin, mukha ng tae
At natulog…ZZzzzzzz…
4:00pm, dorm
Haaa… kagigising ko lang. Tumutugtog pa rin ang radio.
Until out of the blue,im feeling so true
Bigla nalang sinabi sa akin that
This guy's in love with you pare,
This guy's in love with you pare
This guy's in love wiyh you pare
Bading na bading sayo..
Heh. Theme song nina Sasuke at Naruto? Lagi nalang kasi sila magkasama. Pero, I'm not jealousing. Ano nga ba ginawa ko buong araw? Nagising, natulog, nagising, naligo, nagbihis, kumain, natulog tapos nagising. Oooo… nag text na pala si Ino.
From: Ino Message: Twagan mo nlang ako. Mahaba hw.
K. Punta ako sa telepono, dinayal ko ang number niya at sinagot naman niya ang telepono agad.
Ino: Lo?
Sakura: Oi. Ano assignment ngayon?
Ino: Nametag, cartolina, quote tungkol sa Integrity.
Sakura: Meron pa bang ibang absenta kanina?
Ino: uh, kayo lang ni Sasuke absenta kanina.
Sakura: ANO! Whe! Wag ka nga! masama magbiro, Ino..
Ino: Hindi nga namumukod tangi kayo. Saigawan pa nga yung mga lalake na nagdate daw kyo. Napagalitan nga sina MEI, KALi at LOGe kanina kasi sinigaw nila na hindi daw papatol sa Sasuke sa cheap na tulad mo.
Sakura: Talagang hindi ako papatol sa jologs na yun!
Ino: Hmm.. mukhang magaling ka na, a. Absent kayo ni Sasuke kanina.. May koneksyon ba? Ano bang pinainom sa iyo na gamut ng doctor? Kis-perin o yakap-sul? Kahit alin siguro basta galing kay Sasuke. Ahahaha…
Sakura: O shige, bye. Madamipahwnatinepalogs.
Tooot.tooot.toooot.
Patay.
6:00am, gate ng KHS.
Pasilip-silip lang ako saloob ng campus baka kasi andyan mga kaklase ko o kaya si.. kilala niyo nay un! Tapos may humawak sa akin. Akala ko kung sinumang manyak kaya tumingin ako sa kanya para sapakin . Kunsinuman iyon, ang kapal ng mukha niya para hawakan ako!
"Hinihintay mo 'ko, no?" sabi ng isang pamilyar na boses.
"Ang kapal mo talaga!" sabi ko sa kanya tapos tumakbo ako paloob. Buti nang pagtawanan ng mga tao kesa mapasok sa kung anumang gulo.
"Teka!" sigaw niya habang hinahabol ako. Buti nalang hindi ako lumingon kasi may basurahan sa harap ko. Tinalunan ko. Hu.. Buti na lang nasa Athlatics Club ako. Kaso nga lang, pati yung humahabol sa akin tinalunan din yung basurahan. Tinginan sa amin yung mga estudyante.
"Ba't mo ba ako sinusundan!" Sigaw ko. Eeep! Poste! Kaliwa…Hu… Naka ilag! Kaso ngalang yung sumusunod sa akin nauntog sa poste. Bulag ba siya? Ignorante? Bobo? Na-guilty naman ako kasi nga ako yung hinahabol kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Tinakpan niya ang ilong niya.
"Lee! Ayos ka lang ba?" Tinulungan ko siya tumayo.
Eeep! Si Lee pala yun! Akala ko kung sino. Hu.. Oo nga pala, si Lee ang besi ni Neji. Pareho silang nasa II- Benevolence. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano nagkakasundo yung dalawang iyon. Kahit na dalawang taon ang pagitan naming, ayaw niya na tinatawag na "kuya" kasi pang matanda lang daw iyon.
"Hinihingi mo ito, 'di ba?" sabi niya sabay bigay ng isang libro.
"Waiii! Lady Detective Yukino! Issue no. 1 ng manga! Kyaaa! Salamat po Ku… este Lee!" para akong batang binigyan ng chocolate ice cream. Pero pinaka fave ko talaga ang series na ito! Lalo na yung isang linya ni Lady Detective Yukino sa Episodes 1,5,18,26 at 32. 'Kahit ano gawin mo sisiguraduhin kong hindi magtatagumpay ang masamang binabalak mo!' KYAAAHHH! Ang cool talaga niya! Dahil sa kanya, gustoko maging isang detective balang araw.
"Magandang umaga," bati ni Sasuke. Kahit anong gawin niya hindi naya masisira ang araw ko.."Boyfriend mo?" Tapos tumingin siya kay Lee. Tawa naman kami ni Lee.
"Hinde, ah! Friendship lang kami." Sagot ni Lee.
"Ah.. kaya pala.."bulung ni Sasuke sa sarili. Masyado matalas ang pndinigko at abot langit ang curiosity ko kaya..
"Kaya pala ano?" tanong ko.
"Kaya pala parehas kayong sira." Bulong uli niya sa sarili. Narinig ko n asana yung sinabi niya kaso ngalang nasabayan ng ring ng bell. Hayy… Sayang..
11:00 am (lunch)
Haaay.. ang ingay sa klasrum hindi ako makapag konsentrate sa pagkain ko. A! alam ko na! Sa roof top na langkaya ako kumain. Tahimik pa dun. Kinuha ko ang baunan ko tapos tumakbo papunta sa rooftop.
11:05 am (Rooftop)
WOW. Ang tahimik dito.. Umupo ako sa isang tabi tapos inilabas ang baon.. Kumuha ako ng isang rice ball. Isusubo ko na sana pero…may naririnig ako kumakanta…
O, diyos ko ano ba naman ito
Di ba
Langhiya nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig to-o-o-oh
Nice! Nakanaks naman! Ang galing kumanta. Teka nagpalit siya ng kanta.
Napansin ko nung iniisip kita... Ako ay napapahiya At ayoko talaga ng pakiramdam na ito Dahil takot ako ipahayag ang aking nararamdaman Kahit na kaya ko itago sa utak ko, hindi maalis sa puso ko Hindi ko ipinaparamdam kapag tayo ay nagkikita Para maging normal ang pag-usap ko sa iyo Ang magkunwaring walang nararamdaman ay nag simula nang sumakit Ang pag siningaling sa iyo, hindi ko gagawin, pero...
Konti pang panahon Kung pwede akong maging malapit sa puso mo Konting oras pa Para hindi na matapos ang sandaling ito
O, Diyos, sana bigyan mo ako ng katapangan...
Woooohhhhh! Nakaka elibs! Di ko na mapigilan ang sarili ko.
"Um, excuse me.." Tumingin siya sa akin.. EEEyaaa! Si..si…Sasuke!
"A-A-ANOOOOO! Ikaw! Anong ginagawa mo rito!" sigaw niya sa akin. Ang mukha ay kasing pula ng kinakain niyang…Kamatis!
"Sasuke? Ikaw ba Iyan? Tol, ang galing mo pala kumanta! Nakakapanibago!"
"Wala kang nakita! Wala kang nakita!" Pilit niya, pula pa rin ang mukha.
Hmmm.. Kumakato ang pagkakataon… Napa-smirk ako.
"Wag ka mag-alala. Hindi ko naman ipag sasabi kahit kanino.. Basta, huwag mo na akong asarin," sabi ko.
"Deal!" sabi niya agad.
"Teka. Hindi mo ako pinatapos," nakita ko siyang lumunok ng malalim. "Kailangan mo ako pagsilbihan ng dalawang lingo."
"Nababaliw ka na ba!" sigaw niya.
a/n: Hayyy.. Nababaliw na talaga ako! Pasensya ka na Sasuke. Ang saya mo kasing pag-tripan lalo na dahil sa ginawa mo kay Naruto.. Ha? Ha? (kagigising lang sa isang panaginip ) A, sori nawala ako… Ehehehe.. Any way, salamat po sa mga nagreview : )
