High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang gumawa o may-ari ng Naruto o n Peter Pan.. o ng mga kanta na inilalagay ko..
Chapter 8: Bagong Estudyante
Haaayy… Kalagitnaan na ng July… Walong uwan pa bago mag-summer vacation… Ako nga pala si Sakura Haruno. Isang typical freshman sa Konoha High School. March 28 ang kaarawan ko. Inanounce kanina noong morning activity na may mga estudyanteng galing sa ibang skul na pupunta rito para "obserbahan" kami. Haaaayy…
Sa klasrum ng I- Integrity, 8:00 am
"Ok, people," sabi ni Sir Kakashi. "pasensya na kayo kung late ako."
Pfff… Kelan pa kaya hindi na late itong pinakamamahal naming guro?
"Anyways, ipapakilala ko sa inyo ang bago ninyong kaklase.. Pwede ka nang pumasok!"
Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na isang babaeng estudyante na naka half pony tail, navy blue na palda na approximately 25.8 inches ang haba, puting sailor baby-collared blouse, navy blue na necktie, puting socks (duh), at leather shoes na black (in less syllables naka uniform at naka half ponytail.) Medyo curly na wavy ang buhok niya.
"Ipinapakilala ko si Mio Hanabishi."
"Hello. Kamusta kayo?" tanong ni Mio sabay ngiti.
"Wow! Ang kyut niya!" bulong ng mga lalaki at tomboy maliban kina Sasuke at Shino. Hmn? Bakit parang nakita na ni Sasuke si Mio noon?
"Ok, class. Shut up. Mio, doon ka nalang sa likod katabi ni Sakura, okay?" sabi ni teach. Wha? May upuan pa pala rito sa likod? Siguro hindi kolang napansin sa dami ng iniisip ko. Ipag pares ka ba naman sa taong pinaka ayaw mo, panong hindi ka ma-di-distract? Lalo na kapag ComSci… dinadagdagan lang ng mga titser at kaklase ang iyong mga apoy sa iyong hell. Nagulat na lang ako nangmay biglang umupo sa tabi ko.
"Hi! Ako si Mio Hanabishi! Anong pangalan mo?" tanong ng bagong estudyante. Masiyahin… Ewan ko lang kung ano mangyayari sa kanya…
"A, ako si Haruno Sakura."
"Cherry Blossoms of Spring. Ang ganda ng pangalan mo. Pwede ba tayo maging magkaibigan?"
"Um, ok." Hindi naman siya mukhang nangangain. Tuloy parin ang mahabang discussion sa Araling Panlipunan..
Lunch, rooftop..
Ang bago kong paboritong pwesto para kumain. Nagawa ko nab a ang checklist? Dalhin ang baon. Check! Tumingin sa paligid kung may ibang tao. Check! Sounds.
Huwag kang mag-alala
Hindi ako mawawala
Huwag kang mag-alala
Palagi mo akong kasama
Check! I record sa cell ang oras, lugar at kung anong gagawin. Check! Ok! Kainan na!
"Wow! Ang ganda rito!" sabi ng isang boses. Tumingin ako sa may pinto papunta sa hagdan pababa. Waa! Mi-mio?
"A! Sakura! Pwede ba ko makikain? Nawawala kasi ako. Hindi ko mahanap yung canteen. Ahehehe… Tsaka parang mas maganda kumain dito." Paliwanag niya.
"Sige." Umupo siya at kamain kami.
Sa paglipas ng panahon
Huwag nating iwan ang kahapon
kay sarap balik balikan
ang ating napagdaanan
Hindi mawawala
Ang ating mga alaala
Palagi kong dala
Hanggang sa aking pagtanda
Huwag kang mag-alala
Hindi ako mawawala
Huwag kang mag-alala
Palagi mo akong kasama
Sa klasrum, 11:30…
"Oist bagong issue nanaman!" sigaw ni Naruto. Kailan kaya dadating ang araw na mapapaos ang maingay na ito? Kumuha ako ng kopyo at pumunta sa upuan ko. Hmn..
'HEADLINES: Bagong Estudyante Project ni: ShrinePrince
Kaninang umaga, sinabi na magkakaroon daw ng mga bagong estudyante ditto sa ating paaralan. Blah, blah..'
'Komiks ni: Butterfly Chronicles of Mushroom! The Mu and The Sh in the Room.' Kwento 'to nina Lilu, Saemi at Des! Special Request siguro..
'Eternal Emotions: Isang Fanfic ni: Kamikaze
May isang babae sa pangalan na Cherry ang nag-aaral sa junior high. Isang araw, nauntog siya sa isang lamp post dahil iniligtas niya ang isang batang muntik na masagasaan. Dinala siya ng kanyang besprend na si Pam (lalaki, short for Patrick Michael) sa ospital. Nang magising ang babae, meron pala siyang amnesia at tinulungan siya ng kanyang kaibigan upang makuha uli ito. Dito magsisimula ang aking kwento… TBC'
Wow ang galing! Dito magsisimula raw! Tapos to be continued!
"Sakura! Hello!" sabi ni Ino.
"Uh, hi?"
"Bakit parang wala ka sa mood ngayon? Nalaman mo na ba?"
"Na ano?"
"Mio! Pwede ka ba pumunta rito?" sigaw ni Ino.
"Andito ako," sabi ni Mio na naka upo lang sa kanyang upuan.
"Childhood friend mo si Sasuke, 'di ba?" tanong ni Ino sa kanya.
"Un. Parang.." sagot ni Mio.
"Narinig mo iyon Sakura? Mukhang may karibal ka ke Sasuke! Ohohoho!" sabi ni Ino sa akin.
"Sa kanya na siya," sabi ko nang walang emosyon. So ano naman ngayon kung magkababata sila? 'Di naman kami mag-on ni Sasuke!
"Maging ka- ka-ka- Magkaroon ng relasyon sa panget na iyon! No way! Ayaw ko sa kanya! Alam mo ba noong bata kami, ako lagi nagbabantay sa kanya dahil palagi nalang siya napapahamak! Kaya nga palagi ako may pasa sa balikat noon, e!"sabi ni Mio.
"Ikaw binantayan ako? Bago yun, a! Sino kaya yung batang palagi kong inililigtas kapag sumasabit sa puno? 'Di ba ikaw iyon?" sabi ni Sasuke. Teka, akala ko ba naka upo siya? Ba't ngayon, nakatayo na siya sa harap ng upuan ko ngayon?
"Sino ba yung nagtulak sa akin noon kaya muntik na ako mauntog sa pader! Ikaw!" balik ni Mio.
"Tinulak lang naman kita kasi hindi mo tinitignan yung dinadaanan mo at may kanal sa inaraanan mo, nun!" sumbat ni Sasuke.
"Anong hindi timitignan ang daan! 'Di ba ikaw naman yung nahulog doon? Tsaka sino ba yung batang palaging may dalang teddy bear at sinisipon? Anon a nga ba yung pangalan nung teddy bear? A, oo! Si 'Mr. Tomato'!" sabi ni Mio.
"Sino ba yung palaging nanunutok kahit na walang dahilan?"
"Sino ba yung umiyak kasi na-iputan ng ibon sa ulo?"
"E, sino kaya yung nauntog sa poste kasi nagbabasa ng komiks habang naglalakad?"
"At least ako, kahit gaano karaming matatamis na pagkain kainin ko, hindi nasisira ngipin ko, e, ikaw, kakagay na ngalang ng lollipop, matatanggal na ang ngipin! Hindi ka pa rin talaga tumanda!"
"Ano 'to? Neverland?"
"Sira ka pa rin!"sabat ni Mio.
"Lalo ka na!" sagot ni Sasuke.
Wow. Ang galing ng reunion nila. Sa wakas! Meron naring bagong miyembro sa anti-Sasuke club! Mio, bakit ngayon kalang dumating?
a/n: Medyo maiksi pasensya. Andami ko kasing kailangan tapusin. Pasensyan na po. A, oo nga pala, si Mio Hanabishi ay pangalan ng isang tao at kaibigan. By special request lang. Ahenh. : )
