High School Life
Disclaimer: Hindi akin ang Naruto o ang mga kantang pinaglalagay ko rito…Waaa! Tsk.tsk..
Kabanata10: Teacher's Day
August 2: Happy B-day, Principal and Happy Teacher's Day!
Iyan ang nakasulat sa announcement board sa lobby ng iskul. Sa wakas! Maipapakita na naming ang drama naming na isang lingo lang pinagpraktisan! Oo, ng pala! Si Haruno Sakura ito. Pink ang buhok at nasa first year high school.
Nasa audi kami at buong araw kami magpapalabas para sa mga teachers. Yea! Walang klase! Kakatapos lang ng flag ceremony kaya ngayon nagmamadali na kaming magbihis para sa presentasyon naming. Pagkabalik naming sa audi, in'announce yung kung sino yung una susunod at huling magprepresent. Una yung secong year: "Ang Prinsesa, Ang Prinsipe at Ang Dragon". Tapos intermission ng fourth year. Tapos, play ng third year: "Gay Wars: Vaklush's Revenge". Tapos, intermission uli ng fourth year. Tapos, kami na.
Langya! Nadapa pa ako sa dressing room kasi akala ko kami yung una! Haaayy… Save the best for last nga naman. Sina Modoki, Sara at Tenshi yung sumulat ng script naming pinaghalo-halong fairytales. Bunutan kami ng mga parts namin. Si Snow White si Hinata. Si Cinderella si Narumi. Si Sleeping Beauty si Ino. Si Prince Charming si Naruto. Ang three bears ay sina Modoki, Sara at Tenshi.
Ang role ko? Isa sa mga seven dwarfs! Kasama ko sina Mio, Arashi, Makoto, Yui, Ruka at Mikan. E, ano naman ngayon kung duwende ako? Mas masaya nga role ko ke Sasuke, e! Ano role niya? Edi yung pusa! Nyahaha! Lahat kasi dapat daw me role, pinagsama pa yung dalawang section ng first year. Kaya yung iba puno, animals at background personnel.
Ok, magsisimula na yung presentation ng fourth year. Yung mga lalake pala ng fourth year.
"HEY, All you beautiful peoples out there! Just sit backs, relax and making enjoy our palabas!" Sabi ng publicist nila. May konting tawanan sa audience kasama na yung teachers. Music… Wadda…?
Tila ibon kung lumipad, Sumabay sa hangin ako'y napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga.
Narda? Wahaha! Nakakatawa! Para silang mga rocker dudews sa actions nila!
Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka
Bisaya ata yung kumakanta. "Dame?" Eto n yung chorus.
Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan, (tinanggal yung butones tapos binutones uli)
Pag-ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan (hawak sa dibdib tapos ginaya ang F4)
Nag aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip (sumaludo sa mga teachers)
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna (Tumalikod tapos tumalon paikot)
Ang swerte nga naman ni ding, lagi ka nyang kapiling
Kung ako sa kanya niligawan na kita
Mapapansin kaya sa dame ng yong gingawa
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka
Sumabay na ang lahat sa chorus (pati yung principal naminkumanta rin)
Tumalon kaya ako sa bangin,para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan para mayakap ka
Darating kaya... sa dami ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila paano na kaya?
Kanta nanaman lahat.. Nabow at bumaba sa stage tapos umakyat na yung second year.
"We is hoping that you is going to be enjoying our show too! N0W, please welcome, Ang second year!" Di ko alam kung sino mas magaling na announcer. Yung sa Seniors ba o yung sa sophomores?
"Isang araw,ow! Sa isang palasyo, may nakatirang isang mabait na prinsesa. EHEM! ISANG MABAIT NA PRINSESA!" Tinulak yung lead actress sa stage or actor ba iyon? Kung di ako nagkakamali… si… NEJI yung prinsesa! Pfff… Pero in fairness, bagay sa kanya yung pink na gown at red high heels na suot niya.
"Iyan si Prinsesa Bijin, mabait, mapagmahal, matulungin at mahal ng lahat. Dahil rito nagalit sa kanya ang bruha…" Nag close curtain tapos, open at nasa bahay na ng mangkukulam!
"Pwe! Ang pangit ng prinsesa na iyan! Siya palagi sumisira ng mga plano at chuva evers ko! I summon Black Dragon!" sabi ng bruha. Hmnh? Si Ate Tenten ba iyon? Nag smoke bombs tapos may mabahong amoy tapos lumitaw yung dragon.
"Kaf. Kaf. Kaf. Kaderder naman pare! Ba't ka umutot?" tanong ng dragon sa sarili niya.
"Sensya na pards." Sagot ng dragon sa sarili niya.
"EHEM! Lumabas ang dragon at sinabi ng bruha sa kanya na kainin ang mahal ng prinsesa kaya agad na sinugod ng dragon ang kaharian ng prinsesa.." Close curtains, open sesame! Dada! Nasa kastillo uli. (Wala kong magawa!)
"Sinira ng dragon yung mga bahay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng Blue Snail Double Dribble Attack. Nang malaman ito ng prinsesa agad siyang pumunta-" Asan yung prinsesa?
"EHEM! AGAD PUMUNTA ANG PRINSESA!" Tinulak uli si Ne- este si Prinsesa Bijin sa stage.
"Sa kung nasaan man yung dragon at kinausap ito…" Walang nagsalita..
"Psst! Yung linya mo!" May sumigaw sa backstage.
"Bakit dragon? Bakit mo ito ginagawa?" tanong ng prinsesa. Napa WOOOH yung audience sa galling ng arte ni Neji. (Siya ang president ng drama club.)
"Nang Makita ng dragon ang prinsesa, na love at first sight ito sa sknya kaya kinidnap ng dragon ang mahal na prinsesa. Nang malaman ito ng prinsipe, agad niyang sinugod ang dragon-" Nakatulog ako. Maya-maya, ginising ako ni Ino. Nkabitin ang prinsesa sa bintana at mukhang malapit na siy mahulog pero kapit ni Prinsipe Lee ang kamay niya. Nahulog ang prinsesa at agd tinubuan ang pakpak at nakatulog uli ako…
a/n: Sensya… Bakasyon ako ngayon (pati utak ko, nagbakasyon din) : )
