High School Life
Disclaimer: Hindi akin ang Naruto
Anyway, nagising na si Hinata tapos hinimatay uli. Hehe.. Nakakatuwa. Tumuloy ang celebration at nagbigayan nanag bulaklak sa mga teachers kaya uwian na. May nag-suggest na pumunta kami dunsa parke malapit ditto para i-celebrate ang success ng play namin.
Kabanata13: Ang Adventure sa Parke!
Yes! Nakawala na rin sa nakakaantok na skul namin. Kakatapos lang kasi ng Teacher's Day at half day kami ngayon. Halos lahat pumunta dun sa parke. Siguro ang ganda dun. Pero sabi ni Ino, ' Wag ka na umasa…' Ano kaya ibig sabihin nun?
Oo, nga pala. Ako si Haruno Sakura. Isang freshman sa Konoha High. Simula nung pumasok ako dun, lalo pa yatang gumulo ang buhay ko. Haaaayyy… paanong di gugulo kung yung fanclub nung taeng kalove team mo e palagi kang bli-na black mail? Siguro dun sa parke, makakapag isip ako ng matino kaya sumama nalang ako.
Kumain kami muna sa karinderya sa likod ng skul. Anong magagawa ko kung ginastos ko na yung weekly allowance ko sa lecheng presentation na iyon? T.G.I.F. Sobra sa patawa yung mga kaklase ko, nabulunan ako. Anong nakakatawa? Nag-open forum sila nung iba naming ka table mates kung ano kinakain ng lalake at babae sa umaga. Ang lalake raw hotdog at eggs. Ang babae mani at monay. Kundi ninyo iyon na-gets, bahala kayo sa buhay ninyo. Wala na akong balak na maalala iyon..
Laking gulat ko nung pumunta na kami sa parke. Hindi sa nanghihingi pa sila ng bayad para makapasok ka pero sa isa pala itong sementeryo. Ang Memorial Park ng Konoha kung saan nakalibing ang abo ng ikaapat ng principal. Mamaya ko nalang ikukwento yung nang yari. Nyaaaa! Yun pala ibig sabihin ni Ino! Kaya pala hindi siya pumunta! Minsan kasi nakakakita siya ng kung anu-ano. Oo nga pala, andito rin si Hinata. Nung bata pa raw siya, nakakakita na raw siya ng multo.
Hindi naman sa takot ako sa multo, naduduwag lang naman ako sa mga bangkay. Alam mo iyon? Yung pagkapasok mo palang, parang nawawalan ka na ng gana na gumawa ng kung ano tapos may mabahong amoy. Papunta kami ng mga kaklase ko kung nasaan yung iba: sa may fountain. Takbuhan sila. High school students ba tong mga ito? Hindi naman sa nagyayabang ako, no, pero, sa isang public place i-unleash daw ba yung inner child.
Bigla akong hinila ng isa kong kaklase. Sabi niya ghost hunting daw kami habang nagkukwentuhan ng nakakatakot ng kwento. Pumayag naman ako. Unang stop namin yung bridge. Umakyat kami tapos nakasalubong namin yung janitor. Yung walang hiyang kapartner ko, nag –ala- morning talkshow hoat at ininterview yung mama.
"Ano, manong totoo poba yun may manga multo rito?" tanong niya.
"Un. Lalo na kapag gabi. Hindi ba kayo naniniwala? Baka mapahamak lang kayo.." sagot ni manong. Tapos, as if on cue, may malamig na hangin na naramdaman namin kaya hinila ko yung natameme kong kapartner pababa sa hagdan. Ang bigat. Napansin namin sina Narumi na tumigil sa kanina pa nilang kakapicture kaya pinuntahan namin sila.
"Oi. Anong problema?" tanong ko. Ipinakita kila sa akin ang cell ni Mio na ginamit nila sa pagpapapicture. Nakapose sina Tenshi, kasumi at Narumi tapos may puti na lumulutang dun sa likod. Kinilabutan talaga ako!
"Ba-baka naman plastic lang iyan.." dahilan ko para hindi ako matakot.
"Hindi. Nung hindi ko itinapat sa kanila yung cell ko, wala dun pero nung pinicture ko…" paliwanag ni Mio.
"Alright! Ituloy ang ghost hunt!" sigaw ng presidente namin.
Una pumunta kami dun sa libingan ng mga baby. Nung lumapit ako dun sa parang may carvings na bungo may narinig akong parang tumutugtog na plawta. Nagulat kami nang biglang sumigaw yung kasama namin.
"Misaki! Ayos ka lang ba?" tanong ng team leader namin.
"Oo. Para lang kasing may naramdaman akong humila sa finger ko tapos nung tumalikod ako may nakita akong bata na naglalakad papunta kina Mikan at Sakura." Paliwanag ni Misaki. Agad naming sumigaw si Mikan kasi siya yung pinakamatatakutin sa multo. Pumunta kami sa may libingan ni ikaapat ng principal. Ano ba nangyari sa kanya? Ganito kasi…
Dati, may dorm daw yung skul para sa mga gradeschoolers at high schoolers na malayo ang bahay sa school. Isang araw, nung bandang 10 PM, nagkaroon ng isang sunog. Halos lahat nakalabas. Pero meron pang isang grade schooler na na-trap sa loob. Buti nalang at nagroronda ang principal kaya agad na iniligtas ang bata. Yung ginawa kasing exit e, yung bintana. Kaso nasunog at namatay ang principal. Ngayon, ang batang iyon ay nagtuturo ng science sa skul. Ewan ko ba kung totoo nangyari iyon.
May naglalaro ng badminton kaya umalis kami. Tapos yung kaklase ko, nagparang batang tanga at tumalon sa may mga dahon.
"ARRGGGHHH! Tulong!" sigaw niya.
Nung tumingin kami sa kanya, lubog yung kalahati ng katawan niya dunsa may butas na itinago ng mga dahon. Haaayy, naku. Katangahan naman. Tapos biglang umiyak si Hinata.
"Bakit, Hinata? Anong nangyari?" Pa-concern effect pa itong si Naruto.
"Wa-wala. Kasi nakikinig lang ako sa nakakaiyak na kwento ni Arashi," sagot ni Hinata.
"Pwede ba, huwag mo nga ko idamay. Nag spirit of the ballpen tayo tapos sa bi ng multo na gusto kaniyang maging kaibigan," paliwanag ni Arashi.
"Patunayan mo. Seeing is believing." Sabi ni Naruto.
"Sama ako diyan!" Sabi ko, Di pa kasi nakakapag laro ng Spirit of the Ballpen noon.
"Yeaba!" Nilagay niya yung yung ballpe sa gitna ng papel at hinawakan naming yung dulo ng ballpen.
"Spirit of the ballpen, andito ka na ba?" tanong ni Arashi. Wa- effect.
"Di yata totoo yun," sabi ni Kasumi. Tapos biglang gumalay yung ballpen at ito ang sinulat:
Mga bobo. Andito na ako. Ano ba at tinawag ninyo pa ako?
"Anong hindi, totoo?" tanong ni Arashi sabay smirk.
"Ano pangalan, age, gender at cause of death?" tanong ni Mio.
Sai Waitake, 12 nung namatay, 60 yrs. Nang patay, babae, at namatay dahil sa isang serial killer
Bigla uling humangin ng malakas.
"Happy mushroom?" tanong ni Mio.
"Anong mushroom yang sinasabi mo?" tanong ni Naruto.
"Ang tange mo naman. Pagsamahin mo yung sai at waitake magiging saiwaitake o happy mushroom." Paliwanag ni Mio. Nagsimula na ang pag-uusap sa isang multo..
