High School Life

Disclaimer: Hindi akin ang Naruto


a/n: pasensya na, pero hindi ako magsususlat ngayon sa mga exam. Pasensya nap o talaga..
Kabanata 15: Isang Field Trip na Hindi Makakalimutan

October na ngayon. October 15. Ang Araw ng Field Trip. Alam ko na pang-elementary lang ang mga field trip pero kasi, ngayong taon lang ako mag-kakafield trip. Tuwing pagdating ng araw ng field trip, palagi nalang ako nag-kakasakit o kaya nag-didigrasya.

Nung grade one ako, nagkasipon ako nung araw ng field trip. Nung grade two, nagka-measles ako. Nung grade three to five, ki-nansel ang mga field trip. Tapos nung grae six, kinailangan namin pumunta sa burol ng tito ko. Puno yata ng kamalasan ang buhay kong ito! Dahil ba sa pink kong buhok? O kaya sinumpa lang talaga ako? Pero sinisigurado ko na ngayong taon, makakasama na ako sa field trip!


7 am, school gym..

Ba't ba naman kasi ngayon lang binibigay yung mga bus assignments? Ayan tuloy! Nakakagulo!

"Sakura… Sakura… SA-KUUURAAA!" sigaw ni Ino sa tenga ko.

"Ano ba? Hidi naman ako bingi, a!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Huwag mo kalimutan! Bus Plan No.1: Paglapitin sina Hinata at Naruto!" sigaw uli niya.

"Oo." Ginawa namin ang planong iyon last week pa kasi pagkatapos nung araw ng play, hindi na sila nag-uusap. Nung una, sinubukan namin sa LRT, nung papunta kami sa bahay nina Hinata para matapos ang isang group project, kaso ngalang hindi gumana kasi halos lhat nga kasama namin, nakakapit ke Naruto. Pero ngayon, sinisigurado ko, tagumpay ito!

"BUS NO. 1: First Year- Hope at Second Year- Benevolence.."

Ok. Bus number one. Sa sobrang excited ko, siguro hindi na ko nakinig sa ibang announcements. Nung nakita kong nag-unahan na ang mga estudyante palabas, lumabas na rin ako. Ok, asaan muna sina Naruto at Hinata? Kailangan maubusan namin sila ng mga upuan para gumana tong plano namin. Kinaka-usap pa si Naruto ni Sir Iruka at si Hinata naman ay kausap nina Mio. Takbo ako agad paloob sa Bus No. 1. Maya-maya, napuno na ng estudyante ang bus at hulin pumasok ng dalawa. Yes!

Ano ba yung plano namin? Ganito iyon, Hindi katulad ng ibang bus ang mga bus ng school namin: walang upuan sa gitna. Yun ang advantage namin. Dapat huling papasok sila para gumana ito. Maliban sa kanilang dalawa, meron pang dalawang tatayo: kami ni Mio. Ang driver pa naman namin ngyon ay si Sir Kakashi, kasi nag-kasipon yung dapat na driver nung bus namin. Sa totoo lang, ang adviser namin a.k.a Ang Kilabot ng Daan, ay kilala sa kanyang mabilis at cool na pagmamaneho. Pumapasok siya sa school gamit ang motor bike niya kaya kapag naririnig ang pagdating nga bike niya, meron kang maririnig na : " Andito na ang Heart throb!"

Anyway, balik sa plano. Sa sobrang bilis ni Sir, naiipon ang force, tapos kapag biglang nag-preno, tiyak unto gang ulonamin sa upuan ng nasa harap namin. Kapag nangyari iyon, gagawin namin ang "aksidente". Mapapa-forward kami tapos, si Hinata, mapapaforward din at kay Naruto ang bagsak! Ayos ba? Hahaha…

Pa-alis na ang bus. Vroom! Ahehe. Pagbigyan ninyo ako! First time ko lang mag-field trip! Nakakatakot mag-drive si Sir! Para kang masusuka sa sobrang bilis! Para bang mauubusan siya ng kalye na dadaanan! Halos hindi nga kami makatayo e! Masusuka ata ako! Ayos, lang iyan! Andyan na ang first stop: Ang History Museum. Ok! Execute plan!

Pinikit ko ang mga mata ko at nagkunwari hulog. Natamaan ko si Hinata tapos apat kaming nahulog sa sahig ng bus. Pero.. ano ito? Bakit parang nagka- abs yata itong si Hinata? Binuksan ko ang mata ko laking gulat ko nang malaman ko na hindi pala si Hinata ang nahulugan ko kundi ang pinsan niya: si Neji!

"Tama na yang kalokohan ninyo," sabi niya. Napahiya kami at humigi ng tawad sa kanya. Tawanan ang lahat sa bus. Teka nga, kung siya ang… na saan si Hinata? Hinanap ko siya at nakita ko siya nakaupo sa upuan ni Neji.

Bumaba kaming lahat sa bus at nag-explore sa replica ng unang kainan nag Konoha na itinayo ng Una at Ikalawang principal para mag-kapondo ang school. Ang sabi ng tour guide, dati raw, ang kinukuha lang sa baka ay gatas at hindi karne kaya noon, gawa sa bulate an mga hamburger at masarap daw! Dun sa G-liner bus exhibit kami sunod na pumunta. Noon daw, ang tawag dun ay gapang-liner kasi hinihintuan daw ang lahat ng bus stops.

Pumunta kami sa germ exhibit, tapos music, tapos fashion. Ang saya talaga doon! Pagkatapos namin nilibot ang museum, sumakay uli kami sa bus (naka-upo na kami. Katabi ko si Ino, tapos nasa harap namin sina Mio at Naruto. Nasalikod naman namin sina Tenten at Lee. May kalayuan daw yung susunod na destinasyon kaya natulog muna ako. Pero, sa totoo lang, hindi ko alam kung makakatulong ako, dahil sa nangyari kanina.. Haaaay…


a/n: Salamat sa pag-babasa!

Sakura: Bakit ba ako nalang palaging pinag-tritripan!

Fudge: Bakit? Sino bang nag-isip nung plano?

Sakura: IKAW!

Fudge: Oo nga no. Ba't di yata nag-sasalita si Mio?

Mio: …..

Sakura: May ginawa ka no?

Fudge: Kanina, nung nag-landing ka kay Neji, napansin mo ba yung mga mata ni Sasuke? Nanlilisik, parang gusting pumatay! Tapos nakatingin sa inyong dalawa!

Sasuke: Wag mo ako idamay sa kalokohan ninyo! That is so not true!

Fudge: Oh? Kung hindi totoo, ba't ka affected? Pa-english –english ka pa diyan! Ang sabihin mo, nag-je-jelling ka!

Sakura & Mio: Talga? Hehehe…