High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang gumawa o may-ari ng Naruto
Kabanata 17: Isang Kakaibang Birthday
October 10. Birthday ni Naruto ngayon. Ginawan ko siya ng mga tsokolate pero hindi ko alam kung magugustuhan niya. Ah! Ramen! Bakit kasi hindi nalang ramen ang dinala ko…
"Oi, Hinata. Kung buong araw ka mag-iisip, baka sumabog yang ulo mo sa sobrang daming ideya," Sabi ni Sakura.
"Aa! Sa-sakura?" tanong ko.
"Nag-space out ka nanaman. Pangtlong beses na iyan simula kaninang umaga. Baka gusto mong malaman na THE period ngayon at baka masunog na iyang niluluto mong adobo." Iyaah! Yung adobo! Buti nalang hindi pa nasunog! Nilagay ko ang ulam sa isang plato tapos tinulungan ko yung gumagawa ng buko juice.
-POV ni Kiba-
Bakit ba parang wala sa sarili si Hinata ngayon? Muntik na niya mahiwa ang kamay niya, nadapa siya nung gym class at ngayon naman, muntik nang masunog ang nilulluto niya! Ano bang meron ngayon? Teka nga lang, niligawan na ba siya ni Naruto? O, HINDEEEEE! Kung ano mang binabalak mo, Naruto sinisigurado kang hindi ka magtatagumpay!
"Pssst, Kiba, ano yang niluluto mo?" tanong ni Naruto.
"Obvious ba? E, di Adobong manok!" Sagot ko. Psh, tignan mo siya, akala mo kung sinong inosente.
"A, ganoon ba? Akala ko kasi dinuguan, ang itim kasi,e," sabi niya bago siya bumalik sa itinitimpla niyang juice. Wait nga lang, dinuguan! Tinignan ko yung niluluto ko, uwahh! Umaapoy na! Agad ako kumuha ng fire extinguisher at pashiiii, binombahan ang stove. Sayang yung masarap na luto ko!
-End of POV-
RRRRIIIINGGGGG!
Agad namin kinain ang mga gawa naming mga pagkain kasi English ang sunod naming subject at ang teacher namin ang kilabot na si Miss Anko. Takbo kami paakyat ng hagdan kasi nasa third floor ang classroom niya. May muntik nang magsuka at may muntik nang mahulog sa hagdan dahil sa sobrang kabusugan. Meron naming nadapa at nasugatan ang kamay kaya dinala siya ng iba namig kaklase sa clinic na nasa ground floor. Pagpasok namin sa klasrum, sermon nanaman ang inabot namin.
"You lazy students are four-point-twenty-five-seconds late! What're your excuses now, huh?" Sigaw ni Miss Anko. Magsasalita na sana si Iincho nang biglang binara ng guro. "Asshhhh! I don't want to hear your lame excuses! Before I will accept you in my class, have an excuse slip from the teacher before me, got that! Now, move it, move it, MOVE IT!" Walang klase, sayang lang yung binayad ni papa na tuition, tiyak ako nanaman papagalitan nun! A oo nga pala! Public nga pala ang KHS. Dati kasi private school ito, tapos nanging pre-public tapos, ngayong taon tuluyan nang nagging public.
Takbo kami pababa at humingi ng excuse letter kay Miss Kurenai, pero ang sabi niya: "On time ko kayo idinismiss. Late siguro kayo nakarating doon." Kaya hindi kami binigyan ng excuse slip. Takbo uli kami pataas ng hagdan. Sa sobrang pagod at busog, may dalawang nag-collapse. Yung isa sa asthma , yung isa naman, so over fatigue. Limang students ang nagdala sa kanila sa clinic, kasama na ako dun. Dahan-dahan namin sila inilatag sa kama habang patuloy na pabalik-balik ang mga kaklase namin sa third floor at groun floor ang kabilang building. Sa huli, hindi na kami nagklase.
Lahat kaming mag-kaklase ay nagpahinga. (Well, almost lahat kami. Hinahabol pa rin si Naruto ng mga fangirls niya, dahil nga kaarawan niya ngayon.) Nang tinigilan na siya, naisip ko na ibigay sa kanya ang regalo ko. Pero… paano kung ayaw niya ng mga chocolates? Paano kung allergic siya sa mga chocolates? Naisip ko huwag nalang, baka tunaw na ang regalo ko. Kasi naman, bakit ba ganito ako palagi? Hindi ko masabi ang mga gusto ko. Minsan, feel ko, parang ayaw ko nang mabuhay. Pero, hindi pa naman huli ang lahat, di ba? Oo, titibayan ko ang loob ko, pero hindi muna ngayon.
Hekasi na pala. Balik kami sa klasrum namin kasi doon nagtuturo si Sir Asuma ng Hekasi. Ine-explain niya yung tungkol sa Great War. Tapos, nag-may-I-go-out si Naruto. Tapos, tuluy uli sa Great War. May naramdaman ako na parang gumagalaw sa bulsa ko kaya kinapkap ko. Eh? May parang mahaba tapos furry. Inilabas ko sa bulsa ko. Yun pala isang daga! Hindi naman ako takot sa mga daga.
Biglang sumigaw ang katabi ko: "DAAAAGAAAA!" Nagulat siguro yung daga kaya tumalon. Lahat ng babae sa first row, tumalon papunta kay Sir Asuma at kay Sasuke habang sumisigaw: "Iligtas mo kami!" Yung mga babae sa second row umakyat sa kanilang upuan tapos yung mga babae sa third row, maliban kina Sakura at Mio, tumakbo papunta sa isang gilid ng klasrum. Hinabol nina Mio at Sakura yung daga na papunta sa side ng mga lalaki. May sumigaw sa isa: "Sieteng siomai!" Tapos sabi ni Sakura: "Aaay! Bumigay na si Shino!" sabay action ng parang isang gay. "Hindi iyan totoo!" Depensa ni Shino. "Kaya hindi nagpapahuli yung daga kasi ang pangit ng mukha mo." Sabi ni Sasuke. "Shut up! Sige nga! Ikaw manghuli ng daga!" Sigaw ni Sakura. "Buti sana kung nakakagalaw ako!" depensa ni Sasuke.
Habulan nanaman habang nag-LQ ang dalawa. Biglang lumusot ang daga sa isang butas sa wall na nasa pagitan ng klasrum namin at ng kabilang klasrum. Tapos biglang pumasok si Naruto. "Bat ba kayo sigaw ng sigaw?" Tanong niya. Silence….Tapos, biglang sinabi ni Sir Asuma: "Naruto, nagtransform ka ba?" That's bad! Pero nakitawa lang siya sa mga kaklase namin.
Ang bilis ng takbo ng oras. Di ko namalayan na uwian na pala. Nag madali akong lumabas kasi papagalitan nanaman ako ni papa kapag late ako umuwi ng hindi nagpapaalam. Low bat ang cell ko ngayon.Nakita ko naghihintay si Kuya Neji sa may gate.
"Sigurado ka bang wala kang naiwan?" Paalala niya. Tinignan ko ang attach case ko. Ne? Hindi iyon maaaring malawa! Tinignan ko uli. Wala talaga dun ang chocolates! Naku! Baka sa sobrang taranta ko… Agad akong tumakbo papunta sa klasrum at pumasok ako pero… huli na ag lahat. Nakita kong hawak ni Naruto ang mga chocolates. Tumingin siya sa akin.
"Uh, Hi, Hinata!" sabi niya bago siya tumingin palabas ng bintana. Kung hindi pa Malabo ang mga ata ko o nag-iilusyon ako, sigurado ako na namumula siya. "Salamat, nga pala, dun, sa regalo mo." Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Tapos tumingin uli siya sa akin at nag-wink. Agad uminit ang buong katawan ko at tumakbo palabas ng klasrum.
-POV ni Naruto-
Nyo? Ang Sarap ng chocolate! Humarap ako sa kanya para humingi pa pero bigla akong napuwing. Tapos bigla siyang tumakbo palabas. Ah! Ang hapdi ng mata ko! Narinig kong bumukas ang lalagyan ng clening materials at lumabas si Kiba.
"Kaff, kaff. Naruto! Kahit gaano pa katamis ang ngiti mo at kahit gaano pa nakakahimatay ang kindat mo, hindi ako papatalo sa iyo!" Sigaw niya. Neh?
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo?"
"Wag mo na paganahin yang ignorance and innocence speech mo. Pakunwa-kunwari ka diyang walang alam!"
"Hindi nga. Pero kahit ano pa man iyon, wala akong intension manalo, kahit sa mga mini Olympics natin noon dahil kaibigan kita at ayaw kitang kumpitansyahan. Siga! Aalis na ako," Sabi ko sa kanya. Minsan, ang plastic ko talaga, pero ngayon, hindi. Tss. Mush.
"Kahit na sabihin mong aatras ka na sa laban, hindi pa rin ako papatalo sa iyo!"
"Whatever…"
a/n: Yung ibang events diyan, based on experience. Please review!
Mio: Ba't di nalang yung ipis?
Fudge: Madaling mapisa…
Mio: Oh…
Fudge: Sayang walang blackmailing ngayon! Sa susunod nalang! Ahaha…
(Bulungan ang ibang caracters kung paano gaganti sa lahat ng pang-aapi ng authoress.)
