High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang may-ari ng Naruto or sa character ni Mio Hanabishi. Dalawang magaling at kahanga-hangang tao ang may-ari sa kanila. At hindi ako kahit alin sa kanila. Hehe… Hindi ako genius, no!
Chapter 18: Surprise! Pt. 1
Somewhere kung saan di ko alam, may isang super-duper-secret class meeting…
"Uy, alam ba ninyo na sa December na raw babalik ang mga 'transfers'?"
"E, di ibig sabihin nun, aalis na rin si Mio."
"Un! Kya nga andito tayo para magbigay sa kanya ng isang sorpresa!"
"Ohhhh… Me like!"
"O-kay… Ganito ang gagawin natin. October twenty-five na at bukas ang simula ng sem break at opening ng haunted house sa parke kaya…"
Kinabukasan…
Haaay…. Naku! Ba't pa ba ako nandito sa parke? Ah! Oo! Dahil sa Truth or Dare. Alangya! At yung plano nga pala… Ako ang bahala mag-distract kay Mio habang naghahanda yung iba..
"Oi, Sakura… May nangyari ba at kanina ka pa parang nanaginip ng gising?" tanong ni Mio sa akin.
"A, ala ito… Alas kwarto palang . Alas-sais pa magbubukas yung haunted house. Tulog muna tayo!" Suggest ko sabay ngiti. Di ako masyado nakatulog kagabi at feeling ko, mag-cocolapse ako kapag hindi pa ako makatulog. Paano ako napuyat? Ganito kasi, si Ino, hindi niya alam kung ano isususot niya ngayon at buong gabi nag-scout sa damitan niya para makakita ng tamang outfit. Simple? Hah! Diyan ka nagkakamali! FYI, si Ino ay may tatlong cabinet: formal, semi-formal at ordinary. Tapos bawat isang cabinet, 9 by 12 by 15 Feet o meters ba?! Argh!
Pagtapos ng paghahanap ng pinakamagandang pwesto para matulog, nakakita kami ng bakanteng sementong upuan. Naupo ako dun sa gilid at humiga dun sa may grass si Mio. Tapos nakatulog kaming dalawa...
Sa CR ng park…
"Dalian na ninyo! Naruto, Saemi, Kiba, Trish!" Pasigaw na bulong ni Ino sa kanila. Naka ponytail, brown long-sleeved off-shoulder, mini skirt at super-duper-taas-takong sandals si Ino. Si Kiba ay yung mangkukulam, si Saemi yung pugot-ulo, at si Trish yung student na may hawak na bente kwatrong libro at nagyayaya makipag study date.
"Teka nga lang! Bakit ako naging kwago!" Reklamo ni Naruto.
"BAKIT KO KAILANGAN MAG-CROSS DRESS! AT GANITONG OUTFIT PA!" Sigaw ni Sasuke. Si Sasuke kasi, ayaw makipag-participate kaya kailangan kasama siya ng iba na titingin kung sang-ayon sa plano at kung may pagbabago. Kaya ngayon, naka suot siya ng isang kulay white na dress at may kulay pink na parang polo na naka patong pero may ribbon sa harap. Tapos may suot siyang ballet shoes. Courtesy of Ino.
"Number one, to avoid suspicion. Number two, yan lang ang mga kasyang damit sa iyo! Magreklamo pa kayo, palalagyan ko kayo ng mae-up kay Shuji!" Sigaw ni Ino. "HELL NO!" sabay-sabay na inisip ng mga kasale sa plano habang nanginginig sa takot. Si Shuji kasi ang top one sa Top ten gayest students sa classroom, hindi, sa buong school. At nagprapraktis siya mag-apply ng make-up. Kapag nagpa-make-up ka sa kanya, siguradong magmumukha kang payaso!
Later, later…
"Oi, Sakura, asaan na ba kayo ni Mio? Naka position na kami!" Sigaw ni Ino sa walkie talkie ni ko. Sa sobrang lakas ng sigaw, baka bumangon na yung mga people na natutulog sa first second at third floors. Sori, alang tao sa rooftop. Anon a naman! Anyway, nagising ako agad at sinabi na natulog lang kami. Sinubukan kong gisingin si Mio pero, ayaw niyang magising.
"OI, Mio, magbububkas na yung attraction gising na!" Sabi ko sabay tapik sa ulo niya.
"Mmmmnnn… candy… hehe…" Sabi naman niya bago niya hinawakan ang kamay ko at mutik na isubo sa bibig niya! Buti nalang nahila ko yung kamay ko! Paano ko kaya siya magigising? Ah! Alam ko na!
"UY! MAY CHOCOLATES!" Sigaw ko. Agad bumangon si Mio.
"Saan. SAAN? SAAN! Oh, ooops, sori. Hehe.." Sigaw niya. Grabe! Mabibingi na taaga ako! Sabay kami naglakad patungo sa entrance. Ang haba ng pila! Argh! Aabutin kami ng bukas bago matapos tong plano namin!
"OI, Mio! Sakura! Andito kami!" Sigaw ng grupo nina Ino, Sasha, Kiri, Sasuke at Masumi. Hinila ni Masumi ang kamay namin papunta sa harap ng pila.
"Uh, di ba bawal ang mag-cut?" Tanong ni Mio.
"Hindi, ayos lang." Sabi ni Masumi. Nakarating na kami sa harap ng pila. Bigla nalang tumingin si Mio kay Sasuke. Lagot! Alam kaya niya. Naku! Naglalakad si Mio palapit sa kanya! Mabubulilyaso ang plano namin! Tsk.
"Hmmm. Bumigay na si Sasuke! Dum, dum, dah!" Sigaw ni Mio bago inilabas ang camera at sinimulan ang pictorial.
"Ah, um, Hindi! Hi-hindi ako si Sasuke! Ako si- si … Sasaki! Ang kambal ni Sasuke! Kamusta ka?" Sabi ni Sasuke. Pffff! Gusto kong tumawa! Pero napigilan ko nang bigla kong mapansin yung masamang tingin na binabato niya sa aming lahat.
"Ooo-kaaay… Ba't hindi pa kita nakita noon?" Tanong ni Mio.
"Uh, k-kasi, malubha ang sakit ko kaya dinala ako sa ibang bansa para pagamutin! Tama! Yun nga!" Sagot ni Sasuke.
"Ah…okay… Fehe.. Pwede ko pa naman magamit tong mga pics…" Sabi ni Mio bago nag-smirk. Phew! Buti nalang hindi niya napansin! Pumasok kami sa loob ng haunted house. Parang trip lang naman sa school! Ayan! Lumabas na sina Naruto para sa distractions.
"BOO-BWAHAHAH-HA! Boo-bwah-ha!" Tawa niya. Nag-yawn si Mio. Naglakad siya ng konti bago huminto at nanginig. Tinignan ko siya. Nanlalaki ang mga mata niya. May itinuro siya sa akin at tinignan ko. Isang malaking gagamba! Eh? Takot si Mio sa mga gagamba? Gumalaw yung gagamba! Kaya hinila ni Mio yung kamay ko tapos tumakbo papunta sa kahit anong daanang makita niya. Pero sa bawat daan, yung bilang nga gagamba dumadami ng 50 percent. Takbo kami hanggang makarating sa isang puno. Tumigil si at huminga ng malalim. Tapos… Biglang nag-brown out.
"KYAAAAAAAAAHHHH!"
"Ah! Sinong pumatay sa ilaw?"
"Yung fuse! Yung fuse!"
"Yung mga kandila!
"Nasusunog yung buhok ko!"
Puro sigaw ang maririnig mo. Haaaay… Mga sampung minuto bago nagka-ilaw uli. Eh? Asaan na si Mio. Inikot ko yung puno. Tapos bigla akong nadapa.
"Owwww…." Sabi ko bago tumingin sa ano mang humarang sa daan ko. Paa! What the-! At hindi lang basta paa, paa ni… ni… Mio! Hinanap ko yung katawan niya. Phew! Nakakabit pa sa isa't isa yung mga body parts niya! Pero, may kakaiba! May foam sa bibig!
"NAAAANAAAAAY KOOOOOOO POOOOOOO!"
Kung nasaan man yung iba…
"Sigaw iyon ni Sakura!" Agad kinontact ni Ino si Sakura. "Sakura! Oi! Sakura! Anong nangyayari diyan!" Sigaw niya. "Si-si M-mio! De-dedoks!" "Saan kayo!" "Ewan! Basta may fountain at malaking puno!" Wooosh! Parang mga super people, agad tumakbo ang mga kaklase nila papunta sa scene of the crime. Nagulat ang lahat nang Makita ang katawan ni Mio na nakasandal sa puno tapos may foam sa bibig. Si Sakura naman, di makagalaw sa takot.
"Murder?" Sabi ni Naruto. Nilapitan niya si Mio. Nakita niya ang root beer na hawak nito. Naglabas siya ng straw sa bulsa at tinikman ng kunwaring detective ang drink. Agad niya itong iniluwa, in mist form.
"Yuck! Ptooy! Food Poisoning!" Sabi niya. Agad tumakbo yung iba papunta sa pinaka malapit na guard para magsumbong. Yung iba, tumawag ng ambulance.
Sa entrance…
"Ano ba kayong mga bata! Huwag nga kayong magbiro ng ganyan!" Sabi ng gwardya.
"Pero, manong-" Sabi ni Sasaki. Pero biglang singit ng guard: "Anong manong! Mag te-trenta palang ako bukas! Kabataan ngayon! Walang modo! Baka naman sa sobrang takot, nag-iilusyon lang kayo! Sige, shooo!" "Pe-pero, yung kaibigan namin…"Sabi ni Sakura. "Ano bang sabi ko? Sabi ko, SHOOO!" Sigaw ng mamang guard sabay nagdistribute ng mga death glares sa kanila.""ZOMBIE!" Sigaw naman nila bago umalis. Pumunta sila kung saan nila iniwan ang katawan ni Mio. Pero…
"Nasaan na si Mio!" Tanong ng isa sa kanila.
"Di kaya…" Ssabi ni Naruto.
"Di kaya ano?" Chorus ng iba.
"Tinago ng murderer yung katawan niya para walang ebidensya?" Sabi niya.
"WHAAATTT!"
"Kung totoo man iyon, saan at sino yung naglason ng root beer ni Mio? Hmmmn… Kung sino man iyon, hindi siya makakatakas sa atin!" Sigaw niya.
a/n: Pasensya kung medyo natatagalan ako mag-update. Anyway, alam ko naman na mabait at mapagbigay ka. Kaya pwede mo ba ako bigyan ng comment tungkol sa kwentong ito… in review form? Please?
Sakura: Nang bola pa…
Cast: Mn, mn (nodding)
Mio: Bakit ako namatay!
Me: Ehem… Kita-kits (?) nalang tayo sa susunod na kabanata! Paalam! Lah-li-lah-lu-laaaah! Bip-di-bop!
Cast: (sweat drops)
