High School Life

Disclaimer: Hindi ako ang may-ari ng Naruto or sa character ni Mio Hanabishi.

Chapter 19: Surprise! Pt. 2


Last Chapter…

"Nasaan na si Mio!" Tanong ng isa sa kanila.

"Di kaya…" Ssabi ni Naruto.

"Di kaya ano?" Chorus ng iba.

"Tinago ng murderer yung katawan niya para walang ebidensya?" Sabi niya.

"WHAAATTT!"

"Kung totoo man iyon, saan at sino yung naglason ng root beer ni Mio? Hmmmn… Kung sino man iyon, hindi siya makakatakas sa atin!" Sigaw niya. Agad sila nag-investigate sa 'crime scene'.


At the same time…

"Yuck! Hindi na ako i-inom ng organic root beer uli! Bakit naman kasi si turn ni ate maghanda ng baon namin ngayon!" Sabi ni Mio habang naghanap ng mapaghuhugasan. She's alive! "Ano ba nangyari kanina? A, oo. Nung nag-brown out, na-uhaw ako kaya uminon ako ng tinatawan ni ate na 'Power-up Rootbeer' tapos hinimatay ako sa sobrang pangit ng lasa. Expired na ba tong root beer?" Nakita niya yung fountain na akala niyang forever bukas na gripo at lumapit para maghugas. Hindi niya napansin na kulay pula ang tubig! Food coloring na pula, para magmukhang fountain ng dugo.

"ARGH! Hapdi!" Sigaw ni Mio haban tumatakbo paikot sa fountain. Natalsikan kasi ng tubig yung mata niya. Patakbo siya papunta sa mga kaklase niya.


Sa place sa ilalim ng puno…

"Sayang yung cake! Sana nabuhay pa siya para matikman yung double-decker, caramel coated, fudge decorated cake na binake ni na Anna at Hinata para sa kanya! Bakit pa kasi kailangan mag-end ng ganito!" Sabi ni Misaki a.k.a. yung drama queen ng klase. "Ayaw mo nun? Wala nang blackmail?" Inisip ni Sasuke. Iyakan na lahat maliban kina Shino at Sasuke. Tapos may biglang nahulog na tae ng ibon. At muntik nang matamaan si Sasuke! (Sayang at sumablay!)

"Argh! Ah! Anong ginanagawa ninyo diyan? Bat ba kayo nag-iiyakan?" Tanong ni Mio sa mga kaklase niya. Wala manlang tumingin sa kanya pero may nag-salita.

"Kanina kasi, pumunta na sa kabilang buhay yung isang classmate namin."

"Oh, ayos lang iyan, sigurado ako sinuman iyon, ayaw niyang makita kayong umiiyak ng ganyan! Sana alalahanin niyo na masaya na siya doon at kahit wala na siya sa mundo, meron pa kayong alaala sa kanya kaya kahit gaano kalayo o kahit ilang beses pa umikot ang kamay ng relo, kasama ninyo parin siya, sa inyong puso at isip." Nakanaks! Haba ng speech ni Mio!

"Tol! WAhhhh! Ang drama mo! Waaaah! O, Mio bakit mo kami iniwan!"

"Teka nga! At sinong nag-sabing patay na ako?" Sigaw ni Mio. Nagulat ang lahat at tumigil sa pag-iyak sabay tingin kay Mio. Tinitigan ng lahat at pulang food coloring na tumutulo sa bibig at mga mata niya. Silence…. Tapos….

"KYAAAAAAAAAAHHHHHHH! ZOMBIE!"

"HINDI MATAHIMIK ANG KALULUWA NI MIO! AHHHHHHH!"

Sigawan silang lahat habang tumatakbo na parang langgam na binuhusa ng tubig. Takbo papunta sa kabilang gilid ng puno. "Phew! Nakatakas tayo!" Inisip ng lahat.Pero biglang nahulog yung pugut ulong design na nakasabit sa puno!

"KYAAAAAAAAAAHHHHHHH! Naghihiganti ang ligaw ng kaluluwa!"

Sigaw at takbo wala na bang magawa tong mga bagets? Sige, takbo lang sila ng takbo hanggang na-corner sila. Lakas-loob na lumapit ang isa sa kanila at naglabas ng Holy Water sa bag.

"Be gone, Spirit! Go to rest!" sigaw niya bago pinaliguan ng Holy Water si Mio.

"Ano ba?" Sigaw ni Mio habang pinunas ang mukha sa pinakmalapit na tela. In short, sa jacket ni Makoto.

"Ayuuuu! Mio! Your alive!" Sigaw ng mga kaklase niya bago tumakbo papunta sa kalase nila.

"Ehem…" Sabi ni Ino.

"Ah! SURPRISEEE!" Chorus ng buong klase. Kinuha ni Naruto ang cake para ibigay sa kanya, pero sa kasamaan palad, nadulas siya sa tubig at lumipad ang cake papunta sa ulo ni Sasuke, este ni Sasaki. Silence…

"Hahaha!..." Tawa ni Mio habang inilabas ang camera at nag-pictorial uli.

"GRAHH! Mio! Itigil mo iyan! Mas peaceful ang mundo kanina! Nung di ka pa kanina!" Sigaw ni Sasuke.

"Bakit? Dahil solo mo si Sakura no? Kasi wala ako dung para sirain ang moments ninyo, no?" Sabi ni Mio sabay smirk. Dahil dun, hinabol siya nina Sakura at Sasuke at ang mga fanclub nilang dalawa.

"Ayos tong surprise ninyo a! Salamat!" Sabi ni Mio sa kanilang lahat.


a/n: Waaaah! June 5 ang pasukan! Nauubusan na ako ng oras at ideas! Um, oh, hello! Ahehe… Please review!

Fudge: Parang bitin yung ending…

Mio: Haha! Ayos!

Sasuke at Sakura: Parang may favoritism yata rito ah!

Cast: Talaga?

Mio: Aww, c'mon! Paalis na ako sa Christmas chapter! Pagbigyan mga pare!

Sasuke: Sino ba yung gumawa ng script?

Sakura: Obvious naman kung sino…(death glare kay fudge)

Fudge: Trabaho lang! Ahehe…

Cast: Talaga?