High School Life

Disclaimer: Hindi ako ang may-ari ng Naruto o ng mga kanta na nadadamay sa mga kwento, este, kalokohan ko.

Chapter 20: Class Picture


Isang magandang araw nanaman sa Konoha High School. Nasa kanikanilang klasrum na ang mga estudyante. Humuhuni ng masayang musika at ang janitor, nagwalis ng school grounds habang kumakanta ng:

I don't wanna think about you
Think about me
I don't wanna think about you
Or think about nothin'
Don't wanna talk this one out
I won't let you bring me down
'cuz I know
I don't wanna think about you…

Nakanaks! English! Sosyal naman ni manong! Anyway balik sa mga estudyante… Ang mga students ng Year 1 special section. Siguro nagtataka kayo kung bakit ubod ng special ang section na ito. Kasi andun ang kulelat, kalbo, ka-ewanan sa iisang section. Magbanggit ka ng kahit ano, meron dun, may cafeteria, zoo, basketball court, morning talk show, etcetera, etcetera… Dahil ubod ng haba ang history nun, hindi ko na ikukwento.

Isang ordinaryong araw. Nagmumukmok nanaman ang mga estudyante kasi kakatapos lang ang sem break nila. 7:50 na pero wala pa rin silang guro. Kaya tumayo ang class president nila sa gitna at nag-sabi:

"Ehem..Um, okay," walang nakinig. Daldalan parin tungkol sa bakasyon. "SHUT UP nga muna kayo!" Biglang tumahimik at pumalakpak ang lahat kasi yun yung unang panahon na sumigawa ang presidente nila. "Anyway, habang wala pa si Sir Kakashi ipapapamigay ko na yung mga class pictures." Hala, sige daldalan uli habang tinawag ng presidente nila ang pangalan ng mga kaklase niya. Mga atat! Habang nagkakagulo ang iba, nag-fla-flash back si Sasuke nung araw bago mag-picture day…


-2 months ago-

"Oi, narinig ba ninyo bukas na raw ang picture day!"

"Ako ang tatabi kay Sasuke!"

"Asa ka pa!"

"Hindi! Ako!"

"Ako sabi, eh!"

"Mga bruha kayo! Siguradong ako ang tatabihan niya!"

Sigawan ng mga kababaihan (habang nagsasabunutan) sa klasrum maliban kina Ino, Sakura, Mio at Hinata. Habang ang lalaking pinag-aagawan ay kinakausap ng kanyang besprend na si Naruto.

"Hindi nalang ako pupunta bukas," sabi ni Sasuke.

Biglang napatigil ang awayan at biglang nag-ring ang huling bell kaya takbuhan na ang lahat palabas ng klasrum. Hinabol ng mga babaing nag-aaway kanina sina Sakura at Mio.

"Sakura! Mio! Wait lang!" Biglang napatigil ang dalawa sa paglalakad. Tumalikod ang dalawa at tinitigan ang mga hinihingal na estudyante.

"Bilang pormal na president ng Sasuke Addicts FanClub Eto Na, nag-mamakaawa kami na pilitin ninyo si Sasuke para pumasok bukas! Pretty please? With sugar and caramel and chocolates on top?" sabi ng isa sa kanila habang lumuhod silang tatlo.

"NO WAY.." Sabay bigkas nina Sakura at Mio.

"Dadagdagan pa namin ng cherry, strawberry at marshmallow, please?" Sabi ng isa. Tapos… 1,2,3… Sabay-sabay nag-puppy dog eyes. Kung andun ka, di mo alam kung kanino ka maaawa. Kung sa fanclub, kina Sakura o kay Sasuke.

"Sige, payag na ako! Basta kahit anong gawin ko right? Tsaka syempre may bayad din! Walang libre ngayon, no!" sabi ni Mio.

"Really?" tanong ng mga iyembro ng fanclub. "Yes, really, basta pirmahan ninyo itong kontrata para walang basag na kasunduan. Nakasulat na rin diyan ang kapalit ng service ko." Sabi ni Mio habang masayang pumirma ang mga ,iyembro ng fanclub.

-later-

Ding dong. Doorbell sa bahay ng mga Uchiha. Naghintay si Mio sa labas ng bahay habang hinihintay na may bumukas ng pinto. Tmp,tmp. Malakas na footsteps. Tapos creak, bukas ang pinto.

"Anong maitutulong ko?" sabi ni Sasuke na naka suot ng bunny ears at may naka drowing na PINK na whiskers sa mukha niya na parang ginawa ng isang kindergarten. Agad inilabas ni Mio ang kanyang camera. Click! Vrrrr… Naku naman yung Polaroid pa! Agad ini-splat ni Sasuke ang kamay niya sa noo niya.

"Pfff.. Ehem.. May puu-inapasabi sa iyo mga pfff-fans mo, pumasok ka raw bukas. Pwahaha!" Sabi ni Mio.

"Kaya nga ayaw ko pumunta bukas, e! Dahil sa inyong lahat!" Sigaw ni Sasuke. candy! Nasaan ka na? Time na para sa favorite nating show! Yung 'Pink Mushroom Pichi Pichi!" may tumawag na parang 5 year old na batang babae sa loob. Pffff… Bibigay na yata si Mio.

"Nandyan na, Princess Strawberry!" Sigaw ni Sasuke.

"Pfff..Pwahahaha! Ahem… Anyway back to business! Kung hindi ka pupunta bukas, heh, sige ka. Kapag nakuha na yung mga pics, pwede ko naming i-edit at isingit si Mr. Cotton candy sa pic di ba? Masaya ba?" sabi ni Mio.

"Blackmailing! Nakasaad sa school book, page twenty-three, section B, paragraph twelve na bawal ang black mailing sa school! Hah!" Sabi ni Sasuke.

"Heh, dyan ka nagkakamali! Ang sabi bawal ang black mailing sa school lang. Hindi sinabi na bawal mag-black mail sa labas ng school! Hah din! Ah! Ang oras! Gagawa pa ako ng takda tapos i-popost ko pa sa YG yung bagong pic! Sya nga pala, bago ako umalis, pag-isipan mo muna. Anong isasalba mo? Ang pride o ang dignity mo?" Sabi ni Mio.

"Oo na!" sumuko na ang tinatawag nilang "Pinakamatapang na tao sa mundo".

"Heh, Ayos lang yan! Sabi nila, alphabeta raw ang ayos kaya katabi mo si Sakura!" Sabi ni Mio bago siya tuluyang umalis.


-in real time-

"Nakakainis talaga! Tsch…Konting tiis na lan aalis na siya sa December." Sabi ni Sasuke habang nagbibilang ng one to one million para kumalma siya.

"Ang tagal ni Sir! Alam ko na! Laro tayo ng spot the difference! Dalawang kuha yung mga class picture, di ba?" Suggest ni Sakura. At habang lumilipas ang panahon, nag-laro mag-isa si Sakura kasi nakatulog naang buong klase. Bakit? Malay ko.


a/n: Thank you pos a pagtyatyaga ninyong basahin ang fic na ito! Please review, flamers, criticisms, comments and suggestions are highly appreciated and welcomed! Thank you uli! BTW, Sa school na ito, alphabeta ng first name ang sinisunod. Iniba ko kasi nakakasawa na yung palaging last name yung tinitignan. Palagi akong huli sa pila!

Fudge: WAAAH! June 5! Ending na nga ng isa sa mga fave shows ko tapos pasukan na! WAAAH!

Sakura: Sobra naman yang reaction mo! Dito sa fic mo may pasok pa kami!

Sasuke: Big baby…

Fudge: Dahil dun hahamunin ko kayo sa isang laban! Aunahan maubos ng pang asar! Alphabeta! 1! 2! 3! Asar!

Sasuke: Asungot!

Sakura: Baby!

Fudge: Kulelats!

Sakura at Sasuke duet: Hah! K ang simula ng kulelats! Talo!

Fudge: Diyan kayo nagkakamali! C ang simula nun kapag i-spinel mo sa ingles o Spanish! At tsaka ang gamit sa ma laro ko ay ang lumang alpabetong Pilipino as in A Ba Ka Da E Ga Ha! So double Haha to you!

Cast: (sweat drops) Totoo ba iyon? May patutunguhan kaya ang laban na ito?