High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang nagmamay-ari ng Naruto o ng mga character, mga mga kanta (at kung anu-ano pang mga namention na may copyrights) na nadadamay sa mga kwento ko.
Chapter 21: Christmas Party
Sa wakas! Ang second sa mga pinakahihintay na events ng mga studyante ay narito na! Bap-para-pap! Ang Christmas Party! Nung mga nakaraan araw, masayang ag-floor wax, nagwalis at nag-scrub ng sahig. Tapos nag-decorate ang mga estudyante ng kanilang mga kwarto ng makukulay ng paper stars, posters at Christmas trees. Yung iba, npilitan lang kasi binigyan sila ng threat ng teacher na nag-roronda na kapag hindi sila mag-dedecorate ng kanilang klasrum, sa labas na sila magklaklase. Pero ngayong araw, baliwala sa kanila ang mga pagod nila dahil magsasaya sila kasama ang kanilang mga pinakamamahal na mga guro at kaklase.
Ang ingay talaga ng buong school, pero, ngayong araw, kahit gaano pa kalakas ang ingay, hindi sila mapapagalitan o ma-de-detention! Yehey! Kahit na hindi pa umaabot sa kalahati ang bilang ng mga estdyanteng nasa loob na ng paaralan, masayang nagkwe-kwentuhan ang mga maagang dumating. Yung iba sa kanila, namigay na nga mga regalo sa mga guro, kaklase at mga kaibigan sa ibang year level at section. Hindi pa pormal na nagsisimula ang party, masaya na ang lahat!
Sa faculty, naliligo ang mga teachers sa mga regalo na galing sa kanilang kapwa guro at mga estudyante, lalo na ang kawawang desk ni Sir Kakashi. Kahit na wala pa siya sa school, puno ng mga regalo lahat ng sulok na desk niya, pati yung locker niya, puno ng mga greeting cards at letters! Pangalawa sa pinakamaraming natanggap si Miss Anko. Siguro natakot ang mga estudyante na kung anong mangyayari sa mga grades (nila na bagsak na) kapag hini nila binigyan si Miss Anko ng regalo. Ang may pinakamalaking regalo ay si Sir Gai, na binigay ng kanyang estudyante na si Lee. Si Principal Tsunade naman ay umikot sa buong school sa kanya Ms. Claus outfit habang tumatawa ng trademark na "Ohoho!" para mamigay nga mga regalo sa bawat section at empleyado ng school.
Ngayon fast forward sa pgdating ni Sir Kakashi at ng ibang estudyante. Tignan na natin kung ano ang mga ginagawa ng mga bida sa kwentong ito. Inayos at binantayan nila ang mga lalagyan ng exchange gifts at mga pagkain. Tapos, nag-opening prayer at remarks.
"Good Morning, First Year-!" sigaw ng Sakura. Siya kasi ang emcee…
"Wooohooo!" naman ang reply.
"Hanggang ala-una lang tayo rito kaya umpisahan na natin ang palabas! Isang song and dance number galing sa 'D Law Breakers!"
Tuwing sasapit ang dilim
Naghahasik na ng lagim
Ang mga kaaway
Ng ating tagapaglistasa...
Lahat sila'y nagsisilabas
Pagsapit ng dilim
Wala kang makikita
Kung di ang kanilang mga mata
Na nakakatakot
Lalo na kung color yellow
Matatakot lahat kahit na mga multo
Tulong, tulong...,saklolo
Kailangan ko ang tulong mo
Mang jose, mang jose, ang super hero na pwedeng arkilahin
Mang jose parang si daimos din
Ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin
Mang jose...
Pagtapos, paagawan ng kendi. Parang pambatang party naman ito… Games, kanta, games, sayaw. Ganoon ang format nung Party. Ayan na! Kainan na! Paunahan sa Barbeque, pizza (galing Yellow Jeep!), Spaghetti (homemade yan!), meron pang puto, hotdog, marshmallows at dinuguan! Siyempre ang Christmas cake na dala ng adviser. Kain ng kain ang lahat na para bang walang pagkain bukas. Habang nag-tutunaw pa ang lahat, may pumasok na special guests: sina Lee at Neji at may bitbit pang guitara! Agad inagaw ni Ino ang mike at sinabi:
"Kung ang First Year may Law Breakers, ang second year may Heart Breakers! Give It Up!" Sigaw niya sa mike. Nakisigaw na rin ang mga fellow classmates at yung ibang students nakisilip na rin.Si Lee nag "NiceGuy" pose sabay ng nakakabulag na kisap ng ngipin (commercial model kasi ng Smiley Toothpaste). Kumuha siya ng upuan at ipwinesto malapit kay Sakura. Pinaupo ni Lee ang kasama niya at nag-guitara si Neji. Tapos hiniram ni Lee ang mike at nagsimulang kumanta.
Muling lalapit
Ang liwanag sa paligid
At ang tinig na sa akin nagsasabing
Hindi mapipigil ng mundo
Papatunayan ng pangako
"Kung hindi lang ako dinare nina Lee at Tenten na gawin ito, sana hindi na ako napasok sa nakakahiyang sitwasyon n ito…" Inisip ni Neji habang tumutugtog.
Dahil kailangan ka
Kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa
Hindi mapigil sa mundo
At sa umagang darating
Lahat ay aking kakayanin
Nag-nice guy pose at ngumiti si Lee kay Sakura. Sayang nga lang ang effort niya dahil busy si Sakura n kumakain ng paborito niyang Puto at Pizza.
Huwag nang iisipin
Ang mga harang sa atin
At ang ihip ng hangin ay darating
Bigla lang titigil ang mundo
At ang lahat ay maglalaho
"Uy, may nag-aagaw na kay Sakura, o!" Text ni Naruto kay Sasuke.
"Ano naman ngayon?" Reply ni Sasuke.
Dahil kailangan ka
Kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa
Hindi mapigil sa mundo
At sa umagang darating
Lahat ay aking kakayanin
"Ano kayang nasa utak ngyon ni Sakura? Green, white o blue?" tanong ni Mio sa sarili habang picture ng picture.
Hindi ko man hawak ang panahon
Maging ang ikot ng buhay
Basta't ikaw at ikaw pa rin
Ikaw at ikaw pa rin
"Sa wakas matatapos na rin!" Inisip nina Neji, Sasuke at Sakura.
Dahil kailangan ka
Kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa
Hindi mapigil sa mundo
At sa umagang darating
Lahat ay aking kakayanin
Nag-bow si Lee at nagpalakpakan at sigawan ang lahat. Tapos nag-abot siya ng isang regalo kay Sakura. Isang kulay pulang bilog. Nang buksan niya ito, umapaw ang mga chocolate! At hindi lang chocolates, Mga Ferero-Rochers! Sosyal! Napa "Ayiiii!" ang lahat.
"Tsk, tsk! Maunahan ka pa niyan!" asar ni Kiba kay Sasuke.
"I don't care…" Sabi ni Sasuke.
"Obvious naman.. Torpe ka kasi… Denial pa ito!" Sabi ni Kiba.
"Gusto ba na gawin kitang pinakaunng tao na lumipad galing sa isang third floor window?" sabi ni Sasuke sabay death glare.
"Okay, uh, twelve thirty na kaya oras na para magbigayan ng mga exchange gifts!" Sigaw ni Sakura. Tapos, parang pinagplanuhan, pumasok si Miss Kurenai sa kwarto at inabot ang kanyang regalo at season greetings kay Sir Kakashi. Tapos ngumiti siya. Actually, hindi mo sigurado kung nakangiti siya kasi naka maskara siya. Napansin ito ng mga nanonood sa kanila kaya kumanta sila (maliban kay Sasuke na na-bad trip for some unknown reason). Lead by Sakura.
Di ba parang isang sine
Isang pilikulang romantiko
Di ba't ikaw ang bidang artista
At ako ang 'yong leading man
Sa estoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na wagas
Tapos napadaan itong si Sir Asuma kaya agad n tumakbo si Miss Kurenai papunta sa kanya para ibigay ang kanyang regalo. Habang tumatakbo palabas ng klasrum, kumanta nanaman ang mga estudyante…
She's already taken,
She's already taken away!
"Huh?" tanong ng ignoranteng si Kakashi. Natuloy na ang gift exchange. Nabunot ni Sakura si Sasuke na nabunot si Kiba na nabunot si Mio na nabunot si Hinata na nabunot si Naruto na nabunot si Chouji na nabunot si Shino na nabunot si Narumi, etc.
"At ang pinakahuli ay ang true meaning of Exchange gifts!" Sigaw ng isang kaklase. Ang pinaka huling nagpalitan ng regalo ay sina Shikamaru at Ino dahil nabunot ni Ino si Shikamaru at nabunot ni Shikamaru si Ino.
"Ayiiii!" naman ang sigaw nung iba.
"Anyway, alam naman siguro ninyo na ngayong December, babalik na ang mga exchange students sa kanilang dating school, kaya mag-paalam tayo ng maayos, kina Mio!" Sabi ni Sir Kakashi. Tumugtog si Mkoto sa portable piano na dala niya at kumanta naman ang iba.
Paalam na, aking mahal…
Sunod na ipinatugtog ang…
You're my only reason,
You're my only truth
I need you like water
Like breath, like rain
I need you like mercy
From heaven's gate
There's a freedom in your arms
That carries me through
I need you
Karaoke by request. Tapos nun, closing remarks at prayer tapos linis nang kwarto. At Nagpalitan ng mga "Merry Christmas! And a Happy New Year!", "Kita tayo next year!" at "Bye!". Palabas na ng klasrum si Hinata nang bigla siyang hinabol ni Naruto at binigyan ng card. Binuskan ito ng mahiyang dalaga at binasa…
"My Birthday Wish for you: May you have Love, Joy and More cute friends like me! Happy Birthday! From Naruto" Namula siya bigla kasi napansin niya ang naka X-marked na With Love, at pinalitan ng from.
a/n: Pasensya na kung out of season, ehehe… So what do you think? Gusto kong malaman kung ano ang tingin niyo sa chapter na ito at kung itutuloy ko pa hanggang fourth year. Bye!
Sasuke: Torpe pala, huh? Denial pala, huh?
Sakura: Sa dami ng tao, siya pa!
Fudge: Relax lang! Wala naming nakakahiyang moments ngayong chapter, di ba?
Sakura at Sasuke: (glares at authoress) Siguro may binabalak ka, no?
Fudge: Uh, due to the numerous activities I am undergoing, I can't answer that, baka masira pa yung plot!
Mio: Nahanap ko yung script! (tumakbo palayo si Fudge)
