High School Life

Disclaimer: Hindi ako ang nagmamay-ari ng Naruto o ng mga character, mga mga kanta na nadadamay o namemention sa kwento ito. Yung plot lang yung akin. Hehe…


Chapter 22: Dahil sa Gutom Lang 'Yan…

Haruno Sakura, pink hair, 13y.o., first year high school. Mga salitang pinaghintay at pinaghirapan ko ng anim na taon. Pero ngayon, parang gusto ko nang bumalik sa kinder…

January 3. Pasukan na… Nagsakripisyo ako para lang maka pasok ngayong araw. Linalagnat pa ako. Bwiset… Sabi ni Ino magkikita kami sa pasukan… pero asan siya ngayon? Nasa Boracay! "Pramis, Sakura! Kita tayo sa pasukan!" sabi niya sa akin. Hay, buti nalang hindi ako marunong magtanim ng galit… Kahit na ngayon ang pinagkasunduang pasukan ng school, wala pa sa kalahate ang dumating na mga estudyante. Pati yung ibang teachers, naisipan muna mag day-off. Tapos kani-kanina lang nagpalabas ng balita na may bagong takas daw… Ano ba naman iyan! Malas ba ang kulay ping na buhok! O ang pangalang Sakura!

Pero ang nakaraan ay nakaraan. At sa kasalukuyan, nasa classroom ako at naglilinis… Kainis naman! Bakit ba hindi ako tulungan ng mga kaklase ko? One-third ng klase lang ang pumasok, kasama na ako dun, pero may sarisarili silang mga club na may mga "emergency meetings" daw… Tsch! If I know, gumagawa lang sila ng excuse para hindi makalinis ng klasrum! Mag-aalas-tres na ng hapon at kalahati palang ng classroom ang nalilinis ko. Yung isang kalahati, kumikinang sa linis, yung kalahati, parang dinaanan ng dust tornado.

Habang nagwawalis kanina, nadapa pa ako sa isang pares ng leather shoes, sino ba naman ang tangang makakalimot ng sapatos? Napagod na ako kaya umupo muna ako sa pinkamalapit na upuan. Nakakatakot pala rito kapag mag-isa ka. Kaya kakanta muna ako…

Natapos na ang lahat
Andito pa rin ako
Hetong nakatulala
Sa mundo, sa mundo...

Di mo maiisip
Di mo makikita
Mga pangarap ko
Para sa'yo, para sa'yo...

Ohh...hindi ko maisip kung wala ka
Ohh...sa buhay ko..

Nariyan ka pa ba?
Di ko na matanaw
Kung merong madaraanan
Pasulong, pasulong...

Ohh...hindi ko maisip kung wala ka
Ohh...sa buhay ko..

Sundan mo...
Ang pag-ibig na lulan ng aking pinagtatanto
Sundan mo...
Ang pag-ibig ko

Ohh...hindi ko maisip kung wala ka
Ohh...sa buhay ko..

Biglang umulan… Naku naman wala pa akong dalang paying! Ginawa kasing parachute ng pinsan ko kaya nasa repair shop ngayon! "Bakit namankasi ngayon pa umulan, eh!" Sigaw ko na biglang sinagot ng kulog at kidlat. Oh, great! Anong susunod? Flash flood? Teka lang, parang alam ko iong scene na ito! Yung isa sa mga episodes ng Lady Detective Yukino! Yung babaing biktima, mag-sang nasa kwarto sa kalagitnaan ng isang malakas na bagyo. Tapos, walang paraan para makalabas! Tapos, may tumakas na serial killer sa kulungan! Pumasok siya sa kwarto kung nasaan yung babae tapos… kchhh… dedoks! 'Wag sana, ' wag sana!

While, drowning myself in my own imagination of my cold lifeless corpse, narinig ko nag-creak yung pinto ng klasrum namin. Naku! Is fiction gonna be reality! Nag-flash uli sa utak ko yung col, lifeless corpse ko followed by the nakakatindig balahibo tawa ng killer. Nalito ako kung anong gagawin ko kaya napabackward ako ng konti at nadapa uli sa pares ng sapatos. Tapos, biglang bumukas ng wide open ang pinto! Corpse, maniacal laughter, bloody death! Ipinikit ko ang mga mata ko at kinuha ang mga sapatos at ihinagis sa direksyon ng intruder. Pak at "Ow!" na ang sunod kong narinig tapos ang malakas na kulog.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para tignan kung ano na ang nangyari. Mukhang napalakas yata yung hagis ko at napalalimyata yung sapatos sa mukha. Tumayo ako para kunin ang mga gamit ko. Nagulat ko ng biglang tumayo yung tinamaan ko!

"Wag kang lalapit! Black belter ako sa karate!" Totoo na marunong ako magkarate, kaso ngalang, yellow belter palang ako… Pero sabi ng kuya ko, kapag sinabi mo raw iyon, tatakbo ang kalaban mo palayo, maliban lang kung adik ang kaharap mo. Nag-fighting stance ako para naman mas mapaniwala yung nakikinig sa akin.

"Bumalik lang ak rito para kunin yung sapatos ko, pero bukol ang nakuha ko…" sabi nung tao. Pamilyar yung boses… Bigla nalang nahulog yung sapatos na nakadikit sa mukha niya. Eh? Si Sasuke!

"Bwisit ka! Ba't di mo malang sinabi na ikaw iyan! Muntik na akong atakihen sa puso!" Sigaw ko.

"Malay ko ba na may tao pa rito! Ano bang ginawagawa mo rito?" Sabi nia.

"Obvious ba? E, di naglilinis ng klasrum!"

"Linis ba tawag mo rito? Ang alikabok pa nung kalahati…" Ang hangin talaga ng taong ito!

"Mahirap din naman mag-" Kahhh! Di ko na natapos yung sentence ko kasi nag-collapse ako sa sahig. Nakakainis bakit ba ngayon pa! Agad kong inilagay ang kanang kaya ko sa dibdib ko at inilagay ang kliwa sa tiyan ko. Tae naman!

"Hindi mo ako maloloko," sabi ni Sasuke. At sino naming nag-sabi na nagloloko ako. Ang sakit! Mamatay na yata ako!

"Hoy, tama na iyan…Ano bang problema mo, ha?" tanong niya.

"Inaatake ako…Gahh!" Tae! Bawat segundong lumilipas, lalong sumasakit!

"Inaatake ka sa puso? Luma na iyan… ….Oi okay ka lang ba?" tanong uli niya. What the hell is he? Bulag? Obvious ba na nahihirapan ako?

"Tanga! Inaatake ako ng gutom!" Finally nasabi ko na! Hindi ako kumain ng agahan kasi sa sobrang kamamadali, yung toast na ginawa ko, tinalikuran ko lang ng isang Segundo nawala nung sumunod! Hindi na ako nakagawa ng tanghalian ko kasi naubusan ng gas… Kung nag-pass out akoo natulog, malay ko pero yung yung huli kong nasabi bago ko naramdaman na parang… wala na aking maramdaman… Oh, man! Am I gonna die!


Sasuke's POV

Kung nagpapatawa siya, hindi nakakatawa… Meron ba nun? Inaatake sa gutom? Baka naman nagloloko to para makalibre ng pagkain? Pero baka totoo.. Hinde, Sasuke! Wag kang papaloko! Parang namamatay na siya… Ayan nanaman ang mga boses sa utak ko… Ang battle ng konsensya ko. Haaay… palagi nalang ganyan.. Sa huli, nanalo yung awa… Nilapitan ko siya… Tulog lang! Kung gusto niyang matulog, sana hindi niya ginawa yung arte kanina… Pero ang cute niya kapag natutulog… Teka ano ba itong iniisip ko! Hormones… Sabi ng mga boses. Shut up! Ang ibig kong sabihin, hindi niya ako inaaway kapag tulog siya! Denial… Tigilan ninyo ako!

Kalahti ng klasrum, makintab, yung kabila inaalikabok. Haaay… Bakit ba palagi mo pinapalitan yung topic? Grrr…. Nakakainis na… Tapusin mo na kaya yung linis? Oo, ng para makakuha ka ng pogi points! Haha! Pwede ba ako makipag brain swap para matigil na tong mga boses. Isang mainit n debate nanaman ang nangyari sa utak ko, at natalo ako… Oo na mag-lilinis na! Kaso, nakaharang siya, mag-co-colapse na nga lang, dun pa sa border line ng malinis at madumi! Ibang klase!

Woooh! Dude ni-rerecord mo ba to! Yeaba! First time ni Sasuke may buhay ng babae! Leche kayo! Bakit ba kapag kailangan ko kayo, nag-aaway kayo tapos kapag pinag-tritripan ako, saka kayo nagkakasundo! Binubuhat ko nga siya, pero para ilipat sa ibang lugar! Tsch! Dahan-dahan kong binaba ang katawan ni Sakura sa malinis na library section. Patayo na ako nang bigla akong natigil kasi may humila sa kamay ko pababa. Nakita ko ang kmay ni Sakura na nakakait sa braso ko.

"Ne…." sabi niya. Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Gising ba siya! Tinignan ko ang mukha niya. Bukas ang mga mata niya! Uh, partly open anyway… At least half asleep lang siya. Hey, who knows? Baka pagkagising niya, i-dismis niya na isa lang itong masamang panaginip. "Wag mo ako iwan ha?" Tinuloy niya habang pahigpig ng pahigpit ang kapit niya sa braso ko.. Argh! What the hell is this I'm feeling? Naramdaman kong uminit ang katawan ko tapos narinig ko yung tibok ng puso ko: palakas ng palakas!

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko,
Ikaw ang nasa isip ko
Nais ko ay malaman mo...

Kinanta ng mgabwisit na boses sa utak ko. "French fries…" Sabi ni Sakura sabay tulo ng laway. Alang hiya! Pati sa panaginip niya puro pagkain yung iniisip! Haha! Basted! Pfu! Tinapos ko yung paglinis, tapos nung five na, saka na nagising ang sleepy head.

"Ah! Andiyan ka pala!" Sabi niya tapos sinundan ng growl ng stomach niya Silence… I know one day, I'll regret this…

"Ililibre na kita…" Sabi ko. "Ha?" ang sagot niya. Inulit ko uli yung sinabi ko. "Ikaw ba talaga iyan? Sinapian ka ba? O kaya brinain wash ng mga alien?" Tanong niya. "Ayaw mo yata…" "Joke lang!"

Pumunta kami sa pinakamalapit na kainan at nag-order. "Yung kanina nga pala…" Tanong niya. "E-eh?" sabi ko. Naaalala ba niya? Oh,please , huwag! "Nakuha mo ba yung sapatos mo?" Ah? Shucks, yung sapatos ko! Naiwan ko pa yung bag ko sa klasrum! Takbo ako pabalik sa school. Pumunta ako dun para kunin yung sapatos ko, tapos ngayon nadagdagan pa yung naiwan ko. Ah, well, thank God dahil wala siyang naaalala…


a/n: Weird chapter… Halo ang reaction ko… Masyadong mushy… Bigla nalang pumasok sa utak ko nung pinag-iisipan ko yung isang fic ko. Reposted kasi hindi ko ma-gets yung logic sa binago kong part...Anyway please review! Question, comments, suggestions, criticisms and flames are also accepted.

Fudge: and so dear readers, dito nagtatapos ang chapter na ito…In case you're curious, sa kung anong nangyari sa habulan last time, mahuli ako at isinabit sa isang 50 meter flag pole sa kalagitnaan ng isang garden. Pwede na ba akong bumaba?

Sakura at Sasuke: Pagkatapos nung chapter na iyan! No way!

Fudge: Tsk… Mga cherry-heads…. At least may advantage ako kapag dito ako sa taas nagsusulat…. BWAHAHAHA!

Sakura: Ano kaya dapat una nating gawin? Tumawag sa rehab o pababain siya? Parang nasosobrahan na yata yung dugong napupunta sa ulo.

Sasuke: (nods) Call 117.

Fudge: (continues laughing maniacally)