High School Life
Disclaimer: Hindi ako ang nagmamay-ari ng Naruto o ng mga character, mga mga kanta na nadadamay o namemention sa kwento ito.
Chapter 23: Doki! Doki! Valentines Day Na!
February 14, Valentines Day. Ang holiday na love ng halos 90 of the female population at hated by halos 50 of the male population… Sino ba naman ang hindi magtataka? Bigay ng chocolates, harana sa bintana ng classroom, pasipsip sa mga teachers at mostly spreading love, peace, joy and unity to others… Ehem… Simulan na ang totoong kwento…
7 AM; Quadrangle
Taon-taon, nakaugalian na ng Konoha High na mag-imbita ng isang choir o group para gumawa ng presentation. Ngayong taon, inimbitahan ang isa sa mga bagong singing sensations ng bayan: Ang "C" Spread. Sa pagkakaalam ko, nag-top two yata sila sa most famous bands of the future or something. Kumanta sila ng mga hit na love songs ng ngayon. Tapos, tatlong beses pinakanta with actions pa yung mga estudyante at guro nung palaging kinakanta ni Barbie the Dinosaur.
I love you, you love me,
We're a happy family
With a great big hug
And a kiss from me to you,
Won't you say you love me too?
Natural lang naman ang ganitong mga practices, pero kasi kapag kinakanta sa araw na ito, parang mas nakakatakot pa sa pinakanakakatakot na horror film na ginawa sa history. Pramis! Lalo na kapag nasa-school ka at present ang buong female population…. Hinahabol yung mga crush nila tapos minsan maiipit ka pa sa gulo… Pagkaalis ng mg invited guests, agad nag-announce si Ma'am Tsunade.
"Dahil Valentines Day ngayon, mag papatugtog kami ng mga love songs buong araw!" Excited na isinigaw ng principal namin sa mike. Wha-! Anong klaseng school ba ito! Mga bente ang nagtaas ng kamay at nag-protesta, pero pina-akyat na kami sa aming mga klasrum. Pagka-akyat namin ng aming mga classroom, tumugtog na ang unang love song…
Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Aaaahhhhhhhh...
Heto na naman naririnig
Kumakaba-kaba itong dibdib
Lagi nalang sinasabi
Pwede na bang makatabi?
Kahit sandali lang sige na
Sana pagbigyan pwede ba?
Muhkang tinamaan yata ako...
Sunud-sunod na yung mga kanta. Nang-damay pa ng mga imported na kanta. Walastik… Kaya pala palaging ang taas ng electric bill… (Huwag gayahin!)
Lunchtime
Riiiiiiiiiiingggg! Pagkarinig ng lunchbell, labasan na ng mga chocolates, breath mints at guitara, at agad nag-sitakbuhan papunta sa kani-kanilang mga destinasyon. Yung ibang mga hina-hunting, nag-tago to delay the inevitable fates that they have to suffer, este, go through... Sila mostly yung nag-cocompose ng 30 of the school na ayaw ng holiday na ito. Isa sa kanila si Sasuke. Kung saan-saan na nag-tago sa sobrang taranta. Una sa Boy's CR (na dating Girl's CR pero ginagamit pa rin ng mga babae kaya konti lang ang mga lalake na gumagamit sa banyong binansagang "Warning! COED CR!")Kaso nga lang, nabisto siya ni Naruto, kaya takbo papalayo. "Kahit saan huwag lang sa kung saan sila!" Bulong ni Sasuke sa sarili. Sa kakatakbo, hindi niya namalayan na nasa library na pala siya. Nang napansin niya ito, pumunta siya sa pinakamalayong mesa sa second floor at nag-tago sa ilalami nito at natulog.
Kahit Valentines Day, walang patawad ang mga guro sa pagbibigay ng mga special projects at assignments. Isa sa mga nadamay si Sakura. Walang nakakaalam kung bakit pati siya nadamay. Siguro, punishment for not having the holiday spirit. "Mas ayos lang naman dito sa library kung ikukumpara sa labas." Sabi niya sa sarili. Kaso nga lang, pati yung PA System, abot sa library, kaya nagsusuffer sa lack of concentration yung mga tao dun. Kahit na gusto niya kumain, tiniis niya ang gutom. Bakit? Kasi kapag si Sasuke tumakbo at hindi mahanap ng mga fans, kay Sakura sila tatakbo. Naalala tuloy niya last year…
-flashback-
"Sakura, nakita mo ba si Sasuke?"
"Hindi."
"Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Hindi nga eh!"
"Baka naman nagsisinungaling ka sa amin para ma-solo mo siya?"
"Hindi! Ewan ko! Bakit ba sa akin ninyo siya hinahanap!"
"Sakura, pati sched ng BF mo, hindi mo alam!"
-end of flashback-
Tuwing naaalala niya iyon, kinikilabutan siya. "Bwisit na mga fangirls at boys…" Bulong niya sa sarili.
1pm; sa labas ng COM Classroom
Sa subject na ito, wala kang ligtas, lahat ng tao, my ka-love team. Araw-araw Valentines Day. Nagdadalawang isip ang lahat ng mga estudyante kung mag-cucutting ba sila o hinde. Sa holiday na ito, ito na ang pinaka-nakakatakot na klase na kailangan mong puntahan. Nanginginig ang mga tuhod ng mg estudyante habang papasok sa klasrum ni Mr. Hana. Ang topic ngayon ay ang Auto Shapes. Wala naming kalokohan na pwedeng maisip, right? AutoShapes lang naman, right? Eng! Wrong!
"Yuuki, please tell us the three ways to draw autoshapes and Kaede, please do it on the computer." Request ng teacher. Agad sumagot ng "Ayyiiii!" ang ibang estudyante. Kahit na alam ng iba na backstabbing iyon, kinailangan nilang gawin upang hindi sila matawag. Ganoon iyon palagi. Nag-stare ang lahat sa dalawang pares habang nag-demo. Tapos tingin sa kanilang guro. Nag-sitaasan ang mga balahibo habang tinitigan ng guro ang isang one whole na inabot sa kanya ng isang estudyante.
"Ruka, please tell us how to add colors to the autoshapes, Mikan, please demonstrate." Sigawan yung iba habang ginagawa ng dalawa ang pinapagawa ng guro. Pero sa sobrang bilis ni Ruka nag-salita, hindi makahabol si Mikan kaya na-isip ni Ruka na tulungan siya. Kaso nga lang, nadulas ang kamay ni Ruka at …"Oi, ano ya? May pa honding hands pa kayo!" Sigaw ng babae na nag-pasa ng listahan ng mga loveteams sa klase. "Sino tatay niyan! Sino tatay niya!" Sabi naman ni Shino. "Ikaw!" Chorus ng klase. Let me explain. Kasi, bago umalis yung mga "observing students", gumawa ang class representative ng isang Family Tree ng section nila at isinabit sa bulletin board.
"Naruto, please demonstrate how to add text in the autoshapes," Hinintay ng lahat ang pangalan ng magiging kaparnet niya para sa task na ito, pero walang sinabi. Kaya huminga si Naruto ng maluwag at pumunta sa harap ng computer. "Doon sa shape ng tao, ilagay mo ang pangalan mo," utos ng guro na agad naming ginawa. "Doon sa broken heart, isulat mo ang pangalan ni Hayate." Alam ng lahat na si Hayate ang Presidente ng Fan Club ni Naruto. Kaso nga lang isa ang problema niya: GAY. Pagkatapos itong inexecute with disgust, sinabi ng Flower Teacher ang susunod na gagawin. "At dun sa pinakamalaking heart, ilagay ang pangalan ni…" "HINATA!" panapos ng klase na agad tinapatan ng 101,000 death glares galing kay Kiba at mga members ng separate fanclubs nina Naruto at Hinata. Hooray naman para sa mga fans ng pairing.
Pagkatapos ng sakripisyo ng ilan pang love teams, natapos na rin ang klase. Itinaas ng class rep ang kanyang kamay at sinabi sa guro na time na. Pero ang sabi naman ni Mr. Hana na absent si Miss Kurenai ngayon at siya ang sub nila para sa THE. Silence….. Tapos tuloy sa klase. Ang topic: Colors, Shading and its Importance.
"Alam naman nating lahat na importante ang mga colors at lahat tayo ay may favorites. Sa favorite colors ng isang tao, malalaman natin ang personality niya. For example, Naruto, sa tingin mo, anong favorite color ni Hinata?" sabat ni Mr. Flower. Sa gulat agad napatayo si Naruto sa kanyang upuan at nag-squirm. "Namumula yung tenga niya, o…." "Oh, my gosh! Naruto's blushing!" Pinag-uusapan ng mga babae na nakaupo sa likod niya.
"We interrupt your love song listening for this very special announcement: everybody must leave the school premises now due to the strike that is on the other side of the street. Kapag may natira pang mga students sa campus by two-thirty, bukas na kayo makakauwi sa mga bahay ninyo. That is all." In-announce sa PA kaya nag-sigawan na ng mga "Yehey!" at "Yahoo!" ang mga estudyante at agad nag-silabasan sa kani-kanilang mga klasrum. Isipin mo nalang parang may sunog. Doon sa labas ng gate, nag-uusap sina Neji, Tenten at Lee.
"Bakit kaya dito pa nag-wewelga?" tanong ni Tenten sa mga kasama niya.
"Malapit kasi ang paaralan natin sa city hall," sagot ni Neji sabay walk-out nang Makita niya ang kanyang pinsan na lumabas na ng gate.
"We love President Yukino Kagasawa! We love her!" sigaw ni Lee habang nag-drodrowing ng mga stars at hearts sa mga kamay, braso, legs, leeg, kili-kili, noo, pisngi at ilong niya gamil ang kanyang dalang colored markers.
"Ano ba yang ginagawa mo, Lee! Washable ba yang gamit mo?" Sigaw ni Tenten dahil sa ingay ng mga tao na nag-gather para sa strike at sa mga students. Pero mostly sa students. Pero, dinedma lang siya ni kapal-kilay. Naka-uwi na halos lahat ng mga estudyante at mga tao pero, pinag-hahanap pa rin si Sasuke ng kanyang fan club. Na saan ba siya? Andun pa rin sa library at natutulog…
a/n: That was stupid. Wala masyadong inter-action between Sakura at Sasuke. (Darn fans…) Kaya kung gusto ninyong papalitan o ipadelete, pakisabi n lang and I'd be more than happy to do it. After the previous chapter, nag-ka writer's block ako kaya ayos lang sa akin if you also think this chapter sucks…Paki bigay nalang po ang inyong mga comments, suggestion, flamers, criticisms, one-worded paragraphs, opinions and requests in review form. Salamat din po sa pagtiyaga at pagsayang ng inyong oras para lang basahin ang fic na ito. Thank you. That is all.
Fudge: (bangs head on wall) Bakit ba wala akong maisip!
People na madalas napag-tritripan ng authoress: Yehey! Pasukan na niya! Konti nalang ang oras niya para magsulat! May bonus pang writer's block!
Fudge: Masyadong maaga pa para mag-celebrate… Hehehe… (rubs hand together in a scary way)
Sakura: Itali kaya uli natin siya sa flagpole?
Fudge: Nga pala, check out other proudly pinoy fics at the C2 Sakura Haruno (centric!) ALL TAGALOG.
