High School Life

Disclaimer: Hindi akin ang Naruto o yung mga tono nung mga kanta na ginawa ko para sa fic na ito.


Chapter 24: Overnight Camping

February 24. Overnight camping ng mga scouts sa KHS. Todo preparasyon ang lahat. Lalo na ang mga officers ng Student Coordinating Body. Yung presidente at vice, sampung araw na hindi kumakain dahil sa mga preparasyon. Yung secretary, lunod sa paperwork. Yung treasurer at auditor, baon sa utang. Yung mga peace officers at year representatives, nadaganan na ng mga excited na estudyante. Yung mga non-officers, nakikitulong nalan o kaya nag-lakwatsa nalang sa school. Dalawang halimbawa ay sina Sakura at Ino na namamasyal sa Lover's Lane.

"Hindi ako mag-ca-camping mamaya. Pagpipyestahan lang ng mga pesteng lamaok ang aking soft, flawless skin." Sabi ni Ino sa kanyang bestfriend. Naglakad pa sila nang may ma-encounter na dalawang estudyante na ka-year level nila.

"Pare, alam mo ba na sa practical test kailangan daw yung magsama ng tatlong araw ang mga mag-love team!"

"Di nga?"

"I swear, pare! Narinig ko yung conversation ng mga MAPEH teachers! Pero wag mo pagsabi sa iba ha!"

"Totoo ba iyon?" tanong ni Sakura. Dahan-dahang humarap ang dalawang estudyante sa babaing nag-tanong.

"Ah! Um, ah, H-hindi! Dinidiscuss lang namin yung kakulangan ng gravity!" sabi ng isa sa kanila.

"Tanga! Friction ang kulang!" sabat naman ng isa. After five seconds of silence, nag-takbuhan silang dalawa palayo.

Nang mag five o' clock na, nag-gather ang lahat sa quadrangle para i-introduce ang mga camp masters. Dalawang babae: sina Ate Marisa at Ate Yuko, at dalawang lalaki: sina Kuya Kuuya at Kuya Itachi. Yep, mga nag-graduate sa KHS na nag-volunteer para mag-turo ng mga camping basics.


-Sasuke's POV-

Nakaka-antok naman mag-turo itong si Kuya Kuuya kung paano mag-tie ng knots. Paano uli yung square knot? Tapos itong si Ate Marisa, over estastic naman! Si Ate Yuuko, sobrang stricto! Akala mo mamamatay ka sa kanyang mga kamay! Si Kuya Itachi… ayos lang. Kaso ngalang, baka malunod ako sa laway ng mga babae na nag-dro-drool sa kanya.

Bwisit naman. Ano bang ginagawa rito ni kuya? Nag-expire nab a yung scholarship niya sa kabilang dulo ng mundo? Tsaka sa dami ng pwedeng pagpilian, si kuya pa! So what kung perfect student siya? So what kun nakapasok siya sa high school na ito nung nine years old lang siya!

6:15 na nag-simula na ang mga activities. Unang activity, dapat makahuli ng isang dosenang isda sa mini fish pond ng school. Kung anong huli, siyang ulam. Pwede ba yun? Gumawa ang grupo namin ng improvised fishing rod gamit ang isang PVC pipe, masking tape, floss at pardible. Ang engot naman nung dalawang isada na kumagat sa pardible namin! Yung isang grupo, pinili ang "natural" way of fishing: by hand. Naaawa lang ako dun sa nahulog sa fishpod.

Tapos nun, kailangan kaming gumawa ng sarili naming apoy para maluto ang isda. Ba't naman namin iyon kakainin ng hilaw? Naka sampung ulit kami pero, wala talaga. Ayaw umapoy kaya lumapit sa amin si kuya. Hay naku, nag-pasikat nanaman!

Tapos ng dinner, nag-rappel kami galing sa fifth floor. Pero may challenge doon: ikaw dapat ang magtatali ng sarili mong lubid. Yung iba, nahulog at nadaganan ang mga instructors sa baba.

Para sa third activity, kailangan namin gumawa ng kanta tungkol sa grupo at i-present ang culture ng Iraq. Ang pangalan ng grupo namin sixty-nineners. Sixty-nine kasi ang paboritong number ng team leader namin. Green minded ka kung yung isang definition yung ini-isip mo! Ganito yung kanta namin. To the tune of Jumbo hotdog.

Sixty-nineners, magaling kami! (wo-oh!)
Matalino kami! (wo-oh!)
Macho kami! (wo-oh!)
Gwapings kami! (wo-oh!)

Hiwalay yung grupo ng boys sa girls kaaya mag-kaiba kami ng kanta. Ganito naman ang sa mga babae ng section namin. To the tune of In or Out.

Hope kami, masiyahi't pretty (cute tlaga kami!)
Hope kami, teacher si Ma'am Anko (magaling magturo!)
Galit ng ibang guro pero,
May sinabi ba k'yo sa grupong ito?
Proud na proud na taga- I Hope kami..!

Asus! Nang-bola pa! Purkit sa Ma'am Anko lang ang nag-plano ng mga activities. Time goes by, naka-limang activities na kami.

Ten na. Bigla nalang nag-pasama si Naruto sa banyo. Pagdating namin sa hallway kung saan matatagpuan ang pinaka-malapit na CR, sabi ni Naruto: "Hindi na ako naiihi sa sobrang takot…" Ang dilim ng hallway. Ang tanging source of light lang ay ang light bulb na nakasabit sa ceiling ng CR. Ang layo! Tapos may nakakapangilabot pang sounds ng tumutulong kung ano. Laking gulat ko nalang nang may biglang humila sa braso ko papunta sa CR. Tae! Parang invisible force na nag-mamagnetize sa katawan ko. Heh! Ang galing ng joke mo Naruto! Kala mo siguro na maniniwala ako na my kung ano sa CR.

"Naruto, hindi mo naman ako kailangang hilahin para samahan kita," Sabi ko sa besi ko.

"Timang! Paano kita hihilahin kung ako nga yung hinihila mo!" sigaw niya sa tenga ko. Huh? Bakit galing sa likod yung boses niya? Totoo ba yung legend… What the-? I froze momentarily tapos agad kong hinila ang kamay ko at ang kamay ni Naruto papunta kung nasaan yung ibang estudyante. What the damn hell was that!

Pina-upo kami para matapos na rin ang bonfire. Bakit parang pamilyar yung panggatong? Di ba upuan namin iyan nung grade two pa kami? Oo yun nga! Ah, naala ko tuloy yung the good old days! Naalala ko nung in-alcohol ko yung upuan nung first crush ko kasi nasulat ko dun yung confession ko. Woosh! Lahat ng alaalang iyon, nawala within thirty minutes!


-Sakura's POV-

Pagtapos ng bonfire, pinatulog kami sa mga klasrums namin. Naka-ayos na ang mga upuan sa klasrum ng pa letter U kaya paglatag nalang ang problema namin. Okay lang sana kung hindi lang nag-kwento yung mga seniors at teachers nang kung anu-anong mga kababalaghan. Haay naku, nag-siksikan na tuloy yung iba sa akin dahil sa takot. Ako pa naman yung nasa tabi ng bintana! Yung iba nag-daldalan lang.

"Ate Mitsuru, wag kagagapang sa amin mamaya!"

"Alam ba ninyo na mag-kapatid sina Kuya Itachi at Sasuke?"

"Kaya pala pareho silang gwapo"

"KYAHHH!" agad naming binuksan ang ilaw para malaman kung ano yung problema. Daga lang pala. Off with the lights. Yung iba natulog na habang yung iba, nag-daldalan pa. Slowly, sumarado ang aking mga eyelids at nakatulog ako.


5 AM; klasrum ng I- Hope

May tumunog na isang cellphone.

Dahil kailangan ka
Kailangang pakita natin tayo'y iba
At kahit pa
Hindi mapigil sa mundo
At sa umagang darating
Lahat ay aking kakayanin

Ano bang klaseng alarm clock iyan? Nagising na yung buong klase pero yung dapat na gigisingin ng alarm clock tulog parin! Nag-hikab ako, tumayo at inayos ang hinigann kong banig. Tapos umupos ako sa upuan ko. Matutulog na uli sana ako nang tinawag ako ng isang kaklase ko.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko habang papalapit sa bintana kung saan siya naka-upo.

"Tingin ka sa labas. Ang cute nila habang natutulog, no?" sabi niya. So? Mga natutulog na male classmates lang namin ang nandun. Wala ka na bang ibang magawa kundi mag-laway nalang sa lahat ng lalaki sa school? Inisip ko. After thirty minutes, pinababa kami para mag-sayaw este, exercise pala. Tapos nun, kainn ng umagahan at uwian na.


a/n: Dammit. Isa nanamang walang kwentang chapter. Na-momonoblock este, na-memental block kasi ako! Pasesya po kung meron mga wrong spelling grammars, if the chapter sucks or all of the above. Questions, recommendations, criticisms, flamers and reviews are welcome.

The "S" pair: Bakit may talent fee raw si Itachi tapos kami wala!

Fudge: First of all, hindi ko alam ang ibig sabihin ng talent fee. Second, para iyon sa mga "Torment Your Little Brother" sessions. Third, hindi naman pera yung hiningi niya.

Cast: Ano?

Somewhere out there…

Kisame: BWAHAHAHA! Itachi bilib talaga ako seyo! San mo naman nakuha tng mga blackmail photos ng kapatid mo?

Itachi: I have my ways…