High School Life
Disclaimer: Hindi akin ang Naruto o yung kanta na "This Is The Moment". Yung akin lang ay yung plot at yung kanta na ginawa ko.
Chapter 25: National Achievement Test
March a.k.a. "The Cramming Season". Matatapos na kasi ang taon, kaya puno ng mga tests at requirements ang the final month of the school year. Ito na yata ang pinaka magulong month ng taon.
Ngayon ay March 9: ang araw ng NAT. Isang nakakabighaning araw kung saan ang reputasyon ng iskul ang nakasalalay. Yung freshmen, takbo rito, takbo dun sa sobrang taranta. Yung mga sophomores at juniors, nagkakandarapa at gulong sa hagdan dahil sa kaka-review para sa exam. Yung mga seniors, pakanta-kanta lang.
This is the moment, my final test,
Destiny beckoned, I never reckoned second best
I won't look down, I must not fall;
This is the moment, the sweetest moment of them all!
Palibhasa. Tapos nito, puro requirements na lang ang kelangan atupagin. Tapos, dam-da-daaaam! Graduation na! Nag-sawaan na ng mga mukha. Anyway, punta na tayo sa mga exams. Thirty ang maximum students per classroom kaya yung mga extra, wala sa listahan, excess, at may mga may first name na nagsisimula sa S to Z ay nasa hiwalay na mga classrooms. Kapag papasok sa mga klasrums, kailangang nakapila, kailangan sunud-sunod, kailangang walang maingay at kailangang may mag-papakita ng utak, pawis at dugo. Pero kung wala kang utak at hinihimatay ka at the sight of blood, pwede na yung pawis.
Nagkakagulo sa Assorted 1 classroom. Hindi dahil may ka echehang pang ginagawa ang mga estudyante kundi dahil sa unexplainable, inevitable and unavoidable hell na mararanasan nila sa classroom na iyon. What kind of hell? Yung living hell kind. Half the class, mag-MU, the other half, may galit sa isa't isa. Ewan ko lang kung kaya mong maka-concentrate in that kind of place.
"Bwisit…Ba't ba palagi nalang akong minamalas?" sabi ni Haruno Sakura sa sarili habang umupo sa kanyang assigned seat. Last month kasi, lahat ng kamalasang pwedeng isipin, nangyari sa kanya. Nung Friday the thirteenth. Ninakaw ung cell niya, sumabog yung TV nila, bumagsak sa building, este, sa test, naabutan ng ulan, nilagnat ng forty-five degrees centigrade, nalipasan ng gutom at lumayas ang kanyang lolo. Ngayon, hindi maka-concentrate sa pag-aaral dahil sa isang kantang ginawa ng kanyang besprend para sa ex nito na pinarinig sa kanya.
Tulala, nakatayo sa ulan,
Inaalala ang kahapong kasama ka,
Ang mga pangakong mong walang kwenta
Bwisit ka, sinungaling…
Piniwalaan kita, pina-asa mo ako,
Pero sa huli ako'y ginago mo
Freaky song. Freakin' lyrics… Yung tono lang naman yung hindi makalimutan. Nakaka-relate ka ba?
"Um, okay, class. I'm Miss Masumi at ako ang maging bantay ninyo for the day." Intro ng guro. Si Miss Masumi Murakami ang breast friend ni Miss Anko. Si Miss Masumi ay isang mabait, maganda, mahinhin, green-eyed blondie. Siya rin ang guidance councilor ng school. Haaay, mukhang heaven sent? Heh. Akala mo lang yun! Kapag may atraso ka sa kanya, grabe! Kala mo pumutok na lahat ng bulakan sa mundo ng sabay tapos sinundan pa ng isang tsumani, lindol at thunderstorm. Pero, hindi ninyo kailangan mag-worry. Dalawang beses pa lang naman nangyari iyon.
Ang unang test ay English. It's too horrible to describe! Too horrible! Its so... Its so... Oh gawd! The test! Sobrang hirap ng test! Pang-first year ba talaga ito? May cross-over pa sa Values Education! Mapipiga yung utak mo sa kaka-isip kung anong i-sasgot. In four words: Mahirap hulaan, madaling ibagsak. 'Yun na 'yun. Period.
Yung sumunod na exam Math. Madali lang… kung nag-aral ka. Peksman! Totoo! Solving and graphing equations lang naman eh. Tapos nag-dagdag pa ng survey sa likod. 'How do you find this test? A. Easy B. Medium C. Hard If your answer is not in the choices, please write it on the blank below.' Huh? "Pinag-loloko ba tayo ng mga guro?" Inisip ng mga estudyante.
Ang ikatlong exam ay Science. Just like a picnic in the park. Science kasi ang focus ng school kaya medyo mdali lang. Pero ngayong year, may konting twist: 'write a poem declaring your endying love for science and everything that relates to it.' "Teka lang, English ba ito o Science?" Tanong ng mga estudyante sa kanilang mga sarili.
Yay! Fifteen minute break na! Lumabas muna sa classroom si Miss Masumi para ilagay ang mga answer sheets sa guidance office at kuhanin ang natitirang set of exams. Sa classroom, nag-chat at kumain ng iba. Pero trip nina Sakura Haruno at Sakura Mamoto (Kuma ang tawag sa kanya) na mag-note passing.
'Ang bilis mong natapos sa exam, ah. Inspired ka ba?' Scribble ni Kuma.
'What the hell are you writing about? Gusto ko lang maagang matapos tong lintek na NAT!' scribble ni Sakura.
'Asus! Denial pa ito! Kayo naman ni Sasuke, di ba? Kala mo siguro huli na ako sa balita!' scribble ni Kuma.
'Tumigil ka diyan, porke wala dito si Asami, ako na tong pinag-tri-tripan mo!' reply ni Sakura. Muntik na nga mabutasan ang papel at yung upuan niya dahil sa sobrang diin ng pag-sulat niya. After a few messages, turn na uli ni Kuma mag-sulat. Nag-drowing siya ng dalawang stick people na mag-holding hands at linabelan ang isa ng Sakura at yung isa, he-who-must-never-be-mentioned-in-front-of-Sakura-if-you-want-to-live-and-see-the-sunshine-of-tommorow. Haba ng pangalan. Pagkakuha at pagkabasa ni Sakura nung message, agad niya pinunit ito two pieces ang papel at ipinasok sa bag niya. Tapos kumuha siya ng papel at nag-drowing ng isang stick person sa tinulak ng isa pang stick person out of the window. Linabelan niya yung tinulak ng Kuma at yung isa, inilagay niya ang pangalan niya. At nag-scribble din siya ng isang message: 'Susunugin ko yun mamaya. Gusto mong sumama para ma witness mo kung anong ginagawa ko kapag nagagalit ako?'
Pagtapos basahin ni Kuma ang message, nanginig siya na para bang kina-usap siya ng kung ano. Tinignan niya si Sakura na para ba itong isang serial killer at inimagine ang kanyang sarili na nasusunog sa galit nito. Nakaka-pangilabot talaga. Lalo pang lumala at tumaas ang balahibo sa ilong niya nang mapansin niya ang Ultimate-Dark-twenty-five-twist-smirk-and-death-glare-combo na ibinabato sa kanaya ni Sakura.
After five more minutes, bumalik na ang kanilang guro sa classroom nila. Sinimulan na ang mga sumunod na tests na sobrang bad trip sa ibang estudyante dahil minention ang mga ka-love team nila or yung mismong team na iyon. Isa sa kanila, well, kilala na ninyo siya. Tapos uwian na! Horray! Nagkita-kits ang mga taga I-Hope sa ilalim ng pinaka matandang puno sa Konoha at nag-kwentuhan ng happenings.
"Argh! Nakaka bwisit na talaga! Bakit ba ayaw matanggal sa utak ko?" Sigaw ni Sakura kay Ino.
"Yung alin? Yung ninety-three to ninety-four?" Tanong ni Ino. Yun kasi yung item na ikinagalit ni Sakura sa exam.
"Hindi iyon! Yung Tono ng kanta mo!" Sigaw uli ni Sakura.
"Geez, di mo naman kailangan sumigaw!"
a/n: Ah, yung NAT… Muntik na ako ma-guidance nun kasi sinuntok ko yung katabi ko…. Bwahaha! March na! Bakit kaya palagi akong out of season? Hmmm…. Kailangan kong maglabas ng mga ideya dahil umaapaw na ang thought bucket ko para sa mga ffs at wala ako masyadong oras para magsulat. Oh yeah, 'breast friend' is not a typo. It simply means close sila sa isa't isa. 'Kuma' is short for kumag or japanese for bear. Pasensya po sa grammatical, spelling and character errors. Pasensya na rin po kung puro love team ang nasusulat. Kailangan kong ilabas ang galit ko sa teachr na binigyan ako ng isang ka-love team dahil sa isang lintek na libro…. Anyway, please review!
Fudge: (sinasayaw ang Melting Chocolate Waltz) Yehey! Marso na.. Baliktad ang mundo, kapag school days, inaabot ako ng ala una para tapusin ang mga assignment ko pero kapag weekends, walang assignments.
Cast: Ang aga mong mag-celebrate. May second, third at fourth season pa. Tapos yung summer bonus. Tapos yung Great War documentary. Tapos yung…
Fudge: C'mon! I'm havin' a moment here!
Sakura: Hindi ito playground. Isa itong fanfic na hindi kailangang (snoring)… Hoy, gising! (nosebubble and dream balloon explode)
Fudge: (snorts) Huh? Pwedeng paki ulit? Nakatulog kasi sa speech mo, eh.
Sakura: I HATE YOU…
Fudge: So? Ako parin naman yung authoress dito. Ohohohoho….
Sakura: Kanina mo pa ginagaya si Santa Claus! Malayo pa ang pasko!
Cast: (sweatdrops) out of season talaga… Yan ba epekto ng sobrang babad sa assignment?
