High School Life

Disclaimer: Hindi akin ang 'Naruto' at ang edited version ng 'Narda' at 'At The Beginning' sa fic na ito. Hinihiram ko lang sandali para matapos na ang kwentong ito.


Chapter 26: Requirements at ang Paglagas ng Cherry Blossoms

First week of Spring. Masaya ang araw na ito para sa maraming mga estudyante dahl malapit na ang last day of school. Kailangan lang nila tapusin ang ilang requirements at hello, summer vacation! For example, ang klase nina Sakura. Masaya silang nag-lilinis sa klasrum nila kasi requirement nila iyon sa MAPEH at Filipino. SA sobrang saya, napakanta si Naruto.

Pinung-pino kung pumiga
Lumabas ay hangin,
Ako'y napatingin
Sa basahan na tuyo sa kamay ko
Makakakita ba
Ng dishwashing shoap na mabula
Kung-

Napikon si Kiba kaya hinagis niya ang kanyang basahan sa mukha ng blondie na naglilinis ng blackboard.

"Bakit ba! Nag-prapraktis ako para sa choir!" Sigaw ni Naruto.

"Talaga? Kasama ka sa choir? Salamat sa warning! Pag-uwi ko sa bahay, maghahanda na ako sa gamit at pupunta sa buwan! Baka gumuho pa yung mundo kapag kumanta ka!" Sigaw ni Kiba na ikinagalit naman ni Naruto. Sa sobrang galit niya kumuha siya ng isang chalk at ihinagis sa mukhang asong kaklase ng naglilinis ng bintana. Medyo napataas ang bato ng chalk kaya sablay at tumama sa binta na nabasag sa impact. After two seconds, may sumigaw ng babae sa baba.

"Kya! Si-si George! Nag-dudugo yung bibig! Nakalunok kasi ng bubog na galing dun sa basag na bintana! Nakabukas kasi yung bibig habang hinihintay ako! George don't worry! Ha-huntingin ko ang may gawa niya sa iyo at sisiguraduhin ko na hiniling niyang indi siya ipinanganak!"

Nagtinginan ang dalawang magkaaway. Silence…. Tapos….

"Reserve ako sa cabinet ng cleaning materials!" sabay sigaw ng dalawa. Tinginan uli…. Unahan sa lalagyang mga cleaning materials tapos nag-siksikan ang dalawa sa loob.

Sa kabilang dulo ng school, nag-sosoli ng speakers sina Sasuke at Sakura sa ComSci.

"Bwisit naman! Bakit pa kasi kaming dalawa ang inutusan ni Iincho para isoli yung mga speakers na hiniram para dun sa play nung isang araw!" Inisip ni Sakura. Si Sasuke naman, ang layo ng tingin. Malay ko ba kung anong iniisip nun. Pero ang sigurado ko lang, nadapa siya at nahulog kay… too-tooooooot…

Pagdating sa CmSci classroom, inagaw ni Sakura ang speakers sa kamay ni Sasuke at pumasok sa loob, kinamusta ang guro at ibinalik sa cabinet ang mga speakers. Lumapit si Ginoong Bulaklak kay Sasuke na oblivious pa rin sa mundo.

"Oi, Sasuke, kayo na ba ni Sakura?" tanong ng intregarong guro sa kanyang estudyante. Dahil ng spaced out si Sasuke, nag-oo siya.

"Ano? Kayo na?" Surpresang sigaw ng guro. Kakatapos lang ibalik ni Sasura ang mga speakers. Lumapit siya sa dalawang lalaki na nag-uusap.

"Sino?" innosenteng tanong ni Sakura. May ibinulong sa kanya si Mr. Flower. After a few seconds, lagliparan paalis ang mga ibon at hinahabol na ni Sakura si Sasuke sabay sigaw nga mga death threats.

"Ang epal mo! Bwisit ka! Drop dead or I'll kill you!" Sigaw ni Sakura.

"Ano bang nagawa ko!" sigaw ni Sasuke.

"As if 'di mo alam kung anong sinabi mo kay sir! Nakakapikon ka na!"


Pagdating ng Tanghali….

After a whole morning ng habulan, naisipan ni Sakura na mag-hang-out muna sa pinaka tahimik na lugar sa campus: sa rooftop. Wala na kasing pumupunta dun. Nakita ni si...too-toooot. Joke! Si Satsuki lang iyon! Yung pinakatahimik sa babae sa klase nila.

"Gusto mo?" Offer ng brown-haired, pigtailed girl sabay abot ng chocolate mushrooms. "Bakit ang lungkot mo? Dahil ba hindi mo kami makikita sa summer?" Nag-dagdag pa ng tanong.

"Nag-sasalita ka pala!" Sabi ni Sakura. Five minutes of silence…. "Hindi iyon…" sabi ni Sakura sabay tingin sa kabilang direksyon para hindi Makita ng kaklase niya ang kanyang mukha. "Aalis na kasi…. Amerika….." Halos pabulong na sinabi ni Sakura. Tapos, the wind blew the cherry blossoms as if wanting to wipe the tear-stained face of the , cough cough, fair , ehem, maiden. Hey, narrator lang ako at binbasa ko lang yung script na ibinigay ng author na nabugbog ng isang grupo ng mga engot. Anyway…. Two feet away, nakikinig ang stalker ni Sakura.

"Ano! Aalis na ang aking pinakamamahal at cute na Sakura! Omigosh! NOOOOO!" emote ang stalker tapos tumingin sa dalawang babae at nag-blush. "Kyaa! Ang cute talaga niya! The way her face is angled like that tapos yung background of fenk! Tapos nakalugay pa yung buhok niya tapos inagaw ng hangin yung mga luha niya! Kyaaaa!" Ang taas ng boses… Parang sopranista…. Pagtapos niyang magpikture, tumakbo siya papunta sa clasroom.

Kumalat na ang balita sa klasrum na aalis na papuntang Amerika si Sakura. Napagdesidyunan ng klase na mag-throw ng farewell party sa Green Jeepie. Walang nag-contribute dahil yung gagamitin nila yung sobra sa class fund. Bumili pa sila ng card. Valentines day card lang yung andun pero kinuha parin nila at pinuno ng mga doodles at signatures sa likod. Pero may natatanging signature na nakalagay sa message page dahil hindi kasya sa likod.


Pagdating ng Hapon….

Nag-kuhanan ng ng mga card at in-announce na yung date of enrollment kaya proceed na sa Green Jeepie. Nag-oeder ng pizza, drinks, Dunkin' Chips at Permed Frenchies. Tapos dumating ng pagkain, nagbigay ng speech si Iincho.

"We are here to celebrate a whole year of pag-sasawaan ng mukha, friendship at closeness to each other (sa background: cough, cough). Ehem.. Alam na siguro ng lahat na meron tayong isang kaklaseng aalis," sabi ni Iincho.

"Paano nila nalaman yung…" Inisip ni Sakura.

"And so, my dear people, here we are today, standing together, back-to-back. Nung mga times na meron sa ating gusting tumalon kung saan, tumakbo hanggang mapilayan at huwag na huminga magpakailanman, pero we stuck and helped each other. Now, we celebrate those times we shared. At the beginning, we were strangers starting out on a journey of youth. Never dreamed that we had to go through these challenges. Now, here we are, on this wonderful journey, but remember, we were at the beginning with you….No one told us, we were going to find each other. Unexpected, how you read my heart and grew close. When we lost hope, we were there for each other, cause we were at the beginning together. " Sabi ni Iincho bago umupo na umiiyak. Tsk, tsk. Kalalaking tao. Wait lang, lalaki pala siya?

"Di ba lyrics ng kanta iyon?" Inisip ng lahat ng nakikinig. Tapos kinuha ng isang kaklase nila ang card na hinanda nila at ini-abot sa natatanging naturally pink-haired freshman.

"What the hell?" Sabi ni Sakura. Binuksan niya ang envelop at na laki ang mata sa message na isinulat ng secretary from the class.

'Alam mo bang mahal kita?
Kaya lang hindi ko masabi
Bawal ang P.D.A. sa school…

Hindi ko masabi dahil
kaibigan lang ang turi mo sa akin

Pero baling araw hihigit ba doon?

Siguro hindi…
Kung matisod nga lang hindi mo magawa,
Mahulog pa kaya?
Happy Valentines Day na lang!'

"What the damn funky hell!" Sigaw nito. Hindi dahil sa message pero dahil dun sa signature sa baba. Ang signature na hindi nag-kasya sa likod. Ang signature ni… Sasuke!

"Anong problema mo, Sakura?" Tanong ni Mitsuki. Hindi nag-reply ang pink-haired girl sa sobrang shock kaya nilapitan nalan siya nito. Tinakpan ni Mitsuki ang kanyang bibig para hindi ma-obvious ang pagkagulat ng "Ice Maiden". Labis itong ipinagtaka ng mga kaklase nila kaya nilapitan ang dalawa at binasa ang mensahe. After a few minutes, nasa state of shock na ang buong klase.

"WAAAAHHH! Last day of school ngayon kaya nag-confess na si Sasuke!" Sigaw ng isa.

"Aalis na kasi si Sakura kaya ganoon!" Sigaw naman ng isa.

"Eh? Teka nga! Sino bang aalis?" tanong ni Sakura.

"Huwag mo na itago sa amin ang katotohanan! Alama na namin na… na… Wahhh! Amerika! Iiwan mo na kami!"

"Sino naman nag-sabi senyo niya?" tanong ni Sakura. Tinuro ng mga kaklase niya ang stalker ni Sakura.

"Kasi narinig ko yung conversation ninyo ni Satsuki sa rooftop…. Tapos… BOOHOOO!" Sabi ng stalker.

"Ahahahah!" Tawa ni Sakura habang namumuo ang mga luha sa gilid ng mata niya. "Ang tanga naman ninyo! Hindi ako yung aalis! Si Ino! Tinanggap kasi ng papa niya yung offer para mag-trabaho sa Canada kaya dun na rin siya mag-aaral. Hehehe…"

"Ika-aw…" Sabi ng mga kaklase niya sabay tingin sa chismosong nag-kalat ng balita. Yung mga lalaki, nag-crack ng knuckles. Yung mga babae, nag-handa ng foundation at lip gloss.

"Teka lang! Dahil nandito na rin tayo, mag-celebrate na tayo!" Sabi ni Iincho. At nag-party till they were green ang mga estudyante. Haaay, isang school year na ang nakalipas. Isang taong ng pag-aaral, tawanan, iyakan, bwisitan, ka-lechehan, chuva evers. Si Sakura, nakita na ang nakasulat sa likod ng card. Si Sasuke, tulala pa rin. Si Naruto, teka, saan nga pala si Naruto?


Sa Cleaning Closet ng klasroom….

"Tingin mo, naka-uwi na ba yung babae kanina?" tanong ni Naruto kay Kiba.

"Malay ko! Ikaw kasi!" Sisi ni Kiba sa kanyang kasama.

"A, ganoon? Baka gusto mong kumanta ako!" Threat ni Naruto.

"Wag na! Baka bingi na ako bago pa mag-simula ang summer!"

"Anong sabi mo?" At nag-away sila parang aso't pusa.


a/n: Yehey! Tapos na! Pasensya po kung medyo natagalan at pangit yung finale at yung last few chapters. Ahehe… Ewan ko lang kung gagawa pa ako ng season two, pero kapag nangyari iyon, siguro sa August o sa Pasko pa! Sige! Me assignment pa ako! Bye! (dives into a sea of failed test papers)

S Combo: Haaay… Natapos na ring ang paghihirap natin…. Tapos natatagalan pa bago siya mag-sulat… Swerte na talaga ngayon!

Fudge: Talaga? Yun ba ang tingin ninyo? Abangan nalang ninyo sa documentary ko! Ahahaha!

Sakura: Saan na nga ba natin inilagay yung calling card ng rehab kung saan natin pindala si Naruto?

Sasuke: Speaking of Naruto, nasaan ba siya?

Naruto: (Nakakulong sa cabinet) Labas ninyo ako rito!