Isang araw, tinamad si Sakura sa pag-aaral para sa exam nila bukas. "Nakakainis!" sabi niya sa sarili, "Bakit ba naman last minute palagi tsaka inaanounce yung test eh." Wala na siyang natututo sa bahay, kaya lumabas na lang siya at naglakad muna para mapahinga naman niya ang kanyang utak.

Habang naglalakad, sumipot bigla si Keroberos, ang kanyang tagabantay. Galing siya sa bahay ni Spinel Sun, Ruby Moon, at Eriol. "O, Sakura! Anong ginagawa mo dito sa labas? Akala ko may exam kayo bukas?" sabi ni Kero. Hindi kumibo si Sakura, parang di niya narinig ang mga sinabi ni Kero.

"Hello? Sakura? Gising ka pa ba dyan?" kumaway si Kero sa harap ng mukha ni Sakura. "Ah!" napasigaw si Sakura sa gulat. Natawa si Kero, "Ayan, buti na lang nagising ka na sa kakadaydream mo."

"Nakakainis ka, Kero. Napaisip lang ako kasi natandaan ko na kaarawan na pala ni Syaoran bukas." sabi ni Sakura sabay buntong hininga. "Grabe, ano ka ba, Sakura? Pati ba naman yun kinakalimutan mo?" biro ni Kero. "Hindi ko naman nakalimutan eh. Marami lang akong iniisip, kasi, alam mo na, maraming ginagawa sa paaralan. May mga exam, may cheerdancing pa ako. Tapos, sa math, grabe, ang bobo ko dun!" tawa ni Sakura.

Habang nagkukwentuhan sina Sakura at Kero, isang batang lalaki ang nakita nila. "Syaoran! Hello! Nandyan ka pala!" napalakas ang boses ni Sakura sa tuwa. Namula lamang si Syaoran at tumahimik. Pinipigil ni Kero ang kanyang tawa, dahil alam niya na may gusto sina Sakura at Syaoran sa isa't isa, ngunit sa tindi ng hiya nila, di nila ito masabi ng diretso.

"Ah, Sakura, gusto lang kitang imbitahin para sa kaarawan ko bukas, pagkatapos ng klase. May kainan sa bahay ko." bulong ni Syaoran. Kay laki ng ngiti ni Sakura, "Salamat, Syaoran! Sisiguraduhin kong makakapunta ako bukas!" Tahimik na lang ang dalawa, dahil di na nila alam ang sasabihin nila.

"Hoy, Sakura! Kala ko ba mag-aaral ka pa? Tara na, uwi na tayo." suway ni Kero. Si Sakura naman ay parang nagdadalawang-isip pa, "Uh, sige, uwi na kami, Syaoran. May exam pa tayo bukas." Nagpaalam din si Syaoran at naghiwalay na ang dalawa.

Sa susunod na araw...

"Sakura! Inimbita ka ba ni Syaoran para mamaya?" tanong ni Tomoyo sa matalik niyang kaibigan. "Oo naman, kaso lang, Tomoyo, wala akong maisip na pang-regalo sa kanya. Ano kaya pwede?" sabi ni Sakura habang nag-iisip.

"Bigyan mo na lang ng bag para tapos na problema mo."

"Ha? Eh, parang ang simple naman nun. Gusto ko kasi malaman niya na mahalaga siya sa akin."

"Ah... ganyan ba? Um, bigyan mo na lang kaya ng relos? Di ba uso yun sa mga lalaki?

"Relos? Oo nga noh. Ang galing mo talaga, Tomoyo!"

"Siyempre naman. Ako pa!"

"Ang yabang mo naman. Samahan mo na lang ako mamayang lunch break, para makabili na ako."

"Sige!"

Pagkatapos ng klase

Kinakabahan si Sakura. Di niya alam kung magugustuhan ba ni Syaoran ang regalo niya o hindi. "Haynako, Sakura. Sigurado akong magugustuhan niya yan! Kahit basura man regalo mo, basta galing sa iyo, matutuwa yun!"

"Sorry, Tomoyo. Parang kinakabahan lang ako ng konti."

Dumating na sila sa bahay ni Syaoran. Kinakabahan pa rin si Sakura, kaya nag doorbell na muna si Tomoyo. Ang ina ni Syaoran ang nagbukas ng pinto. "Ah, Tomoyo, Sakura! Kayo pala! Pasok na kayo, nasa sala silang lahat."

Nagpasalamat silang dalawa at pumasok.

"Sakura! Tomoyo! Dumating kayo!" sabi ni Syaoran.

Tumawa si Sakura, "Syempre naman, Syaoran. Ah, ito pala oh. Regalo ko sayo."

Tinanggap ni Syaoran ang regalong nakabalot ng maayos, "Salamat, Sakura."

"Buksan mo na!" sabi ni Tomoyo. "Pinili talaga ni Sakura yan para sa iyo!"

Tinanggal ni Syaoran ang papel, at ngumiti nang nakita nya ang relos na pinili ni Sakura para sa kanya. "Salamat, Sakura!"

Tapos

A/N: Grabe! Ang bulok ng Tagalog ko! Haha! Sorry sa napaka-walang kwentang kwento. Wala lang akong magawa eh. Salamat sa pagbabasa! Magreview kayo ha!