A/N: Ako po ay humihingi ng paumanhin dahil sa matagal na pag-update ng aking mga istorya. Dahil po ginagawa ko ang bago kong istorya: OPPOSITES. Ang oneshot na ito ay base sa tambalang Naruto at Hinata sa anime na Naruto.
OneShot Collections
Isang magandang araw ang bumati sa 17-anyos na lalaking ninja. Tinaguriang siyang pinakamaingay na ninja sa Konoha, at yun lamang si Uzumaki Naruto. Halos madapa na siya sa hagdan nung siya'y papababa, dahil nagmamadali na siya ng todo sa pagpunta sa tindahan ng mga libro. Dahil nung araw na iyon ang ganap na pagbenta ng bagong libro ng kaniyang paboritong awthor, na si Hyuuga Hinata.
Bolpen
Mysterious Cherry Blossom07
"Tumabi kayo diyan!" sigaw ni Naruto habang tumatakbong papunta sa tindahan. At sa pagtakbo niya, meron siyang nakabunggo na dalaga. (Hulaan.. XD)
Meron siyang maikli na buhok at asul ang kulay nito, makinis at maputing balat, mala-anghel na mukha at ang mata'y parang opal. Nakasuot siya ng pulang t-shirt at maluwag na pantalon, tsaka puting sumbrero para itago ang mukha niya sa lahat. Hindi na nakuha ni Naruto tumingin sa mukha niya, pero humingi na lang agad siya ng paumanhin at tumakbo na sa tindahan. Siya'y sumisigaw na: "ANG LIBRO NI HINATA, KAILANGAN KONG BILIHIN!" Napangiti na lang ang dalaga habang tinitignan ang papaalis na katawan ng lalaking nakabunggo sa kanya. "Ang kyut naman niya." bulong niya sa sarili niya.
"Nasaan yung new release books niyo?" tanong ni Naruto pagdating niya sa tindahan ng mga libro. "D-doon po" pa-utal na sinagot ng employee si Naruto habang tinuturo niya kung saan ang mga libro. Sinundan niya ang turo ng daliri ng employee hanggang sa nakita niya ang signboard ng 'new release book(s)'. Nagpasalamat mabuti siya at nagmamadali nang pumunta sa naturong direksyon.
"Hoy tungag! Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni Naruto nung narating niya ang mga shelf ng bagong release na libro, dahil nakita niyang si Sasuke nagbabasa ng bagong libro ni Hinata. "Hindi ba obvious? E di, nagbabasa ng libro ng paborito mong awthor. Balak ko kasing bilihin eh." sagot ni Sasuke. "Malas mo na lang, itong hawak ko ang pinakahuling libro. Sa susunod na linggo daw ang bagong delivery ng mga libro ni Hinata." Nagalit si Naruto, sinusumpa niya si Sasuke sa isip niya, "…sana i-break ka ni Sakura-chan, sana i-break ka ni Sakura-chan, sana i-break ka ni Sakura-chan…"
Kunwaring ngumiti si Naruto, "Mabait ka naman di ba Sasuke? Akin na yang librong hawak mo. Sige na, di ba matalik naman tayong magkaibigan?" Napailing na lang si Sasuke, "Ayaw ko." Sumabog na ang galit ni Naruto dahil hindi na niya mapigil ito, "AKIN NA YAN! MAPAPATAY KITA UCHIHA KUNG HINDI MO BINIGAY SA AKIN YAN!" sigaw niya sabay pagpunta kay Sasuke. Eto naman si Sasuke, inilalayo ang libro sa mga kamay ni Naruto.
"Naruto!" Nanggaling ito sa boses ng dalaga: Sakura. "Wag kayong magsimula ng gulo dito sa tindahan." Sabay tirik ng mata kay Naruto. Magsisimula nang mag-protesta si Naruto, pero sa mga mata ni Sakura parang siyang papatayin nito. Sinumpa niya ulit si Sasuke sa isip niya, "sana i-break ka ni Sakura-chan, at matanggal ka sa pagiging kapitan ng mga ANBU."
Napatungo na lang si Naruto, napahiya nanaman sa dalagang ninja. Napatingin lang siya sa kanya nung merong inabot na libro si Sakura sa kanya. "Eto yung bagong libro ni Hinata. Kukunin ko sana, kaso alam kong mahal mo si Hinata, kaya eto! Hiraman na lang kami ni Sasuke." Sabi niya habang nakangiti kay Naruto. Nanlaki ang mata ni Naruto, kinuha ng libro at nagpasalamat kay Sakura. "Ang bait mo talaga Sakura-chan! Isa lang ang hiling ko sa birthday ko, i-break mo si Sasuke." Sabi ni Naruto sa isipan niya. Binayaran na niya ang libro at nagpaalam na sa dalawang kaibigan niya, dumiretso na siya umuwi.
Lumapit si Sasuke kay Sakura, "Dapat hindi mo binigay ang kopya mo." Napatingin lang si Sakura sa kanya at ngumiti, "Hayaan mo na." "Naalaala mo ba yung sinulat ni Naruto sa slum book ni Ino dati?" bigalang tinanong ni Sakura ang kasintahan. "Oo, naalaala ko. Makilala ang kanyang paboritong awthor na si Hinata." Nanlaki ang ngiti ni Sakura, "Paano kung gawin natin totoo ang pangarap niya?" "Huwag mong sabihin-" sabi ni Sasuke. "Oo, ipapakilala natin si Naruto kay Hinata!"
Pagdating ni Naruto sa bahay niya, dali-dali siyang pumunta sa kuwarto niya at binasa ang libro. Ang libro ay pinamagatang, "Ang pagkakamali ng bolpen." Habang binabasa niya ito, tawa siya nang tawa. Dahil hindi niya inakala na ang isang napakagaling na awthor ay nagkakamali din sa pagsusulat ng sariling libro niya.
Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone niya. "Sino naman ang naka-miss sa akin?" Siyempre, sino ba ang hindi maasar pag merong nang-iistorbo sa'yo, lalo na kung paboritong hobby mo yun ginagawa mo. Nung tinignan ni Naruto ang cellphone niya, nakita niya meron siyang natanggap na mensahe mula kay Sakura.
Naru, punta k s prke. Mgkta tau dun ng 4 ng hpon.
Sakura
P.S. Isuot u ang best mong dmit.
(A/N: Naku, kung kayo'y addict sa text, kaya niyo yan basahin. Kung hindi, eto ang translation niyan: "Naru, punta ka sa parke. Magkita tayo doon ng 4 ng hapon. Sakura. P.S. Isuot mo ang best mong damit.")
"Ano ba naman itong si Sakura-chan, kung anu-ano nanaman ang naiisip." Ika ni Naruto. Sinara na niya ang libro at nagbihis ng dalandan na pang-itaas na may nakasulat na "rakizta ako!" ng kulay itim at maong na pantalon na kulay asul. "Bakit naman ako magsu-suot ng magara na damit kung sa parke naman lang… tsk! tsk! tsk!" at tuluyan nang umalis si Naruto.
Nang nasa parke na siya, hinahanap na niya si Sakura. "Argh! Nasaan ka na ba Sakura-chan?" sigaw ni Naruto habang hinahanap si Sakura. Sa di kalayuan, nagtatago ang nasabing pangalan kasama ang kanyang kasintahan sa likod ng mga bushes. (A/N: Ano ba ang tagalog doon? XP) Pinagmamasdan lang siya. "Pumunta ka sa fountain, Naruto!" sabi ni Sakura sa sarili niya.
Nang pagod na si Naruto sa paghahanap kay Sakura, naupo na lang siya sa tabi ng fountain. Hindi niya alam sa kabilang tabi ay merong dalagang nagpapakain ng tinapay sa mga ibon. "Galing! Ubusin niyo lahat yan." Sabi ng dalaga. Tumayo si Naruto sa kinauupuan niya at pumunta sa kabilang tabi ng fountain. Nakita niya ang babaeng nakabangga niya kaninang umaga. Namangha si Naruto sa dalaga, "Naku! Love-at-first-sight yata ito!" sabi niya sa sarili niya. Namula na lang siya ng napatingin ang dalaga sa kanya.
Kinakabahan si Naruto, hindi niya alam kung ano ang gagawin: kung magpapakilala ba o tatakbo? Lumapit na lang ang dalaga sa kanya, "Pamilyar ang mukha mo. Teka, nagkita na ba tayo noon?" "Oo. Ako yung nakabunggo mo kaninang umaga. Pasyensya ka na, ha? Hindi kasi kita nakita, eh. Ako pala si Naruto, Uzumaki Naruto. Ikaw?" tanong ni Naruto. Namula ang dalaga, "a-ako? a-ako s-si h-h-hina-hinata. H-h-hyuuga H-hinata." "Naku! Ang cute niya talaga!" sabi ni Hinata sa sarili niya.
Nanlaki ang mata ni Naruto, tinigan ang dalaga mula ulo hanggang paa. "NAKILALA NA DIN KITA SA WAKAS!" sigaw ni Naruto sa galak! Agad niyang yinakap ang nasabing dalaga. Namula si Hinata, wala siyang nagawa kundi ibalik ang yakap na ipinamamalas niya.
"Hula ko, sila na sa mga susunod na linggo." Bulong ni Sasuke sa kasintahan. Napatawa na lang si Sakura at sinabing iwan na lang silang dalawa. Sumunod na lang si Sasuke.
At para sa dalawa, nagsimula na ang kakaibang mundo sa kanilang dalawa.
+ Wakas +
A/N: Tapos na! Sa susunod na oneshot, Neji at Tenten na!
