OneShot Collections
Ang mundo ay sadyang madilim, walang sariling liwanag o anu pa man. Ang araw, buwan, at mga tala lamang ang nagbibigay liwanag sa mundo, tulad ng tao. Sa una, madilim ang paligid, ngunit pag dumating na ang taong mamahalin mo, siya'y magbibigay liwanag sa mundo mo.
Tulad na lang ng 23-taong gulang na si Uchiha Sasuke. Isa sa siyang ANBU ngayon. Naging mas gwapo at matipuno itong si Sasuke. Maaring nagbabago na siya, ngunit hindi magbabago ang nararamdaman niya sa isang kunoichi na ngayo'y isa nang magaling na medic-nin. Oo, si Haruno Sakura, at wala nang iba.
Birthday Wish
"Ano kaya ang maganda dito na pwedeng i-regalo kay Sasuke-teme," tanong ni Naruto sa nobya niyang si Hinata. Isang ANBU na rin si Naruto, malapit na siya sa pangarap niyang maging hokage. Naging matipuno na rin itong si Naruto, at inaamin na rin ng ilang mga babae sa Konoha na merong itsura si Naruto.
"Piliin mo ang sketch ng cherry blossom tree na nasa kanan mo, Naruto-kun," sabi ni Hinata sa nobyo niya. Isa na ring medic-nin si Hinata. Nagkaroon na ng hugis ang katawan niya makalipas ang ilang taon. At maganda na si Hinata, kahit parang ganon pa din ang itsura niya.
"Oo nga. Ang galing mo pumili, Hinata-chan," sabi ni Naruto habang kinukuha ang frame na kung saan nakalagay ang sketch ng cherry blossom tree sa kanan. "Hindi ko maiwasan maisip si Sakura-chan habang titignan ko ang sketch na ito."
"Tama ka doon Naruto-kun. Pero uuwi na rin daw si Sakura-chan mamaya. Excited na ako makita siya," ika ni Hinata nang nakangiti.
-
-
-
Isang medic-nin na kulay rosas ang buhok ay nakaupo sa isang sanga ng puno sa bayan ng Suna. Siya'y inatasan ng hokage na gamutin ang mga taong sugatan na nasangkot sa isang giyera sa bansa. At sa ngayon, iniisip niya ang buhay sa Konoha. Halos isang buwan na hindi siya bumabalik sa Konoha dahil sa mga taong sugatan.
"Kaarawan na ni Sasuke bukas, at tapos na ang trabaho ko dito. Hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako," tanong ni Sakura sa sarili niya habang pinagmamasdan ang bilog na buwan. 'Sasuke…sana matanggap mo pa rin ako.'
-
-
-
Habang sa Konoha, si Uchiha Sasuke ay nakatayo sa lugar kung saan laging nagkikita-kita ang team seven noong mga genin pa sila. Hindi maiwasan ni Sasuke ang pag-alaala sa nakaraan kasama ang guro niyang si Hatake Kakashi, ang karibal/pinakamatalik na kaibigan na si Uzumaki Naruto, at ang kunoichi na nagbigay ng liwanag sa madilim niyang mundo na si Haruno Sakura.
"Ilang taon na rin pala ang lumipas," ika ni Sasuke sa sarili niya. Nung nakaraang taon pa lamang bumalik si Sasuke sa bayan ng Konoha. Masaya siyang ibalita sa hokage na nagawa niyang patayin ang nakakatandang kapatid niya at si Orochimaru.
Gusto na niya magkaroon ng bagong simula at alam niya na matutulungan siya ni Sakura. Pero, kinakailangan umalis ni Sakura para sa mga taong nasalanta sa giyera sa bayan ng Suna. Ayaw man aminin ng binatang Uchiha, pero hinahanap niya ang kunoichi na nagpatibok ng puso niya. "Sakura…"
-
-
-
Labing-limang minuto na lang bago ang kaarawan ni Sasuke. Nakaupo na lang si Sasuke sa isang malaking bato sa parehong lugar pa rin. Pinagmamasdan ang buwan. Tahimik na tahimik ang paligid, hanggang sa merong dumating na tao.
"HOY SASUKE!" sigaw ni Naruto habang tumatakbo papunta sa lokasyon ni Sasuke. Nang nakarating na siya, binati niya ang kaibigan niya ng maligayang kaarawan at inabot ang regalong binili niya kanina.
"Ano ito?" tanong ni Sasuke habang nakatingin sa natanggap niya sa binatang Uzumaki. "Di mo ba nakikita? E di, regalo. Buksan mo na!" maligayang ika ni Naruto. Walang nagawa si Sasuke kung hindi binuksan ang regalo niya. Nakita niya ang sketch ng cherry blossom sa isang papel na naka-frame. Agad-agad meron siyang taong naalaala nang makita niya ang drowing. Si Sakura.
-
-
-
"Sakura! Maligayang pagbabalik!" bati ni Hinata nang makita niya si Sakura paparating sa gate ng Konoha. "Maraming salamat sa pagbati, Hinata-chan" ika ni Sakura, "nasaan na sila?"
"Halika! Ihahatid kita sa kanila." sabi ni hinata habang hinihila si Sakura patungo sa lugar na kung saan ang ika-pitong grupo ay dating madalas doon magkita.
-
-
-
Naupo si Naruto sa tabi ni Sasuke, parehong nakatingala sa langit. Pinagmamasdan ang bilog at maliwanag na buwan. "Sasuke, ano ang wish mo sa kaarawan mo?" tanong ni Naruto. "At bakit ko naman sasabihin sa'yo? Ano ka, sinuswerte!" patigas na sagot ni Sasuke.
"Basta," habang nagmamakaawa si Naruto. "Sige na nga," napahingal si Sasuke ng malalim, "ang hiling ko ay…ay ang makita at mayapos muli ang babaeng minahal ko," ika ni Sasuke. "Ang babaeng tinalikuran ko dahil sa katangahan ko, ang babaeng nagpatibok ng puso ko."
"Sasuke?" may isang boses na kung saan nagmula, ang boses ng taong hinahanap niya. Pagtingin niya sa direksyon kung saan nagmua ang boses, nagulat siya…
Agad-agad tumayo si Sasuke sa kina-uupuan niya at lumapit sa kanya, "Sa-Sakura?" Tumungo siya sa tingin ni Sasuke at hindi naiwasan ang pagkaroon ng kulay ang kanyang mga pisngi. "Sa-Sasuke…" bulong ni Sakura sa sarili niya ngunit narinig ito ni Sasuke. Sina Naruto at Hinata ay umalis na dahil parang nakakaistorbo lang sila. Tsaka, gusto nila may kilig moments na sasarilin sina Sasuke at Sakura habang buhay.
Nagtitigan ang dalawa ng ilang minuto at sa ilang sandali lang, niyakap ni Sasuke ang babaeng ninja na nasa harapan niya. "Mahal kita Sakura, matagal ko na itong gustong sabihin sa'yo pero natatakot ako. Gusto ko malamn kung mahal mo ba rin ako?"
Halos mapaiyak si Sakura dahil sa sobrang tuwa, "oo, mahal kita Sasuke, hanggang ngayon ikaw pa rin ang sigaw ng damdamin ko," sabi ni Sakura. "Maligayang kaarawan, Sasuke."
"Maraming salamat, Sakura," sabi ni Sasuke habang inilalapit ang mukha niya kay Sakura. At nung malapit na ang kanilang mga mukha, sinarahan nilang pareho ang kanilang mga mata at sila'y naghalikan.
Sa wakas, natupad na rin ang birthday wish ni Uchiha Sasuke.
-OWARI-
A/N: Ayos ba? Naisip ko yan nang birthday ng crush ko dati. Nilagyan ko lang ng kilig factors para lumigaya naman kayo. Pero, hindi yan nangyayari sa life ko. Yep, how sad naman. Pero, nagmamakaawa ako…mag-REVIEW naman kayo!
