Author-chan: Matagal bago ko nagawa ang sunod na kabanata. Kasi naman, busy ako. Sa totoo lang, may gagawin nga dapat ako ngayon. Kaso nakakahiya naman sa mga mambabasa. (naks!)

...0000000000...

Kabanata 2: Ang Paglalakbay ni Prinsipe Sasuke

Nang marinig ng hari ang lunas sa kanyang sakit, nautusan nya ang panganay na si Prinsipe Sasuke upang hanapin ang Ibong Adarna. Agad na naghanda ang panganay na prinsipe ng kanyang mga dadalhin sa kanyang paglalakbay, at umalis na sya pagkatapos makakuha ng kabayong sasakyan nya at basbas mula sa kanyang mga magulang.

Dumaan sya sa iba't ibang hirap sa loob ng tatlong buwan para lamang makuha ang lunas. Mahirap pag akyat sa bundok, nakakasira daw ito sa skin, sa buhok, at maging sa kuko. Pero buong tapang nya itong inakyat kasama ang naghihingalo nyang kabayo. Pero nang malapit na sya sa taas, minalas naman sya—namatay ang kabayong ito na nakasama nya sa tatlong buwan. Kinulang yata sa Vitamin C. No can do, lakad nalang sya ngayon.

"Bwisit...Ang init naman dito...di pa aircon..."

Eto ang mga unang nasabi ni Prinsipe Sasuke nang sya ay makatungtong sa kabundukan ng Tabor. Nang biglang...may lumabas na multo! Tama, multo! Nagulat ka ba? Hinde, binibiro lang kita. Korny. May lumabas na isang matandang pulubing halatang ilang dekasa nang walang inihuhulog sa bituka. Dahan dahan itong lumapit sa prinsipe at nagmakaawa.

"Mahal na prinsipe ng kahariang malayo, ako sana'y bigyan mo ng kahit kapirasong tinapay lamang na baon-baon mo..."

Tumingin lang naman ang prinsipe at saka nagwikang...

"Hmp...nagtitipid ako. Ilang araw na rin akong di kumakain dahil nga baka kapusin ako. Tapos ikaw, hihingi ka lang...No way, loooozer...mahal mahal ng Gardenia...sosyal ka a..." Ang mayabang na sabi nito.

"Sige na po, bigyan nyo na ako ng tinapay..."

"Iwan mo na ako..."

At umalis nga si lolo, naghanap ng iba nyang mahihingian ng tinapay, kahit yung cheap lang. Basta may makain. Kaawa awang nilalang. Iskwater.

Pagkatapos ng ilang sandali, nakita na ni Prinsipe Sasuke ang Piedras Platas—ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna. Kaso dahil hapon pa lang naman, wala pa ang Ibong Adarna, gaya nga ng sabi nung mediko, nagmo-mall hopping, malamang ngayon sa ATC. Edi hinintay nya ang paglubog ng araw para dumating ang Adarna. At mamaya maya lang ay eto na nga...dumating na ang Ibong Adarna—kasama ang maraming mga shopping bags.

"Ayun na nga, ang Ibong Adarna..." Ang wika ni Prinsipe Sasuke sa kanyang sarili pagkatapos makita ang ibon na may hawak ng mga shopping bag at isang platinum na credit card.

"Sige...huhulihin ko na ito..."

Abalang abala ang Adarna sa pagtingin ng shopping bag, pero naisip nya...ngayon na. Nagsimulang kumanta ang Adarna ng isang pamilyar na awit. Napatigil si Prinsipe Sasuke at nahumaling sa ganda nitong kumanta.

"Tila ibon kung lumipad...sumabay sa hangin, ako'y napatingin...sa ibon na nababalot ng hiwaga..."

Nagandahan si Prinsipe Sasuke sa boses at maging sa awit nito. Pitong beses nag iba iba ng kulay, para bang nasa perya. Ang totoo, pitong awit din ang kailangang kantahin ng ibong Adarna, pero bakit pa siya susunod dun, kung pwede namang pitong beses ulit ulitin ang paborito niyang kanta. Naupo na lamang siya at nakinig. Pero ang hindi niya alam, inaantok na pala siya. Humikab siya ng humikab, pero buti nalang naabutan pa niya ang ending, kaya hindi muna siya nakatulog.

"Sa mga ulap, sumisilip...sa likod ng mga tala, kahit sulyap ng Adarna..."

Pero inaantok pa rin siya. Kaya nagtimpla siya ng kape. Kaso hindi pa niya ito naiinom nang...biglang bumwelo ang ibon, para bang di mapakali na sumasayaw. Kembot sa kanan, kembot sa kaliwa...

"Aba, ano namang ginagawa ng ibon...? Teka, diba dapat hinuhuli ko siya? Tama...huhulihin ko na ito ngayon---EEEEEWWW! GROOOWWSS!"

Biglang may pumatak na hindi kaaya ayang bagay sa braso ni Prinsipe Sasuke. Parang may noodles, kanin, steak, at kung anu ano pa. Pupunasan na sana niya ito kaso nalaman nya...hindi na pala niya maigalaw ang kamay nya! Nagiging bato siya simula sa kamay nya, at kumalat itong dahan dahan papunta sa ibang parte ng katawan nya...

"(toot)! Ano ba 'to? Di ko ma---" At hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil maging ang bunganga nya ay naging bato na rin.

At sa itaas nga ng puno, ay naroon ang Adarna, natulog na sa kanyang queen sized mattress. Sosyal. Katabi pa niya ang mga lata ng coke at isang malaking pakete ng chips.

Gawaing Pansanay:

Bakit kinain ni Prinsipe Sasuke ang mga jelly ace? Ipaliwanag.

Anong brand ng kape ang ininom ni Prinsipe Sasuke? Jollibee o McDo? Ipaliwanag ang sagot.

Bakit namatay ang kabayo ni Prinsipe Sasuke? Ano ang ipinakain niya dito?

Magbigay ng mga pangalan ng mga singer na umi-ebs sa concert. Padalhan ako ng litrato.

Author-chan: Maraming salamat sa mga sumusuporta!