Chapter 2: Welcome Party ni Uzumaki
A/N: Salamat sa lahat ng nagbasa at nagreview. Natouch ako. :D
Eto na po ang second chapter.
"A..ako nga pala si Hi-hinata" Nahihiyang pagpapakilala ng dalaga kay Ino nang sumabay siya sa kanila sa pagkain ng lunch kinabukasan. Nginitian naman siya ni Ino.
"Hi Hinata! Ako nga pala si Ino. Buti na lang sumabay ka sa amin." Sabi nito habang nakangiti. Patuloy naman sa pagkain si Sakura. Walang pakialam sa nangyayari.
"Ah… Hina-chan. Pagpasensyahan mo na iyang si Sakura. Ganyan talaga yan pag gutom. Walang naririnig. Parang halimaw kumain." Pang-aasar nito sa kaibigan. Inirapan naman siya ni Sakura.
"Nye. Nye. Wag mo ngang pansinin yan si Ino. Epal na naman kasi." Sabi nito matapos magmake face.
Ngumiti lamang si Hinata. Hindi naman sa wala siyang kaibigan kaya siya madalas na magisa. Mahiyain lang talaga siya at mas nais niyang mapag-isa o kaya ay magtago. Siguro ay isa ring dahilan ang pangloloko sa kanya ng mga dating kaibigan. Dahil sa alam ng mga tao na anak mayaman siya, madalas lamang siyang utuin at gamitin ng kanyang mga kaklase noong highschool pa siya. Nagpapalibre ng ganito, nagpapabili ng ganyan. Hindi naman siya makahindi dahil natatakot siya na baka iwasan siya ng mga ito. Kaya siya na lamang ang lumayo at hanggang ngayong college na siya eh, nasanay na siyang magisa. Pero ngayon, feeling niya ay komportable siya kapag kasama niya ang dalawang dalaga. Hindi dahil sa pareparehas silang mga anak mayaman kundi dahil alam niya na mga tunay na kaibigan ito.
"Ayan. Takot na ata sa'yo si Hinata. Nakita na niya ang iyong tunay na kulay." Pangbubully ni Ino sabay tawa.
"Baka naman sa'yo siya takot. Ayaw niya sa mga biik. Oink! oink!" Sagot naman ni Sakura. Nagtawanan naman ang tatlo.
"Haha. Hay naku Hinata, masanay ka na sa amin. Ganyan talaga kami, laging nag-aasaran. Di bale, kapag lagi ka nang sumasama sa amin, lahat ng hiya mo sa katawan matatanggal." Sabi ni Sakura matapos nilang magtawanang tatlo. Ngumiti naman si Hinata.
"Ah…oo nga pala Sakura, bakit hindi ka na lang magpahatid sundo sa driver niyo o kaya dalhin mo yung car mo dito? Lagi ka kasing nagtatrike eh afford mo naman ang car. Baka mamaya mahold-up ka pa no." Sambit ni Ino matapos sumubo ng yogurt.
Sikat na nanay ni Sakura at ang kanyang ama naman ay may ari ng pharmaceutical company. Sa katunayan pa nga, halos ang buong angkan ng Haruno ay sikat sa larangan ng medisina kaya naman maging si Sakura ay medisina din ang kursong kinukuha sa University.
"Eh kasi, mas gusto kong sumasabay sa kotse mo. Tulad kanina. And besides, mas nageenjoy ako kapag nagkocommute. Ngayon lang kasi ako nasanay na bumyahe nang mag-isa na hindi ginagamit ang kotse ko o nagpapahatid sa dirver. Tsaka, hindi naman halatang mayaman ako. Bakit sila magkakaroon ng interes na holdapin ako?" sagot nito matapos sumubo ng ulam.
"Nge. Eh, hindi ko na masyadong nagagamit yung kotse ko dahil may mga naghahatid-sundo na sa akin. Pero…kung diyan ka masaya edi go." Wika ni Ino. Ngumiti lamang si Sakura.
"Ay, oo nga pala, welcome party ngayon ng mga Uzumaki. Babalik na kasi dito si Naruto." Sambit ni Ino. Namula naman si Hinata nang marinig ito. Mabuti na lamang at hindi napansin ng dalawa.
"Oh? Babalik na si Naruto? Masaya yan! The more the merrier!" Excited na sabi ni Sakura. Magkakababata kasi silang tatlo. Matagal nang magkakaibigan ang mga pamilyang Uzumaki, Haruno at Yamanaka. Kaya maging sila ay naging matatalik na magkakaibigan din. Malapit ang dalawang dalaga kay Naruto kaya naman excited ang dalawa nang mabalitaang babalik na ang kaibigan.
"Haha. Oo! May mapagtitripan na naman tayo!" masayang sambit ni Ino. Tahimik naman si Hinata habang namumulang parang kamatis.
"Uhm…Hinata, okay ka lang?" Tanong ni Sakura nang makitang namumula si Hinata. Ngumiti naman si Ino.
"Hmm…kilala mo ba si Naruto? Kasi…malaki ang possibility na magkakilala kayo dahil ang Hyuuga family ay madalas ding makasalamuha ng mga pamilya namin. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ngayon ka lang namin na kilala." Tanong ni Ino sa dalaga.
"Ah…Oo. Ki-kilala ko siya. Mi-minsan lang kasi ako sumama sa family gatherings a-at madalas akong magtago ka-kaya hindi niyo siguro ako napapansin" nahihiyang wika ni Hinata.
"Ooooh. Crush mo ba si Na-ru-to?" Tanong naman ni Sakura. Lalo namang namula si Hinata. At dahil hindi naman slow ang dalawa, na-gets na nila ang ipinahihiwatig nito.
"Uhm..Hina-chan, wag mo nang sagutin. Baka himatayin ka na sa kilig." Pangaasar ni Ino. Ngumiti lamang si Hinata.
"Uhm…Ino, uuwi muna ako sa bahay namin. Susunduin kasi ako ng driver, As usual, gusto akong paayusan ni mama. Hay." Sabi nito habang naglalakad ang tatlo patungo sa parking lot ng Unibersidad.
"Ah…ako din uuwi sa bahay namin eh. Ikaw Hinata? Gusto mong sumabay?" Alok nito sa dalaga.
"Ahh…hindi na. Sasabay na ako kay Neji. Parehas naman kaming sa bahay umuuwi eh." Wika ni Hinata.
"Ah..ganun ba? O sige, una na ako sa inyo. Bye!" Sabi ni Ino sabay beso sa dalawang kaibigan. Pumasok na siya sa kanyang kotse at nagdrive pauwi. Kumaway naman ang dalawa sa kanya.
"Hay… Excited na ako mamaya. Uhm…pa'no pala kayo nagkakilala ni Naruto?" Tanong ni Sakura sa kausap. Ngumiti naman si Hinata at muling nagblush. Inaalala ang isa sa mga pinakamasayang parte ng kanyang buhay.
"A..ano kasi, mga bata pa lang ka-kaming dalawa, pinagkasundo na kami ng mga magulang namin. Magkasosyo kasi sa negosyo ang mga magulang namin ka…kaya ko siya nakilala. Siya rin ang una kong naging kaibigan." Sabi ni Hinata habang namumula. Para namang binuhusan ng tipak ng tae si Sakura sa sobrang pagkagulat. SI NARUTO PINAGKASUNDO KAY HINATA?
"HA? Talaga? Bakit hindi man lang niya sinabi sa amin?" Nagtatakang tanong ni Sakura. Ang liit talaga ng mundo. Akalain mo yun?
"Ah…hindi ko rin alam. Ba-baka nahihiya siyang sabihin sa inyo." Sagot naman ni Hinata. Natawa naman si Sakura.
"Sus. Eh, nung nagtae nga siya sa ramen restaurant hindi siya nahiyang ikwento sa amin. Walang hiya sa katawa yun. Baka hindi niya lang naintindihan ang ibig sabihin ng 'ipinagkasundo'. Medyo slow kasi yun eh. Pero, mabuting kaibigan yun. Wag kang magalala. Hindi ka magsisisi." Sabi ni Sakura sabay tawa. Natawa din si Hinata.
"Ahh…Saku-chan, nandiyan na pala si Neji. Bye." Pamamaalam nito sa kaibigan. Naglakad na ito papunta sa pinsan tsaka kumaway na muli kay Sakura bago tuluyang umalis. Naiwan namang magisa si Sakura. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench habang naghihintay ng sundo nang may matagpuang isang red-haired na dalagitang biglang yumakap sa isang lalaki.
Landi naman nitong babae. Akala mo naman maganda. Sexy lang siya. Ano ba yan! Wika ni Sakura sa kanyang isipan.
Napasmirk na lamang siya. Dalidali namang kumalas yung binata sa pagkakayakap nung babae. Kahit na malayo, napansin ni Sakura ang pandidiri nito. At nang humarap na yung binata, namukhaan niya ito. Ang maangas at mayabang na binata. Yung natapunan niya ng pineapple juice kahapon. Hindi niya ito kilala ng personal dahil hindi naman niya ito nakakasalamuha sa mga family gatherings at special occasions pero dahil sikat ito, alam niya na ito ay isang UCHIHA. Sana nga lang hindi niya kapatid yung gwapong UCHIHA ITACHI na nagpasakay sa kanya sa sasakyan kahapon. Sana lang.
"Miss Haruno" Sabi ng isang pamilyar na boses. Ang kanyang personal na driver. Ngumiti naman siya at sumunod na dito patungo sa kanilang sasakyan.
"Teka" malamig na sabi ng gwapong Uchiha nang bigla siyang yakapin ni Karin. Kumalas siya kaagad at dahan-dahang tinulak ang babae.
"Bakit Sasuke-kun? May problema ba?" Malanding tanong nito sa binata habang pinaglalaruan ang kanyang buhok gamit ang hintuturo. Halata sa itsura ng binata na iritable ito.
"Oo." Malamig nitong sagot.
"Ano?" Nagtatakang tanong ni Karin.
"Ikaw."
Ngumiti naman si Karin na parang tanga. "Si Sasuke talaga ang hilig magbiro."
"Mukha ba akong nagbibiro?" Sarkastikong sagot nito. Natameme naman si Karin. Barado kasi. Pero gayun pa man, tumawa lamang ito. Slow kasi kaya hindi niya na-gets ang pinahihiwatig ng poging binata.
Nakita ni Sasuke si Haruno na nakaupo sa bench bago umalis sina Neji. Kasama pala nito ang pinsan ng binata na si Hinata. At ayon sa kanyang sources, Sakura ang pangalang nito. Hindi niya rin alam pero interesado siya rito. At tila nakatingin ito sa kawalan. Nais niya sana itong lapitan at pagtripan nang bigla namang dumating si Karin at yakapin siya. Akala kasi niya na "EX" siya ni Sasuke gayong nilinaw naman ni Sasuke na wala siyang interes dito. Fling man o kaibigan, WALA.
"Karin, ano ba. Kailan mo ba ako titigilan?" Sagot ni Sasuke kay Karin.
Sumimangot naman ito. "Bakit Sasuke? Mabaho ba hininga ko? Nagtoothbrush naman ako ah. Nag-gargle pa nga ako eh." Sabi nito sabay amoy sa kanyang sariling hininga. Nagputukan naman ang mga ugat ni Sasuke sa noo. Gusto na niyang batukan ang babae dahil sa panglalandi nito. Kung hindi lang sana ito babae kanina pa niya ginawa.
"Ano ba naman Karin. Hindi nga kita gusto. Ilang ulit ko nang sinasabi sa iyo yan ah." Sabi ni Sasuke dito. Muli itong sumimangot.
"Ganu'n ba? Okay lang yun pwede namang—"
At bago pa matapos ang sasabihin nito, naglakad na papalayo si Sasuke.
"Woah. Naruto, ikaw ba talaga yan?" Nagtatakang tanong nila Sakura at Ino sa blondieng binata. Ganoon pa din naman ang itsura nito. Mas lalo lang itong gumwapo at tumangkad. Dati kasi ay magkasing height lamang sina Sakura at Naruto. Ngayon ay matangkad pa ang binata kay Ino. Masayahin pa din ito at madaldal. Maningning pa din ang mga asul nitong mata.
"Wow. Sakura-chan? Ino-chan? Ang gaganda niyo! Kayo ba ang mga kababata ko? Para kayong mga model sa ibang bansa!" Masayang wika nito sa dalawa sabay yakap. Niyakap din siya ng mga ito. Grabe, apat na taon din silang hindi nagkita.
"Naruto talaga, hindi pa rin nagbabago." Wika ni Ino matapos kumalas ng dalawang dalaga sa kanilang group hug. Gwapo talaga ito sa suot niyang tuxedo.
"Uy! Hinata!" Sigaw ni Sakura nang makita ang dalaga. Nakatali ng mataas ang kanyang mahabang buhok at ang dulo nito ay kinulotkulot. Lumitaw ang kaputian ng dalaga sa suot niyang pulang minidress. At dahil sa hiya at kilig, kakulay din ng kanyang pisngi ang damit.
"Hina-chan?" Nakangiting tanong ni Naruto. Kumabog naman ng bonggang-bongga ang puso ni Hinata. Tila binahayan ng mga paru-paro ang tiyan niya. Nagtinginan naman sina Ino at Sakura.
"O siya, Hina-chan. Kukuha muna kami ng maiinom ni Sakura. Maiwan na muna namin kayo." Sambit ni Ino. Umalis ang dalawa nang nakangiti.
Naiwan namang namumula si Hinata.
"Hay naku Ino, alam mo bang pinagkasundo pala iyang sina Hinata at Naruto" Sambit ni Sakura. Nasamid naman si Ino sa iniinom.
"Oh? Aba! Bagay sila. Teka…alam ba ni Naruto yun?"
"Haha. Malamang alam niya yun pero baka hindi niya alam ang ibig sabihin ng pinagkasundo" Sabi ni Sakura habang tumatawa. Natawa din si Ino.
"Ay…oo nga pala no? Nakalimutan kong may tililing sa utak iyang si Naruto. Pero, maswerte silang dalawa sa isa't-isa." Wika ni Ino habang tinititigan ang dalawa.
"Ahh…Ino, punta lang muna ako ng CR ha? Naiihi na kasi ako." Sabi nito sa kaibigan.
"Ha? Ah… O sige. Tinatawagan din ako ng boyfriend ko sa cellphone. Kakausapin ko lang. Mukhang seryoso itong paguusapan namin eh." Sagot ni Ino sa kaibigan. Ngumiti naman si Sakura.
Naglakad naman si Sakura patungo sa CR samantalang si Ino naman ay nagtungo sa labas ng party upang sagutin ang tumatawag sa kanyang cellphone.
"Hello?" Sabi ni Ino. Umupo siya sa isang marble bench habang hawak ang cellphone na nakatapat sa kanyang tainga.
"HA?" Napasigaw si Ino sa narinig.
"Ugh… Ano ba yan. Sasabog na ang pantog ko." Sambit ni Sakura habang dalidaling naglalakad patungo sa Comfort Room. Nasobrahan kasi siya sa pagtungga ng iced tea. Ayan tuloy.
"Ouch." Sabi nito ng makabangga ang isang binata. Bumunggo kasi siya sa dibdib nito. Halos mapatid naman ang engot na si Sakura.
"Tsk. Ano ba naman yan, pangalawang pagkikita pa lang natin babangain mo na naman ako. May galit ka ba sa akin?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Nagulat naman si Sakura.
Sorry. Nananadya talaga ako. Gusto kong mangbitin. LOL. :) O ayan. 2nd chapter. Bibilisan ko ang pagupdate dahil malapit na ang pasukan at ayokong mawala ang inspirasyon ko sa pagsusulat. reviews and criticisms ha? :D
