Chapter 3: A twist of events
A/N: Thank you ulit sa mga reviews. Heto na po ang ch.3, sana magustuhan niyo. :D Pasesnsya na kung masyadong mahaba ang mga chapters ko. Sorry na. :)
"I-ikaw?" Sigaw ni Sakura nang makita ang naka-bangga sa kanya. Ang mayabang at maangas na Uchiha. Tulad nang inaasahan, nasa welcome party rin ang binata. Sa dinamirami naman ng pwede niyang mabangga ito pa. Panira ng gabi.
"Tch. Pambihira naman. Tatanga-tanga ka na naman ba Haruno?" Sarkastikong sabi nito sa dalaga. Tinaasan naman niya ito ng kilay.
Nagsmirk naman si Sasuke na lalong ikinainis ni Sakura. Iritable siya sa smirk nito. Para bang gusto niyang sapakin si Sasuke kapag ginagawa niya yun.
"Eh ikaw tong nakaharang. Nakita mo nang daanan 'to ng tao diyan ka pa tatambay at magpapacute. Tch. Akala mo naman kung sino. Tabi nga" Pagtataray ni Sakura. Tinabig niya ang lalake pero hinila nito ang braso niya. Napatingin naman siya dito.
"Matapos mo akong i-umpog diyan sa malapad mong noo hindi ka man lang magsosorry? Ibang klase ka rin no?" Sabi nito habang tinititigan siya ng maigi sa mata. Medyo nailang naman si Sakura kaya kumalas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Sasuke.
"Hmp. Sorry po mahal na hari. O, ayan, Masaya ka na?" sarkastikong sabi nito. Nagpagpag naman ng tuxedo si Sasuke at naglakad papalayo sa kanya.
"Bastusan? Salamat ha." Ani ni Sakura sabay irap. Naglakad na siya patungo sa CR.
"Wow. Ang laki ng pinagbago mo Hina-chan. Ang haba na ng buhok mo tsaka, lalo kang gumanda." Wika ni Naruto habang inoobserbahang mabuti ang namumulang dalaga.
"Sa-salamat Naruto-kun. Ikaw din." Sabi nito habang nagbablush.
Napakamot naman ng ulo si Naruto. "Ha? Anong ako din? Humaba din ba ang buhok ko at lalo din akong gumanda?" Pagbibiro nito sa kausap. Natawa naman si Hinata.
"Ahh...ang ibig kong sabihin, la-lalo kang gumwapo. Ang laki rin ng pinagbago mo mula nung huli kitang makita four years ago." Sagot nito. Napakagat naman siya sa labi. Ngumiti naman si Naruto.
"Ahaha. Masaya ako at nakita kita ulit Hina-chan. Halika, kuha tayo ng makakain." Sambit nito sabay hila sa kamay ng dalaga. Lumakas naman ang pagtibok ng puso ni Hinata nang hawakan ni Naruto ang kamay niya. Lalo siyang namula pero sumama na lamang siya dito dahil nais niyang mas mapalapit pa sa binata.
"HA?" Sigaw ni Ino nang marinig ang sinabi ng kausap.
"Ba-bakit naman? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako? Ano?" Dali-daling sabi ni Ino. Nangingilid na ang mga luha niya sa lungkot at inis.
"Fine. I don't deserve you anyway" Sambit ni Ino sabay baba ng cellphone. Hindi na niya napigilan ang pagiyak. 2 weeks pa lamang sila ng boyfriend niya at ito ang unang lalake na sineryoso niya. Akala niya magtatagal sila dahil maayos naman ang relationship nilang dalawa hanggang sa tawagan siya nito at makipagbreak nang walang matinong dahilan.
"Hn. O, eto" Sabi ng isang lalake. Napatingin naman si Ino dito. Pamilyar ang mukha nito. Inaabutan siya nito ng panyo pero hindi niya ito pinansin.
"Tch. Kunin mo na yung panyo. Kumalat na yung mascara mo oh." Sambit nito. Napangiti naman si Ino sabay kuha sa panyong iniabot ng lalake.
"Ah, thanks. Ano nga palang pangalan mo? You look familiar kasi eh." Wika nito sabay punas sa mga luha niya. Ngumiti naman ang kausap nitong binata.
"Nara Shikamaru. Parehas tayo ng University na pinagaaralan. Tsaka, family friend namin ang Yamanaka family. Ikaw si Ino di ba?" Tanong nito. Tumango naman si Ino.
"Kilala mo na pala ako. Kilala ko ang family niyo and I often see you sa University. Salamat ulit ha." Sabi nito at muling nanahimik. Tinabihan naman siya ni Shikamaru.
"Hm. You don't deserve him." Wika nito sa dalaga. Nagbuntong hininga lamang si Ino.
"Pa'no mo naman nasabi? Hindi mo pa nga ako kilala eh. Hindi mo din alam kung anong pinagdaanan namin for you to say that." Sagot nito.
"Hm. Siguro nga pero, ang alam ko lang, hindi tama na makipagbreak sa isang babae via phone." Wika nito. Naalala niya tuloy yung sinabi nung lalake.
"Hindi na kita gusto Ino. Sorry."
Naiyak naman si Ino. Dinurog ng lalake ang pride at puso niya. Aba. Siya si Ino Yamanaka. Pero, kahit anong pagmamatigas ang gawin niya, masakit talaga eh. At hindi niya na mapigilan ang umiyak. Inakbayan siya ni Shikamaru for comfort. Sumandal naman si Ino sa kanya.
Kinuwento naman ni Ino ang nangyari. Tahimik namang nakinig si Shikamaru sa kanya. She was happy deep inside. Bukod kasi kay Naruto, wala na siyang ibang close na kaibigang lalake. Buti na lang ngayon ay meron na siyang panibagong kaibigan na pwede niyang iyakan at sabihan ng mga problema. She felt safe in Shikamaru's arm.
Masaya si Sakura habang kumukuha ng pagkain. Halos lahat kasi ng nakahain sa buffet ay paborito niya. Lahat naman ata ng pagkain paborito ng dalaga. Sinigurado niyang lahat ng putahe ay matitikman niya.
"Lahat yan kakainin mo? Ayos ah. Parang hindi ka babae." Pangaasar ng Uchiha kay Haruno. Umirap naman si Sakura at tinitigan ito. Nakatayo ito sa tabi niya at nagpapalagay ng fish fillet sa kanyang plato.
"Eh ano naman ngayon ha? Inggit ka? Gaya ka" pambabara ni Sakura at naglakad patungo sa dessert bar.
"Hindi. Amazed lang. Ilang eating contests na ba ang napanalo mo?" tanong nito. Umusok naman ang ilong ni Sakura sa inis.
"Bakit mo ba ako sinusundan ha? Tss. Madami na. Sali ka?" Sagot nito. Nagsmirk namang muli ang binata.
"Hmm. Hindi kita sinusundan at wala akong balak sumali sa mga eating contests mo. Baka pati ako kainin mo." Pangaasar nito na ikinairita naman ni Sakura. Nagmake face siya at namili na ng kukunin niyang dessert. Ang dami kasing nakahain at dahil sa dami na ng pagkaing kinuha niya, hindi niya na kayang magbitbit pa ng iba.
"Haruno Sakura?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Nagtaasan naman ang mga balahibo ni Sakura. Kilala niya ang boses na iyon. Humarap siya dito. Tama ang hinala niya. Si Uchiha Itachi.
"Oh, buti nakahabol ka kuya. Kamusta meeting? Akala ko ba may pupuntahan ka pa?" tanong ni Sasuke sa kapatid. Nginitian naman siya ni Itachi.
"Maagang natapos ang meeting namin. Nagustuhan naman ng board of trustees ang presentation. Na-cancel na yung isa kong meeting dahil hindi available yung mga partners natin kaya ako nakahabol." Wika nito. Kumunot naman ang noo ni Sakura sa narinig. KUYA?
"Magkapatid kayo?" tanong ni Sakura kay Itachi. Nginitian naman siya ni Itachi na nagpakilig sa kanya. Buti na lamang at magaling siyang magpanggap.
"Ah...oo. Nakababata kong kapatid si Sasuke. Bakit? Hindi ba kami magkamukha?" tanong nito sa kanya.
"Ahh... magkamukha naman. Magkaiba lang kayo ng ugali." Sambit nito.
"Hn. Kilala mo pala 'tong si Haruno." Biglang singit naman ni Sasuke.
"Ah...oo. Nakita ko kasi siyang nag-aabang ng sasakyan nung isang araw sa may waiting shed malapit sa University niyo. Pinasakay ko na siya kasi mukhang lalo pang lalakas ang ulan." Sabi nito. Ngumiti naman si Sakura.
"O sige, mauuna na ako. Pinapatawag kasi ako nila Mom at Dad. May ipapakilala atang bagong potential partner para sa kumpanya. See you around, Sakura." Sambit nito. Para namang binahayan ng libu-libong paruparo ang bituka ni Sakura. Tumango lamang siya habang minamasdan maglakad patungo sa kanyang mga magulang ang nakatatandang Uchiha.
"Hn. Wag ka nang umasa" bulong ni Sasuke dito. Napatingin naman si Sakura sa kanya.
"Ha? Pinagsasabi mo diyan?" Pa-inosenteng tanong nito.
Naglakad namang muli papalayo si Sasuke kay Sakura. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga.
"Dad! Ayoko!" Reklamo ni Sakura nang marinig ang sinabi sa kanya ng mga magulang. Nagbuntong hininga naman ang kanyang ina.
"Anak, pagisipan mo muna ha? Malay mo, magustuhan mo naman yung lalakeng ipinagkasundo namin sa iyo." Mahinahong sambit ng kanyang ina. Nanahimik lamang si Sakura at hindi na muling sumagot.
"Oo nga naman Sakura. Para din naman sa ikabubuti mo 'to" pangungumbinsi naman ng kanyang ama. Tumingin lamang sa kanila si Sakura ng may halong inis. Mula pagkabata niya ay iginagalang niya na ang desisyon ng kanyang ama't ina. Pero, ang "arranged marriage" ay wala sa kanyang isipan. Wala siyang balak magpakasal sa isang taong hindi niya naman mahal.
"Kahit ano pong pangungumbinsi ang gawin niyo, hindi ako papayag. NO. Ayoko po." Magalang pero matigas namang sagot ni Sakura. Nagtinginan naman ang kanyang mga magulang.
"Matagal pa naman ang kasal niyo, may oras pa para makilala niyo ang isa't isa ng lubusan at malay mo, matutunan mo siyang mahalin." Wika na kanyang ina.
Muli namang nanahimik si Sakura. Hindi siya naniniwala sa mga ganitong desisyon lalo pa't biglaan. Buti sana kung ang sitwasyon niya ay tulad kanila Naruto at Hinata na bata pa lamang sila, naging magkaibigan na sila at doon sila ipinagkasundo. Tsaka, halata naman sa dalawa na gusto nila ang isa't isa. Eh siya, malay ba niya kung umiihi sa kama yung lalakeng napili ng mga magulang niya para sa kanya. O kaya, baka hindi sila talo. Hindi sila magkasundo. Minsan kasi, may mga taong hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo. Hindi na hihigit pa doon. Meron din namang mga pagkakataon na nahuhulog ang loob mo sa isang tao habang tumatagal. Pero paano kung hindi mangyari yun sa kanya? O kaya, paano na lang kung mainlove siya sa iba?
Mahirap talagang maging only child. Hindi pa sinasabi sa kanya ng kanyang mga magulang kung sino yung lalake. Surprise daw and she hates surprises. She's about to decide kung makikipagkita siya dito on Saturday. Sabi ng kanyang mga magulang, isa lamang itong friendly date pero, na-pipicture out niya na ang mga susunod na mangyayari kapag pumayag siya sa date nila sa Sabado.
"Hmm... bahala na. Pagiisipan ko muna pero as of now, NO." Sabi nito sabay tayo sa kanyang kinauupuan. It was a Sunday, 2 days after ng welcome party ni Naruto. Lunch time noon at dahil sa kanilang pinaguusapan, nawalan ng gana kumain si Sakura kahit na masarap pa ang nakahain sa kanilang lamesa.
Nagkulong siya sa kwarto buong maghapon. Nagbasa lamang siya ng libro at humiga sa kama. Infairness, namiss din naman niya ang kanyang kwarto. Pero, she was already bored. Tiningnan niya ang kanyang alarm clock sa tabi ng kanyang bedside table. It was already 4:30 in the afternoon.
"Hello? Ino? Busy ka ba?" Tanong ni Sakura sa kaibigan. Tinawagan niya ito dahil gusto niyang lumabas at magpalamig ng ulo. She needed fresh air and someone else to talk to.
"Ha? Ah...sorry. Busy kasi ako eh, nagpaplano na kasi kami para sa debut party ko." Sagot ni Ino dito. Debut na nga pala ni Ino next, next week. Halata naman sa kabilang linya na busy ito kaya nagpaalam na lamang siya at nagbuntong hininga. Knowing Ino, malamang na marami itong preparations. Ayaw niya namang istorbohin si Hinata dahil baka may date sila ni Naruto. Kaya, lumabas na lamang siya at nagtungo sa Konoha park kung saan siya madalas tumambay noong bata pa siya. Hindi ito masyadong malayo sa kanilang bahay kaya dito niya naisipang magpunta. Kesa naman magmall pa siya at gumastos. Magmumunimuni na lamang siya at magpapahangin. Mag-iisip na rin siguro kung pupunta ba siya sa pesteng date na yon. Kung bakit naman kasi naisipan pa ng mga magulang niya na ipagkasundo pa siya.
Kakaunti lamang ang tao sa park. May mga batang naglalaro, mga magjowang namamasyal at nagpPDA, meron ring mga magbabarkadang nakatambay lang at nagkukwentuhan. Umupo na lamang siya sa swing at nagobserba sa paligid. Lalo naman siyang nalungkot dahil lalo niyang nadama ang pagiisa.
"Oh mga pare, nice game. Nagenjoy ako" Masayang sabi ni Naruto habang nagbibihis silang magbabarkada.
"Hn. Oo nga eh, buti na lang at marunong ka nang magshoot ng bola. Pagbibiro ni Shikamaru dito. Nagtawanan naman silag magkakaibigan.
"Wew. Oh, Kiba, uwi ka na?" tanong ni Naruto dito nang makita itong naglalakad palabas ng CR bitbit ang mga gamit.
"Ah...oo. May pupuntahan pa kasi ako, sa susunod ulit" sambit nito.
"Ganun? O, sige, bye! Ingat!" Sabi ni Naruto dito sabay kaway. Naglakad naman na ito papalayo.
Nagspray naman si Sasuke ng pabango.
"Teme naman, walang ganyanan. Naiinlab ako sa'yo eh" pang-aasar nito. Nagsmirk naman si Sasuke. Nagayos na ng mga gamit ang mga nagagwapuhang mga binata at naglakad na patungo sa parking lot. Nauna nang umalis si Naruto dahil may date pa sila ni Hinata at susunduin pa niya ito sa kanilang tahanan. Sumunod naman si Neji na patungo na sa kanilang bahay. Halos sabay namang umalis sina Shikamaru at Sasuke.
Nakaramdam ng uhaw si Sasuke habang nagddrive pauwi kaya tumigil muna siya sa park upang bumilli ng maiinom. Itinabi niya muna ang sasakyan sa gilid ng puno at pumunta sa isang maliit na snack store upang bumili ng inumin. Aalis na sana siya nang may makitang isang pamilyar na dalaga na nakaupo sa swing, di kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Ngumiti naman si Sasuke at naglakad patungo sa kinauupuan ni Sakura. Nakasimangot ito at malalim ang iniisip.
"Kaya ka lalong pumapanget eh, lagi kang nakasimangot." Pangaasar ng binata. Nagulat naman siya sa narinig at napatingin sa gwapong Uchiha. Tiningnan niya lamang ito. Nagsmirk naman si Sasuke.
"Malungkot na nga yung tao, mang-aasar ka pa. Okay ka din eh noh?" sagot ni Sakura. Sumeryoso naman ang mukha ni Sasuke. Mukha ngang may problema talaga ang dalaga. Hindi niya rin alam pero interesado siyang marinig kung ano kaya tinabihan niya ito.
"Hn. Gusto mo ng ice cream?" alok ng binata nang makakita ng isang ice cream stand hindi kalayuan sa swing. Ngumiti naman si Sakura. "Libre mo?"
"Oo." Sagot nito nonchalantly.
"Talaga?" tanong muli nito habang nakangiti na parang paslit.
"Oo nga."
"Sige ba! Tara!" Pangaaya naman ni Sakura na para bang first time makakakain ng ice cream. Ngumiti naman si Sasuke. Hn. Parang bata.
Nagorder naman si Sasuke ng dalawang ice cream. Isang small cone at isang large cone. Ngumiti naman si Sakura. Nang ibigay na ng tindera ang ice cream, iniabot ni Sasuke ang small cone kay Sakura. Sumimangot naman ito.
"Oh? Binigyan ka na nga ng ice cream nakasimangot ka pa din. Baka gusto mong bawiin ko yan?" pangaasar nito. Nagpout naman si Sakura.
"Papaano naman akong hindi maiinis eh magoorder ka na lang ng ice cream hindi pa pantay tapos yung malaki sa iyo yung maliit sa akin. Sinong matutuwa doon?" dirediretsong sabi nito.
"Tch. Eh buti nga nilibre kita diyan. Kung ayaw mo edi akin na"
"Hindi. Wag na. Akin na to." Sagot naman ni Sakura. Ngumiti naman yung tindera sa dalawa. Ang sweet naman nang dalawang to.
"Sige na nga, o yan, sa'yo na. Wala pang laway yan." Wika ni Sasuke. Tiningnan naman siya ng masama ni Sakura.
"Nangaasar ka ba?" Sarkastikong tanong nito.
"Ayaw mo?"
"Gusto." Sambit nito. Nagpalit naman sila ng ice cream ni Sasuke. Ngumiti naman si Sakura sa tuwa.
"Hn. Para kang bata." Sabi ni Sasuke.
"Okay. Hindi kita aawayin kasi nilibre mo ako. Pero ngayon lang." Sagot nito. Ngumiti naman si Sasuke. Bihira lamang ngumiti ang binata at hindi niya din namamalayan pero napapangiti siya ni Sakura. Siguro dahil sa pagiging childish nito o kaya yung pagiging makulit at madaldal ng dalaga. Miski siya ay hindi maipinpoint kung paano ito nagagawa ng dalaga basta ang alam niya masaya siya sa tuwing pagtitripan at kasama niya ito.
"Hn. Kwento mo na." Sabi ni Sasuke habang naglalakad silang dalawa sa paligid ng park. Tiningnan naman siya ni Sakura with a curious look. "Ang alin?"
"Yung problema mo." Sambit ni Sasuke.
Natahimik naman ang dalaga. Iniisip kung papaano uumpisahan ang kanyang kwento. Si Sasuke ang huling tao na inaasahan niyang dadamayan siya sa mga oras na ito.
"Ganito kasi yun…" kwento ni Sakura. Tahimik namang nakikinig si Sasuke dito.
"Kaya ayon...pinagiisipan ko pa kung pupunta ako sa date namin sa Sabado."
"Wag kang papayag" biglang sagot naman ni Sasuke sa kausap. He was nonchalant about it pero, obviously, ayaw niyang pumayag si Sakura.
Hanggang dito na lang muna. Pasesnya na kung masyadong mahaba. Salamat sa pagbabasa. :)
