"Wag. Wag kang pumayag." Mabilis na sagot ni Sasuke sa dalaga. Umupo ang dalawa sa isang bench. Nagbuntong hininga naman si Sakura.

"Hindi kasi ganun kadali yun eh." Tiningnan naman siya ni Sasuke.

"Buhay mo yan. Ikaw ang magsisisi kung hindi kayo talo ng ipinagkasundo sa iyo" Sabi ni Sasuke nonchalantly. Nakatitig pa din siya sa seryosong dalaga.

"Kung sabagay, tama ka." Sabi nito. Tinitigan naman siya ni Sakura sabay ngiti. Na-ilang naman ang binata at ibinaling ang tingin sa iba. Pero natuwa siya dahil nakangiti na ang dalaga.

"Ah. Medyo dumidilim na. Salamat sa ice cream ha? Masaya ka rin palang kasama. Nagiba yung impression ko sa iyo. Salamat ulit ah" wika ng dalaga.

"Naawa lang ako sa mukha mo. Baka lalo kang pumanget, nakasimangot ka kasi." Biglang pangaasar ng binata. Nagputukan naman ang mga ugat ni Sakura.

"TSE!" Sabi nito sabay irap. Nagsmirk naman si Sasuke.

"Hatid na kita" 'Sambit nito sa dalaga. Tumayo naman si Sakura at tinitigan siya ng masama.

"Wag na. Kaya ko na." Sabi nito.

"Hn. Maraming manyak diyan. Alam ko namang kaya mo silang bugbugin pero ihahatid na kita. Baka umiral na naman yung katangahan mo maligaw ka pa." Pangaasar nito.

"Salamat ha. Napakabait mo pramis." Sagot nito sa binata. Ngumiti naman si Sasuke.

"Biro lang. Tara na, saan ba kita ihahatid? Sa dorm niyo ng kaibigan mo o sa bahay niyo?" Tanong nito. Napaisip naman si Sakura. Kung magpapahatid siya sa dorm, medyo malayo at hindi pa siya nagpapaalam sa mga magulang niya. Kung sa bahay naman, ayaw niya pa kasing makita ang parents niya pero wala siyang choice.

"Sa bahay na lang." Sabi nito at sumunod na sa binata.


"Wow. Lahat ng ito makakain sa debut mo?" Manghang tanong ni Sakura habang binabasa ang menu na hawak niya. Ngumiti naman si Ino knowing na matutuwa talaga si Sakura kapag nalaman niya ang kanyang handa for the party.

"Yup. Lahat yan. Ano, okay ba?" nakangiting tanong nito. Tinitigan naman siya ni Sakura with that happy look.

"NAMAN! Masaya to, madaming pagkain. Maeenjoy ko ng todo party mo. Okay na tong kabayaran sa paglagay mo sa akin diyan sa cotillion. Hmp, kung hindi mo lang birthday hindi talaga kita pagbibigyan." Wika ni Sakura. Napasmirk naman si Ino sa sinabi ng kaibigan.

"Ay, nakalimutan kong banggitin, escort mo nga pala si Uchiha Sasuke." Sabi nito sa dalaga. Halos mabulunan naman si Sakura sa kinakaing fettuccini. Kaagad siyang uminom ng tubig at tinitigan si Ino ng masama.

"Akala ko ba si Naruto ang partner ko? Bakit biglang naging si Sasuke? Ugh. Hindi. Ayoko." Sagot nito habang nagpupunas ng bibig. Nagbuntong hininga naman si Ino knowing na hindi papayag si Sakura. Dapat talaga si Naruto ang ka-partner nito kung hindi lang dahil kay Sasuke na may pakana ng lahat.

Flashback...

"Hindi ako sasali." Sabi ni Sasuke nonchalantly nang sabihin sa kanya ni Ino na kasama siya sa cotillion at kapartner nito si Hinata. Napakagat naman sa labi si Ino habang iniisip kung ano ang pwedeng pangungumbinsi ang dapat niyang gawin para pumayag ito.

"PLEASE? Uhm... gwapo ka kasi and you're suitable for the cotillion. Wala na akong ibang maisip na guy na pwedeng i-substitute sa iyo. Please? Birthday ko naman pagbigyan mo na ako. Please?" Pagmamakaawa nito sa binata. Tinitigan siya nito with a stern look at napaisip si Ino kung ano ang tumatakbo sa utak ng binata. Vacant time nila noon at nagkaroon siya ng maikling pagkakataon na kausapin ang gwapong Uchiha. Sana naman pumayag na. Gwapo talaga si Sasuke. Lalo na nang titigan siya nito. Bumalik ata yung crush niya dito. Pero, anyway, Sasuke is a friend. Teka, ano ba itong pinagiisip niya?

"Sige.-" biglang sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Ino at napasigaw siya ng "Yes!"

"-Pero... isang kondisyon." Napatingin naman si Ino sa kanya habang iniisip kung ano ang kondisyong ito. Kiss? Dance sa party? Ano?

"Si Haruno ang partner ko." Sambit nito. Ngumiti naman si Ino. Tama ang hinala niya. Si Sakura ang nais nitong partner. Matagal na rin naman niyang napapansin na trip nito ang kaibigan. Tumango naman si Ino at nagthumbs up.

"Deal." Sambit nito. Nagsmirk naman ang binata. At dahil may klase pa ang dalaga nagpaalam na ito at naglakad papalayo.

"Uhm... mas bagay kasi sina Naruto at Hinata. Nagkaroon ng last minute changes kaya... yon. Sorry na Sakura. Pero, friends naman na kayo ni Uchiha di ba? Di ba? Please. Pumayag ka na." Pagmamakaawa ni Ino sa kaibigan. At dahil hindi niya matiis si Ino, wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag.

"Fine. Sige na nga. Kung hindi lang kita love, hmp." Sambit nito. Ngumiti naman si Ino.

"Yiee. Wag kang ganyan kinikilig ako eh." Pagbibiro nito. Nagtawanan naman ang dalawa.

"Ha-hi. Uhm... paalis na ba kayo?" Tanong ni Hinata nang lapitan ang dalawang kaibigan. Tumingin naman ang dalawang dalaga sa kanya.

"Ahh... hindi pa naman. Bakit nga pala ngayon ka lang Hina-chan?" Tanong ni Ino dito.

"Uhm... may hinanap kasi akong libro sa library." Sagot nito.

"Ah ganun? Halika, sabay ka na sa amin." Pagaaya ni Sakura dito. Ngumiti naman si Hinata.

Nagkwentuhan at nagplano ang tatlo para sa party ng dalaga. Napangiti naman si Hinata nang malamang si Naruto ang partner niya sa cotillion.


"Wow! Ang gwapo!" ang maririnig mo sa parking lot ng Konoha University. Nakapaligid ang mga babae at binabae sa parking lot habang tinititigan ang gwapong binata na tila nag-aabang sa kung sino mang maswerteng dalaga.

"Oo nga, tsaka mukhang mayaman. Ang ganda ng kotse oh." Wika naman ng isa pang chismosa.

"May kamukha siya dito sa University eh." Sambit naman ng isa pa.

"Uhm... Ino, sabay ako sa'yo ha?" Tanong ni Sakura sa kaibigan. Kasalukuyang naglalakad ang tatlo patungo sa parking lot ng kanilang unibersidad.

"Sige. Wala ka talagang balak gamitin kotse mo no?" Sambit naman ni Ino. Umiling lamang si Sakura. Tamad kasi talaga itong magdrive. Ginagamit lamang niya ang kotse kapag kailangan o kung wala talaga siyang masakyan. Dalawang araw nang nakaistambay ang kotse ni Sakura sa kanilang dorm mula nang umuwi siya sa kanilang mansion noong weekends. Nalaman kasi ng nanay nito na nagkocommute si Sakura kaya pinilit siya nito na dalhin ang kotse sa kanilang dorm. At dahil wala na siyang choice, sinunod na lamang niya ito.

"Ahh... a-anong meron?" Nagtatakang tanong ni Hinata. Napatingin naman ang dalawang dalaga sa direksyon na tinitingnan ni Hinata.

"Uhh... ano yan? May artista ba?" Nagtatakang wika ni Sakura nang makita ang grupo ng tao sa kanilang parking lot. Puro mga babae at feeling babae ang nakapaligid dito. May mga nagtitilian, nagtsitsismisan at mga kumukuha ng litrato.

"Ewan. Alam mo naman yang mga schoolmates natin, O.A. Sino ba yun?" Tanong naman ni Ino. Lumapit ang mga dalaga sa kaguluhan.

"Parang pamilyar yung sasakyan eh. Teka..." sabi ni Sakura habang inaalala kung kanino ang kotseng iyon.

"Sakura." Sabi ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman ang pink-haired lady sa pinangalingan nito. Nanlaki naman ang mga mata niya. Nahati ang grupo sa dalawa, giving way to the guy. Naglakad ito patungo sa kanya.

"I-itachi!" Sabi niya nang makita ito. Nginitian naman siya nito. Natahimik naman ang mga tao sa paligid nila. Maging si Ino ay nagulat sa pangyayari.

"Will you go out with me?" Tanong ni Itachi sa kanya. Nagtilian naman ang mga nakapaligid sa kanila. Akala mo nakanuod ng isang basketball game kung saan nakashoot ang paborito nilang player.

"HA?" Lamang ang naisagot ng dalaga. Hindi niya malaman ang isasagot niya. Nananaginip ba siya? Anong gagawin niya? Lumingon siya kay Ino. Nakangiti lamang ito sa kanya at kinikilig na parang siya ang inalok ng date.

Napakagat naman sa kanyang labi si Sakura. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot. Akala mo naman nasa math contest at hirap na hirap siyang magdesisyon. Liningon niyang muli si Ino at binigyan siya nito ng 'Gaga-sumama-ka-na-sa-kanya-pagkakataon-mo-na-ito look. Napalunok naman si Sakura at tinitigan ang gwapong binata sa kanyang harapan.

"Uhm... Sure." Sagot nito. Muli namang nagtilian ang mga tao sa kanilang paligid.

"Good. Tara. Sama ka sa akin." Wika nito habang nakastretch ang kanyang kamay for Sakura to hold. Napalunok naman si Sakura. Nagblush siya ng bongga. Hinawakan niya ang kamay nito at naglakad sila patungo sa kotse ng lalake.

Pinagbuksan siya nito ng sasakyan at nagdrive ang matipunong Uchiha patungo sa kung saan mang date nila.

"So, Haruno, where do you want to go?" Tanong nito sa kanya with that romantic tone sa kanyang boses. Nagblush namang muli ang dalaga.

"Uhm... hindi ko alam. Ikaw, sa-saan mo ba gusto pumunta?"

"Hmm. I know a place." Wika nito. Napakagat namang muli sa kanyang labi si Sakura sa sobrang kilig.

"Anong meron?" Tanong ni Naruto kay Ino nang makita ang malaking grupo na ngayon ay nagwatak watak na. Magkakasama kasi sina Naruto, Shikamaru, Sasuke at Neji na nagtungo sa parking lot nang mapansin ang malaking grupo ng mga studyante.

Nakangiti pa din si Ino. Hindi pa ata nakaka-get over sa nakita. "Uhm... si Sakura kasi" Wika nito. Bigla namang nagkaroon ng interes si Sasuke nang marinig ang pangalan ng dalaga. Ano na naman kayang katangahan ang ginawa ng dalaga at nagkaroon ng ganito karaming tao sa paligid?

"Anong nangyari kay Sakura-chan? Nabangga ng truck? Tinangay ng ninja? Kinuha ng mga alien? ANO?" Worried na tanong ni Naruto. Nabatukan naman ang engot na kulugo ni Shikamaru.

"ARAY! BAKIT MO NAMAN GINAWA YUN HA?" Sigaw nito. Napasmirk lamang si Shikamaru.

"Uhm... si Sa-sakura-chan kasi, sinundo ni i-Itachi-kun." Si Hinata naman ang nagsalita ngayon. Nagulat naman si Sasuke sa narinig. Bakit naman siya magkakaroon ng interes kay Sakura? Eh, hindi naman ito mahilig sa mga mas batang babae. Nagtatakang tanong ni Sasuke sa kanyang isipan. Hindi naman sa panget si Sakura o sa hindi ito worthy maging kadate ng kuya niya. Nakakapagtaka lang talaga ang biglang pagkakaroon nito ng interes sa dalaga. And, knowing Itachi, he wouldn't waste such precious time for someone. So, she must be special.

"Hoy Sasuke, okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Neji sa kaibigan. Nakatulala kasi ito at malalim ang iniisip.

"Hn." Lamang ang isinagot nito. Napatingin naman si Ino sa binata.

"Yiee. SELOS!" Pangaasar nito. Hindi naman siya pinansin ni Sasuke at naglakad na lamang ito patungo sa kanyang kotse. Nagtaka naman ang mga kaibigan nito sa pangyayari.

"Ang weird ni teme ngayon ah." Wika ni Naruto. Napasmirk na lamang sina Ino at Neji na tila may ideya na sa mga pangyayari.


"Sasuke-kuuun." Panglalandi ng isang babae sa loob ng paborito nilang bar. Kasulukuyan kasing umiinom ang binata kasama sina Neji, Naruto, Lee, Kiba at ang iba pang parte ng barkada.

"Sasuke, hindi mo ba talaga kami papansinin?" Panglalandi naman ng isa pang dalaga. Wala naman sa mood si Sasuke para manglandi. Hindi naman talaga siya mahilig makipaglandian kung kani-kanino lang. Uminom ng beer ang binata. Nagtataka pa din ang mga katropa nito sa kakaibang mood ng gwapong Uchiha.

"Hoy Sasuke. Dahan-dahan lang. Mahirap magdrive pauwi." Paalala ni Kiba dito.

"Hn" lamang ulit ang isinagot ni Sasuke.

"Tch. Lasing na nga to." Sambit ni Neji.

Iniisip pa din nito kung anong masamang espirito ang sumapi sa kanyang kapatid at si Sakura ang napagtripan nito. Baka naman lokohin lang niya ito. O kaya, baka naman wala na siyang ibang mapagtripan kaya si Sakura ang nilalandi at pinpaikot nito. Hindi naman sa concerned siya pero, teka, ano nga bang pakialam niya?


"Wow. Ang ganda." Sambit ni Sakura nang makita ang view sa kanilang pinuntahang restaurant. Ngumiti naman si Itachi. Fascinating ang ngiti ng dalaga. Kasalukuyan silang nasa isang fancy restaurant sa pinakatuktok ng isang building. Mula doon, kita mo ang view ng syudad. At talaga namang napakaganda ng lugar.

"I'm glad that you like it." Wika nito. Hinawakan naman ni Itachi ang kamay ni Sakura. Nagblush namang muli ang dalaga which amused the man. Pero, inalis din kaagad ni Sakura ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. First time niya kasing makipagdate ng ganito, at, crush pa niya ang kanyang kadate.

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Itachi. Umiling lamang si Sakura. Pinagmasdan naman siya ng binata. Hinipo ang kanyang pisngi at pinaglaruan ang buhok ng dalaga. Medyo nailang naman si Sakura kaya itinigil ito ni Itachi.

"Sa inyo ba 'tong restarurant na to?" Tanong ni Sakura habang pinagmamasdan ang paligid. Tumango lamang si Itachi. "Ahh... ang ganda. Talagang pinasara mo para sa ating dalawa ha. Baka naman malugi kayo niyan." Sambit ni Sakura. Ngumiti lamang si Itachi.

"Hindi. Worth it naman ang pagkalugi namin ng isang gabi eh." Wika nito. Ngumiti lamang si Sakura.

Hinipo ng dalaga ang glass window sa kanyang harapan habang patuloy na inaadmire ang view mula sa kanyang kinatatayuan.

Nginitian naman siya ni Itachi at medyo na-ilang si Sakura pero nginitian niya din ito.

"Uhm, kain na tayo." Wika ni Sakura at umupo na sa kanyang upuan.

"Are you okay?" tanong ni Itachi. Napansin niya kasi na naiilang ang dalaga.

"Ah, oo naman! I'm happy you brought me here. Medyo, nahihiya lang ako. Hindi kasi ako sanay." sagot ni Sakura.

"Well, I'm glad na masaya ka. Hopefully, we can go out again after tonight?" Nakangiting tanong ni Itachi.

Napalunok naman si Sakura sa kaba at kilig. Bakit kaya interesado sa'kin to? Omygod, totoo ba to? Wika ni Sakura sa kanyang isipan. Tila lost for words ang dalaga kaya napa-tungo lamang siya in response habang nakangiti.

Masaya naman si Itachi dahil mukhang nagiging comfortable na ang dalaga. Mukhang nagwowork out ang kanyang mga plano.


"Yiee. Tapos, hinalikan ka niya?" Tanong ni Ino sa dalaga. Nagshopping ang dalawa after class para sa debut ni Ino. Tumitingin sila ng mga accessories at iba pang pwedeng gamitin para sa party.

"Hindi naman. Hinawakan niya lang kamay ko tapos hinalikan ako sa pisngi. Umiwas kaagad ako eh. Para kasing, parang may something. Ewan. Hindi ko ma-explain." Sagot naman ni Sakura.

"Sus. Kinikilig ka lang at hindi mo malaman ang dapat mong gawin. Haha. Ano ka ba, pagkakataon mo na yun eh. Anyway, saan mo gustong kumain?"

"Uhm... kahit saan. Hindi naman ako masydaong gutom eh." Sagot ni Sakura. Napatingin naman si Ino kay Sakura.

"Hindi ka gutom? Weh? May sakit ka no?" Pangaasar ni Ino. Ngumiti lamang si Sakura.

"Wala ah. Ewan ko ba. Siguro, iniisip ko pa din kung papayag ba ako sa arranged marriage. Tapos yung biglaang date naming ni Itachi iniisip ko din. Hayy. Ewan." Sambit ni Sakura.

Hinawakan na lamang ni Ino ang kamay ng dalaga at nginitian siya nito. "Tara, treat kita kasi sinamahan mo ako." Wika ni Ino.

"Sasuke! Naruto! Saan kayo pupunta?" Tanong ni Ino sa dalawa nang makita ang mga ito. Ngumiti naman si Naruto sa kanila samantalang deadma naman ang isa pang binata.

"Ino-chan! Sakura-chan! Katatapos lang namin kumain eh. Maghahanap sana ako ng ibibigay kay Hinata para sa date namin. Sinamahan ako ni teme. Ay, kamusta pala ang date mo Sakura? Nagenjoy ka ba?" masayang sabi ni Naruto nang lapitan ang dalawa.

"Uhm... okay naman. Medyo kinikilig pa rin ako. Hehe." Sambit ni Sakura. Hinampas naman siya ni Naruto sa likod. "Aray naman!" Sambit nito. Ngumiti naman si Naruto.

"YEHEY! Dalaga na si Sakura-chan!" Sambit nito. Natawa na lamang ang dalawang dalaga.

"Oh, Uchiha, may LBM ka ba? Bakit ganyan itsura mo? Okay ka lang?" Tanong ni Sakura dito nang makita itong nakasimangot. Tinitigan lamang siya ni Sasuke at nagsmirk.

"Nakita kasi kita. Nasira araw ko. Tara na nga." Sambit ng masungit na binata at hinila ang kaibigan palayo sa dalawa.

"Problema nun?" Tanong ni Sakura kay Ino. Ngumiti lamang si Ino na tila na-gegets ang pagiging masungit ng binata.

"Tss. Malaki." Wika ni Ino habang nakangiti.


A/N: Ayun. Sana nagustuhan niyo. Haha. Ang landi ni Itachi amp. :D