Chapter 5: Debut ni Ino


"Aray naman! Ayusin mo naman Uchiha. Kanina ka pa nagloloko eh. Magaling ka namang sumayaw. Kaya mo naman akong saluhin. Tsk" Reklamo ni Sakura matapos niyang tumayo. Hindi kasi siya sinalo ni Sasuke sa sayaw kaya na-out of balance siya at napaupo. Inirapan niya ito at nanatiling tahimik.

Tahimik din naman yung binata na lalong ikinainis ni Sakura. Lagi na itong tahimik sa tuwing may rehearsal sila. Hindi siya nito kinakausap ng matino at para bang laging may tumatakbo sa isip nito. Kakausapin lang siya nito kapag nagkamali sila ng step. Hindi naman siya masyadong nagtaka dahil kakaiba nga naman itong umasta. Pero, may pagkaweird sa binata lately eh.

"Tsk. May problema ka ba? Ilang araw mo na akong sinusungitan ah. Hindi na kasi normal yun eh. Ni hindi ka nga nagsosorry sa akin" Sabi ng dalaga. Hindi naman siya pinansin ni Sasuke at bumalik na ang dalawa sa pagsasayaw. Nanatili namang tahimik si Sakura.

"Oh, kayong dalawa, kaganda't kagwapo niyo, wala namang kaemoemosyon yung pagsasayaw niyo. Di ba sinabi ko na sa inyo? Kapag magsasayaw kayo lagyan niyo ng damdamin! Kunwari in-love kayo sa isa't isa. Mahirap ba yun?" Sermon ng choreographer nila. Nagpout naman si Sakura sa sinabi nito at nagapologize na lamang.

"Tss. Ang hirap kaya nun. Hindi nga ako pinapansin nung kapartner ko eh" bulong ni Sakura sa sarili. Narinig naman ito ni Sasuke at nagkunwaring hindi napansin.


"Oh, tuloy laro! Magsashower naman tayo after nito eh. Okay lang yan" Wika ni Naruto. Kasulukyan kasi silang naglalaro ng soccer nang biglang bumuhos ang ulan. Huwebes noon, kinabukasan matapos ang dance rehearsal. At dahil wala silang praktis para sa kotilyon ni Ino, naglaro ang magbabarkada ng isa sa mga paborito nilang sport. Soccer.

"Hn. Talo naman kayo" Pangaasar ni Sasuke sa kalaro.

"Tss. Yabang mo Sasuke! Magsama ba naman kayo ni Neji sa grupo eh. Wala pa si Shikamaru. Hmp. Daya!" Sambit nito na parang bata. Nagsmirk na lamang si Sasuke at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Wow. Pinaxerox mo lahat yan? Ayos ah. Bakit hindi ka na lang bumili ng libro?" Tanong ni Ino sa kaibigan. Kasulukuyang naglalakad ang dalawa patungo sa parking lot. Umuulan noon at talaga namang ingat na ingat ni Sakura ang pinaxerox na kopya ng libro.

"Wala akong mahanap eh. Tsaka, pinaxerox ko na lang yung sa library. Wala dun sa dalawang bookstore na dinaanan ko yung book. Kailangan ko nang magreview. Malapit na kaya exam." Sabi nito. Tinaasan naman siya ng kilay ni Ino.

"HA? Eh, 3 linggo pa bago ang exams ah." Wika nito.

"Alam ko. Uhm.. wala lang, mas maganda nang may copy ako nung libro. Nandito na ata lahat ng imporasyong kailangan ko. Kahit 3 chapters lang napaxerox ko. Tsaka, marami pa akong kailangang gawin kaya magrereview na ako ng mas maaga." Sambit nito. Ngumiti na lamang si Ino at humanga sa sipag ng kaibigan.

"Ano ba naman yan, umuulan na naglalaro pa ng soccer iyang sina Naruto" Sambit ni Ino habang naglalakad sa gilid ng field. Hindi naman ito pinansin ni Sakura dahil busy ito sa pagtetext. Si Itachi kasi yung nagtext sa kanya, asking her out again. Malamang, kinikilig ang dalaga. Dream guy niya yun eh.

"Hindi ka tumuloy sa date niyo nung pinagkasundo sa'yo ng parents mo?" tanong ni Ino kay Sakura.

"Hindi. Wala naman magagawa sina mama at papa. Alam nilang di pa ko ready" Sagot ni Sakura na kasulukuyan pa rin sa pakikipagtext. Ngumiti naman siya habang nagrereply sa message ni Itachi sa phone.

"ARAY!" Sigaw ni Sakura nang matamaan ito ng bola. Nalaglag at tumalsik kung saan saan yung xerox copy nung librong kailangan niya. Nalaglag din yung payong niya at buti na lamang hindi nahulog yung cellphone niya sa daanan. Pinulot naman ni Sakura ang kanyang payong at ang mga papel na nahulog. Tinulungan naman siya ni Ino kaya lang karamihan sa mga ito ay nabasa na ng ulan which frustrated her. Ang mahal kayang magpaxerox at maraming nanghihiram nung libro bukod sa kanya.

"SINONG GAGO SUMIPA NUNG BOLA?" Sigaw ni Sakura. Nabasa na rin siya nung ulan at inis na inis siya. What a day.

"Hoy Sasuke magsorry ka na nga! Ang lakas mo kasing sumipa eh. Para kang kabayo" Wika ni Kiba. Nagputukan naman ang mga ugat ni Sakura nang malamang si Sasuke ang may sala. Ang laki na ata ng kasalanan sa kanya nung binata. At miski simpleng sorry hindi ito marunong magsabi.

Nagwalk out na lamang si Sakura sa sobrang inis. "Walang hiyang Uchiha yan. Panira ng buhay. Upakan ko siya eh. Leche" Wika nito habang dali-daling naglalakad. "Bwiset! Ino, uwi na tayo" Sambit nito. Nagulat naman siya nang walang sumagot mula sa likuran niya. Kaya nung nilingon niya ito, nagulat siya nang makitang magisa lang pala siayng naglalakad.

"Hoy Sasuke. Hindi ko alam kung anong ginawa sa iyo nung bestfriend ko pero, ano nga bang kasalanan niya sa iyo para gawin mo yun sa kanya ha?" Tanong nito sa binata. Hindi niya kasi sinundan si Sakura dahil kinonfront niya pa si Sasuke. Tinitigan lamang siya nito.

"Alam mo bang hirap na hirap siyang hagilapin yung librong yun? Pinaxerox pa niya yung nasa library. Tapos ganun lang? Sisipain mo siya ng bola nang hindi nagsosorry?"

"Hn. Aksidente yun." Sagot nito nonchalantly. Napataas naman yung kilay ni Ino sa binata.

"Ma-pride ka rin eh, noh? Oo nga aksidente, may kasalanan ka pa din. Sorry lang hindi mo masabi. You're pathetic" Wika nito sabay walk out. Nanahimik na lamang sina Naruto at ang iba pang binata sa likuran ni Sasuke. Unang beses nilang nakitang laitin si Sasuke nang ganun ng isang babae.

"Hmm. Nice one, Uchiha. Mukhang malayong makascore ka kung ganyan ka ka-ganit. Kahit pa magaling ka sa soccer at basketball, hindi mo siya mapapanalo kung hindi ka gagawa ng paraan" Pangangaral ni Kiba sa kaibigan. Nagsmirk lamang si Sasuke. "Pinagsasabi mo. Tara na nga" Wika nito.

"Hmmm. Tama si Kiba, teme." Sambit ni Naruto. Hindi naman sila pinansin ni Sasuke.


"Nandito ka ulit?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Kasulukuyan kasing nagmumunimuni si Sakura at doon siya nagpunta sa Konoha Park. Gabi noon, kinabukasan matapos ang insidente. Friday naman ng gabi kaya umuwi siya sa kanila. At dahil wala rin naman siya sa mood na makipagkwentuhan sa mga magulang dahil hindi pa din settled yung issue nila tunkol sa arranged marriage, tumambay na lamang muna siya sa park. Nilingon niya yung nagsalita at nakita ang hindi inaasahan. Si Uchiha Sasuke.

"Pake mo? Bawal ba?" Sagot nito. Nagsmirk lamang si Sasuke at lumapit dito. Inirapan lamang siya ni Sakura at dinedma. Aba. Malaki ata kasalanan nito sa kanya.

"O" Sambit nito matapos umupo sa katabing swing. Tiningnan naman siya ni Sakura habang nakataas ang isang kilay. May hawak itong paperbag at nakastretch ang kanan nitong kamay sa kanya.

"Ano naman yan?" Tanong nito.

"Basta kunin mo. Daming tanong" Reklamo ni Sasuke. Kinuha naman ni Sakura yung paperbag. Medyo mabigat ito at nang silipin niya ang laman, nakita niya ang isang libro. Kinuha niya ito mula sa paperbag at sinuri. Nanlaki naman ang mga mata niya sa gulat.

"Saan mo 'to nahanap? Ah...pa-para sa akin ba talaga 'to?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Nagsmirk lamang si Sasuke.

"Oo nga. Ang kulit mo rin noh? Tch. Sorry nga pala kahapon." Wika nito. Wow. Ang Uchiha Sasuke nagsosorry. Ngumiti naman si Sakura at niyakap yung libro. Ito yung mismong libro na kailangan niya. Hindi niya ito mahanap sa mga tindahan ng librong pinuntahan niya at kahit alam niyang meron nito ang mga magulang, ayaw niyang manghiram sa kanila dahil nagtatampo pa rin siya sa mga ito.

Napangiti rin naman si Sasuke. Buti naman nakabawi na siya kay Sakura. Kahit medyo mahirap hanapin yung librong yun na tungkol sa medisina, at least bati na sila ng dalaga. Masaya siya dahil napasaya niya ito. Yun lang naman ang goal niya eh.

"Ah... wala yun. Thank you ha? Hayy." Sambit nito. Nagsmirk lamang ang Uciha. Kakaunti na lamang ang tao sa park dahil alas nuebe na ng gabi. Hindi na muna siya sumama sa gimik nilang magbabarkada upang iabot ng personal ang libro sa dalaga.

"Hindi ka pa uuwi? Gabi na. Baka anong mangyari sa'yo diyan" Sabi nito. Tiningnan naman siya ni Sakura nang nakataas ang isang kilay.

"Wow. Concerned? Opo. Uuwi na. Debut na pala ni Ino bukas. O siya, galingan na lang natin sa kotilyon ha?" Wika nito.

"Hn. Hatid na kita" Sagot ng Uchiha. Tumango lamang si Sakura at sumabay nang maglakad sa kaibigan.


"Wow! As expected bongga ang debut ni Ino" Wika ni Sakura habang nakatayo sa kalagitnaan ng lugar. Pinaghandaan kasi ng todo ang debut ni Ino. Purple at white ang motif ng kanyang debut. Ang mga dancers ng kotilyon ay naka-lavender na floor length gown. Mala palasyo ang venue. Puno naman ng bulaklak ang paligid. Grabe.. At ang pinakanakaagaw ng atensyon ni Sakura ay yung buffet table na natanaw niya mula sa kinatatayuan. Naguumapaw ang mga pagkain. Lalo na yung dessert bar kung saan natanaw niya yung chocolate fountain.

"Sakura-chan, tara na." Sambit ni Hinata. Nagdadatingan na kasi ang mga bisita. Ang billin sa kanila, wag muna pumasok sa venue at dahil malikot itong dalaga, nagsneak in siya. Buti na lamang at bestfriend niya si Ino. Speaking of, hindi niya pa nakikita ang dalaga.

"Ahaha. Sige, tara." Sabi nito. Nakapila naman sa may malaking pintuan ang mga magsasayaw. Pumunta na siya sa tabi ng partner na si Sasuke. Nginitian naman siya ni Sakura. Stunning ang itsura ng binata. Lalo na dahil sa suot nitong tuxedo. Mukha siyang prinsepe. Napakaganda rin naman ni Sakura sa suot na gown. Kahit na halos parepareho sila ng mga suot, tila nagstand out ang kagandahan ng dalaga.

"Gwapo natin ah" Wika ni Sakura dito. Nagsmirk naman ang binata.

Tinawag na ang mga sasayaw ng kotilyon. Nagpalakpakan naman ang mga tao na nakaupo sa kanya-kanyang upuan. May reserved table ang mga kaibigan ni Ino. Kaya kapansinpansin ang tila VIP section sa bandang gitna. Napakaromantic ng tugtog, ambiance at ng sayaw. Mabuti na lamang at magagaling ring sumayaw ang mga kaibigan ng dalaga.

Hindi pa lumalabas ang birthday celebrant. Nang tumugtog na ang pangalwang kanta, doon nag grand entrance si Ino kasama ang kaibigang si Shikamaru. Talaga namang nagiba ang itsura ni Ino. Makikilala mong siya iyon pero, nagmature ang kanyang mukha at nagmukha siyang prinsesa. Nakasuot siya ng puting balloon gown. Nagpalakpakan ang mga tao nang magsayaw na ang dalaga kasama ang kanyang escort na si Shikamaru.

Matapos ang sayaw, inumpisahan na ang programa. Mga speech ng pamilya't kaibigan ni Ino. Isang slideshow ng paglaki ng dalaga. Karamihan sa mga larawang ipinakita ay kabilang sina Sakura't Naruto. Ngumiti naman si Sasuke nang makita ang batang Sakura. Isang tao na lamang ang hindi nagsasalita. Si Shikamaru. Mayamaya pa'y naguumpisa na ang 18 roses. Syempre, unang nakasayaw ni Ino ang kanyang ama. Tapos, ang mga pinsan at hanggang sa mga barkada at ang huli, ang halos bestfriend na niyang si Shikamaru. Maguumpisa na sana ang open dance floor nang biglang umeksena si Shikamaru. Nilapitan niya ang emcee at bumulong dito. Mayamaya pa'y ngumiti ito at iniabot ang mic sa binata.

May hawak itong bouquet of pink roses, paborito ng dalaga. Napakunot naman ang noo ni Ino nang makita ang ginawa nito. May hawak rin itong maliit na box na naglalaman ng isang kwintas. Humarap siya kay Ino at nagumpisang magsalita.

"Uhm... bago ang lahat. Ino, happy birthday. Sa totoo lang, matagal na akong may gusto sa iyo. Madalas kitang makita, mga bata pa lang tayo. At, dahil sa hindi ako marunong manligaw, ni minsan hindi kita nakausap. Isang gabi, nakita kitang umiiyak. Nilapitan kita at natuwa naman ako kasi kinausap mo ako at sinabi mo sa akin yung mga problema mo. Mula noon, naging magkaibigan na tayo. Masaya ako kasi, kahit sa simple kong paraan, napaparamdam ko sa iyo na nandito lang ako sa tabi mo. Ngayon, pinaghandaan ko talaga itong araw na ito para sabihin sa iyo na, gusto kita. Hindi, hindi lang ata gusto. Ino, mahal kita. At, uh... will you be my girlfriend?" Wika ni Shikamaru. Naluha naman si Ino at lumapit sa binata. Nakangiti ito at tila hindi alam ang sasabihin.

"I do" Sambit nito. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Pero, wala silang pakialam. Kanila ang gabing iyon. At wala nang ibang makakaagaw.

Tumugtog na ang isang senting kanta at nagumpisa na ang open dance floor. Nagsayaw ang mga magnonobyo, magkakaibigan at ang mga nais lang magsayaw. Syempre, nagsayaw sina Shikamaru at Ino na nasa gitna. Nagsayaw rin naman sina Hinata at Naruto na tila nagkakahiyaan pa sa isa'tisa. Lalapit na sana si Sasuke kay Sakura at aayain itong magsayaw nang makita ang dalaga na kasamang magsayaw ang kanyang kuya. Nakangiti ito na tila masayang masaya at kitang kita sa mukha nito ang kilig habang ka-sayaw si Itachi. Tinitigan lamang sila ni Sasuke saka naglakad na palabas. Siya na si Uchiha Sasuke walang kasayaw sa dance floor. Kahit naman magsayaw at magpakatanga siya sa dance floor, wala rin siyang mapapala. Tss. Naandon yung taong gusto niya, kasayaw yung kuya niya. Ayos. Parang telenovela lang.

Wala rin namang partner si Neji kaya sinamahan na lamang niya ang kaibigang si Sasuke sa balcony. May dala itong alak na kaagad namang ininom ni Sasuke. Napasmirk na lamang si Neji at nagpahangin.

"Hn. Selos?" Tanong ni Neji sa kaibigan. Nagsmirk lamang si Sasuke.

"Kanino?" Sambit nito. Napailing lamang si Neji. Matigas talaga itong si Sasuke at kahit anong mangyari hindi aamin ng tunay na nararamdaman.

"Wala. Alam ko namang hindi mo sasagutin yung tanong eh" Wika nito. Nanatili namang tahimik si Sasuke.

"Ne-neji?" Sambit ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Hinarap niya ito at nakita ang nagiisang dalaga na nagpatibok ng kanyang puso. Si tenten.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa dalaga. Ngumiti naman si tenten.


AN: wew. Sorry kung nadelay akong magupdate. Busy sa school eh. Senior year na kasi. Woooh. Good luck sa akin. Review please? :D Medyo NejixTen yung next chapter. Syempre may SasuXSaku pa din. Enjoy.:)