Chapter 6: Si Tenten

Author's note: At ayon, makalipas ang isang taon, naupdate ko din ang fanfic na ito. Nakakalungkot kasi nung naglog-in ako, dalawa o tatlo lang ang bagong fanfics na Filipino at SasuxSaku inspired. Hay, mukhang naglaho na sila. Anyway, enjoy.


"Tenten?" Gulat na bulalas ni Neji nang makita ang di-inaasahang dalaga. Si Tenten. Ang babaeng minahal niya mula pa pagkabata. Ang unang babae na nagpatibok ng puso niya at ang tanging babae na may hawak pa rin nito hanggang ngayon.

"Ako nga." Nakangiting wika nito. Napalunok naman ang binata. Muling nanumbalik ang mga ala-alang ayaw niya nang balikan pa. Pinilit niyang tanggalin ang mga ito noon sa kanyang isipan mula nang iwan siya ng dalaga sa kanyang harapan pero eto, sa isang iglap, bumalik lahat. Lahat ng mga ngiti, tawanan, luha, pangako at salitang naging parte ng kanyang pagkatao. Mga hinanakit na naging dahilan kung bakit ganito siya ngayon.

"Nakabalik ka na pala. Kamusta?"

"Hmm, eto, masaya. Ikaw?"

Buti ka pa masaya… Wika ni Neji sa kanyang isipan. Napabuntong hininga lamang ito sabay tingin sa malayo.

Napailing naman si Sasuke mula sa kinatatayuan. Alam niya kasi ang pinagdaanan ng dalawa. Nakita niya lahat ng katangahang ginawa ni Neji nung mawala si Tenten. Kaya nga nagtataka siya dito dahil kaya niya namang kalimutan ang lahat at maghanap ng bagong babae pero hindi niya ginawa. Tch, ang alam niya kasi sa sarili niya, kelan man hindi siya magpapakatanga sa babae. Hn. Si Uchiha Sasuke ata siya.

"Bro, balik lang ako sa loob. Kukuha ng bagong inumin. Maiwan ko muna kayo." Wika nito sabay lakad papasok sa function room. Wala namang reaksyon si Neji at tila ba malalim pa rin ang iniisip ng binata.

"Neji?" Muling wika ni Tenten na nakapagpanubalik kay Neji sa kasulukuyan, sa sitwasyon na kanyang kinabibilangan. Isang pagkakataon na hindi niya inaasahang manunumbalik pa makalipas ang ilang taon.

Pinilit niyang kalimutan ang dating kasintahan mula nang iwan siya nito isang gabi nang hindi man lamang nagpapaalam. Pinilit niyang lunurin ang sarili niya sa alak at paglalaro ng basketball para hindi pumasok sa kanyang isipan ang dalaga. Pero hindi siya nagtagumpay dahil sa bawat sulok ng kanyang kwarto, sa bawat lugar na kanyang puntahan at sa bawat gabi bago siya matulog, nakikita niya si Tenten.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago." Sabi ni Tenten habang pinagmamasdan ang binata. Sa kanyang kasuotan na dilaw na bistida, kitang kita ang hubog ng kanyang katawan. Malaki ang ipinagbago ni Tenten sa loob ng dalawang taong hindi nila pagkikita. Siya ay tumangkad, nangayayat at lalong gumanda.

Tiningnan naman siya ni Neji nang nakangisi. Pinilit itago ng binata ang mga nararamdman bago ito nagsalita. "Talaga? Ano bang alam mo Tenten? Maraming nagbago sa'kin."

"Talaga? Sige nga, kwentuhan mo ako Hyuuga."

"Yung mga nararamdaman ko para saýo."

"Sinungaling."

Bakit ba kailangan niya pang ipagdiinan? Sambit nito sa kanyang isipan habang hinahawakan ng mahigpit ang bote ng alak sa kanyang kamay. Sa sobrang higpit nga ng kanyang pagkakahawak ay maari niya na itong basagin.

"Ano bang alam mo ha? Ano bang gusto mong ipaglaban? NA MAHAL PA KITA? Wala kang alam. Bakit ba kasi bumalik ka pa? Para ipamukha sa akin na, na masaya ka na sa bago mong buhay? Tch. Wow tenten." Galit na wika ni Neji. Sa sobrang galit ay kanyang binasag ang hawak na bote.

Nilapitan naman siya ni Tenten at niyakap ng mahigpit. Pinilit na kalmahin ang kausap na binata. Natulala naman si Neji. Nagulat siya dahil wala pa ring ipinagbago ang epekto ng dalaga sa kanya sa tuwing yayakapin siya nito. Kumalma sabay napabuntong hininga ang binatang Hyuuga. Hinalikan naman siya sa pisngi ni Tenten. Tinitigan siya nito at tila ba lahat ng galit ni Neji sa kanyang puso ay naglaho. Saglit niyang nakalimutan lahat ng naramdaman niyang hinanakit sa dalaga. Hinawakan niya ito sa pisngi, hinaplos at muling dinama ang mukha ng dalaga.

"Sorry." Wika ni tenten habang nakatitig sa mukha ng binata. "Sorry. Hindi ko gustong saktan ka." Muling wika nito habang hinahanap ang mga salitang dapat niyang sabihin. Pumatak naman ang kanyang mga luha. Pinunsan ni Neji ang mga ito sabay halik sa noo ng dalaga.

"Wala naman akong magagawa eh. Hn. Sana wag ka niyang saktan. Wag niya kamong subukan." Sambit ni Neji habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Hinawakan nito ang mukha ni Tenten sabay hawak sa kamay nito. Tinitigan niyang maigi ang singsing na nakasuot sa payat na daliri nito, sabay hinalikan ang kanyang kamay.

"Mahal pa din kita eh, pero, wala naman akong magagawa." Malungkot na sabi ng gwapong binata habang nakatitig sa mga mata nito. Napabuntong hininga siya sabay tingin sa malayo. Muli namang tumangis si Tenten. "Hindi mo sinabi sa'kin eh, huli na tuloy ang lahat. Hindi man lang kita naipaglaban." Sabi ni Neji.

"So..sorry. Ma-mahal pa din ki..kita eh." Napalunok si Tenten sabay punas sa mga luha. "kaso, wala din akong ginawa. Sorry Neji." Sabi nito. Ngumiti na lamang si Neji habang pilit na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Kelan ka aalis?" Tanong nito.

"Next week. Bumalik ako para, para magsorry saýo. Sana, mapatawad mo ako. Sana maging masaya ka na. Alagaan mo sarili mo ha?" Sabi ng magandang dalaga habang nakatitig sa mukha ng binata. Tumango lamang si Neji.

"Sige, pasok na tayo sa loob. Inaasahan kasi ni Ino na magpapakita ako sa debut niya eh. Sana hindi pa ako late?" Nakangiting tanong nito sa kausap. Nginitian naman siya ni Neji. "Late ka na", sagot nito.

Alam ng binata na sa saglit na mga panahong nagkausap sila ng dalaga ay naging masaya siya. Alam niyang kahit sa gabing iyon lamang, muli niyang naramdaman ang pagiging maligaya sa piling ni Tenten. Kahit na alam niyang iyon na ang huli.


"Hoy, dahan-dahan sa paginom at baka hindi ka makapagdrive ng maayos." Paalala ni Naruto sa kaibigang binata. Tinitigan niya lamang ng masama si Naruto sabay lagok ng isa pang shot ng vodka. Kinuha naman ni Naruto ang shot glass sabay siya naman ang uminom.

"Hn. Tingnan mo 'to. Dahan-dahan daw eh siya din inom ng inom." Wika ni Sasuke.

"At least ako, pangatlo ko pa lang 'to. Eh ikaw? Pang labing tatlo mo na yon. Tama na nga." Sabi ng blondie sabay balik ng shot glass sa lamesa.

"Anong tama na? Kaya ko pa." Sabi ni Sasuke. Iba talaga epekto ng alak eh, nagiging madaldal ang Uchiha.

"Mahiya ka nga. Ano ka ba, tingnan mo nga sarili mo."

"Ano? Psh. Tsaka wala na yung matatanda, kaya pwede pa tayong uminom hangga't gusto natin." Sambit nito. Napailing lamang si Naruto. Hindi ugali ni Sasuke ang uminom ng madami at magpakasasa sa alak. Hindi rin ito nagiging madaldal kapag nalalasing. Nung araw na iyon lang siya nagkaganun.

"Dahil ba yan kay Sakura at sa kuya mo?"

"Ano namang koneksyon ni Haruno dito? Pake ko sa babaeng yon?"

"Gusto mo na siya no?" pabirong tanong nito. Hindi naman nagpakita ng kahit anong emosyon si Sasuke.

"Ano? Tama ako no?" Tanong muli ni Naruto.

"Bakit ko naman siya magugustuhan? Ano bang dapat kong magustuhan sa kanya?" Sarkastikong tanong ni Sasuke.

"Ganun ba?" Sagot naman ng isang dalaga mula sa kanilang likuran.


Authors note: Finally, an update! Sorry kung natagalan. Sana nagustuhan niyo ang kadramahan ng chapter na ito. Comments, suggestions, critcisms and reviews are highly welcome! :D