Chapter 7: Habol lang ng habol
"Ah ganun ba?" Tanong ng isang dalaga mula sa kanilang likuran.
"I-Ino! Gulat na tanong ni Naruto. Kinabahan naman si Sasuke sa pag-aakalang si Sakura ang nasa kanilang likuran pero hindi ito nagpakita ng emosyon.
"Ganun ba talaga ang tingin mo sa kanya Sasuke? O baka sinasabi mo lang yan dahil nagseselos ka?"Panghahamon ng debutante habang nakatiklop ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Tinaasan niya ito ng isang kilay habang nagaantay ng sagot.
"Hn" lamang ang isinagot ng gwapong binata.
"Ahh… Ino-chan, wala yun. Alam mo naman yang si Teme." Wika ni Naruto habang kinakamot ang ulo. Nagiisip siya ng maaring sabihin para malinis ang pangalan ng kaibigan pero, wala eh. Napasweat drop na lamang siya.
"Di bale Uchiha, kakainin mo rin lahat ng mga pinagsasabi mo pag huli na ang lahat. Yung tipong, pag sila na ng Kuya Itachi mo tapos marerealize mo na lang na nagseselos ka na, kaso wala ka nang magawa kasi bukod sa nilait mo na siya, pinakawalan mo pa. Alam mo minsan, hindi masamang lumunok ng pride." Sambit nito sabay irap.
Nagsmirk naman si Sasuke. "Ano naman ngayon? Sino ba si Sakura sa buhay ko, eh isang babaeng nakakairita lang naman siya. Edi maging sila ni kuya! Sus, bagay naman sila eh. Parehas silang mga pasanin sa buhay ko." Sabi ng binata. Napalunok naman si Naruto at napatingin ng may halong pagtataka sa maangas na Uchiha.
"Hoy teme! Bawiin mo nga yang sinabi mo." Wika nito. "Hindi ganyan si Sakura no."
"Hayaan mo na siya Naruto. Ganyan naman ang tingin niya sa akin eh." Sambit ni Sakura. Galing kasi siya ng CR at narinig niya ang mga huling sinabi ng binata. Napabuntong hininga ito sabay titig ng may halong inis sa binata.
"Sorry Sasuke kung pasanin ako sa buhay mo ha? Actually, wala naman akong ginagawa sa ýo eh. Hindi ko alam kung bakit ikaw itong inis na inis sa akin." Sarkastikong sabi nito sabay walkout. Sinundan naman siya ng kaibigang dalaga.
"Tingnan mo nga yung ginawa mo Sasuke. Pa'no ngayon yan? Pa'no mo pa siya liligawan sa sakit ng sinabi mo sa kanya? Tsk. Bahala ka nga." Sabi ni Naruto sabay iling. Samantalang nanatili namang tahimik si Sasuke.
"Hn."
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Itachi ah. Ang saya-saya niyo kagabi eh. " Sabi ni Ino sa pink-haired na bestfriend. Nagblush naman si Sakura.
"Ha? Ahh, hindi naman. Haha, buti pa nga siya mabait eh samantalang yung kapatid niya ubod ng sama ng ugali. Ewan ko ba dun, may sapak lang ata. Dati naman mabait siya sa'kin." Sabi ni Sakura habang inaayos ang mga pagkaing inorder niya sa kanyang tray. Nginitian naman siya ni Ino.
"Sus, nagseselos lang talaga yun. Alam mo, parang may topak din yung Sasukeng yun eh. Mabait ngayon, suplado bukas. Akala mo babae lang eh. Hayaan mo na nga." Sabi ng blonde-haired na dalaga. Nang nasa unahan na ng pila ang magkaibigan para magbayad, bigla namang may nagabot ng pera sa kahera.
"Sagot ko na miss." Sabi ng gwapong Uchiha. Nalaglag naman ang panga ng magagandang dalaga.
"Okay po sir, isang yogurt at mansanas tsaka sa isang tray naman, dalawang rice, dalawang ulam, isang ensaymada, isang chocolate cake at chuckie. Five Hundred Eighty po lahat sir, sukli niyo po." Sagot ng kahera sabay abot ng sukli. Nginitian siya nito habang nakatitig ng maigi sa binata. Oo, pati ang mga kahera sa Unibersidad ay head-over-heels sa gwapong Uchiha.
"Grabe talaga bituka mo no? Iniisip ko nga kung saan mo nilalagay mga kinakain mo eh. Bukod sa payat ka na, maliit ka pa." Panlalait ng binata. Napataas naman ng kilay si Sakura.
"Okay, una sa lahat salamat sa panglilibre sa amin ni Ino. Siguro gusto mong bumawi sa mga pinagsasabi mo at pinapatawad na kita. Pero kung sa palagay mo eh bibigyan pa kita ng karapatan na kulitin ako at hayaang sirain ang araw ko, dyan ka nagkakamali." Sabi nito sabay lakad papalayo. Sinundan naman siya ni Ino.
"Ino!" Sigaw ni Shikamaru mula sa kanyang likuran. Napalingon naman ang blondie at ngumiti.
"Ah, Shikamaru, ikaw pala. Tapos na klase mo?" Nakangiting tanong nito. Tumango naman ito.
"Halika, samahan mo ko." Sabi nito sa kanya. Napatingin naman si Ino kay Sakura na tila humihingi ng permiso. Nginitian naman siya nito.
"Go lang, samahan mo siya, sasabay ako kay Hinata kumain."
"Ahh, ah… sige. Bye Sakura." At tuluyan nang umalis ang dalaga kasama ang kanyang kasintahan.
"Oh, anong nginingisi mo diyan? Hanapin mo na yung mga tropa o chicks mo at kakain na ko." Sabi ni Sakura kay Sasuke nang makaalis ang bestfriend niya.
"Unfortunately, kumain sina Naruto at Hinata sa ramen house. So, it leaves you…" -Smirk, tingin sa magkabilang gilid sabay tingin ng maigi sa mga mata ng dalaga- "…With me"
"Wow ha, planado ba 'to o ano?" Paghahamon nito.
"Hn. Halika na lapad-noo" Sabi nito sabay kuha sa tray na hawak ng dalaga patungo sa isang lamesa na may nakahanda na ring isa pang tray ng pagkain. Napanganga lamang si Sakura na tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Teka nga Uchiha, ano bang pinaplano mo?" Inis na tanong nito habang nakatayo sa harapan ng nakaupong binata.
Sumubo naman si Sasuke ng pizza sabay tingin sa kanya.
"Wala Sakura. Gusto lang kitang makasama." Pa-cool na sabi nito. Napataas naman ng kilay ang dalaga.
"Ha? Akala ko ba pasanin ako sa buhay mo? Ngayon gusto mo ko makasama? Baliw ka ba?" Tanong nito habang nakatayo pa din. Nginitian naman siya ni Sasuke. Medyo namesmerize naman ang dalaga sa kagwapuhan ng binata pero hindi ito nagpahalata. Syempre naman, nangingibabaw ang inis niya dito eh.
"Hindi naman sa ganun. Basta, umupo ka na lang." Sagot nito sabay subo ulit ng pizza.
Wala namang nagawa ang dalaga dahil mukhang walang balak ito na tantanan siya. Umupo na lamang ito at nagproceed na sa pagkain. Medyo nabadtrip nga lang siya dahil lumamig na yung ulam niya.
"Hn. Hinay-hinay lang, baka mamatay ka ng maaga."
"Ano naman ngayon saýo kung mawala ako ng maaga?"
"Magiging malungkot buhay ko." Sambit nito. Napatitig naman sa kanya ang dalaga.
Hindi na sumagot si Sasuke at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Sakura?"
"Hmm?" Tanong nito habang umiinom ng chuckie. Kakatapos niya lang kumain at nanatili silang tahimik all throughout lunch break.
"Sorry dahil dun sa nangyari nung debut ni Ino. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yon." Wika nito habang nakatingin sa kawalan. Tinitigan naman siya nito at nginitian.
"Okay lang. Kalimutan mo na yun."
"Tara, may klase ka pa di ba?"
"Oo. Ikaw?"
"Meron din."
"Sige, ingat." Sabi ng pink-haired na dalaga. Tumayo na ito at nagayos ng bag at naglakad patungo sa labas ng Cafeteria. Kasunod niya namang naglalakad ang bunsong Uchiha.
"Ahh, Sakura."
Lumingon naman ang nasabing dalaga. "Bakit?"
"Ihahatid kita mamaya ha?" Tanong nito. Medyo emotionless at pa-cool ang tono. Actually, parang hindi ito humihingi ng permiso pero parang nagsasabi lang ng mangyayari mamaya. Nagulat naman si Sakura sa sinabi nito pero tumango na lamang siya bilang tanda ng pagpayag.
"Sige, see you." Sabi ng binata sabay tapik sa balikat ng dalaga at naglakad patungo sa kanyang klase. Tinitigan naman ni Sakura ang likod ni Sasuke. Gwapo ito at matipuno kahit nakatalikod. Medyo mayabang ang dating pero kahit pa'no mabait din naman pala. Iniisip niya ngayon kung bakit sinusuyo siya nito. Siguro ay nakonsensya ito sa mga pinagsasabi niyang masasakit sa dalaga. Anyway, hindi naman na mahalaga yun.
Nagkibit-balikat na lamang si Sakura at naglakad na patungo sa klase niya.
"Saan ba yung dorm niyo ni Ino?" tanong ni Sasuke habang nagdadrive. Tinuro naman ni Sakura ang mga direksyon patungo sa dorm na kanilang tinutuluyan.
"Nameet mo na ba yung sinasabi mong ipapakasal saýo?"
"Yun nga eh, hindi natuloy yung supposed na date naming last time. Hah, buti nga. Ayoko talaga sa lahat yung pinaplano ng iba buhay ko eh." Reklamo ng pink-haired na dalaga. Ngumiti naman si Sasuke sa kadaldalan ng kasama.
"Uhm… Sasuke?"
"Oh?"
"Wala bang magagalit dahil sa ginawa mong paghatid sa'kin dito sa kotse mo?"
"Wala. Wala naman akong girlfriend ngayon. Eh ikaw ba? Baka sa'kin may magalit."
"Huh? Sino naman"
Si Kuya. Yung crush na crush mong kuya ko. Sino pa ba? Sabi ni Sasuke sa sarili niya. "Ewan. Sino nga ba?"
"Sus. Wala yan. Wala din naman akong boyfriend eh. Haha! NBSB to no."
"Nako, patay tayo diyan. Ingat ka sa pagpapaligaw sa kung sino-sino. NBSB ka pala."
"Nge. Ingat talaga. Hindi ata ako papaloko no."
"Sakura."
"Yup?"
"Kayo na ba ni Itachi?"
"Ha? Hindi no. Magkaibigan lang kami nun. Tsaka, asa namang ligawan ako nun." Sambit nito habang nagbablush. Nagsmirk lamang si Sasuke.
Sus. Sabi nito sa sarili.
"Teka, kaninong kotse yung nakapark sa harap ng dorm namin?" tanong ni Sakura sa sarili. Napatingin naman si Sasuke sa direksyong tinititigan ng dalagang kasama.
Teka, kotse ni Kuya yun ah… Sambit nito sa sarili. Wag naman sana, bakit ngayon pa?
"Kanino kaya yun?" Tanong ni Sakura sa sarili.
"Hn. Wala yan, nakipark lang." Sagot naman ni Sasuke. Inirapan lamang siya ni Sakura.
"O siya Uchiha, salamat sa paghatid. Ingat ka pauwi" Sabi nito habang nakangiti. Namangha naman ang binata sa ganda ng ngiti ni Sakura. Talagang attracted siya dito at hindi niya alam kung bakit.
"Oh, Sasuke, anong ginagawa mo dito?" Tanong ng nakatatandang Uchiha mula sa likuran ni Sakura. Naginit naman ang dugo ni Sasuke pero nanatili itong kalmado.
"Wala naman. Hinatid ko lang si Sakura. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may business meeting ka?" Maangas na tanong nito.
"Masama bang dalawin ang magandang binibining ito?" tanong ni Itachi sa kapatid sabay akbay sa dalaga. Tinitigan naman ni Sasuke ang kamay ng kanyang kuya ng may halong pagseselos. Tinitigan niya pabalik ang kuya niya tapos si tinitigan nito si Sakura na tila binibigyan siya ng warning signal. Kaso, sa sobrang kilig ng dalaga, hindi niya napansin ang pangungusap ng binata sa kanya.
"Pa'no ba yan bro, may lakad kasi kami ni Sakura eh. Mauna na kami. Ingat paguwi. Bye!" Sambit nito sabay hila kay Sakura. Gusto sanang sapakin ni Sasuke ang kapatid kung hindi lang dahil sa magandang dalagang kasulukuyang nagpapatibok ng puso niya.
