Chapter 8: Sa dobleng aray, iflanax mo.
"Masama bang dalawin ang magandang binibining ito?" tanong ni Itachi sa kapatid sabay akbay sa dalaga. Tinitigan naman ni Sasuke ang kamay ng kanyang kuya ng may halong niya pabalik ang kuya niya tapos tinitigan nito si Sakura na tila binibigyan siya ng warning signal. Kaso, sa sobrang kilig ng dalaga, hindi niya napansin ang pangungusap ng binata sa kanya.
"Pa'no ba yan bro, may lakad kasi kami ni Sakura eh. Mauna na kami. Ingat paguwi. Bye!" Sambit nito sabay hila kay Sakura. Gusto sanang sapakin ni Sasuke ang kapatid kung hindi lang dahil sa magandang dalagang kasulukuyang nagpapatibok ng puso niya.
Pero di padadaig si Sasuke. Sa galit niya, agad-agad siyang lumabas ng kotse pagtapos ay sinara niya ito ng malakas. Bang!
"LOKO KA AH! BITAWAN MO NGA SIYA!" sigaw ni Sasuke sabay sapak sa kanyang kuya at hila kay Sakura. Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya kaya sinuntok niya ito sa mukha. Hinila niya si Sakura papasok sa kanyang kotse at tsaka nagdrive paalis.
Grabe.
Fantastik.
Pero, sana totoo.
Ang imahinasyon kasi talaga mapaglaro. Tumango lamang si Sasuke habang pinapanuod ang dalawa. Tahimik, taimtim pero sa loob niya, naglalagablab yung galit niya at syempre, sa utak niya, pinadugo niya na yung ilong ng kuya niya.
Ano ba Sasuke. Kumilos ka.
"Sige, una na ko. Baka naiistorbo ko kayo."
"Ha! Ah, sige, te-teka" wika ni Sakura. Magdadrive na sana paalis si Sasuke nang biglang magsalita si Sakura habang nakaakbay sa kanya ang nakatatandang Uchiha.
"Bakit, may naiwan ka ba?"
"Hindi, wala naman. Uhm, thank you." Sabi nito sabay ngiti. Napangiti naman si Sasuke in return.
Pero, masakit talaga eh.
"Sige. Ingat kayo." Pa-cool na sabi nito at ayon, nagdrive na palayo.
"Ano ba naman Sasuke! Ano yon? Sige? Ingat kayo? Okay ka lang!" Sigaw ni Naruto sa kaibigan.
"Oo nga naman pre. Bakit ganun? Nasaan na yung maangas at playboy naming kaibigan? Bakit naging mahinhin? Hindi naman ata pwedeng basta ipaubaya mo na lang si Sakura." Dagdag ni Shikamaru. Nagsmirk lamang si Sasuke sa kanila.
"Ano, smirk lang ang kaya mong isagot? Paano ba naman kasi, sabihin mo na sa kanya na mahal mo siya!" sabi ni Ino.
"Eh hindi ko pa naman masasabing mahal ko siya eh."
"Ano pala yun? Crush? Teh, binata't dalaga na tayo. Gusto mo siya, doon din hahantong yun!"
Nanahimik lamang ang binata. Alam naman niyang wala na siyang pwedeng isagot sa mga satsat ng kaibigan niya, lalo pa't dumagdag si Ino. Alam naman ng lahat eh, alam naman na ng mga tropa niya maging ng mga kaibigan ni Sakura. Si Sakura na lang talaga ang walang ideya.
Nahuhulog na sa kanya ang binata.
"Aminin mo na kasi Sasuke. Alam naman naming lahat."
"Wala akong dapat na aminin." Wika nito sabay tayo at lakad papalayo. Nagkatinginan na lamang ang mga kaibigan ng binata.
"Oh, Sasuke! Nakita mo ba sina Ino?" tanong ni Sakura nang makasalubong ang binata. Hinahanap kasi nito ang mga kaibigan nang ma-ispatan ang naglulumong Uchiha. Natameme naman si Sasuke. Speaking of the de—hindi, maganda siya kaya angel.
"Andun sila sa table na yun oh" wika nito habang itinuturo ang table kung saan nakaupo ang kanilang mga kaibigan habang pinapanuod ang cheesy na eksena ng dalawa. Well, cheesy kahit walang malay si Sakura.
Napa-sweatdrop naman si Sasuke nang mapansin na lahat sila ay titig na titig sa kanilang dalawa. Tch, mga tsismosa.
"Ah! Salamat Sasuke! Ay, teka, saan ka pupunta? Aalis ka na? Kumain ka na ba?"
"Oo, kumain na ako." Sambit nito sabay lakad palayo.
Masayang naglalaro ng volleyball ang tatlong dalaga, lalo na si Haruno Sakura na duling sumalo ng bola. PE kasi nila ngayon at dahil Team Sports ang kanilang subject, Volleyball na lamang ang pinili ni Haruno Sakura bilang kanyang major. Hindi naman kasi siya pwedeng magbasketball dahil a. maliit siya at b. mabagal siyang tumakbo at c. takot siya sa bola.
Sa Volleyball na lang, kahit iwasan niya yung bola, hayaan niya na yung ibang team mates niya tumira. Psh, lagi naman silang nasigaw ng "mine" eh. Edi sa kanila na!
At syempre, dahil wala pa ang kanilang coach, naglaro muna ng volleyball sina Ino at Hinata. Nakisali naman si Sakura dahil wala siyang magawa.
At dahil medyo natututo naman nang maglaro ng volleyball si Sakura kahit paano, nakakasalo siya. Yun nga lang, madalang mangyari iyon at madalas, kung hindi siya tatamaan sa mukha o tiyan, hindi niya matitira yung bola dahil sa iba siya nakatingin.
Duling talaga.
"Oh, Haruno, gumagaling ka na ah. Dati tinatakbuhan mo palayo yung bola, ngayon nalalapitan mo na!" sambit ng coach nila.
"Haha! Aba syempre naman po!" sagot nito.
Sa kabilang dulo naman ng court, may isang binata na aliw na aliw na nanunuod sa pink-haired na dalaga. Wala naman na siyang klase kaya napagdesisyunan niyang tumambay muna sa arena. Sa baba kasi ng mini-arena ng kanilang paaralan ay may court ng volleyball. Nakahiga siya sa isang bench ng makita niya si Sakura na naglalaro ng volleyball kasama nila Ino at Hinata.
Tumayo ito mula sa kinahihigaan at pinanuod ang dalagang may pink na buhok. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing titingnan niya si Sakura ay napapangiti siya lalo na sa tuwing makikita niya itong tumatawa. Bukod sa gumagaan ang loob niya, nahihiwagaan din siya. Ang pagtawa ni Sakura ang isa sa mga gusto niyang matuklasan at maunawaan, at noon pa man nagdesisyon na siyang gusto niyang mapasaya ang dalaga. Kaso, ang problema, hindi niya alam kung paano.
Bonus na siguro niyang matatawag ang ganda ni Sakura pero hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon niya. Hindi niya alam kung ano eh, siguro yung tawa ni Sakura? Yung pagkatao niya? Yung kakulitan nito? Yung pagka-sweet at maalalahanin? Miski siya hindi niya maituro kung ano. Pero wala siyang pakialam.
Gusto niya itong mapasaya at gayundin naman, gusto niya itong alagaan, protektahan.
Kaso, mukhang may iba nang gumagawa nito para sa kanya.
Aray.
"Bye! Una na ako ha!" Wika ni Sakura habang kumakaway. Kumaway naman pabalik sina Hinata at Ino.
Naglalakad na papunta sa kabilang gate ng school si Sakura nang biglang bumuhos ang ulan. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa arena, ang pinakamalapit na pwede niyang silungan at nagantay ng pagtila ng ulan.
"Hay nako naman! Yung payong ko nasa kotse nga pala ni Itachi." Sabi nito sabay buntong hininga. Naghanap ng mauupuan ang dalaga nang makakita ng isang pamilyar na lalakeng nakahiga sa metal bench sa arena. Ngumiti naman si Sakura sa natagpuan.
Nakanganga ka pa matulog ha? Wika nito habang tinititigan ang binata. Nilapitan niya ito at tinabihan ang ulo ng binata. Tinitigan itong muli ni Sakura habang nakangiti. Sa mga ganitong pagkakataon niya lang kasi nakikita yung kabilang side ni Sasuke, yung maamo at mabait na side. Walang yabang, walang angas, simpleng Sasuke na pwede mong lapitan nang hindi ka inaangasan.
Nanatiling tahimik si Sakura habang inaantay ang pagtila ng ulan.
"Sa-sakura?" Nagtatakang tanong ni Sasuke nang makita ang dalaga sa tabi niya.
"Uyy! Gising na siya! Ang cute mo matulog haha!" Sambit nito habang pinipisil ang pisngi ng binata.
"Tsk" Nairita naman si Sasuke sa ginawang pagpisil ni Sakura sa pisngi niya.
"Sungit! Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong nito sa binata.
"Nagpapatila ng ulan. Ikaw ba?"
"Ganun din"
"Ah. Dito pa talaga."
"Aba! Malay ko bang nandito ka!" Sambit nito sabay pout. Cute.
"Kanina ka pa ba dito?"
"Hindi naman. Wala kasi akong choice eh kaya dito na ako tumambay. Tapos, nakita kita. Tumabi ako saýo."
"Ahh."
"Wala ka na bang ibang sasabihin bukod sa 'AHHHHHH'?" wika ni Sakura. Nagsmirk naman ang binata in return.
Nagkwentuhan ang dalawa bilang pampalipas oras. Pero, obviously si Sakura ang mas madalas magkwento at hindi si Sasuke. Paano ba naman, sa daldal ni Sakura, sapaw na sapaw ang mga AHH at HN ng binata.
Masaya si Sasuke dahil nakasama niya si Sakura sa loob ng mga oras na iyon at kahit na ngayong nasa sasakyan na siya, naririnig niya pa rin ang pagtawa ng dalaga. Kung pwede nga lang nyang i-record iyon at gawing ring tone eh.
Kung pwede niyang ulitin yung oras na iyon. Gagawin niya rin eh.
Ang ganda ni Sakura. Alam niya iyon kaya naman pinipigilan niya ang sarili niyang mahulog kasi baka gumawa siya ng isang bagay na hindi niya inaasahan.
Tulad ng pag-agaw kay Sakura mula sa kanyang kuya.
Kung pwede lang eh, kaso, alam naman niyang wala siyang laban.
Aray.
