Chapter 9: Hanggang kelan? Hanggang kaya ko
"P're, tinamaan ka na nga" Sabi ni Naruto kay Sasuke. Tiningnan naman siya nito ng masama.
"Huh? Kanino naman? Kay Sakura?"
"Tingnan mo, wala pa nga akong sinasabing pangalan siya na agad pumasok sa isip mo. Malay mo ba kung si Karin ang tinutukoy ko o kaya kung sino pa man diyan. Ganyan talaga pag in loooove!" Pangaalaska ng blondie sa kaibigan. Nagsmirk naman si Sasuke.
"Gusto mo ikaw ang tamaan sa'kin? Sasapukin na kita eh." Inis na sabi ni Sasuke kay Naruto. Tinawanan naman siya nito na lalong ikinainis ng binata.
"HAHAHAHAHA! Oh, eh bakit guilty ka? Bahala ka nga. Laro na tayo." Sabi nito.
Nagbowling na ang magkaibigan. Wala kasi yung iba nilang barkada dahil kung wala silang date, nasa kanya-kanyang galaan. Sila lang ni Naruto ang natira. Isang linggo na ang nakalipas mula nang ihatid ni Sasuke si Sakura at mula noon eh sunod-sunod na ang pagsabay nila ng pagpasok. Kaso, paguwi, lagi siyang nauunahan ng nakatatanda niyang kapatid sa paghatid sa dalaga. Madalas nga eh sumesegway sila ng date. Nababagabag naman si sasuke dahil alam niyang kapag nagpatuloy ito, maaring mawala si Sakura sa kanya.
"Kung sa bagay, mahirap nga iyang sitwasyon mo Sasuke. Mahirap maging kaagaw ang kapatid sa babae. Nililigawan mo na ba si Sakura?"
"Bakit ko naman siya liligawan?"
"Ay, grabe ka rin eh no? Halata na ngang may gusto ka dun sa kababata ko, itinatanggi mo pa. Bahala ka, ikaw rin." Pagbabanta ni Naruto kay Sasuke. Umiling naman ito. Bakit kasi ayaw niya pang aminin sa sarili niya at sa iba na may gusto na siya kay Sakura, eh halatang halata naman na?
"Yan na naman si Mr. Pride. Dapat palitan na yung logo ng Pride eh, dapat ikaw na lang. Sigurado ako lalakas benta nung sabong panlaba na yun dahil saýo."
Ngumiti naman si Sasuke sa sinabi ng kanyang bestfriend. Tumira ng isa si Sasuke at boom, panalo na naman. Napailing naman si Naruto.
"Hn. Oo na, gusto ko siya. Masaya ka na?" sabi nito sabay punas ng pawis. Nginitian naman siya ni Naruto.
"Yon! Umamin din! Ano, kelangan mo ba ng tulong? Tara, ligawan natin si lapad-noo."
"Kaso, baka mabasted lang ako eh. Feeling ko ang gusto niya si Kuya. Baka mawasak ang reputasyon ko."
"Anong reputasyon pinagsasabi mo diyan? Sasuke naman, pagdating sa love, hamakin mo na ang lahat! Ang hirap kasi saýo, hindi ka pa nga sumusubok, sumusuko ka na. Tapos yung pride mo nakabalandra, ayan, anong napala mo? Lalong napapalayo saýo si Sakura." Pangangaral nito. Aba! Asensado ang kulugo. May piece of advice na ngayon para sa kaibigang si Sasuke. Iba na talaga kapag naeengage eh, marmaing natututunan sa buhay.
"Hn. Ayos ah, saan mo ba napulot yang mga pinagsasabi mong iyan ha?"
"Ganyan talaga kapag naiinlove Sasuke. Tumatalino"
"Saýo lang ata umeepekto yan eh. Bakit naman si Neji nagpakatanga muna bago tumalino?"
"Eh kasi po, iba-iba epekto ng pag-ibig sa tao. Tulad mo, naging madaldal ka, naging palangiti ka, medyo nabawasan yabang mo. Yun nga lang, torpe ka pala no?" Pangaasar nito.
"Ako? Torpe? No way. Pa'no ko naman napasagot yung mga babaeng yon kung torpe ako?"
"Bakit tol, ikaw ba nanligaw sa kanila? E diba, sila sumusuyo saýo? Sus. Nasanay ka kasing hinahabol ng babae. Ngayon, nakakita ka ng katapat mo. Hahahaha!" Sabi nito sabay tawa. Napabuntong hininga naman si Sasuke. Kung sa bagay, may point si Naruto. Nakahanap nga siya ng katapat niya. Dahil kung inaakala niyang lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya eh kaya niyang pasagutin ng ganun lang, dun siya nagkamali. Naiba nga si Sakura.
"Oh, ano, liligawan na ba natin si lapad-noo?"
Sandaling natahimik si Sasuke. Naghahanap siguro ng kasagutan. Kung hindi niya pa liligawan ang dalaga, kelan pa?
Tumango si Sasuke na naging sanhi ng suntok ni Naruto pataas, tanda ng tagumpay. Kaso, pagsuntok niya, nasuntok niya pala ang display ng iba't ibang kulay ng bowling balls na naglaglagan sa gilid. Tinamaan ng mga ito ang lamesang naglalaman ng 2 coke at isang ice cream na tumapon sa bag ng isang babae. Nadulas naman ang isang lalake ng matapilok sa ibang bowling balls samantalang sumemplang naman ang isang bata sa pagkakadulas sa coke na tumapon.
Pinagtinginan sila ng mga tao. Napatungo na lamang si Sasuke habang namumula sa kahihiyan samantalang nagkakamot ng ulo si Naruto habang nabungisngis.
"Ah… Ahihihi, sorry." Sabi nito sabay show ng peace sign sa kanyang mga daliri. Napailing na lamang si Sasuke. Mukhang kakaharapin kasi nila ang malaking pagsubok.
Maya-maya, binayaran ni Sasuke lahat ng damage sa bowling area na sanhi ng kapalpakan ni Naruto.
"Sorry na talaga Sasuke, wag ka na magalit. Pansinin mo na ako oh." Pagmamakaawa ni Naruto habang nakayakap sa binti ni Sasuke.
"Lumayo ka nga sa'kin. Naubos yung pambili ko ng basket ng kamatis dahil saýo." Malamig na sagot nito. Pero hindi natinag si Naruto. Nakayakap pa rin sa binti nito ang binata at nagmamakaawa.
"Magbabayad talaga ako Sasuke pangako!"
"Hn. Sinabi mo na yan nung naghugas tayo ng mga pinggan sa Ramen House eh, limang taon na ang nakalipas hanggang ngayon wala pa din yung bayad mo."
"Pansinin mo na ko pleaaaase"
"Pinapansin kita kumag. Pakawalan mo na ko."
"Hindi kita papakawalan hangga't di mo ko pinapatawad. Sorry na Sasuke. Promise talaga bibilhan kita ng dalawang basket ng kamatis!"
"Hn. Sinabi mo na yan nung pinagbayad mo ko dun sa date niyo ni Hinata. Napadaan lang ako nun eh, bigla mo ba naman akong hinila dahil kulang yung pambayad mo. Isang buwan na ang nakakalipas wala pa rin yung kamatis ko."
"Hay! Basta mababayaran kita, salapi man o kamatis, basta patawarin mo na ko Sasuke. Huhuhu" Pagmamakaawa nito with matching puppy eyes pa. Nakayakap pa din ito sa binti ni Sasuke habang hinihila ang pantalon nito. Iritable na ang raven haired na binata sa pinagagagawa ng kaibigan pero hindi pa din niya ito pinapatawad.
"O sige, patatawarin na kita sa isang kondisyon."
"Ano yon? Kahit ano basta patawarin mo na ako! Lahat hahamakin ko!" Determinadong sigaw nito habang nakangiti. Nagsmirk naman ang binata. Nagisip ito kunwari at bgilang tumitig sa kasama.
"Tutulungan mo akong ligawan si Sakura."
Nanlaki naman ang mata ni Naruto sa sinabi ng binata. "ANG HIRAP NAMAN NIYAN TEME! IBA NA LANG!"
"Hn. Deal o hinde?"
Napaisip si Naruto ng ilang saglit. Napalunok ito sabay sabi: "O sige na nga! Deal!" Pagkasabi ni Naruto nito ay pumiglas na siya sa pagkakakapit na parang unggoy sa binti ng binatang Uchiha. Pinagpag naman ni Sasuke ang pantalon niya tapos ay tinitigan si Naruto.
"Hn. Ikaw itong magaaya sa akin na ligawan si Sakura kanina, ngayong pumayag na ako biglang ayaw mo na. Ano ba talaga?"
"Eh kasi teme ano eh, ngayon ko lang narealize hindi ko alam kung paano liligawan si Sakura kasi maton yun eh."
"Sus. Sige, let's put it this way. Ano bang mga likes and dislikes ni Haruno? Anong mga hilig niya bukod sa pagkain at pangiinis sa'kin? Anong mga paborito niyang pagkain, libro, kanta, artista, gawain at lugar? Yung mga gano'ng bagay."
"Hmm. Umpisahan natin sa Stawberries. Mahilig yun sa strawberries. Sa sobrang hilig nga, nanalo yun sa strawberry eating contest! Nakaubos yun ng isang strawberry basket!"
"Strawberries? Sige." Sabi ni Sasuke sabay ngiti. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig no? Napapangiti ang isang tao. Bibihira lamang kasi ngumiti ang gwapong Uchiha pero yung ngiting ipinakita niya eh yung tipong nakakatunaw at nakakalaglag panga. Kaya nga pati si Naruto eh napatitig ng matagal sa kaibigan.
"Sapak gusto mo?" Tanong ni Sasuke na nakapagpabalik kay Naruto sa realidad.
"Ha? Ah, sorry. Gwapo mo kasi pre eh."
"Hn."
"SAKURA! MAY DALAWANG BASKET NG STRAWBERRIES DITO PARA SAÝO!" Sigaw ni Ino kinaumagahan. Napatakbo naman si Sakura mula sa kanyang kwarto at nakita ang dalawang malalaking basket ng strawberries na nakabalandra sa lamesa nila. Ngumiti naman ito at nilapitan ang lamesa.
"Kanino galling?" Tanong ng pink-haired na dalaga.
"Ewan, tingnan mo yung card." Sagot ni Ino habang nilalagyan ng palaman ang pandesal gamit ang strawberry jam na nakalagay rin sa basket. Hinanap naman ni Sakura ang card sa loob ng basket at nang matagpuan ito, agad na kinuha at binasa.
"Magandang Umaga saýo Haruno. Para saýo ang mga ito. Uchiha." Nagkatitigan naman ang magbestfriend at nagtilian.
"OMG GALING KAY PAPA ITACHI!" Sigaw ng dalawa. Nagtatalon ang dalawa at patuloy na nagtilian. Nang mapagod, umupo si Ino samantalang tumulala si Sakura habang nagdedaydream. Iniimagine ang mukha ng panganay na Uchiha.
"Tsk, Naruto kahit kalian palpak ka talaga." Naiiritang sabi ni Sasuke sa labas habang nakasilip sa binoculars. Agad namang inagaw ni Naruto yung binoculars sa kanya at sumilip.
"Bakit? Ano mali sa ginawa ko?"
"Uchiha lang yung nakalagay sa card, walang Sasuke. Akala niya kay kuya galing. Tsk." Sagot nito.
"Ganun? Ay! Oo nga pala no? Sayang naman! Ang mamahal pa naman nung strawberries tapos iba lang makikinabang! Naku, sabihin mo sa kanya!"
"Hn. Di bale na, babawi na lang ako." Napabuntong hininga na lamang ang dalawa.
"Stawberry ju-juice a-at straw-strawberry stuffed toy? Pa-para saýo ata to Saku-chan." Sabi ni Hinata sa kaibigan habang nasa cafeteria sila. Kinuha naman ni Sakura ang mga strawberry items at tiningnan ang card.
"To Bakura." Basa ni Sakura. Kumunot naman ang kanyang noo at binasa ulit ang pangalan sa card. "Ba-Ku-Ra" wika niyang muli. Tinitigan naman siya ni Hinata. "Bakura?" Tanong ni Sakura.
"Ba-baka naman typographical error lang yan." Payo ni Hinata.
"Ewan, siguro kaso… Bakura? Hahahaha!"
"Uhm, excuse me miss, kanina mo pa tinatawag pangalan ko. And, what's funny?"Wika ng isang blue-haired na dalaga with brown highlights. Tinitigan naman siya ni Sakura.
"Ikaw si Bakura?"
"Oo, ako nga. And you are?"
"Uhm, Sakura. Sorry kung tumawa ako. Akala ko kasi para sa'kin yung gift eh. May Bakura pala talaga." Sambit ni Sakura. Ngumiti lamang si Bakura.
"It's okay. Kanino galling?"
"I don't know. Walang pangalan eh. Nakalagay lang 'to Bakura.' Sige, kunin mo na."
"Gee, thanks. Nagkamali ata ng lagay boyfriend ko ng table." Wika nito at naglakad na papalayo.
"Akala ko pa naman para sa akin. Hay" Sabin ng green-eyed teenager sa kaibigan. Ngumiti naman si Hinata.
"Akala ko rin eh." Wika nito.
Samantala…
"Hanep ah! Pang-ilan na yan? Sablay ulit!" Sigaw ni Chouji mula sa lamesa nila. Tumawa lamang si Neji.
"Eh pa'no, si Naruto pinagsulat mo, alam mo namang bobo sa spelling yan."
"Oy! Sobra ka Neji ha! Magkamukha lang S tska B ko pag cursive. Pero kahapon naintindhian niya sulat ko. Yun nga lang, wala pangalan ni Sasuke dun. Hay, fail na naman."
At hindi na nagreact si Sasuke. Maghapon siyang nanatiling nakasimangot dahil sa mga kamalasan niya sa buhay.
"Uhm, Sakura..." Wika ng gwapong Uchiha nang maispatan ang dalaga. Kasulukuyang nagaayos ng mga files si Sakura para sa kanyang thesis nang makita siya ni Sasuke. Lumingon naman ang magandang dalaga sabay ngiti.
"Oh, Sasuke, nandiyan ka pala! Anong ginagawa mo dito sa library?" masayang tinanong nito. Natulala naman si Sasuke, tila namental block at nakalimutan ang speech niya na kanyang inensayo ng mahigit isang oras.
Sabihin mo na Sasuke. Kaya mo yan.
Sabihin mo na.
Iabot mo na yung chocolate. Dali!
"Uhh, Sasuke? Okay ka lang?"
"Ha? Ah... oo, oo naman! Sus, ako pa. Ah.. ano.. uhh"
Wow. The great Uchiha Sasuke stuttered for the first time. -insert applause here-
"Hahahahahahaha!"
"Oh, ba't mo ko tinatawanan?"
"Eh kasi eh! Hahaha!" Sagot ni Sakura habang tumatawa. Halos naiyak na ang dalaga sa pagtawa at napangiti naman si Sasuke sa kanyang nakita. Ang pagtawa ni Haruno Sakura ang isa sa mga pinakaaasam niyang makita at ang maging dahilan ng kanyang pagtawa ay isang malaking bagay para sa kanya. Ang drama di ba?
Eh, in love eh.
"Shhhhhh!" Pananaway naman ng librarian at iba pang mga estudyante na nasa paligid. Napasweat drop naman ang dalawa sabay ngiti. Tumatawa silang lumabas ng library.
"Ayan, ang ingay mo kasi eh. Hn."
"Eh sorry naman ha! Nakakatawa ka kasi eh" Wika nito sabay ngiti. Nagsmirk naman ang binata in return.
"Tss. Kalimutan mo na nga yon. Nahihilo lang kasi ako kanina."
"Nahihilo! IKAW! Maniwala ako saýo, oh, ano ba problema?"
"May ibibigay kasi ako saýo."
"Ano yun?"
Iniabot ng binata ang isang box ng strawberry chocolates sa dalaga, ang kanyang paborito. Nagblush naman si Sakura at napangiti.
"Para... para saan to?"
"Gusto ko sana kasing ayain ka."
"Saan?"
"Oh, Sakura, nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap!"
Lumingon naman ang dalawang nagmomoment sa nagsalita.
Tch, si Kuya na naman.
Kelan ka kaya hindi sasablay, Sasuke?
