A/N: Hello! Grabe after 8 years, naisipan kong mag-update ulit! Di ako sure kung may nagbabasa pa nito (sana meron pa hehe) but anyway, nagdecide akong ituloy 'to. Hope you enjoy!

Chapter 10 – Secret spot!


"Palpak ka na naman ba, Sasuke?" Tanong ni Naruto sa kaibigan. Tiningnan lang siya ng masama nito at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

"Kasi naman teme, sabihin mo na lang kay Sakura na gusto mo siya. Wala namang masama dun."

"Tsk."

"Hirap kasi sa'yo masyadong mataas pride mo eh. Sige ka, pag natuluyan nang mahulog si Sakura kay Itachi, ikaw din magsisisi. Kakayanin mo bang maging sister-in-law si Sakura, ha? Teme?" muling pangugulit ni Naruto sa kaibigan.

Napikon naman si Sasuke kaya itinigil nito sa gilid ang sasakyan at muling tiningnan ng masama si Naruto. "Baba," mahinahong sabi nito.

"OY SASUKE! ETO NAMAN MASYADONG PIKON? ANONG MALI SA SINABI KO?! WAG NAMANG GANON!" Sigaw ni Naruto.

"Kung ayaw mong bumaba, manahimik ka," masungit na sagot nito.

Umiling naman si Naruto at nagkamot ng ulo. "Oo na, mananahimik na."

"Ang arte-arte nito, akala mo chicks," bulong ni Naruto na narinig naman ni Sasuke.

"Ano?"

"Wala, teme. Hehe sige na, drive safe na tayo," sagot naman ni Naruto.


"Sasuke, tamang-tama nandito ka. Ipapakilala ka ni Itachi sa board of directors mamaya. Magsit-in ka na rin sa meeting para maging pamilyar ka sa mga upcoming projects natin with our partners."

"Sige po, Dad," sagot ni Sasuke sa ama. Kilala ang Uchiha Group of Companies sa iba't-ibang business ventures. Mula nang makagraduate sa Unibersidad si Itachi, pinaghawak na agad ito ng ama ng iba't-ibang mga proyekto sa kanilang kumpanya. Dahil matalino at magaling, kahit na nagsimula sa pinakamababang posisyon, mabilis na-promote si Itachi. Kasulukuyang Marketing Director ng kanilang kumpanya si Itachi at di mapigilang mapagkumpara ang dalawang magkapatid.

Di man pinapahalata ni Sasuke pero madalas ay may insecurity ito sa kanyang Kuya. Mula kasi pagkabata nila, lagi na silang napagkukumpara. Idolo niya ang kanyang nakatatandang kapatid ngunit di rin maiwasang ma-pressure si Sasuke sa dami ng achievements nito.

Natapos ang meeting at lalong nakaramdam ng pressure si Sasuke. Bagamat di pa nakakagraduate, unti-unti na siyang ginagawang parte ng kanilang kumpanya. Pinapaupo sa mga meeting, pinapakilala sa mga business partners, pinag-iintern at binibigyan ng ama ng maliliit na mga proyekto para maging pamilyar sa kanilang negosyo.

Bukod pa doon, malapit na rin ang kanilang midterm exams, kaya kailngan niya na ring magreview. Nakaramdam ng sakit ng ulo si Sasuke kaya naisipan nitong magdrive papunta sa Konoha lake para magpalipas ng oras bago umuwi. Kailngan niyang magmuni-muni para mabawasan man lang yung sakit ng ulo niya.

Malapit ang Konoha lake sa kanilang Unibersidad. Kilala ang lawa na ito bilang tambayan ng mga pamilya't magkakabigan. Malawak ang lake at meron itong tourist area na puno ng mga kubo, bench at mga food stalls. Pumunta si Sasuke sa di kilalang parte ng lake kung saan maraming puno at madalas niyang tambayan sa tuwing gusto niyang mapag-isa.

Hindi niya naman inaasahang makita niya ang isang pink-haired na dalaga na nakaupo malapit sa ilalim ng puno na malapit sa lake nang dumating siya dito. For some reason, lagi silang nagtatagpo kahit na lately ay iniiwasan niya ito.

Napatigil naman sa pagbabasa ng libro si Sakura at napatingala nang makita si Sasuke sa di kalayuan na nakatingin sa kanya. Nginitian niya ito.

Di naman maiwasan ni Sasuke na titigan si Sakura kahit na ayaw niya sanang lapitan ito. Kahit papaano, naramdaman ni Sasuke na gumaan ang kanyang loob nung ngitian siya ni Sakura.

"Tatayo ka lang ba diyan? Halika, may space pa dito sa picnic blanket ko," wika ni Sakura sabay turo sa espasyo sa kanyang tabi. Nagdalawang-isip naman si Sasuke kung lalapitan ba niya si Sakura. Alam niya kasing madalas nang magdate sina Sakura at Itachi. Bagamat hindi pa official na sila, aware siyang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Sakura sa kanyang kapatid.

Ang hindi naman maintindihan ni Sasuke ay kung ano ang tunay na intensyon ni Itachi kay Sakura. Kahit na ayaw niyang pagisipan ng masama ang kanyang Kuya, kilala niya ito at alam niya ang mga type ni Itachi. Baka naman nagiba na siya ng taste? Hindi niya rin alam.

"Hoy, Uchiha. Halika na dito. Wag ka mag-alala hindi kita guguluhin. Nagrereview ako para sa exams."

Sa wakas ay nilapitan na rin ni Sasuke ang dalaga at umupo ito sa kanyang tabi. Sumandal si Sasuke sa puno at nagbuntong-hininga.

Nagpatuloy naman sa pagrereview si Sakura habang nagha-hum ng isang kilalang awitin. Palihim na tinitigan siya ni Sasuke habang nakasandal pa rin sa puno. Di naman namalayan ni Sakura na inoobserbahan pala siya ng binata.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Sakura kay Sasuke, sabay lingon dito. Agad namang umiwas ng tinigin si Sasuke at hindi sumagot sa tanong ng dalaga.

"Parang malalim iniisip mo ah, may pinagdadaanan ka ba, Sasuke?"

"Akala ko ba di mo ko kakausapin?" masungit na sagot nito.

"Eto naman, concerned lang. Ang sungit mo talaga," sagot ni Sakura sabay irap. Nagsmirk naman si Sasuke in return.

"Madalas ka ba dito?" tanong ni Sasuke. Napalingon naman ulit si Sakura sa katabi at tumango.

"Yup. Eto ang aking secret spot! Pag gusto ko mapag-isa madalas dito ako nagpupunta o kaya sa library. Pero mas gusto ko dito kasi ang ganda ng lake lalo sa hapon" sagot nito habang nakangiti.

"Tch, gaya-gaya. Secret spot ko rin to eh," wika naman ni Sasuke.

"Huh? Eh madalas ako dito, di naman kita nakikita?"

"Hn."

Muli silang nanahimik at bumalik sa pagrereview si Sakura. Pumikit naman si Sasuke at di namalayang nakaidlip na pala ito.

Nang matapos magbasa si Sakura, naghikab ito at lumingon sa katabi. Napangiti naman ito nang mapansin na nakatulog pala si Sasuke.

"Tulog ka na naman, Sasuke. Mabait ka lang talaga pag tulog," sambit ng dalaga. Nagising naman si Sasuke at nagulat nang makitang nakatingin sa kanya si Sakura. Nanlaki ang kanyang mata at binaling ang tingin sa malayo. Natawa naman si Sakura sa reaksyon nito.

"Feeling ko talaga may problema ka eh. Kwento mo lang kung gusto mo maglabas ng sama ng loob. I'm willing to listen."

Tiningnan naman siyang muli ni Sasuke matapos niyang magsalita. Medyo lumambot yung titig ni Sasuke sa kanya kumpara kanina pero nanatili itong tahimik.

Muli siyang tinitigan ni Sakura at nagulat ito nang biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa titig ni Sasuke. Huh? Bakit ganon? Bakit ako biglang kinabahan?

"Sasuke? Okay ka lang ba? Bakit…bakit ganyan ka makatingin?" nanakunot ang noo ni Sakura at napakagat ito sa kanyang labi.

Napansin naman ito ni Sasuke. Napapansin niyang kapag malalim ang iniisip o di kaya'y kinakabahan si Sakura, madalas itong kumagat sa labi. Napasmirk namang muli ang binata.

"Okay lang. Madami lang iniisip," sambit ni Sasuke.

Pinigilan ni Sasuke ang sarili na magreach-out kay Sakura. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na hawakan ang buhok nito, ang pisngi nito, ang kamay nito.

"Hmmm, tulad ng? Stressful ba majors mo?"

"Oo. Tsaka, sa family business din namin."

"Ay talaga? Pinagwowork ka na ba ng parents mo sa family business niyo? Pero di ka pa graduate ah?" concerned na tanong ni Sakura.

"Ganun talaga, kailngan kong makahabol kay Itachi," nonchalant na sagot nito. Nalungkot naman si Sakura sa sagot ni Sasuke. Ramdam niya ang pressure na nararamdaman nito. Kung pressured siya na maging mahusay na Doktor, malamang mas pressured si Sasuke na sumalo ng mga responsibilidad sa family business nila lalo na't mataas na ang posisyon ng kanyang kapatid sa kanilang kumpanya.

"Kaya pala…kaya pala mukhang stressed ka kanina. Kaya mo yan, Sasuke!" Sagot naman ni Sakura sabay hawak sa kamay nito. Nagulat naman si Sasuke sa biglaang aksyon ni Sakura at napatitig sya sa kanilang mga kamay.

Na-realize naman ni Sakura ang pagka-ilang ni Sasuke kaya agad niyang inalis yung kamay niya sa kamay ni Sasuke.

"Ahh, haha sorry. Nasanay kasi ako kanila Naruto na kapag malungkot sila, either niyayakap ko sila or hinahawakan ko yung kamay nila. Sorry, sorry." Dali-daling pananalita nito.

"Okay lang," sambit naman ni Sasuke kaso huli na ang lahat kasi na-ilang na si Sakura at hindi na inulit pa ang paghawak sa kamay nito.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong ni Sakura.

"Hindi ako mahilig sa matamis."

"Ah, ganun ba. Hmmm..." sagot nito. Nagisip naman si Sakura ng pwede niyang gawin para i-cheer up ang malungkot na Uchiha habang nakapout. Napangiti naman si Sasuke. Cute. Hn.

"Tara na, gumagabi na," wika ni Sasuke. Agad itong tumayo at napatingin naman si Sakura sa kanya. Sumunod na rin si Sakura sa pagtayo, iniligpit ang kanyang mga gamit at itinupi ang picnic blanket.

Sabay silang naglakad patungo sa parking area. Magooffer sana si Sasuke na ihatid si Sakura ngunit tumanggi ito at sinabing dala niya ang kanyang sasakyan.

"Sige, Sasuke. Mauuna na ko. Ingat ka, drive safe!" Sambit ni Sakura habang nakangiti.

Maglalakad na sana papunta sa kanyang kotse si Sakura nang tawagin siya ni Sasuke.

"Hmm?"

Nilapitan siya ng binata, ini-angat ang kanyang dalawang daliri at tinapik ng dahan-dahan ang noo ni Sakura. "Salamat." Mahinang sabi nito, sabay talikod at naglakad papunta sa sarili nitong sasakyan.

Nagulat naman si Sakura sa ginawang pagtapik ng kanyang noo ni Sasuke. Huh, weird. Sambit ni Sakura sa kanyang isipan pero di niya mapigilang magblush at kabahan.

Maya-maya'y naglakad na siya patungo sa kanyang sasakyan habang iniisip pa din kung bakit ganun yung naramdaman niya sa ginawa ni Sasuke. Simpleng pasasalamat at tapik lang naman yun ng noo pero bakit ganun? Bakit, bakit parang iba yung naramdaman niya?


"Buti naman tapos na midterm week! Ahhh sana wala akong bagsak," reklamo ni Naruto habang kumakain ng ramen.

"Oo nga eh, ang hirap nung major subjects ko. Ugh, kinakabahan ako sana pasok pa rin ako sa dean's list," sambit naman ni Ino. Tahimik naman si Sakura habang kumakain ng strawberry cake, reward niya sa kanyang sarili dahil sigurado siyang mataas ang grades niya this term.

"OY! Teme! San ka pupunta?" Sigaw naman ni Naruto nang makita si Sasuke na bumibili ng kanyang tanghalian.

"Naruto, ang ingay mo. Nagtinginan buong cafeteria sa table natin!" Panunuway ni Ino dito. Tahimik namang natawa si Hinata at kinabahan si Sakura nang marinig na tinawag ni Naruto si Sasuke.

Bakit ako kinakabahan? Huh? Act normal sis, act normal! Pangungumbinsi ni Sakura sa sarili. Di niya rin maintindihan pero matapos nung nangyari sa lake, kinakabahan siya tuwing nakikita si Sasuke. Di naman siya ganito dati.

"Huh? Suplado naman nun. Di tayo pinansin," sambit ni Naruto sabay kamot ng ulo. Pinanood naman ni Sakura si Sasuke na maglakad papalayo sa kanila.

"Baka may toyo na naman yung tropa mo. Alam mo naman yan, sumpungin. Yung toyo pwede nang i-adobo," pagbibiro ni Ino habang umiiling. Tiningnan naman nito ang kaibigang si Sakura at muling umiling.

"Hay nako, ewan ko sa inyo," wika ni Ino sabay smirk.


"Nandito ka ulit," sabi ni Sakura nang makita si Sasuke sa lake. This time, si Sasuke naman ang unang nakaupo sa ilalim ng puno, ang pwesto na madalas tambayan ni Sakura.

Nagulat naman si Sasuke nang marinig ang boses ni Sakura. Sa dinami-dami naman ng lugar, dito pa sila ulit magkikita.

Ngumiti naman si Sakura sa binata at tinabihan ito. Bitbit ni Sakura ang kanyang paboritong libro at sumandal siya sa puno habang tahimik na nagbabasa.

Nanatili silang tahimik nang ilang minuto nang biglang magbuntong-hininga si Sakura. Lumingon naman si Sasuke sa kanya nang nakataas ang kilay, tila ba nagtatanong "Anong problema?"

Ibinibaba naman ni Sakura ang libro at tumingala sa puno habang nakasimangot. Muli itong kumagat sa kanyang labi habang nagiisip.

"Lagi mong kinakagat labi mo kapag malalim iniisip mo no?" sambit ni Sasuke. Nagulat naman si Sakura at lumingon dito.

"Ah, oo. Bad habit. Lagi ako pinagsasabihan ni Ino pag ginagawa ko to."

"Hn."

"Sorry, nakakaistorbo ba ko sa'yo?" tanong ni Sakura.

"Hindi naman."

"Okay."

"Hn. Sige na, ilabas mo na yan. Baka magsugat na yung labi mo sa ginagawa mo."

Ngumiti naman si Sakura sa sinabi ni Sasuke. Tumingin siya dito habang nag-iisip.

Muli siyang nagbuntong-hininga bago nagsimulang magkwento. "Ano kasi, wala na kong choice kundi tumuloy sa date namin nung lalaking pinagkasundo sa'kin. Hindi ko naman talaga maiiwasan yun, I was hoping lang na di na talaga matuloy," sambit ng dalaga.

Nanatili namang tahimik si Sasuke habang nakikinig sa pagsasalita ni Sakura. Tumingin ito sa malayo bago nagpatuloy sa kanyang kwento.

"Ayon. Ewan ko, kinakabahan lang siguro ako? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang, ang bata ko pa para dito. Gusto ko lang naman mag-aral at maging magaling na doctor sa future. Pero wala akong choice but to obey my parents."

Nang matapos siyang magsalita, lumingon siya kay Sasuke at nagulat sa ekspresyon ng mukha nito. Concerned at worried ang tingin ng binata sa kanya, at first time niyang makita ito. Napalunok naman si Sakura at nanatiling tahimik si Sasuke, malalim ang iniisip.

Nanatili silang tahimik habang nakatingin sa isa't isa nang biglang ilapit ni Sasuke ang kanyang mukha kay Sakura. Namula sa kaba si Sakura. Bumilis ang tibok ng puso at nakaramdam ng maraming paru-paro sa kanyang tiyan.

"Sa-sasuke?" tanong nito.

Hindi naman na muling nakapagsalita si Sakura nang halikan siya ni Sasuke. Dahan-dahan, mabagal, mahinahon. Di naman nakagalaw si Sakura sa bilis ng tibok ng puso niya. Hinawakan ni Sasuke ang mukha ni Sakura. She gasped in surprise at naramdaman din ni Sasuke ang pagkagulat ni Sakura kaya agad itong umatras.

Nanatili namang tulala si Sakura. Hinawakan ang kanyang labi, nagtataka sa nangyari.

"Sakura-" sambit ng binata.

Lumunok muli si Sakura, tila ba inaalam kung anong nangyari. Nang mahimasmasan ay muling tiningnan ang binata sa kanyang harapan. Sa sobrang lito niya sa nangyari, agad siyang tumayo, kinuha ang kanyang mga gamit at naglakad papalayo kay Sasuke.

Naiwan naman si Sasuke na nakaupo sa ilalim ng puno. Tatayo sana siya para habulin si Sakura pero anong sasabihin niya? Magsosorry? Aamin?

Nainis si Sasuke sa sarili kaya kanyang sinipa ang puno. Ramdam ang frustration at inis. Huminga siya ng malalim at ginulo-gulo ang kanyang buhok.

Samantala, si Sakura naman ay nanginginig sa kaba nang buksan ang kanyang kotse. Umupo siya sa likod ng manibela, huminga ng dalawang beses at sumandal dito.

"Oh my God. Anong nangyari? Huh?" tanong nito sa kanyang sarili.

Kung ano mang gulo ng isipan ni Sakura sa nangyari nung mga nakaraang araw, lalo siyang naguluhan ngayon. Hindi niya na rin maintindihan kung ano bang nararamdaman niya para kay Sasuke, kung meron man.

"Mali to. Ano ba tong nararamdaman ko, mali to," wika ni Sakura na ramdam pa rin ang bilis ng tibok ng puso niya mula sa halik ni Sasuke.


A/N: Hanggang dito muna!

Nainspire akong magsulat ulit after kong mabasa yung Sasuke Retsuden at manuod ng Boruto. Grabe no, after all this time sila rin pala magkakatuluyan? Haha!

Anyway, ayun. May mga inedit ko sa first parts ng story. Pasensya na kayo, highschool-first year college pa ko nung una kong sinulat ang kwentong ito kaya kung mapapansin niyo, medyo childish ang istilo at may mga jokes na medyo luma na. Sobrang OOC din nila dito kaya medyo nagccringe ako nung ineedit ko kaso di ko naman na pwedeng baguhin ng sobra yung kwento kasi maiiba yung plot.

TBH, medyo limot ko na yung ibang parts ng story na ito at yung chapter 10 na sinulat ko nung college di ko na mahanap kaya inulit ko yung buong chapter na to. Clear pa rin naman sa isip ko yung direksyon ng kwento, yung atake lang medyo maiiba.

Hope you guys liked it! For sure mabilis na akong makakapag-update kasi madami akong time lately. Sana may nagbabasa pa dito, haha!

Please don't forget to leave a review din. Salamat mga besh!