Author's note: Hello! Sorry naging busy ako sa work and grad school kaya sobrang tagal ng update. Pipilitin kong tapusin yung story na to this year (oo shuta, 10 years in the making kala mo naman napakaganda nung kwento HAHA!) kasi marami akong ibang SasuSaku fics in my head na gustong isulat, both in Filipino and in English! Matagal na rin akong di nakakasulat eh kaya gusto ko bumawi. Thank you sa mga nagbabasa pa rin nito at sa mga recently nagiwan din ng reviews. Will do my best na hindi kayo madisappoint!

Disclaimer: This is a work of fiction. Hindi ko pagmamay-ari ang Naruto.

Chapter 11: Nahihilo, nalilito – Sakura, Asan Ba Ko Sa'yo?


"Sakura, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan," sambit ni Ino habang pinapanuod ang kaibigan na kasulukuyang pinaglalaruan ang kanyang pagkain. Nakasimangot ito habang pinapaikot-ikot ang spaghetti sa kanyang tinidor, an unusual sight.

Wala namang imik si Sakura sa tanong ni Ino kaya muli siyang tinawag nito. "Sakura? Hello, lapad-noo, pansinin mo ko!"

Agad namang tumingin si Sakura kay Ino. Nagbuntong hininga ito ngunit hindi nagsalita.

"Ano na teh, bakit ka nakasimangot diyan? Kanina ka pa tahimik, ano ba kasing iniisip mo?"

"Huh? Ah, wala. Iniisip ko lang yung ano, yung uhh—"

Hindi natapos ni Sakura ang kanyang sinasabi nang biglang umupo si Naruto sa table nila Sakura. Napatingin ang dalawang dalaga sa kanilang kaibigan na malaki ang ngiti at mukhang excited sa kanyang sasabihin.

"Sakura! Ino! Buti naman nandito kayo. Akala ko di ko kayo maabutan sa lunch eh," masayang sabi ni Naruto habang inilalabas sa hawak na paper bag ang order niyang hamburger.

"Oh, bakit ikaw lang? Asan si Hinata?" tanong ni Ino.

"Ah, kasama niya mga kagrupo niya para sa project nila. Nagmimeeting sila. Oo nga pala, malapit na long weekend, tuloy tayo sa Sabado ha? Dun sa resort namin?" maligalig na sambit ni Naruto sabay subo ng burger.

Excited namang ngumiti si Ino nang maalala na may plano nga pala silang magbabarkada na pumunta sa resort ng mga Uzumaki para sa long weekend break. Napakastressful ng sem na ito kaya talagang kailangan nila ng bakasyon.

Samantala, si Sakura naman ay nanatiling tahimik, halatang malalim ang iniisip.

"Okay ka lang ba, Sakura? Parang di mo masyadong nabawasan yung pagkain mo?" tanong ni Naruto habang concerned na nakatingin sa kaibigan. Nginitian naman siya ni Sakura in return.

"Okay lang ako, may mga iniisip lang," mahinang sagot nito.

"Oy! Teme! Halika dito, sabay ka na sa amin kumain!" sigaw ni Naruto nang makitang naglalakad si Sasuke sa loob ng cafeteria. Dahil sa lakas ng boses ni Naruto, nagtinginan ang mga tao sa mga katabi nilang lamesa kaya napailing na lamang si Ino.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sakura nang marinig ang pangalan ni Sasuke kaya agad niyang ibinaling ang tingin sa kanyang pagkain.

Napansin ni Ino ang biglang pagbago ng mood ni Sakura nang marinig ang pangalan ni Sasuke. Nakakunot ang noo nito habang namumula at halatang hindi mapakali habang pinaglalauran ang kanyang pagkain.

Muling umiling si Ino habang nakatingin kay Sakura. Maya-maya'y ibinaling niya ang tingin kay Sasuke na halatang hindi rin kumportable na lumapit sa kanilang lamesa. Tintigan lamang nito si Naruto at saka naglakad papalayo.

"Suplado naman ng kaibigan mo, Naruto!" Natatawang sambit ni Ino habang umiiling. Natunugan na nito na nag-iiwasan sina Sasuke at Sakura. Mamaya niya aalamin kung bakit. No wonder wala sa ulirat si Sakura, malamang may nangyari na naman sa kanila ni Sasuke.

"Ewan ko ba diyan. Ilang araw na mainit ulo niyan mula nung matapos yung midterm exams. Sigurado naman ako na mataas grades niya bilang di naman na niya kailangan magreview. May sumpong na naman ata yan," sagot ni Naruto.

Nagkibit balikat naman si Ino habang nakatingin kay Sakura, confirming her suspicion na nag-iiwasan nga ang dalawa.

"Sakura, hilong-hilo na yung spaghetti mo kakapaikot mo diyan, di mo naman kinakain. Tara na, iwan mo na yan. Malapit na next class," sambit ni Ino na nagpabalik naman ng atensyon ni Sakura sa kanya.


Ilang araw na ring hindi mapakali si Sakura dahil sa nangyari sa kanila ni Sasuke sa Konoha Lake. Naalala pa rin niya yung mga labi ni Sasuke sa labi niya at hindi niya maintindihan kung bakit tuwing naalala niya 'yon, bumibilis ang tibok ng puso niya.

Napahawak si Sakura sa kanyang labi nang bigla siyang makaramdam ng tila mga lumilipad na paru-paro sa tiyan niya.

Kung si Sakura lang ang masusunod, gusto niyang kalimutan kung anong nangyari nung hapon na iyon. Ayaw niya nang maalala kasi ayaw na niyang maguluhan sa mga nararamdaman niya. Tahimik naman ang buhay niya dati bago dumating ang magkapatid na Uchiha. Di niya malaman kung bakit kailangan nilang sirain at guluhin ang katahimikan ng buhay niya ngayon.

Napabuntong-hingina na lamang si Sakura sa inis dahil hindi siya makapagreview sa library. Masyadong magulo ang isip niya kaya iniligpit niya na lamang ang kanyang mga gamit at naglakad palabas.

Bahala na.


"Sasuke, una na kami!" sigaw ni Naruto sa kaibigan na busy pa rin sa pagshoot ng bola sa basketball court.

Tumango lamang si Sasuke sa mga kaibigan at muling ibinalik ang atensyon sa pagsushoot ng bola. Kailangan niya ng pagkakaabalahan kasi kung hindi, alam niyang sa isang tao lang mapupunta ang atensyon niya buong maghapon.

Kay Sakura.

Napakamot naman ng ulo si Naruto habang pinapanuod si Sasuke. Nagtataka na talaga siya sa kakaibang mood swings ng binata.

"Ano kayang problema nun?" tanong ni Naruto kanila Shikamaru, Neji at Kiba.

"Hmm, base sa mood swings ni Uchiha, baka something related kay Sakura," sagot naman ni Kiba.

"Huuuuh? Bakit kaya?" nagtatakang tanong ni Naruto habang pinapanuod pa rin si Sasuke na halatang frustrated na sa pagshoot ng bola.

Biglang naalala ni Naruto na kakaiba rin ang mood at kilos ni Sakura kaninang lunch time. Baka nga may nangyari sa kanilang dalawa. Nagaway na naman ba sila?

"Tara na nga, pabayaan na natin si lover boy mag-isa diyan," pag-aaya ni Naruto sa mga kaibigan.

Hingal na hingal naman si Sasuke na napahiga sa gitna ng court dahil sa sobrang pagod. Naramdaman niyang sumasakit ang kanyang binti, braso at balikat dahil sa sobrang pagshoot ng bola sa ring. Malamang, sasakit ang buong katawan niya bukas pero wala siyang pake dahil at least mayroon siyang distraction mula sa frustration at kung ano pa mang nararamdaman niya mula nung hinalikan niya si Sakura.

Ginulo-gulo ni Sasuke ang buhok sa sobrang inis bago ito tumayo sa pagkakahiga sa gitna ng court. Tahimik na uminom ng tubig, nagpalit ng damit at nagdrive pauwi.

Bakit ko ba kasi ginawa yon? Tanong niya sa kanyang sarili habang nagdadrive. Ilang araw na niyang iniisip kung paano kakausapin si Sakura. Pero ano namang sasabihin niya? Magsosorry? Magpapaliwanag? Magrarason na wala siya sa sarili kaya niya ginawa yon?

Wala naman talagang ibang paliwanag bukod sa iyon ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Umiling na lamang si Sasuke sa sarili. Dahan-dahang nagpark ang binata ng kanyang sasakyan, kinuha ang kanyang mga gamit at tahimik na pumasok sa loob ng kanyang condo.

Bahala na.


"Sakura, umamin ka nga sa'kin. May something ba sa inyo ni Sasuke?" tanong ni Ino habang nakapila sina Sakura sa cafeteria para umorder ng lunch.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sakura sa tanong ng kaibigan.

"Ha? Something? Ano? Anong sinasabi mo?"

Umirap naman si Ino sa sagot ni Sakura. Obvious naman na may nangyari between them pero ayaw pang umamin nitong kaibigan niya. Minsan talaga gusto nang tuktukan ni Ino si Sakura dahil sa sobrang naïve nito.

"Girl, sobrang obvious mo kapag nagsisinungaling. Pwede ba, umamin ka na. What happened last week?" Iritang tanong ni Ino.

Napabuntong hininga naman si Sakura, knowing na wala na siyang lusot kay Ino. It's time na rin naman para ikwento niya dito ang nangyari. After all, si Ino ang expert sa relationships at hindi siya.

"Okay, bago ko sabihin sa'yo, promise no violent reactions," sabi ni Sakura habang naglalakad sila papunta sa isang table. Seryoso siyang tiningnan nito habang nagaantay ng sagot.

"Fine, fine. Kung ano man yan."

"Uhm, ano kasi…. Last week, di ba alam mo naman na isa sa mga favorite kong tambayan yung Konoha lake? So doon ako nagreview for midterms tapos biglang nandun din si Sasuke. Nung una nagkukwentuhan lang kami then biglang…"

Natigilan si Sakura sa pagsasalita nang maalala ang nangyari. Napakagat ito sa kanyang labi at nakaramdam muli ng mga paru-paro sa kanyang tiyan.

Nakanga-nga namang nagaantay si Ino sa susunod na sasabihin ni Sakura. Kumunot ang kanyang kilay at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kaibigan habang nagaantay sa sasabihin nito. Pa-suspense naman kasi masyado si Sakura!

"Ano? Anong nangyari?"

"Ino... Hinalikan ako ni Sasuke," sambit nito habang nakatingin sa kaibigan.

Ino gasped sa big reveal ni Sakura. Mga 5 seconds siyang napatakip ng labi habang pinaprocess ang sinabi nito sa kanya.

Namula si Sakura nang matapos siyang magkwento. Agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang kanyang kamay habang pinapakalma ang sarili.

"Oh my god, sis?"

"Ugh, Ino. Di ko na talaga alam bakit nangyayari sa'kin to."

"So, nag-usap na ba kayo?" curious na tanong ni Ino sa kaibigan. Umiling naman si Sakura in return.

"Anong nararamdaman mo ngayon? Ilang araw ka nang tulala eh, ibig sabihin ba, naguguluhan ka sa feelings mo between Sasuke and Itachi?"

Biglang nakaramdam si Sakura ng panic sa tanong ng kanyang kaibigan. Ano ba kasi 'tong nangyayari sa kanya? At bakit naman siya maguguluhan sa feelings niya when in fact, dapat clear naman from the start na si Itachi at hindi si Sasuke ang gusto niya.

"Sakura, be honest with me. Gusto mo ba si Sasuke? Kasi if not, you wouldn't be stressed out about it."

Si Sakura naman ang napanganga ngayon sa sinabi ng kaibigan. Huh? Bakit naman niya magugustuhan si Sasuke? Eh wala namang rason para-

Hindi natapos ni Sakura ang train of thought niya nang makita si Sasuke na naglalakad sa cafeteria. For some reason, nakaramdam na naman ng kakaibang pagikot ng sikmura si Sakura at naiinis na siya tuwing nararamdaman niya 'yon.

"Uhm? Sakura? Okay ka lang ba?" tanong ni Ino sa kaibigan. Napatingin naman si Ino sa direksyon ng mga mata ni Sakura at napasmirk sa kagagahan ng kaibigan.

"Patay tayo diyan, girl. Mukhang may something ka na ring nafifeel for the younger Uchiha," pang-aasar nito.

Tiningnan naman ni Sakura si Ino ng masama. "Pwede ba, bakit naman ako magkakagusto sa kanya? I mean, we are friends. Yun lang 'yon. Besides, sure naman akong hindi ako ang type niya at hindi rin siya ang type ko."

"Eh, ano bang type mo? Nafigure out mo na ba? Also, baka nakakalimutan mo: hindi mo laging nakakatuluyan ang ideal guy mo. Minsan, magugulat ka na lang, you start to develop feelings for someone nang hindi mo inaasahan. Probably because sila yung nakakapagpasaya sa'yo at sila yung tama para sa'yo."

Tahimik namang napaisip si Sakura sa advice ni Ino. Pero, kung tutuusin, hindi ba dapat si Itachi ang mas matimbang sa puso niya kasi si Itachi yung mas sincere? Kung ganon, bakit siya naguguluhan ngayon?

"Perhaps, you should talk. Feeling ko kailangan mong kausapin si Sasuke para malinawan kayo," muling advice ni Ino.

"Pero, anong sasabihin ko? Hindi ako magaling sa ganito, Ino. Tsaka, ayoko ng gulo between Sasuke and Itachi. Speaking of Itachi, nag-aya siyang magdinner bukas. Ino, anong gagawin ko? Oh no," pagdadrama ni Sakura habang nakapout.

Muli naman siyang inirapan ni Ino dahil may pagka-hopeless case na ang dalaga.

"Girl, ikaw lang makakasagot niyan. Wala namang masama if you show up tomorrow sa dinner with Itachi. Baka maconfirm mo yung nararamdaman mo for him when you see him."


Ilang araw nang naghehesitate si Sasuke na kausapin si Sakura. Tuwing makikita niya ito, natetempt siyang lapitan ang dalaga para kausapin. Bahala na kung anong masabi niya basta ang alam niya, he needed to bridge the gap between them.

Minsan naman, bubuksan ni Sasuke ang kanyang messenger app or telegram in attempt na magsend ng message kay Sakura. Pero ganun din, laging hindi niya matuloy.

Hindi alam ni Sasuke ang sasabihin kay Sakura. He never was good with words. Especially now na hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya.

That afternoon, nagpasya si Sasuke na maglaro saglit ng soccer kasama sina Neji para maiwasang mag-isip. Baka sakaling kapag napagod ang katawan niya at kumalma ang isip niya, malinawan siya sa mga gagawin niya.


Since may mga dapat pang tapusin si Sakura sa kanilang org, sa University na lamang siya nagpasundo kay Itachi. Hindi na siya gaanong nakapag-ayos para sa dinner nila pero sabi ni Itachi, di naman daw niya kailangang mag-alala dahil casual dinner lang daw ito.

Nagsuklay ng buhok si Sakura sa CR at nagretouch ng make-up para kahit paano fresh naman siya pag nagkita sila ni Itachi. After niyang muling magapply ng lipstick, nagbuntong hininga siya sa harap ng salamin. This is it, moment of truth.

Sana kahit paano ay malinawan siya sa mga nararamdaman niya for Itachi.

Nakita niyang nagmessage si Itachi na malapit na ito sa kanilang University kaya naglakad siya papunta sa tapat ng gate kung saan pwedeng mag pick-up and drop-off ng mga estudyante.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay dumating na ang sasakyan ni Itachi. Napangiti si Sakura nang ibaba ni Itachi ang bintana ng passenger seat. Kinawayan siya nito habang may hawak na white daffodils.

"Hi," nahihiyang sabi ni Sakura sa binata.

"I'm happy to see you again. Tara?" sagot naman ni Itachi.

Tumango lamang si Sakura in return at agad na pumasok sa loob ng sasakyan ng binata.

Sa di kalayuan, nakita ni Sasuke ang isang pamilyar na pink na buhok sa tapat ng gate ng kanilang school. Kagagaling niya lang sa soccer field para muling magpalipas ng oras. Magdadrive na sana siya pauwi nang makita ang dalaga na nakatayo sa labas. Napabuntong hinginga si Sasuke nang makita si Sakura.

Kaya lang, kagaya nung mga nakaraang buwan, nakita niya ang isang pamilya na sasakyan na tumigil sa harap ng kanilang university upang sunduin si Sakura. Ngumiti si Sakura nang makita ang sasakyan na tumigil sa kanyang harapan bago ito pumasok sa loob.

"Tch."

Muling napabuntong-hininga si Sasuke, this time mas malalim na hininga ang inilabas niya.

Sasuke was not the type na madaling sumuko. Wala siyang inuurungan. Hangga't kaya niyang lumaban, he won't give up without a fight.

Kaya lang, sa laban na ito, pakiramdam ni Sasuke unti-unti na siyang natatalo.


Author's Note: Again, maraming Salamat sa mga patuloy pa ring nagbabasa nito! Sasuke, laban naman tayo diyan? Kaya pa? EME!

Will try to update faster & edit some parts of the story na medyo off. Hope you like it!