Author's Note: As promised, here's the update! Hope you enjoy :)

Disclaimer: This is a work of fiction. Hindi ko pag mamay-ari ang Naruto.

Chapter 12: Long Weekend Part I


Aaminin ni Itachi sa sarili na napakaganda ni Sakura nung gabing iyon. Matagal naman nang maganda si Sakura pero para kay Itachi, mas attractive siya ngayong gabi. Sa ilang buwan na inaaya niya ang dalaga na lumabas para mas makilala ay nakita niyang hindi lang beauty ang meron si Sakura. She's also very smart and funny.

She seemed quiet tonight though and Itachi wondered what's bothering her.

"Are you okay, Sakura?" tanong ni Itachi sa dalaga.

"Huh? Ah, oo okay lang. Ba-bakit mo natanong?" Sagot ni Sakura. Napalunok si Sakura sa kaba at pinilit na tumawa para itago yung kaba at confusion na nararamdaman niya.

"Okay, mas tahimik ka kasi than usual. Is something bothering you?"

Napakagat naman ng labi si Sakura habang iniisip kung anong isasagot niya. She needed time to collect her thoughts kaya umiling na lamang muna siya. Pag-iisipan niya yung mga sasabihin niya habang kumakain ng hapunan. Sa ngayon, iibahin niya muna ang topic.

"Wala, mga bagay-bagay lang sa school. Kamusta work?"

Nginitian naman siya ni Itachi pabalik at nagpatuloy sa pagkwento tungkol sa kanilang kumpanya habang kumakain sila ng hapunan. Para hindi mahalata ni Itachi na marami siyang ibang iniisip, pinilit ni Sakura na ngumiti at tumango-tango sa mga kwento ng nakatatandang Uchiha.

"Sakura," seryosong banggit ng binata sa pangalan ng dalaga na nagpabalik ng buong atensyon niya kay Itachi.

"Hmm?"

"I wanted to ask you this since we've been started going out these past few months," tuloy nito. Nakaramdam naman ng kaba si Sakura dahil hindi niya inaasahang mapupunta sila sa ganitong usapan. Oh no, anong sasabihin niya? Hindi pa niya napagiisipan ng maigi ang isasagot kay Itachi nang biglang magsalita itong muli.

"I wanted to formally introduce you to my parents. They know I've been going out with you and, I want them to get to know you more."

Nasamid si Sakura sa iniinom na tubig nang marinig ang sinabi ni Itachi. HUH? FORMALLY INTRODUCE SA PARENTS?

Pinilit ni Sakura na hampasin ang dibdib para mawala ang pagkasamid at kabang naramramdaman. Nagulat naman si Itachi sa pagkasamid ni Sakura at agad itong nagreach out habang hinahaplos ang balikat ni Sakura.

"Okay ka lang?" Concerned na tanong nito.

Tumango-tango si Sakura habang patuloy pa ring hinahampas ang dibdib. Hindi siya ready sa mga nangyayari. Walang alarm, walang anything.

"Uhm, Itachi. Pwede bang pag-isipan ko muna?" Mahina niyang sagot.

Tumango naman si Itachi sa sinabi nito.

"Ano kasi, maraming gumugulo sa isip ko ngayon. And this, I mean, naappreciate ko na gusto mo akong ipakilala sa parents mo pero parang hindi pa ako ready. I-" napatigil si Sakura, hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Kung anong daldal niya on a normal day, nawalan siya ng mga salitang gusto niyang sabihin ngayon.

Ngumiti naman si Itachi para i-reassure si Sakura. "Okay lang," mahinang sagot nito. "Take all the time you need. I'm not in a hurry."

"Uhm, ano kasi... Itachi, gusto mo ba talaga ako? Are we… are we dating? Nililigawan mo ba ako? Naguguluhan kasi ako."

"Yes, Sakura. I like you and I'm trying to get you to like me," kalmadong sagot nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Sakura na tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng binata.

"Pe-pero bakit? Bakit ako? I mean, I'm just an ordinary college student. Sure ka ba sa mga desisyon mo?" Muling tanong nito. Natawa naman si Itachi sa mga sinabi ni Sakura.

"I don't know, I just like you."

Lalong nakaramdam ng confusion at kaba si Sakura. First time niyang makaexperience ng ganito, palibhasa lagi siyang focused sa pag-aaral. Hindi niya maintindihan yung mga nararamdaman niya sa mga sinabi ni Itachi. Naramdaman niyang namumula ang pisngi at tenga niya sa kaba kaya pinilit nitong tumungo habang nagiisip.

"Sakura, like I said, I'm not in a rush. You can think about it, okay?"

"Okay," bulong ni Sakura.


That night, mahinahong nakahiga si Sakura sa kama habang inaalala yung confession sa kanya ni itachi sa restaurant. Hindi siya makapaniwala na gusto talaga siya nito at gusto pa siyang ipakilala sa mga magulang niya. Pero, anong magiging reaksyon ni Sasuke kapag nangyari 'yon?

At bakit naman niya biglang naisip si Sasuke? Naggroan ang dalaga sa kanyang unan nang biglang maalala ang nakababatang Uchiha.

"Lintek na utak to, ano bang problema mo Sakura?!" Naiiritang sabi ni Sakura sa kanyang sarili.

The following morning, hindi na mapigilan ni Sakura ang sarili kaya nagconsult na ito kay Ino.

"Sis, ano? Kamusta dinner niyo ni Itachi?" tanong ng bestfriend nito sa kanya.

"Ino…. Omygod. Gusto niya kong ipakilala sa parents niya," sagot ni Sakura na muling nagblush nang maalala ang mga sinabi ni Itachi sa kanya the night before.

Nanlaki naman ang mata ni Ino habang kumakain ng cereal. "WHAT?!"

Kwinento ni Sakura ang mga napagusapan nila ni Itachi nung gabing iyon at nakinig si Ino nang maigi.

"So, have you thought about it?"

"Girl, hindi pa. Hindi ko alam anong nafifeel ko for Itachi. Akala ko malilinawan ako nung gabing yon pero parang lalo akong naguluhan? At tsaka, bakit gusto na niya ko agad ipakilala sa parents niya?"

"Alam mo besh, if you really like him, you wouldn't have these doubts," sagot nito. Napanganga naman si Sakura sa sinabi ni Ino. Muli nitong isiniara ang bibig at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay habang naggroan.

"Hindi ko na alam, Ino. Iniisip ko pa yung plans ng parents ko na ipagkasundo ako. I mean, I should've told Itachi about it, kung seryoso na pala siya sa'kin tapos si Sasuke—" natigilan naman si Sakura sa pagsasalita nang aksidenteng mabanggit ang pangalan ng nakababatang Uchiha.

This time, si Ino naman ang napanganga.

"Did you just mention Sasuke's name?!" Tanong nito sa kaibigan habang nakataas ang kilay.

Napalunok si Sakura sa kaba. Hindi niya rin alam bakit niya aksidenteng nabanggit ang pangalan ni Sasuke. Binuka ni Sakura ang bibig para magsalita pero wala siyang maisip sabihin kaya muli niya itong isinara.

"Girl? Hello? Earth to Sakura?"

Napatingin naman si Sakura kay Ino with confusion and frustration in her eyes.

"Sakura, umamin ka nga, gusto mo ba si Sasuke?"

"Ino, hindi ko alam. Kaibigan lang tingin ko kay Sasuke pero lately-" sagot nito sabay buntong hininga.

"Lately, ano?"

"Lately kasi, confusing yung mga ginagawa niya. I mean, gets ko naman na moody siya at medyo kakaiba umasta di ba? Pero, Ino, last week, hinalikan niya ko," pag-amin nito sa kaibigan.

Muli namang napanganga si Ino sa sinabi ni Sakura.

"ANO?!" sigaw ni Ino. Napaflinch si Sakura sa reaksyon ni Ino, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw nitong umamin sa kaibigan.

"Please, Ino wag kang maingay tungkol dito. Hindi pa kami naguusap pero pagkatapos ng araw na yon, sobrang… sobrang naguluhan ako."

"Syempre malilito ka talaga. Bakit ka niya hinalikan? Sinabi ba niyang gusto ka niya?"

"Hindi ko siya nabigyan ng chance na magsalita. Sa sobrang gulat ko, umalis ako agad."

Umiling si Ino sa sinabi ng kaibigan. Tulad nang inaasahan ni Ino, iiwas si Sakura sa confrontation.

"But, did you kiss him back? Anong nafeel mo pagkatapos?"

"I- I didn't kiss him back kasi nagulat ako. Tahimik kaming naguusap nun eh tapos ewan ko, alam mo yung parang bigla lang tumahimik yung paligid tapos kayong dalawa lang yung tao? Ganun yung nafeel ko nung mga oras na 'yon," kwento ni Sakura.

Muli niyang kwinento sa kaibigan kung anong nangyari nung hapon na 'yon sa Konoha lake. Yung tahimik na hapon sa ilalim ng kanyang paboritong puno kasama si Sasuke. Naalala niya kung gaano kagulo ang isipan niya nung mga oras na 'yon, at kung paanong bumilis ang tibok ng puso niya tuwing maalala niya yung halik ni Sasuke. Alam niyang mali ang mga nararamdaman niya lalo na't umamin na si Itachi sa kanya pero hindi niya maipagkaila na iba yung mga paru-parong naramdaman niya sa kanyang tiyan nung hapon na 'yon.

Alam rin ni Sakura na kailangan niyang kausapin si Sasuke tungkol dito. Kasi, kung seseryosohin niya si Itachi, ayaw niya ng gulo or ng any confusing feelings between her and Sasuke.

But, was that the right thing to do? Kahit si Sakura hindi na rin alam paano ireresolve ang problema niyang ito.

Dati naman schoolworks at exams lang problema niya. Marami na nga siyang inaalala sa med school, inaalala pa niya ang magkapatid na Uchiha. Hay!

"I guess you have to talk to Sasuke about it. You have to confront him, ask him ano ba talaga nararamdaman niya para sa'yo," payo ni Ino.

Tahimik lang si Sakura na nakatingin sa kawalan, iniisip kung anong next move ang gagawin niya.

"Pero, Sakura, gusto mo ba siya? Mas matimbang ba yung feelings mo para sa kanya kumpara kay Itachi?"

Hindi alam ni Sakura ang isasagot niya sa tanong ng kaibigan. Napapikit ito sabay release ng hininga.

"Ino, sa totoo lang, hindi ko alam. Siguro, gusto ko yung pagiging mabuti niyang kaibigan sa'kin. Pero kasi nitong mga nakaraan, confusing talaga actions niya. Hindi ko masabi kung gusto ba niya ko or mabuting kaibigan lang siya? May mga pagkakataon naman na gusto ko siyang sapakin sa inis kasi ang hirap niyang ispelengin!" Sagot ni Sakura sabay irap.

Natawa naman si Ino sa sinabi ni Sakura. "Sasuke can be a jerk kasi hindi siya marunong maghandle ng feelings niya. Pero tingin ko girl ha, gusto ka niyan. Pero kailangan niyo mag-usap. Kayo lang makakasolve niyan."


Finally, the long weekend came at ang magbabarkada ng Konoha U ay nagpunta sa malaking resort ng mga Uzumaki para magrelax.

Isa lamang ang hotel resort na ito sa chain ng 4 and 5-star hotels na pagmamay-ari ng mga Uzumaki. Malaki ang resort na ito at maraming amenities. Bukod sa infinity pool ay nasa beachside din ang hotel kaya talagang patok sa mga turista.

Excited sina Sakura, Ino at Hinata na sulitin ang spa at infinity pool ng resort. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay looking forward sa inuman at games sa beach.

"O, asan si Sasuke? Hindi ba siya sasama?" Tanong ni Kiba kay Naruto nang makarating sila sa resort ng mga Uzumaki.

Dumating sina Kiba at Choji kasabay ni Neji. Magkasama naman sina Ino at Sakura sa sasakyan ni Ino, magkasama sina Naruto at Hinata samantalang mag-isang dumating si Shikamaru. Agad yumakap si Ino sa kanyang boyfriend pagdating sa resort. Umirap naman si Sakura sa pagkaclingy ng kaibigan.

"Mamaya pa raw si Sasuke, habol na lang daw siya. May business meeting kasi na pinuntahan yung tropa natin," sagot naman ni Naruto.

Napabuntong hininga si Sakura nang malaman na wala si Sasuke nung mga oras na 'yon. May time siya mag-isip kung paano kakausapin si Sasuke at may time siyang magenjoy nang hindi nakakaramdam ng awkward energy mula sa binata.

Nagpunta sa kanya-kanyang mga assigned rooms ang magkakaibigan. Tatlong suite rooms ang nirentahan ni Naruto para sa kanila.

"Kung gusto niyo mag-solo mamaya, pwede naman, sabihin niyo lang sa receptionist," ani ni Naruto habang mapang-asar na tinataas ang kilay. Nagtawanan naman silang magkakaibigan dito.

Agad nagsettle sina Sakura sa kanilang resort, nagshower at palit ng swimwear at excited na pumunta sa infinity pool para magrelax. Samantala, nagready naman ang mga lalaki na maglaro ng frisbee at beach volleyball.

"Buti wala pa si Sasuke, kung nandito 'yon, hindi nun ipapasa satin yung bola," sambit ni Choji. Nagsmirk naman si Kiba. Pilit inaaya ni Naruto si Shikamaru na maglaro pero dahil tinatamad ito, mas pinili nitong umidlip.

Kinagabihan, nagsetup ng beer pong ang mga kalalakihan. Confident si Sakura na di sya matatalo sa larong ito dahil laging sakto ang aim niya ng bola sa mga beer cups. Kaso, mukhang mali siya ng akala dahil nakakailang sablay na shoot sila nila Ino, samantalang tawang-tawa naman sina Kiba tuwing mapipilitang uminom sina Sakura ng beer.

Naglaro din sila ng bobo game with a twist. Nagsilbing game master sina Shikamaru at Choji samantalang magkakampi sa Group A sina Naruto, Sakura at Neji at sa Group B naman sina Kiba, Ino at Hinata. Ang mechanics: magfiflip coin kung sino sa dalawang grupo ang mauunang sasagot. Magbibigay ng tanong sina game master at kapag mali ang sagot ng tinanong na player sisigawan sya ng bobo habang umiinom ng shot. Kada maling sagot ay may katumbas na shot.

Ang matatalong grupo ang uubos ng matitirang shots mula dun sa unang round ng tequila shots na inorder nila.

Let the games begin!

Sa unang round, sina Naruto at Kiba ang magkalaban. Napailing naman sina Neji at Sakura dahil alam nilang parehas iinom ng shot ang dalawa.

"Okay, unang maglalaro si Naruto. Ang tanong!" Sigaw ni Choji. Excited namang naghiyawaan at palapkan ang magkakaibigan habang inaabangan ang mga susunod na ganap.

"Kung ang vegetarian ay kumakain ng gulay, ano naman ang tawag sa kumakain ng tao? 5,4-"

"uhhhh…" Nanlaki ang mata ni Naruto sa tanong. Napakamot siya ng ulo sabay sigaw ng "Humanitarian!"

"BOBO!" Sabay-sabay na sigaw ng magkakaibigan.

"Grabe naman kayo maka-bobo! Hirap kaya!" Reklamo nito sabay inom ng shot.

"Bobo! Paano ka umabot sa college nang di mo alam sagot!" Sigaw ni Kiba. Pinagtaasan naman siya ni Naruto ng kilay.

"O sige nga, kung alam mo sagot, magsteal ka!"

"Malamang carnivorel!" Mayabang na sigaw ni kiba habang nakasmirk.

"BOBO!" Sigaw muli ng grupo. Nagulat naman si Kiba habang pinapanood na humahagalpak ng tawa ng grupo.

"Eh ano?"

"Ang tamang sagot ay cannibal. Halos magkatunog naman na ang carnivore at cannibal, Kiba," sagot ni Shikamaru habang umiiling. Wala namang choice si Kiba kundi uminom rin ng shot dahil mali ang sagot niya.

"Oy, teme! Andito ka na pala!" Sigaw ni Naruto nang makitang dumating si Sasuke sa kalagitnaan ng kanilang inuman.

"Hn. Mukhang nakarami na kayo ng inom ah." Kumuha si Sasuke ng isang bote ng beer at lumapit sa mga kaibigan. Tahimik itong tumingin sa paligid habang hinahanap ang isang dalaga na kanina pa niya iniisip.

"Hic!-Oy Sasu-Hic!-ke! Shot ka muna!"

Iniabot ni Naruto ang isang shot glass kay Sasuke at agad namang ininom ng binata ang shot ng tequila.

"Oooooh, andito na pala si Sasuke," pang-aasar ni Ino kay Sakura nang makita ang binata.

"Eh ano? Hindi ko naman siya hinahanap!" Sigaw ni Sakura na narinig ni Sasuke. Umirap ito sa kaibigan sabay tawa. Halatang lasing na ang dalawa kaya napailing naman si Sasuke sa kanila.

Tinulak ni Ino si Sakura papunta kay Sasuke at dahil nga lasing na si Sakura, natapilok ito at agad na tumama sa balikat ni Sasuke. Tinawanan siya ni Ino at agad namang binato ni Sakura kay Ino ng tsinelas niya.

Gumegewang na naglakad si Sakura para kunin ang binato niyang tsinelas ngunit tuluyan itong nadapa sa buhanginan. Muli namang umirap at umiling si Sasuke sa pagkaclumsy ng dalaga. Lumapit ito para tulungan si Sakura. Samantala, iniwan ni Ino si Sakura para puntahan ang boyfriend niyang si Shikamaru.

"Lapad-noo, punta lang ako kay Shika. Diyan ka muna sa jowa mo!" Sigaw ni Ino habang kumakaway papalayo kay Sakura.

Tinulungan ni Sasuke si Sakura na tumayo pero sinungitan siya nito. "Oh, matapos mo ko dedmahin ng ilang araw, lalapitan mo -hic- ko?!" sigaw nito habang nakapamewang.

"Tinutulungan lang kita tumayo," sambit ni Sasuke habang nakatingin sa dalaga. Sumimangot si Sakura in return kaya napasmirk si Sasuke dito.

"A-anong nakaka -hic- nakakatawa hah? May -hic - nakakatawa ba? Sapakan na lang!" Muling sigaw nito habang iniaangat ang kanyang kamao.

"Lasing ka na Sakura, magpahinga ka na."

"Si-sinong lasheng? Huh? Ikaw? Ako? -hic- sino?" Sagot nito habang dinuduro si Sasuke. Hinawakan ni Sasuke ang hintuturo ni Sakura at nagulat naman ang dalaga.

"Ikaw, Sakura. Lasing ka na."

"Hindi nga ko laseeeeng," sambit nito sabay hampas sa braso ni Sasuke.

Napalunok si Sakura nang biglang-

"Blaaargh!"

Nagsuka ang dalaga sa gilid ni Sasuke. Napaatras ang binata at agad namang hinagod ang likod ni Sakura.

"Hindi pala lasing ah," pang-aasar nito.

Hinawakan niya ang buhok ng dalaga para hindi ito madapuan ng suka. Hindi maiwasan ni Sasuke na mandiri at matawa kay Sakura.

"Madami ka bang kinain? Parang di nauubos yung nilalabas ng sikmura mo," pang-aasar nito.

Patuloy na hinagod ni Sasuke ang likod ni Sakura nang biglang matumba ito sa buhanginan. Buti na lamang ay nasalo niya ito bago ito sumalampak sa sarili niyang suka.

"Sakura? Sakura okay ka lang ba?" Inayos nya ang buhat sa dalaga nang marealize na nagblackout na ito. Napabuntong hininga naman si Sasuke habang iniisip kung saan ito dadalhin.

"Pambihira." Bulong nito habang nakatitig kay Sakura in frustration.


A/N: Another quick update! Wag kayong mag-alala, ilang chapters na lang until the finale!

Still trying to edit the story pa-unti unti kapag hindi busy sa work. Hope you guys would still continue to read and support this! Maraming Salamat 😊