Chapter 13 – Long Weekend II

A/N: Hello! Prepare for some FLUFF na may konting kirot (syempre hindi pwedeng puro saya lang. chos). We're nearing the end! Kapit lang guys!

In case interesado kayo, I was listening to Simula pa nung una by Patch Quiwa while writing this chapter. Bet nyo ba ng spotify playlist for this? Let me know. Anyway, enjoy!


Sakura wakes up with a massive headache. Gusto niyang tanggalin yung ulo niya sa katawan niya kasi sobrang sakit talaga. Tapos ang liwanag pa so ang una niyang sinabi pagkagising ay-

"Shit, ang liwanag."

She tried to open her eyes pero dahil nagulat sya sa sinag ng araw sa hinihigaan niyang kama she tried to close them again. She groaned because of her headache habang inaangat ang comforter para takpan ang ulo niya.

"May tubig diyan sa tabi mo at aspirin, uminom ka para matanggal headache mo," says a very familiar male voice. Medyo arogante at masungit ang tono and that tone could only belong to one person.

Sasuke.

Huh? Nananaginip pa ba si Sakura? At ano namang ginagawa ni Sasuke sa kwarto nila ni Ino?

Dahan-dahan niyang ibinaba ang comforter from her face para hanapin ang source ng boses. Narinig naman niyang nagsmirk si Sasuke sa kanya kaya bigla siyang napaupo which caused her na biglang mahilo dahil sa sobrang bilis ng pagkakaupo niya.

"Careful, ang dami mong nainom kagabi. I'm sure your head hurts like hell," Sasuke said. Nilapitan siya nito with his usual smirk plastered on his face, natatawa sa gulo-gulong buhok at confused na itsura ni Sakura.

"Huh? Anong ginagawa mo sa kwarto namin ni Ino?" Tanong ni Sakura while rubbing her eyes. She looked around and realized na iba ang kwarto na ito. Isa lang ang kama at iba ang layout from their room. Nagpanic si Sakura while looking around at mas lalo siyang nagpanic nung makita niya itsura niya sa salamin. Aside from her horrible hair and puffy face, swimsuit lang niya ang suot niya.

She gasped when everything else clicked in her head.

"Where are my clothes? Oh my god, may nangyari ba sa'tin kagabi?" Nagpapanic na tanong ni Sakura kay Sasuke who was, surprisingly, laughing.

First time itong nakita ni Sakura. Sasuke was laughing, like genuine na tawa while shaking his head. Matutuwa sana si Sakura na first time niyang makita si Sasuke na tumawa other than his usual arogant smirks, kaya lang siya ang cause ng pagtawa ni Sasuke at sobrang naiinis na siya dahil tawa lang ng tawa si Sasuke at hindi sinasagot ang tanong niya.

"SASUKE! Ano ba? May nangyari ba? Omygod wala akong maalala, shit patay ako kay In-" Sakura was REALLY panicking at kahit gusto pa sanang tumawa si Sasuke, nakaramdam na siya ng awa dito dahil para nang aatakhin sa puso ang dalaga sa harap niya. Sakura's left hand was on her mouth while her right was on top of her chest, aktong konti na lang magpapalpitate na.

"Calm down. First of all, walang nangyari sa'tin. You're wearing your damn swimsuit. Kung merong nangyari sa'tin, you won't be wearing anything," sagot nito. Nanlaki ang mata ni Sakura sa sagot ni Sasuke at sa sobrang inis niya, binato niya ito ng unan.

"OKAY? Eh bakit ganon, asan yung damit ko?"

"Di pa ko tapos magexplain. Second, kung hindi mo naalala, nagsuka ka twice. First was sa beach. Tapos nagblack out ka and I couldn't find Ino so I brought you into my room. I slept on the couch, okay? Hindi kita tinabihan. Then while I was putting you in bed, nagising ka para mag suka ulit. You puked on your clothes kaya nagpatulong ako sa staff na babae na tanggalin yung nasukahan mong damit. Sobrang dami mo bang kinain kaya ang dami mong sinuka?" Sasuke answered while shaking his head.

Lalo namang nakaramdam ng hiya si Sakura. Gustong-gusto na niyang magpakain sa lupa. Grabe naman, ang kalat niya kagabi? Like, literal na makalat kasi 2x siyang nagsuka at 2x na nawitness ni Sasuke yon. Putcha naman Sakura, sana ok ka lang?

Wala talaga siyang maalala at ramdam pa rin niya yung sakit ng ulo niya kaya agad niyang ininom yung tubig sa bedside table together with the aspirin. Sasuke walked towards the bathroom to retrieve Sakura's dress together with a bathrobe. Iniabot niya ito sa dalaga silently. Nakatitig lamang si Sakura sa kanya kaya ipinatong na lamang ni Sasuke sa kama yung mga hawak niya.

"Di ko makita yung key card mo kagabi kaya I asked reception this morning for an extra. Amoy suka yung damit mo kaya magbathrobe ka na lang pabalik ng room niyo. Here's the key card and your phone," pag-eexplain ni Sasuke habang inaabot naman this time kay Sakura ang key card at phone niya.

"Uhm, thanks," mahinang sagot ni Sakura na namumula pa rin sa kahihiyan.

"I'll get ready for breakfast," sagot ng binata. Tumango lamang si Sakura na sobrang nahihiya pa rin. Hinampas nito ng tatlong beses ang noo niya dahil sa mga kagagahang ginawa niya kagabi.

"I suggest na wag mong gawin yan sa noo mo. Malapad na nga, sinasaktan mo pa," pang-aasar ni Sasuke habang nakatalikod.

Iritable namang tumingin si Sakura kay Sasuke at akmang babatuhin sana ulit ng isa pang unan kaso napatigil siya nang makita yung malapad nitong likod at biceps. Agad namang nabitin ang viewing privilege ni Sakura dahil nagbihis agad ng T-shirt si Sasuke. Nilingon siya nito with a smirk on his face, tila alam na Sakura was staring kaya inirapan lamang niya ito in return. Natawa namang muli si Sasuke kay Sakura bago dumiretso ng banyo to brush his teeth.

Nagbuntong hininga si Sakura bago abutin yung damit niya kagabi pati yung bathrobe na inabot ni Sasuke. Inamoy niya yung bistida at napasimangot siya dahil -maasim nga. Yikes!

Sinuot niya yung bathrobe at mahinahong inayos yung buhok niya bago umalis sa hotel room ni Sasuke. Tumigil siya sa may banyo while staring at Sasuke's back.

"Uhm, thank you ulit last night. Sorry sa hassle and sa kalat and sa suka ko. Sorry din baka may ginawa pa ko tapos di ko na maalala? Omg nakakahiya ako. Never gonna happen again. Thank you ulit and I'm so sorry!" Dire-diretsong sambit ni Sakura before leaving the room.

Sasuke heard the door click and Sasuke was once again alone.

Nagsmirk siya sa memory ng Sakura na nagsusuka sa beach, Sakura na madaldal nung medyo nagkamalay ulit habang buhat niya sa likuran niya in search for their room, Sakura na nagsuka na naman at muntik pang lumangoy sa suka niya sa banyo, at sa Sakura na naglalambing sa kanya bago ito tuluyang makatulog.

"Thank you, ma'am. Pasensya na, hindi ko mahanap yung mga kaibigan niya and I'm in no position to undress her," Sasuke apologetically said while the female staff covered the very drunk Sakura with the comforter.

"Walang anuman po, sir! Ipalinis ko na lang din po sa janitor yung banyo," sagot ng staff. Tumango naman si Sasuke sa babaeng hotel staff bago ibaling ulit ang titig kay Sakura.

Nang makaalis ang mga janitor at staff sa hotel room niya, nagshower si Sasuke. Sinilip niya ulit si Sakura na natutulog pa rin sa supposedly kama niya sana. Sasuke exasperatedly sighed sa mga nangyari. Di pa nga siya nakakarami ng inom at balak niya sanang iwasan si Sakura para tuluyan na siyang makapagdetach sa feelings niya for the girl pero eto sila ngayon. Para siyang pinagtitripan ng universe sa mga nangyari. Pangit niyo kabonding, universe.

Naglagay ng bottled water at aspirin si Sasuke sa bedside table nang marinig niyang bumubulong si Sakura. Nilingon niya ito, malamang nagsisleep talk lang, pero nagulat siya na slightly nakadilat ang mata ng dalaga.

"Ano? Nasusuka ka ulit? Kakalinis lang ng janitor sa banyo," Sasuke teased. Pero seryosong nakatingin sa kanya si Sakura habang nakakunot ang noo.

"hooooooy ikaw ha, sasshke, bakit mo ko iniiwasan? Galit ka ba sa'kin? Akala ko ba friends tayo?" Tanong nito while slurring her words, obviously still very drunk.

"Sakura, matulog ka na. You're very wasted. Masakit ulo mo niyan mamaya."

"nooooooo, you need to -, you need to answer me. Me! Bakit nga? May nagawa ba ko sa'yo ha, Uchiha?"

Naparoll ng eyes si Sasuke sa kulit ng dalaga. Hinawakan ni Sakura ang kamay ni Sasuke at hinila ito papalapit sa kanya. Nagulat naman si Sasuke at muntik nang ma-out of balance.

"Why are you not talking to me nga? Iwas ka ng iwas sakin kala mo naman di tayo nagkiss sa secret spot ko!" Patuloy si Sakura sa paghila sa kamay ni Sasuke samantalang ang paborito naman nating masungit na binata ay nagulat sa sinabi ng lasing na dalaga. Amoy na amoy ni Sasuke yung alak at di kahit na di siya nakarami ng inom, parang pati siya nahihilo na rin.

"hooooy Uchiha, ang sunget sunget mo naman. Ayaw mo namang sumagot, pangit nito kausap. Bakit mo nga ko hinalikan tapos biglang di mo na ko kinausap? Ano yon?" muling tanong ni Sakura. Sasuke removed his hand from Sakura's grasp pero palaban ang dalaga at nagulat siya sa lakas nito. Napaupo siya sa kama sa sobrang lakas ng pagkakahila sa kanya ni Sakura.

Tumawa naman si Sakura nang mapaupo si Sasuke na hanggang ngayon ay nasstress na sa mga nangyayari.

"ano naaa Uchiha? Sagot naman diyan wala ka bang dila?" pangaasar nito. Umirap ulit si Sasuke sa inis at frustration. Hindi siya sure kung maalala pa 'to ni Sakura the next day pero drunk Sakura was 10x louder and more blunt than usual.

"I don't want to talk about it. Go to sleep."

"Wag mo ko utusan." Aside from maingay, makulit at nakakairita, may pagka-brat din pala si Sakura pag lasing. Wow, these were all new to Sasuke.

"Haruno, matulog ka na. Bukas tayo mag-usap."

"ayaaaan, ayan umiiwas ka na naman Sasshke. Ilang araw ka nang umiiwas sakin, puro ka naman mixed signals." Tinuturo-turo siya ni Sakura habang nagsasalita. Mga ilang pangungulit pa pero di pa rin sumasagot si Sasuke hanggang sa napagod nang muli si Sakura at naramdaman niya itong nakatulog nang muli. Sana last na yon at magtuloy-tuloy na tulog ni Sakura. 2am na rin at gusto na rin niyang magpahinga.

Mahinang tinapik ni Sasuke ang noo ni Sakura sabay dahan-dahang hinaplos ang ulo nito. Muli siyang nagsmirk nang magsimulang humilik ang dalaga. Maraming nawitness na nakakatawa (at oo nakakainis) si Sasuke from the pink-haired soon-to-be doctor pero these things only made Sasuke adore the annoying girl more.

Annoying.

That was the right term. She was annoying.

But Sasuke liked her nonetheless.

Little did Sasuke know that these feelings were already blossoming into something more. Ayaw man niyang pansinin at aminin sa sarili niya but these feelings were there. And he can feel it kahit ayaw niyang iacknowledge.

"Tulog na, Haruno. Ang daldal mo." Sasuke said before turning off the lights. He walked towards the couch and prepared to sleep.


"Omygod Sak! Kahapon ka pa namin hinahanap? Where were you?" Ino asked when a very haggard and hung-over Haruno Sakura with messy hair in a bathrobe entered their room. Napagroan ulit si Sakura nang maalala niya yung kwento ni Sasuke. Hinata and Ino were staring at her with concern dahil nawala ito last night.

Si Hinata lang ang natulog sa kwarto nila bilang isang conservative baby girl na nahihiyang magsleep over with Naruto. Surprisingly, considerate at gentleman naman ang boyfriend nitong si Naruto. Willing to wait until the wedding day, ika nga ng blondie na binata. Besides, more than sleepovers at mas maaksyon pa sa Ang Probinsyano ang magiging honeymoon nila.

On the other hand, Ino slept with Shikamaru. They booked a separate room pero dahil parehas silang lasing, borlogs din ang dalawa pagdating sa room. Ino went back to her shared suite with her girl besties this morning para magayos at nagulat nang malamang wala si Sakura. Saan naman kaya nagpunta yon?

Nalaman nila ang sagot this morning.

"Sakura-chan, a-ayos ka lang ba?" Mahinang tanong ni Hinata sa kaibigan. Umiling naman si Sakura in return.

"Girl, saan ka natulog? Sa banyo? Sa beach? Saan?" high-pitched na ang tono ni Ino, both because she was concerned but also amused. Makalat si Sakura, oo, pero first time nitong hindi umuwi or bumalik sa room nila.

"Natulog ako sa room ni Sasuke." Nonchalant na sagot niya. Sabay namang nag-gasp ang dalawa niyang kaibigan. Parehas nakanganga sina Ino at Hinata sa sobrang gulat.

"WHAT?! You slept with Sasuke? Omygod pokpok ka! Anong nangyari?" Full on panic and chismosa mode na si Ino. Tumakbo ito papalapit sa kaibigan at hinila ang braso nito papunta sa kanila para pilitin itong magkwento. Iritable namang umirap si Sakura kasi alam niyang namisinterpret siya ni Ino. What the hell.

"Gago, Ino, literal na natulog lang ako sa kwarto niya. Walang nangyari sa'min. Nakakahiya nga 2x akong nagsuka. Si Sasuke naglinis ayan, amuyin mo yung dress, maasim pa." Hinampas ni Sakura ang maasim niyang bistida sa mukha ng kaibigan at napatili ito dahil amoy suka talaga yung dress. 2x ba naman masukahan eh.

Agad inalis ni Ino yung bistida sa mukha niya at ibinato ito papalayo. "Leche kang lapad noo ka,I hate you! Can't you see naka make-up at ayos na ko? Kadiri! Ugh!" Umarte si Ino na nasusuka then she slapped Sakura's shoulder in anger.

Hindi naman mapigilan ni Hinata na matawa sa kakulitan ng mga kaibigan. Natawa rin si Sakura sa reaksyon ni Ino. Ayan ha, assume ka pa.

"Kulit mo eh, assume ka agad! Anyway, ayon, siya nag-alaga sakin for the night. I don't remember anything though pero I trust him naman na nothing happened. Magaayos lang ako then kwento ko what else I remember pagbaba sa breakfast buffet," nakangiting sabi ni Sakura who hurriedly took her toiletries from her suitcase. Tumakbo siya papunta sa banyo, excited na magshower para matanggal yung asim at lagkit sa katawan niya. Wow. What a night.


The girls spent the entire day pampering themselves sa spa habang ang mga lalaki naman ay tumambay sa pool pagtapos maglaro ng frisbee. Sasuke spent his afternoon reading habang nasa beachside. Masyadong maingay sina Naruto sa pool kaya pagtapos nitong maglublob saglit ay naghanap ito ng quiet spot para mapag-isa.

Successful naman siyang umiwas kay Sakura the whole day dahil hindi pa siya ready na kausapin ang dalaga. Sigurado naman siyang hindi naalala ni Sakura yung mga sinabi niya kay Sasuke the other night pero sure siyang kailangan niyang kausapin ito. Hindi rin naman tama na iwasan niya lang ng iwasan forever si Sakura. He had to man up kahit na hindi siya sure bakit siya nagkakaganito.

Sasuke was a snob but he was never a coward. All his life, siya ang hinahabol. Bukod sa mga fan girls niya sa school at sa mga coach nila sa University na pumipilit sa kanyang sumali sa varsity, hinahabol din siya ng pamilya niya to take responsibilities (para maging katulad ng kapatid niyang si Itachi). Sasuke always had it easy. He never had to think about challenges in his life bilang bunso ng mga Uchiha at bilang pogi at matalinong binata who always had his way.

Kaya naman nang maencounter niya si Sakura, parang nawala siya sa pacing niya in life. Siguro nga nakahanap siya ng katapat niya through this girl. Pero bakit naman kasi, of all people, kailangan pang kuya niya ang karibal niya? Para silang nasa plot ng isang kdrama at dahil sanay si Sasuke maging main character, hindi siya papayag na second lead lang siya.

Not that he liked Sakura because of the chase. He just liked her. He didn't even know why, how and when it started. Basta, he liked her and she makes him happy.

Or maybe, even more.

For now, habang nagrerelax si Sakura with her friends sa spa, Sasuke would temporarily block out everything and concentrate on his book. Mamaya na niya poproblemahin ulit si Haruno.


Despite her best efforts, hindi maalis ni Sakura sa isip niya si Sasuke. She was embarrassed, oo, pero more than that, she felt kind of light and weird kanina.

Hindi niya madescribe pero, she felt attracted to him. Ikaw ba naman pakitaan ng malaking biceps at malapad na balikat eh? Maattract ka talaga.

But more than that, she felt weirdly attached and attracted to him. Was it gratefulness kasi inalagaan siya ni Sasuke the other night? Was it confusion kasi ang labo ng situation nila at gusto niya talagang malaman kung bakit siya hinalikan ni Sasuke tapos biglang iniwsan tapos ngayon parang friendly ulit? Does she like him differently now?

She shook her head. She felt stupid.

"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiling diyan?" Nagtatakang tanong ni Ino sa kaibigan. Nagulat naman si Sakura at biglang napalingon kay Ino. Kasulukuyan silang nagpapafoot spa at pedicure nang mapansin ni Ino na nakatulala ang kaibigan tapos bigla na lang umiiling mag-isa.

"Wala. Wala yon."

"Weh? Iniisip mo si Sasuke noh?"

"Ha? Bakit ko naman siya iisipin?" Defensive na sagot ni Sakura. Tawang-tawa naman si Ino sa itsura ng kaibigan kasi halatang iritable na 'to.

Huli pero di kulong!

"Shut up, Ino. Ugh."

"Wala naman na kong ibang sinabi?"

"Pero nang-aasar yung tawa mo eh! Alam ko na kung anong iniisip mo."

Humarap naman si Ino sa staff ng salon na nagpepedicure sa kanila at sinali sa usapan. "Hala, ate, di ba kapag ganyang umiiling na mag-isa ibig sabihin in love na? Nako, nako Sakura wag kami ha. Di ba ate noh?"

Tumawa naman ang tatlong staff na nagaasiakso sa kanila kasabay nila Ino at Hinata. Sakura rolled her eyes while groaning.

"Bahala ka diyan sis. Kung ako sa'yo, kausapin mo na si Sasuke. Wag mong paasahin both Uchihas ha? Alam kong maganda ka pero wag kang masyadong magmaganda." Ino flipped her hair and continued to browse her magazine.


6:04 PM

Hi Sakura! What time are you checking out tomorrow? Want me to pick you up?

6:15 PM

Itachi! Hello. No need na. Sasabay naman ako kay Ino pauwi. Baka maabala ka pa.

6:20 PM

Are you sure? I'm free tomorrow. I can drop by.

6:30 PM

Wag na, ano ka ba! Nakakahiya. Hehe! Just enjoy your weekend. Thanks for the offer.

6:32 PM

Okay, enjoy the night. :-)


"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Sasuke kay Sakura habang nakaupo sila sa may buhanginan. Nagpasetup si Naruto ng bonfire sa may beach after nila mag dinner para mas cozy ang ambiance habang nagiinuman silang magtotropa. Last night na nila sa resort at kailangan na nilang bumalik sa siyudad the next day kaya itotodo na nila ang inuman.

Inalok ni Sasuke si Sakura ng beer at nakangiti namang tinanggap ito ng dalaga.

"Okay naman. Thank you pala ulit kagabi tsaka pasensya ka na if makalat ako," she answered, still embarrassed sa mga pinagagawa niya the other night.

Nagsmirk namang muli si Sasuke. "It's okay. Mas madaldal ka pala kapag lasing."

Nanlaki naman ang mata ni Sakura sa sinabi ng binata. Huh? Ano pa bang iba niyang ginawa na dapat niyang malaman? May nasabi ba siyang di niya dapat sabihin? Di na talaga siya iinom ulit, pangako niya sa sarili.

Nahalata naman ni Sasuke na medyo nailang si Sakura kaya tumawa ito habang nakatitig sa dalaga.

"Tawa ka diyan? Tama na please, oh my god. Wala na kong mukhang ihaharap sa'yo." Pulang-pula ang mukha at tenga ni Sakura sa sobrang hiya. Kung pwede lang siyang lamunin ng dagat right there and then, magpapakain na siya. Aliw na aliw namang muli si Sasuke sa itsura ni Sakura. Masarap talaga to asarin kasi pikunin.

"Aba, mukhang may nagkakamabutihan dito ah? Sana all!" Sigaw ni Kiba nang mapadaan sa pwesto nila Sasuke at Sakura habang may bitbit na mga bote ng tequila. Napangiwi naman si Sakura nang makita yung alak kasi ayaw na niyang magblack out at may trauma pa siya sa mga ginawa niya nung isang gabi.

"Gago ka Kiba, istorbo ka talaga. Kita mong nagliligawan yung dalawa eh," sulosol ni Ino which made Sakura roll her eyes.

"Kasi naman, respeto naman sa'ming mga single!" Muling sagot ni Kiba which made the group laugh.

Naggroan muli si Sakura at itinago ang mukha sa kanyang mga kamay sa inis.

Mukhang pulutan siya ng mga kaibigan niya ngayong gabi ah?

"Sige, laro na lang tayo truth or dare," sambit ni Naruto habang nilalapag ang isang empty beer bottle sa may banig kung saan sila nakaupo.

"Baduy mo naman? Truth or dare?" Pang-aasar ni Shikamaru. Tinaasan naman ito ni Naruto ng kilay.

"Kelan pa naging baduy ang truth or dare? Lagi 'yon nilalaro sa inuman. Timeless yon!" Sigaw ni Naruto. Wala naman silang choice kundi sumali sa laro bilang sagot ni Naruto ang buong bakasyon nila dito sa resort. Umupo sila nang paikot.

"Okay, ganito rules. Syempre truth or dare di ba? Pero kapag di nakasagot or di nagawa yung dare, iinom ng dalawang shot ng tequila," paliwanag ni Naruto.

Umalma naman si Sakura. "Dalawa? Hoy sobra naman!"

"Walang thrill pag hindi dalawa. Kaya umayos kayo," nonchalant na sagot ni Naruto na agad naman nang pinaikot ang bote. Natapat ang bote kay Hinata na agad namula nang makita iyon.

"Okay! Truth or Dare?" Excited na tanong ni Ino.

Pulang-pula naman si Hinata sa kaba at di namalayang bigla siyang napasigaw ng "Truth!"

Napatakip siya ng bibig nang marealize niya yung sagot niya. Oh shit. Bahala na.

"Ahhh, matapang ka ha. Sige. Kailan mo na-realize na gusto mo na si Naruto? Or hanggang ngayon hindi pa?" Mapang-asar na tanong ni Ino. Napalunok naman si Hinata sa narinig.

"Oh shit! Magkakaalaman na!" Sigaw ni Kiba. Pati si Naruto namumula at kinakabahan na rin sa isasagot ni Hinata.

"A-ano…. Uhhh…" panimula ni Hinata na pinagpapawisan na sa kaba. Kinomfort naman siya ni Sakura by rubbing her back pero halatang kabado pa rin ang dalaga. Hindi ito sanay na nagoopen up sa iba at lalong hindi siya sanay sa spotlight.

"10. 9. 8…." Pamemressure na bilang ng lahat sa grupo.

Nagbuntong hininga si Hinata sabay sigaw ng "Since elementary! Grade 4 p-pa lang ako, alam ko c-crush ko na siya."

Lalo namang namula si Naruto sa narinig. Kahit di required uminom, napashot si Hinata ng tequila sa sobrang kaba. Nagkatinginan sila ni Naruto kaya naman sabay-sabay humiyaw ang magkakaibigan.

"Yiiieeee! Ayan ang sana all!" Sigaw ni Choji.

Muling pinaikot ang bote. This time, si Hinata ang nagpaikot. Tumigil ito sa harap ni Shikamaru na bored na sumagot ng dare.

"Maglap dance ka kay Ino!" Pang-aasar na sigaw ni Naruto. This time, si Ino naman ang namula.

Tumatawa na si Naruto at handa na sana siyang iabot ang shot ng tequila kay Shikamaru nang bigla itong tumayo at naglap dance sa harap ni Ino. Nagulat ang lahat nung una dahil sobrang out of character at unexpected pero agad naman silang nakarecover. Naghiyawan ang mga ito at inilabas ang kanilang mga cellphone upang irecord ang once-in-a-lifetime na pangyayari.

"Damn, Shikamaru may ganyan ka palang moves!" Sigaw ni Sakura. Tawang-tawa naman ang lahat nang pabirong abutan ni Ino si Shikamaru ng pera para magpatuloy ito sa pagsasayaw.

"Woooh, ang init!" Napa-shot si Ino after siyang sayawan ni Shikamaru. Humingi ito ng isa pang shot habang pabirong pinapaypayan ang sarili.

"Lagot, alam na mamaya!" Hiyaw ni Naruto.

Muling pinaikot ang bote. Excited ang lahat dahil nagsimula nang mag-init ang gabi. Nakaabang sila nang biglang tumigil ang bote sa harap ni Sakura. Nanlaki naman ang mata ni Sakura na agad nagsabi ng dare.

"Kiss mo sa pisngi yung type mo sa tropa. Yung, if given a chance, pwedeng maging jowa mo." Ino teased. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Sakura. The blonde girl just shrugged, waiting for her friend to do the dare.

Nakaabang ang lahat sa gagawin ni Sakura at sa kung sino ang lalapitan niya. Kaso, bilang KJ ng taon, pinili ni Sakura na uminom ng shot ng tequila.

"Ano ba yan Sakura! Pangit mo kabonding. Si Shikamaru nga nag magic Mike dito eh," reklamo ni Naruto. Wala namang paki si Sakura kaya nagkibit balikat na lamang ito at pinaikot na ulit ang bote.

Di bale nang malasing ulit. Hindi siya ready sa confrontation with Sasuke sa harap ng mga kaibigan niya.

Natahimik naman ang lahat nang tumigil ang bote sa harap ni Sasuke. Ramdam nilang isa pa tong KJ.

Nagsabi si Sasuke ng "truth".

"Eto Sasuke ha, totohanan tayo dito. Gusto mo ba si Sakura?" Mapanghamon na tanong ni Ino sa binata. Nagulat naman ang lahat at sabay-sabay napatingin kina Ino at Sasuke.

"Woah. Straight to the point ah!" Sigaw ni Kiba. Nakaabang ang lahat kay Sasuke at kahit nagready nang magcountdown si Naruto at nagtagay na ng tequila si Choji, nagulantang sila nang bigla itong sumagot.

"Oo. I like her." Sasuke said cooly.

Time stopped.

Pause.

Natulala ang lahat. Napanganga. Napatingin from Sasuke to Sakura.

Parang eksena sa suspense film na nakaabang sila kung anong magiging reaksyon ng dalaga.

An awkward silence filled the air. Gulat na napatingin si Sakura kay Sasuke while Sasuke was just nonchalantly staring at the beer bottle sa lapag.

How can he stay that calm when he just dropped a bomb?

Nagpapanic na si Sakura at di alam ang sasabihin kaya inagaw nya kay Choji ang shot ng tequila, ininom ito at tahimik na muling umupo sa pwesto niya.

Nagkaayaan muna ang iba na magyosi, kumuha ng extra beer, mag CR at kung anu-ano pang excuse para mabigyan ng privacy ang dalawa.

Sakura continued to stare at Sasuke while Sasuke continued to stare at the discarded beer bottle.

Tangina? Hindi ka ba talaga magsasalita?

Finally, Sasuke looked up and gave Sakura a sad smile.

"Kaya mo ba ko iniiwasan nung mga nakaraang araw?" tanong ni Sakura. Nanatili namang tahimik si Sasuke, with a sad expression on his face.

Hindi naman alam ni Sakura kung bakit pero gusto niyang umiyak. Naguguluhan siya. Kay Sasuke. Sa feelings niya. Kay Itachi. Walang hiyang mga Uchiha to. Tahimik naman ang buhay ni Sakura dati bago sila dumating.

"Bakit mo ba kasi ako hinalikan? Ano ba talaga ko sa'yo?" Mapangahas na tanong ni Sakura. She wanted to let it off her chest since they kissed but she didn't have the courage. Finally, nasabi na niya.

"Sorry you had to find out that way. Pero, I meant what I said. I like you." Mahinahong pag-amin ng binata. Hindi alam ni Sakura ang gagawin o ang sasabihin. Nakatingin lang siya kay Sasuke, unable to breathe.

"Baka himatayin ka diyan. Wala ka sa ilalim ng tubig. Huminga ka." Kalmadong sabi ni Sasuke sabay inom ng beer. Tumingala ito sa kalangitan na kasulukuyang puno ng mga bitwin. Bilog at maliwanag ang buwan. Ang ganda at tahimik ng gabi.

Sa wakas. Nasabi na niya.

Muling ibinaling ni Sasuke ang tingin kay Sakura who was still quietly staring at him. Nagsmile siya dito, wondering what's going on her mind.

"Bakit tulala ka diyan? Nafafall ka na rin ba sa'kin?" Sasuke teased.

"Kailan pa?" Sakura can feel her heart pounding loudly inside her chest. Hindi niya rin alam kung bakit. This was not the first time someone confessed to her but she really felt nervous. Para siyang masusuka sa kaba.

Nagsmirk si Sasuke bago sumagot. Muling uminom ng beer, pampalakas ng loob. Eto na, all or nothing. Go big or go home. Laban o bawi, sabi nga ng Sexbomb.

"I don't really know, Sakura. I guess, simula pa nung una tayong nagkakilala. I found you amusing then. I wanted to be your friend," panimula ni Sasuke while staring longingly at Sakura.

First time makita ni Sakura na hindi stoic or nonchalant ang expression sa mukha ng binata. It was full of emotion, lalo ang mga mata niya.

Sasuke continued speaking, "…But then, habang tumatagal siguro narealize ko na I wanted more than that. Kaso ang bagal ko kasi. Parati akong nauunahan ni Kuya." He said with a hint of sarcasm.

Itachi. Fuck.

Puno ng kalungkutan ang ngiti ni Sasuke. Para bang, hindi pa siya naguumpisang lumapit, nagsisimula na siyang lumayo.

Hindi namalayan ni Sakura na umiiyak na siya. Lumapit ang binata upang punasan ang luha sa pisngi ni Sakura.

Little did Sakura know that she was longing for Sasuke too.

"Bakit ka umiiyak? Does it hurt to know na gusto kita?"

Ako nga dapat yung masaktan kasi di pa ko naguumpisa pakiramdam ko tinalo na naman ako ni Itachi. He thought.

Sasuke continued to wipe Sakura's tears.

"Sasuke, bakit…bakit ngayon lang?" Sakura asked, still crying. She took a deep breath then sighed.

"Why? Is it too late? I can still prove myself unless kayo na ni Itachi then I would respect that."

Hindi alam ni Sakura ang isasagot. She knew she had to talk to Itachi too to sort this out.

"I… I have to go. I need to think. I—"

"It's okay. Akyat ka na sa kwarto mo. You've had a long night."

Tahimik na tumayo si Sakura pabalik sa kanilang kwarto.

Sasuke watched her quietly walk away. Mabigat rin ang dibdib ni Sasuke.

Shouldn't he feel better kasi finally, nasabi na niya kay Sakura yung feelings niya?

But then he realized why.

May nakalimutan siyang sabihin-

"Akin ka na lang." Sasuke whispered as Sakura continued to walk further away from him.


A/N: Andddd finally nakaamin na rin si Sasuke kay Sakura! Ang bestie natin medyo confused pa. Di bale, mahihimasmasan rin yan soon.

Please stay tuned for the next chapter. Marami pang revelations. Malapit na 'tong matapos! Kapit lang!

Thoughts? Reviews? Hope you're all healthy and safe! Thank you for still reading this :)