"Lalalala, lala lala! Lalalala, la~!" Sabay sabay naming kanta habang nakasakay sa isang van. Puro masasayang mukha ang nandidito sa van. Kasulukuyan kaming papunta sa isang sikat na pool resort malapit sa X city.
"Wah, wag!" Sigaw ng isang lalaking nagbabasa ng isang libro. Halatang apektadong-apektado sya sa mga nangyayari sa libro.
"Psst, ano nanaman yang binabasa mo? Smuts?" Sabi ng lalaking katabi nya. Bigla naman nyang sinapak yung nagsalita at sinabing,
"Hindi, nagbabasa ako ng zomvie apocalypse. Ano ba."
Habang nagdadrive sila papunta sa resort, di nila namalayan na may "dead end" sign sa harapan nila. Pero it's too late, nabangga nila ang dead end sign at nahulog sa di matapos-tapos na madilim na butas.
"Ngghh... " Maririnig ang isang ungol mula sa isang kalsada na syang nagpa-alarma sa taong katabi ng lalaki. Dali daling kinuha ng lalaki mula sa kanyang bag ang isang bote na tubig at isang ready-to-eat meal package. Tinignan nya ang lalaking nakahiga sa kalsada na nasa ilalim ng lilim ng isang malaking puno.
"A-a-" Sinubukan nyang magsalita ngunit bigla syang pinigilan ng lalaki sa katabi nya.
"Wag kang magsalita. Uminom ka muna ng tubig." isang mataas at matinis na boses ang nagsalita sa tabi nya. Hinintay ng lalaking nakahiga na luminaw ang kanyang mga mata bago tinignan ng maigi ang taong nasa tabi nya. Biglang nanlaaki ang mga mata nya nang mamukhaan nya ang taong nasa tabi nya. Magsasalita na sana ulit sya ng bigla ulit syang pinigilan ng lalaking nasa tabi nya at pinainom ang isang bote ng tubig.
Halatang uhaw na uhaw ang lalaki dahil naubos nya kaagad ang bote ng malamig na tubig ng isang lagukan lang.
"Dahan dahan naman, baka mabulunan ka sa tubig." Sabi ng lalaking nasa tabi nya. Pinunasan nya muna ang bibig nya bago nagsimulang magsalita.
"A-Andrei, na-nasaan tayo, a-anong-p-paano-" Di na sya natapos ng pinatigil sya sa pagsasalita ni Andrei.
"Alam kong nakakalito, dahil nadisgrasya tayo bago tayo napunta dito. Ang malala pa, nagkahiwa-hiwalay tayong mgakakasama sa van... " Sabi nya ng marahan.
"At mukhang natrans-migrate tayo sa isang zombie apocalypse, ZM."
