"Uy tingnan nyo oh, si Mitsui paparating"

"Delikado to, mukha yatang masama ang gising nya"

"Ano ba yan, nakakatakot sya"

"Nakakatakot nga, pero pogi naman hihihi".

Nagbubulungan ang mga estudyante, nakita kasi nila ang popular na player ng shohoku na paparating.

"Mga bwisit, akala ba nila hindi ko sila naririnig" sambit ni Mitsui sa sarili. Nakasimangot sya ngayong naglalakad sa pasilyo ng Shohoku, papunta sa palapag ng mga third year. Nakapamulsa sya at halata sa mukha at pagkabwisit. Sinisinghalan nya ang kung sino man ang napapatingin sa kanya.

"Hoy ano yan?! Ang aga-aga bad mood ka ata ngayon ah, Mitchi-boy? Ginugulo ka ba ng mga yan?!" tanong ni Hotta, isa sa mga kaibigan nya. Papalapit ito ngayon sa kanya.

Napatingin si Mitsui dito. "Hotta..." Inirapan nya lang ito at dire-diretsong naglakad.

Lumapit ang kaibigan sa kanya.

"Ano bang problema Mit-chan, baka may maitulong kami." Saad ni Hotta, nagsilapitan rin ang iba nilang kasama at pumwesto sa likod nila na animo'y mga dakilang tagasunod.

Napabuntong-hininga na lang sya. Medyo makulit din kasi ang mga ito. Kahit mukhang mga sanggano, ay alam nyang sila ay mga totoong kaibigan.

Sila ang dumamay sa kanya noong mga panahong akala nya ay wala na syang kwenta sa mundo. At kahit iniwan na nya ang pagiging gangster at bumalik sa first love nya na basketball, ay hindi sya iniwan ng mga ito at bagkus ay patuloy pa ring sumusuporta sa kanya habang buong pusong iwinawagayway ang kulay orange na watawat na may nakasulat na "Man of Fire" sa bawat basketball game nito. Napangisi si Mitsui ng maisip ito, ngunit agad bumalik sa pagkayamot ang kanyang mukha.

Hindi alam ni Mitsui kung paano ipapaliwanag sa mga kaibigan ang kanyang dahilan ng pagkayamot. Habang nagiisip, naalala nya ang dahilan kung bakit sya nagkakaganoon.

*Flashback*

"Hello, si Ria ito ng Goemon's Pizza, ano pong maipaglilingkod ko?" tanong ng dalaga, may halong kalandian ang boses nito. Ito ang anak ng may ari ng Pizzeria. Nasa bente anyos na ito at may kagandahan din. Nasa 5'5 ang height at may magandang hubog ng katawan. Isa ito sa mga tinagurian na bitch ng Kanagawa. Malandi kasi ito ang mataray sa kapwa nya babae. Gandang ganda kasi ito sa sarili at mahilig sa lalake.

"Hello Ria-chan, ang ganda talaga ng boses mo, maari bang umorder ng dalawang large pizza, yung espesyal ha...katulad mo" ang malambing na sabi ng lalakeng nasa kabilang linya. (Malandi rin ang tono nito).

Namula ang pisngi ng babae nang marinig ang boses ng kausap.

"Mitsui-san talaga, boses ko lang ba ang maganda, hihi"

"Syempre maganda ka din." gatong nito. "Ria-chan, sana pakibilisan... maghihintay ako, alam mo na... dating gawi ah." Halos pabulong nitong sabi sa dalaga. (husky voice ang dating besh.)

"Okay Mitsui-san, right away"

Kilig na kilig naman ang gaga. Type na type kasi nito si Mitsui. Sya rin ang nagdedeliver ng mga order nito kahit alam naman ng lahat ng staff sa pizzeria, na ayaw nyang gumawa sa tindahan kundi ang sumagot lang ng telepono at magpa cute sa mga gwapong customer. Pero para kay Mitsui, gagawin nya ang trabahong yun kasi makikita nya ang kanyang apple of the eye.

Pagkababa nito ng telepono inutusan nya kaagad ang kanilang staff na unahin ang order ng kanyang lover boy.

(Mitsui Residence)

"Bye Ria-chan, hintayin ko yung mga pizza". paalam ni Mitsui dito. Nakangisi itong ibanaba ang telepono. Alam kasi niyang makakalibre na naman sya ng pizza. Alam nya kasing patay na patay sa kanya si Ria na ginagamit naman nya para makapang gulang. Nabibigyan din sya nito ng "extra service". Medyo tigang kasi sya dahil sa tindi ng practice nila ngayon. Laging syang pagod pagkagaling sa practice at wala munang oras para sa kanyang sex life. Mabuti nalang ngayon at pinauwi sila ng maaga ng kanyang captain na mukhang gorilla, kaya may oras syang maglandi, wala din ang kanyang mga magulang sa kanilang bahay, kaya malaya nyang magagawa ang anuman naisin, at naisip nya ay ang malanding anak ng may ari ng pizzeria, na tinatambayan na nila ng kanyang mga kaibigan noong sya ay gangster pa. Hindi lang naman ito ang babae sa buhay nya, pero obvious na obvious kasi na type sya nito at madali din itong makuha. Hindi sa pagmamalinis, pero hindi na rin inosente si Ria noong makilala nya ito. Naalala nya nang unang punta nya palang sa lugar na yon ay halos itulak na nito ang service crew na kumukuha ng kanilang order. Lumapit ito sa kanya at sinadyang ipakita ang cleavage nito sa binata.

*flashback ulit* (hay nakuuu)

"Hi pogi, anong order mo?" malambing nitong sabi sabay kindat. Mas lalo itong lumapit sa kanya na halos magdikit na ang malusog na dibdib nito sa kanyang balikat. Nasorpresa si Mitsui sa asal ng dalaga. Pero medyo dahil sanay na sya sa ganoong mga uri ng babae ay sinakyan nya ito. Binigyan nya ito ng pilyong ngiti, yung ngiting makalaglag panty.

"Ano bang meron nyo rito? Yun sanang espesyal ang gusto ko...katulad mo." Sabay haplos nito sa kamay ng dalaga.

Nag-init ang katawan ni Ria ng ngitian sya ni Mitsui. Nanghina rin ang katawan nya nang hawakan nito ang kanyang kamay. "Ang gwapo nya sa malapitan at ang macho pa" sabi nya sa sarili. Napakagat labi sya habang nakatitig sa binata. Nagtatatambol ang puso nya na sa tingin nya sa anumang oras ay baka bigla syang himatayin. Pero hindi sya pwedeng himatayin, hindi sa harap ng matipo at napakagwapong lalake. Mas lalo pang lumagkit ang titig nya dito.

"Ah eh, m-meron kaming e-especial p-pizza." Halos nabubulol na sabi nya. " Masarap y-yun, kasing sarap ko..

" pagkasambit ng huling salita ay mas lalo nya pang inilapit ang mukha sa gwapong binata na sinuklian naman nito nag paghaplos sa kanyang braso.

"Sige, iyon ang gusto ko, bigyan mo kami ng tatlo ha...at pakibigyan din ako ng extra-" halos pabulong na sagot nya sabay kindat. May diin ang banggit nya sa salitang "extra" at alam na ng babae kung anong ibig nyang sabihin. Pinisil nya rin ang braso nito.

"O-okay... wait lang ha..."

"Sige, maghihintay kami."

Samantala, maliban kay Tetsuo, pinagpapawisan ng malagkit ang mga kasama ni Mitsui. Halos hindi nila kayanin ang ginagawa ng dalawang tao sa kanilang harapan. Nakahinga sila ng maluwag nung umalis na sa kanilang lamesa ang babae para sa kanilang order.

"Ang tindi mo talaga Mit-chan, ang ganda ng chicks na yun ah!" sabi ng kaibigan nya na nakasalamin habang tinititigan ang magandang si Ria na papuntang counter.

"Ang swerte mo talaga Mitsui, sana lapitin din ako ng mga chicks." sabi ng isa pa nyang kaibigan.

Natatawa syang tiningnan ang mga ito sabay iling. Hindi kasi nabiyayaan ang mga ito ng magandang itsura.

"Sa tingin ko kailangan mo ito ngayon" si Tetsuo ang nagsalita. Sabay tapon ng isang pakete sa direksyon ni Mitsui.

Nasalo nya ang bagay na yon at pagkakita kung ano iyon ay ngumisi sya kay Tetsuo.

Condom ito.

Alam na talaga ng malapit na kaibigan ang pwedeng mangyari. Nanlaki naman ang mata ng iba nyang kaibigan ng makita ang bagay na yun. Kahit medyo matagal na rin kasi sila sa gang ni Tetsuo ay hindi pa rin sila sanay sa mga ganoong bagay. Mga hayskul pa kasi sila at walang karanasan sa ganoon maliban kay Mitsui.

"Salamat dito ah, wala pa naman akong dala hehe". Sabay lagay ng pakete sa kanyang bulsa.

"Dapat lagi kang may dalang ganyan, mahirap na. Kung hindi ka makadisgrasya, pwede kang magkasakit." pagkasabi nito ay sumindi ito ng sigarilyo.

"Oo na, oo na. With great looks talaga comes with great responsibilities hehe." natatawang sabi nya at sumandal sa upuan habang sinuklay ng kanyang kamay ang kanyang mahabang buhok.

Pagkalipas lang ng ilang minuto ay dumating na si Ria dala ang kanilang order. Maliban sa order nilang pizza ay meron pang isang bucket ng fried chicken at isang plato ng french fries at mga soda na dala ng isang staff. Pagkalapag ng mga ito ng pagkain ay animo'y parang ahas na pumulupot sa leeg ni Mitsui ang mga braso ni Ria at umupo sa kanyang mga hita.

"Huwag kang magalala sa bayad, libre na ang mga yan... " sabay halik nito sa pisngi nya.

"Thank you ha, ang generous mo pala." Ngisi nya dito. "Mukhang mapapadalas ang punta ko sa lugar na to." Sambit nya sa sarili.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila ng Pizzeria-kasama si Ria. Walang tigil sila sa mainit na paghahalikan habang naglalakad sa isa sa mga kalsada ng Kanagawa. Kahit pinagtitinginan sila ng mga tao ay hindi sila paawat. Namumula namang nakasunod ang mga kaibigan nya habang nahihiya sa nakikita, samantalang si Tetsuo ay napapangisi na lang.

Tumigil sila sa isang harap ng motel. Nakangising tumingin si Mitsui sa mga ito.

"Mauna na kami ha" pilyong ngiti nito sabay tingin sa babaeng nakapulupot sa kanyang braso.

"Sige, go ahead" pagtataboy ni Tetsuo sa dalawa.

Nagkatinginan ang mga hayskul gangster sa bawat isa, sabay buntong hininga habang pinagmamasdan ang kaibigan at babae nito na pumasok sa makasalanang lugar.

At doon na nagsimula ang mapusok na relasyon ni Mitsui kay Ria.

*present*

Natatawa sya habang naalala ang mga bagay na yon. Meron na syang libreng pagkain, meron pa syang babae. Habang nagmumuni-muni ay biglang tumunog ang kanyang doorbell.

"Siguro sya na yan, ang bilis nya ah"

Matagal-tagal din kasing hindi sila nagkita dahil sa basketball practice, kaya siguro atat na atat na itong makita sya. Hindi din kalayuan ang tinitirhan nya sa pizzeria, kaya siguro mabilis itong nakarating.

Lumapit sya sa pinto at hinanda ang kanyang pilyong ngiti na sasalubong sa dalaga. Nakasuot lang sya ng jogging pants, wala syang damit pang-itaas, kaya kitang kita ang matipuno nyang katawan na siguradong paglalawayan nito. Ipinuwesto na nya ang sarili sa pinto. Nakasandal sya habang ang kanyang kaliwang kamay ay nakataas na nakahawak sa gilid ng kanilang pintuan. Nakakatakam ang posing nyang ganun, akala mo model ng Axe. Bubuksan na nya ang pinto. Pinihit ng kanan nyang kamay ang doorknob at pagkabukas ng pinto ay sabay sabing...

"Hi, Ria-chan..." nakangisi nyang tanong habang bumubukas ang pinto. "Na miss mo b-" natigilan sya sa nakita.

Halata sa kanya ang pagkagulat, natulala din sya sa kaharap habang nasa ganong posing pa sya sa kanilang pintuan.

Halata rin sa taong kaharap nya ang pagkabigla. Nanlaki din ang mga mata nito.

"Ria-chan?!-eh?" gulat at nagtatakang sagot ng nito sa kanya. Napanganga ito pagkakita sa ayos nya.

to be continued...

Author's note:

Hi mga darling! Sa tingin ko ganito talaga si Mitsui oong gangster days nya. Marami na rin syang mga naging babae at marami na rin syang karanasan sa ganoong bagay. Hindi kasi maitatanggi yun dahil gwapo sya at malakas ang sex appeal. Hindi ko nga alam kung bakit doon sa SD series ay wala man lang nahuhumaling na chicks sa kanya. Pero sa tingin ko pokus si Inoue-sensei sa tinatawag na boys life at ball is life. Hehe. Sa tingin ko rin running gag lang yung mga cheering squad ni Rukawa para pangasar lalo ki Sakuragi.