"Mitsui-san talaga, boses ko lang ba ang maganda"
Nanggagalaiti si Mr. Goemon sa naririnig. Sya ang may ari ng Goemon's Pizza at ang tatay ni Ria. Pinapakinggan lang nya ang landian ng kanyang anak sa taong kausap nito sa telepono. Nagpapantig ang kanyang mga tenga sa naririnig. Napansin ito ng kanyang mga staff.
"Oy tingnan nyo si bossing oh, parang sasabog na bulkan"
"Naman kasi, nakikipaglandian na naman si Ria sa customer"
"Hindi lang yun, yung Mitsui pa ang kausap nya."
"Mitsui? Yung gangster na mahaba ang buhok?"
"Hindi na yun gangster noh, at tsaka ang gwapo kaya nun kaya hindi ko masisisi si Ria kung bakit patay na patay sa kanya."
"Tama ka gurl, Last time na nakita ko sya nagpagupit na sya ng buhok at basketball player na sya ngayon!"
"Mas lalo pa syang naging gwapo!"
"Pero bagay din sa kanya yung mahabang buhok. Bad boy na bad boy ang dating!"
"Type ko yung mukhang bad boy!"
Hindi napigilan ng mga babae ang magtilian, habang inaalala ang hitsura ng bida ng kanilang usapan.
"Hay mga babae talaga, puro hitsura lang nakikita"
"Tumigil ka nga! Kayo din naman ah!"
"Hoy tumigil na nga kayo, baka mapagalitan pa tayo ni boss"
"Oo nga, baka mapagbalingan pa tayo ng inis nya dahil sa malandi nyang anak"
"Sino yung Mitsui?" tanong ni Tsubaki sa kanyang mga katrabaho. Naghuhugas sya ngayon ng mga pinagkainan ng customer. Bago palang kasi sya sa trabaho, dadalawang linggo palang sya doon.
Napatingin sa kanya ang mga ito.
"Ah si Mitsui ba? Sya ang lalakeng kinahuhumalingan ni Ria." Sagot sa kanya ni Souji, mukha itong mabait at laging kalmado.
"Ah..." sukli nyang tugon dito.
Natigilan sila sa paguusap ng ibinaba na ni Ria ang telepono. Mataray itong lumapit sa kanila at nag-utos.
"Hoy kayo! Unahin nyo ang order ni Mitsui-san, Jirou! Dalawang order ng special pizza! Dalian mo, bilis at ayokong pinaghihintay ang mahal ko!" Utos nito sa isang crew na si Jirou. Payat ito at mukhang lampa, pero sa totoo lang ay mabilis itong kumilos. Agad itong tumugon kasi siguradong bubulyawan sya nito kapag nagdahilan sya.
"Oh Mitsui-san, sa wakas magkikita naman tayo, oh miss na miss na kita" naisabi ni Ria habang pinagnanasaan sa kanyang isip si Mitsui. Lagpas isang buwan na rin kasi nya itong hindi nakikita. Kaya sabik na sabik syang makitang muli ito.
Napabuntong hininga na lang ang mga ito sa kanya.
Makalipas lang ang ilang sandali ay handa na ang mga pizza. Ibibigay na sana ni Jirou ito sa kanya nang may galit na boses ang nagsalita.
"Hindi ikaw ang maghahatid nyan!" Paasik na sigaw ni Mr. Goemon sa anak.
Napanganga si Ria sa ama, pero bumawi kaagad ito. "Pero daddy, ako ang nangako ki Mitsui-san na magdedeliver nito." Sabi nya with matching pouty lips.
"Hindi! Hindi! Hindi!" sabay bawi sa dalawang box sa anak. "Kapag ikaw ang nagdedeliver ng pizza sa kanya, wala kang naibibigay na bayad! Lagi mo nalang nililibre ang mokong na yun!"
"No daddy, please ako nalang ang magbabayad sa pizza" pagsusumamo ni Ria sa ama.
Lalong nag-init ang ulo ng matandang lalake sa narinig at binatukan ang anak. "Pera ko rin pinambabayad mo! Gunggong!"
Napasimangot si Ria habang hinihimas ang ulong binatukan ng ama.
Tsubaki! Halika nga rito!" Pasigaw na tawag ni Mr. Goemon kay Tsubaki, na kasalukuyang naglilinis ng mesa. Dali-dali naman itong lumapit sa kanya.
"Ano ho yun boss?"
Ikaw na ang magdeliver nito" sabay abot ng dalawang pizza. Nagsulat din ito sa papel na ibinigay din sa kanya. "Yan ang address nang mokong na yon. Siguraduhin mong babayaran nya ang mga ito ha." utos nya kay Tsubaki. "Sayo na ang kalahati ng bayad at pagkatapos ay pwede ka nang umuwi, ibigay mo nalang sakin ang kalahati bukas pagpasok mo."
Nagliwanag ang mukha ng dalaga sa narinig.
"Yes sir, makakaasa kayo!" maliksi at nakangiti nyang tugon dito.
"Pero daddy!" reklamo ni Ria.
"Tumigil ka nga! Oh ikaw na ang magpatuloy ng pagpupunas ng mga mesa." binigay nya ang basahan sa anak.
Nagdadabog naman tumugon ang anak sa utos nito.
*meanwhile*
Hisashi Mitsui, Unit 121, 12th Floor, KANAGAWA SKY RESIDENCE. Ang basa ni Tsubaki sa papel habang namamangha sa gusaling nakikita. Nasa harap sya ngayon ng isa sa mga pinakamagarang residential building sa Kanagawa. Tanging mayayaman lang ang may karapatang tumira sa magarang lugar na ito. Nagdadalawang-isip sya kung papasok ba sya. Nakaka OP kasi ang hitsura nya.
Umiling sya. "Hindi pwede, kailangan kung madeliver to, sayang naman yung perang kikitain ko."
Pumasok na sya sa building at tinungo ang nasabing unit. Namamangha syang pinagmamasdan ang loob ng gusali. "Parang hotel lang ah, ang layo sa apartment ko." sabi nya sa sarili. "Ang yaman naman pala ng Mitsui na ito pero bakit hindi sya nagbabayad."
Nagbukas ang elevator at bumungad kaagad sa kanya ang unit ng taong kinahuhumalingan ng anak ng boss nya. Hawak sa kaliwang kamay ang dalawang malaking box ng pizza ay pinindot nya ang doorbell ng kanan nyang kamay. Kinikilig sya dahil malapit na nyang makuha ang perang ipinangako ng amo. "Yes, money money come to me!" Bulong nya sa sarili habang nakangiti, iniisip nya kung saan pwedeng gamitin ang extrang perang makukuha nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang naka topless na katawan ng isang lalake.
"Hi Ria-chan...na miss mo b-" natigilan ito sa pagsasalita ng makita sya.
"Ria-chan?eh?" naitugon nya rito. Napatulala sya sa ayos nito sa may pintuan na animo'y model ng kung anuman body spray. Nakataas ang kaliwang kamay nito sa pintuan. Nakanganga din itong nakatingin sa kanya.
"S-sino ka!" naibulalas lang nito nung natauhan.
Mitsui POV
"Sino tong babaeng to at nasaan si Ria?" bulong ko sa sarili ko.
Nasa aking harapan ngayon ang isang babaeng mukhang mas bata sa akin. Hindi pangkaraniwan ang kanyang hitsura para sa isang hapon. Kung hindi ako nagkakamali isa itong Hafu. Nakatali ang buhok nito na sa tingin ko pag nakalugay ay lagpas balikat ang haba na kasing kulay din ng buhangin sa dagat. Malaki at expressive ang kanyang brown na mga mata. Sa tingin ko kasing taas sya ni Miyagi. Makinis at maputi rin ang kutis nito. Hindi ko gaano matantya ang hubog ng katawan nya kasi may kalakihan ang suot nitong damit, parang pang hiphop ang dating. Medyo fierce ang expression nito pero mukha din itong inosente at maamo. Sa madaling salita, maganda sya.
"Sir, ikaw ba si Mitsui?"
Bigla akong nagulat ng magsalita sya.
"Ah, oo ako nga"
"Hindi si Ma'am Ria ang naghatid nito kasi inutusan sya ng Boss namin." sabi nya sabay bigay ng dalawang box ng pizza.
"Ah okay, salamat ha" sabi ko habang kinuha ko yung dala nya.
Pagkakuha ko ng pizza ay hinihintay ko na lang syang umalis, pero hindi pa rin sya natitinag sa kanyang kinatatayuan. Nakatitig lang sya saakin. Tinitigan ko rin sya at nginitian ng aking killer smile.
Wala syang reaksyon. Nakatitig pa rin sya saakin.
"Ugh! Kailan ba sya aalis, siguro type rin ako ng babaeng to. Hay naku... meron na naman isang nilalang na nahumaling sa gandang lalake ko."
"Ah miss, wala ka bang ibang pupuntahan?"basag ko sa katahimikan namin. Sinabi ko yun para matauhan na sya at umalis na. "Baka marami ka pang gagawin?"
Kumunot ang noo nito at lalo nya pa akong tinitigan. "Hay naku, low gets ba tong babaeng to? Ang hina pumick-up" sabi ko sa sarili ko ng biglang syang magsalita.
"Yung bayad nyo sir."...sabi nya. "yung bayad sa Pizza, five thousand yen lahat."
Bigla namula ang pisngi ko. Nakakahiya, yun pala ang hinihintay nya. Bigla rin akong pinagpawisan kasi wala akong naihandang pambayad dahil akala ko si Ria ang magdadala nito sakin. Walang perang iniwan sa akin ang mga magulang ko. Five thousand yen lang ang pera ko ngayon, allowance ko pa yun sa buong linggo na to. "Isip Mitsui, gumawa ka ng paraan, gamitan mo sya ng charms mo baka makalusot ka."
Nginitian ko sya. Yung ngiting siguradong makakaakit nang sino man nilalang sabay hawak sa kanyang braso.
"Baka pwede nating pag-usapan to." Hinimas ko ang kanyang braso pababa. Pero parang di umuubra, tiningnan nya lang ako ng masama.
"Yung bayad lang sir ang kailangan ko at aalis na rin ako." madiin nyang sabi sakin. "Saka pakialis ng kamay nyo sa braso ko."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Mukhang hindi patitinag ang babaeng to sakin.
Inalis ko ang kamay ko sa braso nya.
"O sige na, sige na." sabay talikod ko at hinawakan na ang pinto para isara.
Bigla naman nag panic yung babae at hinawakan ako sa braso para pigilan.
"Eh sir, yung bayad nyo." pilit nito.
Tiningnan ko sya at sarkastiko syang nginitian. "Pakilista na lang ha, wala akong pera eh." at tumalikod akong muli.
"Pero sir, hindi pwede, siguradong malalagot ako neto."
"Di ko na problema yun" Naglakad na ako para pumasok sana nang nagsalita sya.
"Ano ka ba naman! Ang yaman-yaman mo wala kang perang pambayad!" galit nitong wika. "Nakakahiya ka naman!"
Nagpintig ang tenga ko pagkarinig nun. "Anong sabi mo!" galit nako.
"Sabi ko nakakahiya ka! Akin na yan Pizza. Kukunin ko na, wala ka naman palang pambayad" sabay hawak nito sa dalawang box.
Hindi ko binitiwan ang pizza. Mas lalo ko pa itong hinawakan. "Ayoko." Madiin kong sabi.
"Aba't-" nanggagalaiti na nyang sabi.
Nag-hilahan kaming dalawa. Para kaming naglalaro lang ng tug of war. Buti na lang at walang taong nakakakita saamin kundi talaga naman nakakahiya. Biruin mo, ang dakilang si Hisashi Mitsui, nakikipaghilahan ng dalawang box ng pizza sa isang babae.
"Akin na sabi yan eh"
"Ayoko!" Malakas kung hinila ang mga box at nabitiwan nya ito. "He he, panalo!" Kitang kita ko ang pagkainis sa kanyang mukha. "Salamat miss ha, pakisabi na lang kay Ria salamat at miss na miss ko na sya, ba-bye." Sabay talikod ako.
"Kapag hindi mo binigay yan sa akin, siguradong magsisisi ka!"
Aba nagbanta pa. "Aber, anong gagawin mo?"
"Isusumbong kita! At kapag hinuli ka siguradong mababalita ka. Ang saya nun sigurado!" ngumisi sya sa akin. " Hisashi Mitsui, ang isa sa mga nakatira sa pinakamagarang residential building sa Kanagawa, naireklamo dahil walang pambayad ng pizza sa halagang five thousand yen! Ha ha ha ha! Siguradong sisikat ka!" tumawa ito ng nakakaloko at may halong pang iinis.
" Anak ng- walangyang babaeng to, tinakot pako!"
" Ano Mitsui-san, gusto mo bang sumikat?" nang-aasar nyang sabi.
Napakagat labi ako sa sobrang inis. Paano nga kaya kung tutuhanin nya ang banta nya, siguradong nakakahiya yon. Pagtatawanan ako ng buong Kanagawa at lalo na ng mga mokong na yun. (Insert Sakuragi at Miyagi na gumugulong sa katatawa). Magpapadaig na ba ako sa bruhang to?
Tiningnan ko sya ng masama.
"Tang-ina, wala na akong magagawa."
"O sige na, babayaran ko na, kukunin ko lang ang pera ko sa loob!" nakasimangot kong sabi. Bigla nyang nilahad ang kamay nya.
"Bigay mo muna yung pizza, mahirap na, medyo madugas ka eh, hehe"
Binigay ko na yung lecheng mga pizzang yun sa kanya at padabog na pumasok na sa loob. Kinuha ko sa aking kwarto ang wallet ko na may lamang limang libong yen. Yun yung presyo ng pizza at yun rin ang allowance ko sa buong linggo. Pag binigay ko yun wala na kong babaunin!
Nakakabwisit talaga!
Tinungo ko na ang pintuan at hinarap ang babaeng bruha.
Binuksan ko na ang wallet ko at kinuha ang perang ipambabayad ng may biglang nahulog sa aking wallet.
Sabay kaming napatitig kung ano yung nahulog.
"Sir, yung comdom mo nahulog." Kaswal lang nitong sabi sa akin.
Mabilis kung pinulot ito ang inilagay sa aking bulsa, habang namumula ang aking mukha sa hiya.
" Oh ayan na, eto na yung bayad para mawala ka na sa paningin ko!"
Kinuha nya yung pera at ngumiti sya sa akin. "Thank you ha, ba-bye sir."
Nakatalikod na sana sya nang bigla syang humarap muli sa akin.
"Ano na naman ba!" pabulyaw kong sabi sa kanya.
"Sa tingin ko hindi mo magagamit yan." Tinuro nya yung bulsa ko.
Napatingin naman ako sa bulsa ko at namulang muli.
Tumalikod na sya at parang baliw na tumatawa sabay umalis.
Naiwan akong nakatanga sa may pintuan namin. Halata ang pagkatalo.
Nakakainis talaga ang babaeng yun! Hindi lang yun!
Wala na nga ang baon ko,
Tigang pa rin ako!
*Tengena lungs*
Samantala, habang nag-huhuramentado si Mitsui, natatawa na lang si Tsubaki sa mga pangyayari.
Habang naglalakad sya palabas ng building, biglang nalang nyang nasabi sa sarili.
"Gwapo sana pero eng-eng naman." mahina syang natawa habang naalala ang mukha ng pagkatalo ni Mitsui.
Umihip ang hangin at napayakap sya sa sarili at tumingala sa madilim na kalangitan. "Hay...malamig ngayong gabi. Bilisan ko na nga at nang makauwi na".
Author's note:
Hafu: half japanese half foreigner.
Nasabi kong nakatira sa isang magarang residential building si Mitsui kasi binase ko yun sa ending song 3 ng SD, may scene kasi doon na yung kneepad nya, nasa may bintana at kita yung mga ibang building at yung mga sasakyan maliit na lang tingnan. Ang ibig sabihin noon nasa mataas syang floor at tanging ang mga expensive condo or apartment lang ang mga matataas ang residential building kumpara sa public housing ng Japan na umaabot lang hanggang 5th floor.
Gwapong-gwapo din si Mitsui sa sarili nya kasi masyado syang bilib sa kanyang sarili. Mayabang din sya kasi meron naman kasi syang ipagyayabang. Kahit noong unang pasok nya palang sa shohoku BB team, mayabang na sya at bilib sa sarili.
Tbc...
