Chapter Two- Fifteen
TUESDAY
"Good morning!"
Tahimik. I mean, maingay. Maingay-magulo. May kani-kaniyang buhay at meron din naming nangengeelam ng may buhay ng may buhay. May kumakain, may natutulog, may naglalaro, may nakatung-tong sa silya, may parang "wala lang"—and take note, hindi palengke ang pinasukan ni Yankumi kundi isang highschool classroom, & yet yan nanaman ang nakikita niya. Bakit pa siya magtataka eh kung ganyan na talaga ang mga estudyante niya since nung nag-simula siyang mag-turo. Pero… Faito-O!
"Tahimik!"
Walang reaction.
"Ano ba? Ano ba sabi ko pag may nagsasalitang teacher dito sa harapan ha?"
"Hay Yankumi, oo, alam na naming yun."
"Sige na, di bale na nga. Mag susulat uli ako ng math equation, this time subtraction naman."
'Yucks, pang elementary lang yun."
"Hay naku Noda, yun na nga eh, pang-elementary na nga lang, di niyo pa ma-aral. Tsaka maiging basic muna."
"Ay ano ba, panggulo naman tong si Yankumi sa ginagawa naming o."
"Dapat free time na lang, tsaka alam na naming yan."
"Aba teka, naka-ilang free time na ba kayo ha?"
"Wala pa nga eh!"
"Eh halos isang lingo yun ah."
"Hindi, isang araw lang!"
"Isang lingo!!"
"Isang –ARAW!"
"Eh bakit kasi hindi ka maghanap ng boyfriend?"
"Boyfriend?"
"Eh wala namang papatol diyan kay Yankumi eh."
"Una, flat chested."
"Pangalawa, walang taglay na ganda."
"Pangatlo, walang spirito ng pagiging babae."
"Pang-apat, talagang mukha ka lag talagang lalake."
"Aba, itong mga ito!"
"Tignan mo na, kung may boyfriend ka eh di sana sa kanya mo maririnig yan hindi sa ibang tao. Eh di na-lessen sana yung hiya mo."
"Ganun bay un?"
"Ay oo naman."
"Pero actually may nagugustuhan nga ako." Sabi ni Yankumi na nakangiting parang nananaginip na ewan.
"Sino naman kaya yung malas na lalake na yun?" bulong ni Uchi kay Minami.
"Baka si Vice principal!" bulong din ni Minami kay Uchi.
"Aba hindi isang gurang tulad ni Vice principal ang gusto ko ha?!"
Nagulat na lang sina Minami at uchi ng biglang nasa gitna na nila si Yankumi ng ganun kabilis.
"Eh sino naman kaya yang "MASUWERTENG LALAKE NA YAN HA?"
"Baka naman si Iwa Moto."
"Type mo ang isang hamak na PE teacher?"
"Hindi ah!"
"Eh sino nga?"
"Si…"
"Nasan na ang math problem?" biglang interrupt ni Shin.
"Ha?"
"Di ba subtraction na ngayon? O nasaan na?"
"Shin naman o!"
"Kayo talaga, winiwili niyo lang ako para maubos ang oras, tapos para hindi na naman tayo makapag-klase. Yang mga taktika niyo ha, ayus ayusin niyo!"
"Shin naman eh!"
Pero aakalain niyo bang sa pagkwekwentuhan na yun eh, umabot yun ng 59 minutes?
"Sixty five minus fifty? Ano sagot? Sige na kahit try lang."
RING-RING-RING.
"Whoooh! Karaoke time na!!"
"Babye Yankumi!"
"Uy, sandali, teka lang naman! Wag muna kayong umuwi, sagutan niyo muna to! Hoy!"
Di na nagawang pigilan ni Yankumi ang kanyang mga estudyante sa pag-uwi.
"Fifteen".
"Ha?" napatingin si Yankumi kay Shin.
"Sagot diyan sa tanong mo- fifteen."
"Ah oo nga." Biglang alala ni Yankumi.
"Bye."
"Wirdo!" bulong ni Yankumi sa sarili niya, sabay kagat sa labi niya.
"Uy." Biglang balik ni Shin.
"O?"
"Two points."
"Ano ba ya--?" umalis na bigla si Shin kaya di na natapos ni Yankumi ang tanong niya.
END OF CHAPTER TWO.
